MasukHalata naman sa ekspresyon ni Jace na iba siya sa lahat. Hindi man nito sabihin nang direkta ay halos umaapaw na sa tuwa ang mga mata ng binata!“Paanong pare-pareho lang?! Itim ang bracelet namin ni Adriane, samantalang silver ang sa’yo! Magkaiba kaya ang kulay ng mga ’yan!”Bakit naman kasi?!Hindi napigilan ni Jace ang bahagyang pag-angat ng mga labi niya. Ibinaba niya ang tingin at hinaplos ang bracelet na nasa pulsuhan, halatang tuwang-tuwa ito sa sarili.“Baka naman kasi mas bagay sa inyo ang itim.” ani Jace. Hehe!“Bagay din naman sa akin ang silver, ah!” sagot ni Kian. “Talaga ba?” sagot ni Jace. Hindi man lang nito inalis ang tingin sa bracelet na suot niya. Halatang wala na sa usapan ang isip niya habang sumasagot nang walang gaanong interes.Lalong nakaramdam ng inggit si Kian. Hindi niya maiwasang sumama ang loob habang pinagmamasdan ang bracelet ni Jace.“Jace, paano kung magpalit na lang kaya tayo? Sa tingin ko kasi mas bagay sa’yo ang itim, e. Simple, elegante, tapos
Wala na rin namang pakialam si Kian kung tunay ba o peke ang bracelet na ibinigay ni Cailyn. Masaya niya itong isinuot sa pulsuhan at saka kumuha ng ilang litrato gamit ang cellphone niya. Nagpadala siya ng tig-isang litrato sa lolo, tatay, at tiyuhin niya. Pagkatapos niyon ay nag-post din siya sa social media account niya.[Sa mundong puno ng paghihirap, ang baby ko lang ang munting White Rabbit na may tamis ng asukal.] iyan ang inilagay nitong caption na may kasama pang smiley face sa dulo. At kalakip ng post na iyon ang litrato ng bracelet na kakasuot lang niya.Isa siyang sikat na personalidad sa social media na may limampung milyong followers. Kaya naman kahit ilang sandali pa lang mula nang mag-post siya ay dagsa na agad ang mga fans niya. Sunod-sunod ang shares at likes sa bagong update niya.Ilang sandali lang ay nagsimula nang magkomento ang mga tagahanga tungkol sa litrato na ipinost ni Kian. "AAAAAHHHH! Hindi lang basta kamay ang kamay ni Kuya, parang iyan na ang pinakamal
Pagkasabi ng mga katagang iyon ay nahihiyang hinawakan ni Ruan ang brooch na binili ni Cailyn para sa kanya.“A-ate, puwede mo po ba akong tulungan na isuot ’to? Hindi ko po kasi alam kung paano ito ikakabit, e.”"Sus, kalokohan!" bulong ni Kian sa isip niya.Matalino ang lahat ng miyembro ng mga Figueroa, at hindi eksepsiyon si Ruan doon. Bata pa lang ito ay kayang-kaya na nitong buuin at pagtagpi-tagpiin ang isang baril na pinaghiwa-hiwalay ang mga piyesa. Tapos ngayon ay sasabihin nitong hindi nito kayang magkabit ng napakaliit lang na brooch? Sinong niloloko ng batang ito?Ang problema nga lang, napaniwala talaga nito si Cailyn.Pinanood ni Kian ang bawat hakbang ng dalaga habang papalapit ito sa kama.“Sige. Alin ba sa dalawa ang gusto mong isuot muna?” mahinnag tanong ng dalaga. Ilang sentimetro na lang ang layo ng magandang mukha ni Cailyn sa bata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ruan. Namula ang mukha nito at halos pabulong na sumagot kay Cailyn habang iniabot ang kamay
Diyos ko, maging ang mga socialite nga dati ay todo-effort na manligaw kay Jace pero lahat ng mga ito ay nabigo, at wala rin ailang nagawa noon kundi tanggapin na lang ang pagkatalo at lunukin ang lahat ng sama ng loob nila. Hanggang sa unti-unti ng kumalat ang balita tungkol sa napakasamang ugali ni Ruan, at hanggang sa makilala siya bilang isang batang hindi basta-basta kayang pakisamahan ng sinuman.Napatingin ang tauhan ni Jace kay Kian nang may pagtataka.“Sir Kian, hindi niyo ho ba alam?”Bakit? May dapat bang malaman si Kian? Tuluyang nalito si Kian at saka napakamot siya sa ulo.“Hindi, e. Teka, a-ano bang nangyayari rito?”tanong ni Kian. At hindi pa man siya nakakakuha ng sagot nang bigla na lamanh bumukas ang pinto ng VIP ward mula sa labas.At mula roon ay marahang pumasok si Cailyn, hinihingal ito nang bahagya habang bitbit ang napakaraming shopping bag, may mga malalaki at maliliit roon. Nanlaki ang mga mata ni Kian.“C-Cailyn?!”Shit! Bakit nandito ang pinsan ko?!Pag
Nang sumapit din ang hapon ay sumakay na ng taxi si Cailyn papunta sa ospital habang bitbit ang malalaking shopping bags na lagayan ng mga pinamili niya.At gaya ng dati ay napakarami pa ring tao sa buong ospital. Mabuti na lang at hindi siya pupunta sa outpatient department, kaya hindi na niya kailangan pang pumila. Dumaan siya sa mahabang hallway at dumiretso sa South Garden Inpatient Ward.Maingay at abala ang outpatient area, pero paglagpas niya sa isang corridor na napapalibutan ng mga halaman at puno ay tila ibang mundo na ang inpatient ward. Tahimik at presko ang paligid doon. May ilang mga pasyenteng naglalakad sa garden kasama ang kanilang mga bantay at payapa ang tanawin sa kabila ng pagiging abala ng mga tao sa ospital.At dahil maraming bitbit ay hindi na muna dumiretso si Cailyn sa kuwarto ng kaniyang tiyuhin. Sumakay muna siya ng elevator patungo sa ika-walong palapag. Halos puno ang VIP ward sa ikawalong palapag. Naroon sina Kian at Jace. Kasama rin nila ang isang binat
“Actually hija, hindi naman ito talagang malaking bagay, uh.. ” May kaunting hiya sa mabait na mukha ni Monette habang tinitingnan si Cailyn.“Ganito kasi hija, senior high school ka na at malapit ka na ring mag-college, hindi ba. May university ka na bang gustong pasukan? Kumusta kaya kung sa University of the Philippines College of Arts and Letters ka pumasok? Gusto mo ba roon, hija?” Bahagyang ngumiti si Monette matapos sabihin iyon.“K-kung gusto mo, may paraan ang Lola Monette para matulungan kang makapasok doon. Hindi naman masama ang grades mo, e. At saka kilala rin ang UP bilang isa sa mga pinaka-prestihiyosong university sa buong bansa. Kung makakakuha ka ng magandang recommendation at admission assistance ay mas mabuti iyon kaysa umasa ka lang sa resulta ng entrance exam.” muling saad ng ginang. Wala ng libre sa mundo. Kahit na may nag-abot man sa’yo ng libreng pagkain ay kailangan mo pa ring mag-ingat. Baka naman nahulog lang iyon mula sa napakataas na lugar at sakto nam
"Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. "Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pa
Ilang saglit pang napaisip si Cailyn bago sumunod.Napakalaki at napakalawak ng Pavillion, tila alam na alam rin ng lalaking kasama niya ang pasikot-sikot sa lugar. Na matangkad at may mahahabang mga binti. At kahit na mukha itong mabilis maglakad ay pinanatili pa rin nito ang kalahating pulgada l
SINO NGA BA naman ang aayaw sa magagandang tao at kahit mga bagay man? Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kian at lumapit kay Cailyn para tulungan ito sa bitbit nitong mga gamit. “Cailyn, ‘di ba? Ako si Kian, ‘yong pinsan mo. Pwede mo rin akong tawaging kuya.” pinangunahan na ni Kian ang pagbati. T
“Isara mo ‘yang bintana!” kaagad na utos ng lalaking may mababa at magaspang na boses mula sa back seat.Mababaw lang ang boses ng lalaki, may bahid din iyon ng talim, ngunit may kasamang tapang na hindi madaling balewalain.Mabilis na lumingon si Kian sa back seat nang marinig ang boses na iyon. M







