Her Unexpected Proposal
July 2012
Baclaran, Manila
“So, ang sinasabi mo, hindi nasampal ng boss mo si Elaine, tama ba, Mr… ahm, Gomez?” sabi ng officer-in-charge, binasa ang statement ng tauhan ni Jemuel. Sa presinto sila umabot matapos niyang pukpukin si Jemuel ng bote ng alak sa bumbunan.
“Opo, Boss.”
Ibinalik ng imbestigador ang tingin kay Elaine. Nagtatanong ang mga mata nito. Inalis niya ang mga braso sa pagkakahalukipkip. Nasa kabilang side ng desk ng imbestigador si Jose, ang kasama ni Jemuel at si Jemuel mismo na nakabenda ang ulo.
Malikot ang mga mata nina Drew at Macon sa kanan niya. Sigurado siyang wala siyang maaasahan sa acting power at prowess ng dalawa. Habang ang lalaking nasa kaliwa niya—ang lalaking pakialamero na nalaman niya kanina lang na fresh graduate pala sa kursong Medisina, nakahalukipkip na nakikinig lang. Ito ang nagbigay ng first aid kay Jemuel bago pa dumating ang mga pulis.
Hay. She guessed she was all alone now. Wala siyang aasahan ngayon kundi ang God-given talent niya sa paggawa ng istorya.
Malakas na suminghot si Elaine. Hindi makapaniwalang napalingon sa kanya sina Macon at Drew nang magsimula siyang humikbi. Nagkatinginan naman sina Jose at Jemuel nang magsalita siya sa gumagaralgal na boses.
“A-ang ibig n’yo ho bang sabihin, Sir, mas paniniwalaan n’yo ho ang sinasabi ng dalawang iyan kaysa sa ‘kin na totoong biktima dito?”
Tumikhim ang imbestigador, parang na-guilty bigla. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin, hija. Walang CCTV ang bistro kaya kailangan naming imbestigahan ito nang maigi bago kami…” natigilan ito nang madramang nagpunas si Elaine ng luha kahit tuyo naman talaga ang mga mata niya. Pagkatapos, nangangatal ang mga labing dumukwang siya sa desk ng officer-in-charge. Itinuro dito ang gilid ng mga labi niyang putok pa. Natuon din doon ang tingin ng doktor sa tabi niya.
“Alam n’yo ho ba kung gaano kasakit masampal, Sir? Naranasan n’yo na ba? Sobra hong sakit. Ni hindi ho ako pinagbubuhatan ng kamay ng mga magulang ko pero ‘yong lalaking ‘yon… Nakakasama ho ng loob. Kailangang-kailangan ko ho ng hustisya para hindi ako habang-buhay ma-trauma.” Suminghot uli siya. Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan, papunas-punas pa rin sa gilid ng mga mata na nananatiling tuyo naman.
“Nagsisinungaling siya, Boss. Hindi ako ang may gawa niyan sa kanya. At saka ang bastos ng batang ‘yan. Hindi marunong gumalang sa matanda.”
Malakas na tumikhim ang imbestigador. Parang napapagod na bumuntong-hininga. “Hindi tayo matatapos dito kung iba-iba ang version n’yo.” Binalingan nito ang doktor na nananahimik sa tabi niya. “Ikaw, Doc, na-witness mo ba ang buong pangyayari para malinawan na tayo at matapos na ‘to?”
Napalingon si Elaine sa doktor. Nakatingin ito sa kanya. Hindi, nakatitig ito sa kanya.
“I’m not yet a licensed doctor, Sir,” pagtatama nito.
She earlier decided to call him good-looking. Pasimple niyang pinanood ang tiyak na galaw nito kanina habang nilalapatan ng first aid si Jemuel. Wala siyang mahagilap na tamang salita para i-describe ang kabuuan ng lalaki. Hindi ito bagay magdoktor sa tingin niya. Ang ganitong hitsura at katawan ay dapat nasa Hollywood at nag-aartista.
“So, ano ang eksaktong nangyari?” tanong ng imbestigador.
The police officer was asking him a question but why the heck was this guy kept looking at her? Ilalaglag ba siya nito? Binigyan niya ng pasimpleng warning look ang lalaki. Subukan lang nito.
Tumikhim ito, binawi ang tingin sa kanya. “Yeah, I was there, Officer. Nakita ko ang buong pangyayari.”
Nakapamulsang
lumabas ng presinto si Elaine kasunod sina Drew at Macon. Huminga siya nang malalim. Tumila na ang ulan. Sa tantiya niya ay pasado alas-dose na ng madaling-araw. Sa wakas ay nauwi sa settlement ang reklamo.“Pinagta-taxi na tayo ni Mang Chito pauwi,” sabi ni Macon.
Patawid na sila sa hintayan ng taxi nang lumapit sa kanila ang doktor. Nalaman niyang “Tan De Marco” ang pangalan nito.
“Elaine, hindi ba?” sabi ni Tan, pormal ang anyo.
“Mag-aabang lang kami ng taxi. Daanan ka namin dito. Paiikutin ko.” Si Macon na iginiya si Drew para samahan ito.
“May gusto ka bang hingin bilang kapalit ng pagsisinungaling mo para sa ‘kin? Kung meron, huwag kang mahiya, sabihin mo na.”
Huminga nang malalim si Tan. Pakiramdam niya ay nakukunsumi ito sa kanya. “Mali iyong ginawa mo kanina. Pati ang pagsisinungaling mo sa mga pulis.”
Umismid si Elaine. “Why did you take my side then?”
Hindi agad nakasagot ang lalaki.
“Ano ba ang depinisyon mo ng tama, Doc Tan? ‘Yong pambu-bully ng kubrador na ‘yon sa mga kaibigan ko? ‘Yon ba ang tama sa mga mata mo?”
“First of all, ikaw ang kinampihan ko dahil sobrang bata mo pa para ma-involve sa mga ganito. Had I not lied, sa presinto ka matutulog.”
Hinarap
niyaanglalaki. Napapangisi. “So, ito iyong pakiramdam na pinagsasabihan ng nakatatanda. Akala ko dati, masarap sa tainga. Nakakarindi rin pala.”“Look…”
“Ilang taon ka na?”
Kumunot ang noo ni Tan. But even though confused… “Twenty-seven.”
“Single?”
Hindi ito sumagot, nanatiling nakatitig sa kanya.
Ngumisi si Elaine, maluwang. “Huwag ka munang mag-aasawa. Hintayin mo ‘ko. Pakakasalan kita.”
One and a half year laterKakaligo lang ni Tan, bagaman nakabihis na ng pantulog, nakapatong pa sa ulo niya ang tuwalyang ginamit na pantuyo sa kanyang buhok nang lumabas siya ng banyo. Tinapunan niya ng sulyap ang orasan. Alas-otso ng gabi. He went home on time as usual. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Elaine sa kambal nina Sean and Thera kanina. They ate dinner together kasama ang mag-asawa.Matapos kumain, nag-umpisang mag tantrums si Jassy Mikaela pero agad nanahimik nang kargahin at aliwin ni Elaine. They decided to bring her to their room habang si Lucah Gabrielle ay sa guest room dinala nina Thera at Sean para patulugin. It was the second time Sean’s family visited them at magpapaumaga doon.May importanteng meeting si Sean at hindi nito gustong iwan ang mag-anak sa villa. Hanggang ngayon, binabawi pa rin ng dalawa ang mga panahong nasayang na hindi magkasama. Tan was genuinely happy for them.
Two HeartsNilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalaw
Handcuffed(Continuation of Chapter Thirty-three)Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina.Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.“I’m treating you
Ramdam ni Elaine ang bahagyang paninikip ng dibdib habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Marco. She didn’t want to lose a friend pero ayaw niyang paulit-ulit itong masaktan dahil sa kanya. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya sa boses nito kanina, alam niyang hindi pag-aalala ng isang lalaki sa isang kaibigan lang. Hindi siya tanga para hindi iyon maramdaman. At hindi siya selfish para patuloy itong paasahin at saktan. Marco was a good person. He deserved someone who would love him wholeheartedly.Elaine swallowed the imaginary lump in her throat nang bahagyang ngumiti at tuluyang magbuka ng bibig si Marco.“Kapag nakikita kitang malungkot, kapag alam kong mabigat ang dala-dala mo, kapag umiiyak at nasasaktan ka pero pilit mong itinatago… Kapag tumatawa ka at alam kong hindi iyon totoo kundi pakitang tao lang… iyon ‘yong mga pagkakataong gustong-gusto kong agawin ka sa asawa mo. Pero sa bawat mga pagkakataong iyon, para ako
But the broken smile started to change into a mischievous grin. Kasabay ng sinadyang pagtigas ng ekspresyon sa mukha, dumukwang nang bahagya si Elaine para pagpantayin ang mukha nila ni Mrs. Crisostomo.“Bakit ho hindi? Kung sasamahan at bibisitahin ninyo ako araw-araw uli?” anas niya, sa mahinang boses pero alam niyang sapat para marinig nito.Suminghap si Mrs. Crisostomo. She went literally still na pakiramdam niya, iingit ang leeg nito kung babaling sa kanya.Tumuwid si Elaine sa pagkakatayo. Guilt crept into her heart nang makita ang bahagya nitong panginginig. But Mrs. Crisostomo needed to taste a doze of her own medicine.Mental health problem was not a character failure kagaya ng gusto nitong ipahiwatig. Sandra kept telling her that at ilang beses din niya iyong sinubukang ipasok sa isip. She was glad she was able to voice it out now, hindi kagaya dati na takot siyang aminin ang sakit kahit sa sarili.Perhaps she was a little dif
Nagising si Elaine dahil sa tumatagos na sinag ng araw sa kuwarto ni Tan. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize kung anong oras na. It was past nine in the morning, said the clock that was hanging on Tan’s bedroom wall.Ang orihinal na plano ay maaga siyang gigising para ipaghanda si Tan ng almusal. Pero ang akmang pagbangon, nahinto nang maramdaman ang malaking kamay ni Tan na nakayapos hanggang sa kanyang balikat.Tiningala niya si Tan na natutulog pa rin. She took few deep breaths to calm the beating of her heart. This was her favorite sleeping position. Nakaunan siya sa dibdib ni Tan at malinaw na naririnig ang tibok ng puso nito.Sa loob ng mahabang panahon, kagabi lang uli siya totoong nakaramdam ng kapayapaan, ng seguridad, ng pagmamahal. She fell asleep fast and slept easy on his arms. Pagkatapos ng mga bangungot na dumaan at sumubok nang husto sa buhay nila ni Tan, pakiramdam niya ay kagabi lang siya nagising nang tuluyan.Maingat, kuma