Share

Kabanata 3

Author: Belle Ame
last update Last Updated: 2025-10-28 22:57:41

“Isara mo ‘yang bintana!” kaagad na utos ng lalaking may mababa at magaspang na boses mula sa back seat.

Mababaw lang ang boses ng lalaki, may bahid din iyon ng talim, ngunit may kasamang tapang na hindi madaling balewalain.

Mabilis na lumingon si Kian sa back seat nang marinig ang boses na iyon. Masunurin din niyang itinaas ang bintana gamit ang mga kamay habang bumubulong sa sarili. 

“Sir Jace, parang hindi mo naman siya kapatid, e. Kaya bakit parang nagmamadali ka naman? Dapat nga ay narito na ako noong araw bago pa ang kahapon, pero pinilit mo akong magpunta sa CDO para sunduin ka, tignan mo at ngayon lang tuloy ako nakarating! Pinagalitan pa ako ng tatay ko kanina nang tawagan ako, binigyan pa nga ako ng ultimatum na kung hindi ko siya masusundo ngayong gabi ay ‘wag na daw akong babalik at siya na daw ang mismo ang pupunta rito para sunduin siya…” mahaba nitong litanya.

Tatlong araw na hindi nakatulog ng maayos si Jace Veller. Sumasakit ang kaniyang ulo at dahil doon ay labis ang nararamdaman niyang inis. Tila isang power drill sa kaniyang pandinig ang mga salita ni Kian. Pinigilan niya na lang ang paglabas ng alon ng emosyon sa kaniyang mga mata. Isinandal niya ang kaniyang likuran sa kinauupuan at walang emosyon niyang tiningnan ang lalaki na nasa harapan niya.

“Siya din ang mapapangasawa ko.” magaspang ang boses na sabi ni Jace.

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan sa ilang mga salita na iyon.

Sa loob ng tatlong henerasyon ay hindi naman ganoon kasama ang pamilya ng mga Quintana.

Ngunit kung ikukumpara sa pamilya ng mga Figueroa ay makikita mong may pagkakaiba pa rin sa mundo ng dalawa. Sabay na lumaki sina Jace at Kian sa magkaparehong compound. Ngunit sa loob ng ilang taon, unti-unti ring naintindihan ni Kian na iba si Jace sa kaniya, ganon din ang pamilya nito.

Sa henerasyo na ito, ang pinakapinag-uukulan ng pagmamahal ng mga Figueroa ay ang binatang nakaupo sa back seat ng sasakyan, isang binatang kinatatakutan ng lahat sa buong Pilipinas.

Kung hindi lang dahil sa buhay at kamatayan na nag-uugnay sa pagitan ng ama ni Kian at ng binatang ito, na nararamdaman niyang may utang na buhay sa kanila ay hindi na sana kailanman magkakaroon ng magandang kapalaran ang mapapangasawa nito dahil sa pamilya ni Jace…

Kumislap ang pag-aalala sa mga mata ni Kian.

Higit isang dekada na ring nawawala ang pinsan ni Kian. Nagawa na rin niyang mag-imbestiga noon ngunit wala siyang nakitang marka nito sa kahit saan. Marahil ay hindi rin ito good match para kay Jace.

“Ayan na, lumabas na siya!”

Nakaramdam ng pag-aalala si Kian nang bigla niyang masulyapan ang dalaga sa labas ng bintana ng sasakyan. Isang pigura ang mabagal na sumulpot mula sa aspaltong kalsada galing sa villa complex.

“Parang siya na nga ang kapatid ko. Sandali at lalabas ako para tignan,” kaagad na sabi ni Kian sa lalaking nasa likuran, kinalas niya ang suot na seatbelt at pagkatapos ay binuksan ang pinto ng sasakyan bago tuluyang lumabas.

Isang balingkitan na pigura ang lumapit sa ilalim ng sikat ng araw.

Ang unang bagay na pumasok sa isip ni Kian ay ang pares ng payat at mapuputing mga binti nito, diretso at talaga namang kaakit-akit ang hugis ng katawan.

Napaka-puti.

Sanay naman na si Kian sa pakikisalamuha sa ibang tao, at nakakita na rin siya ng magagandang mga babae sa showbiz, ngunit hindi niya pa rin maiwasang mapatitig sa babaeng iyon.

Lumapit ang dalaga sa kaniya, hindi hihigit sa seventeen o eighteen ang edad nito, napaka-puti ng kaniyang balat sa ilalim ng sikat ng araw na halos makita mo na ang mga purple na ugat sa ilalim ng kaniyang balat. Porselana ang kutis ng kaniyang mukha, pitch black naman ang mga mata, at ang pilik mata ay singhaba ng brush. Sa kabila ng malamig nitong awra ay kumikislap pa rin ang pahiwatig ng hindi makilalang pagka-ilang sa paglatao nito.

“Talaga naman!” hindi naiwasang bulalas ni Kian sa sandaling iyon kahit na nakakita naman na siya noon ng magagandang mga babae.

Binanggit na noon ng ina ni Kian na noong dalaga pa ang pangalawa niyang tiyahin ay ito ang pinaka-maganda kaysa sa ibang mga kilalang artista sa industriya ng showbiz. 

Hindi pa nga niya sineryoso iyon non, e. Dahil para sa kaniya ay wala namang katotohanan kung wala namang litratong maipapakita. 

Pero ngayon ay naniniwala na siya!

Tila sinampal nga siya ng katotohanan. 

SA KABILANG BANDA ay kaswal na nakikipag-usap si Cailyn sa kaniyang cellphone.

“Tang ina, pinalayas ka talaga ng pamilyang ‘yon? Nakakadiri naman sila! Nasanay na silang ginagamit ka para manatiling buhay ‘yang ampon mong kapatid, ‘tsaka palagi na lang nilang ginagamit ang status mo bilang pamilya para i-blackmail ka. Tapos ngayon ay bigla ka na lang nilang tatalikuran at palalayasin dahil nakikita na nilang wala ka ng silbi!” saad ng nasa kabilang linya.

“Kung nalaman ko lang talaga ng mas maaga, hindi mo na sana pinaghirapan ng husto ang pagpapagamot diyan kay Fayra. Wala naman silang alam. Paano pa gagaling iyang si Fayra na may maikling buhay at hindi na tatagal ng dalawampung taon kung hindi dahil sa ‘yo? Anong akala nila? Na parang isang simpleng sipon lang ang hemophilia na gagaling sa pag-inom ng amoxicillin at pagtulog ng maayos!” dagdag pa nito.

Bumaba ang tingin ni Cailyn sa sahig nang makita ang lalaking palapit sa kanya. 

“Pinakain at binihisan pa rin ako ng mga Avensa. Kabayaran ko na sa kanila ang pagtulong ko sa pag-gamot kay Fayra. At simula ngayon ay wala na akong kinalaman pa sa kanila.” kaswal na sabi ni Cailyn. 

Pinagngitnit ng taong nasa kabilang linya ang kaniyang mga ngipin dahil sa galit.

“Hindi mo ba alam kung gaano na kalaki ang naitulong mo sa pamilyang iyon sa paglipas ng mga taon? Kung hindi rin dahil sa ‘yo, paano sa tingin mo maiisip ni Harvey Avensa na palawakin ang negosyo niya mula sa Makati at sa buong Metro Manila? Tanga ba siya?!” galit nitong sabi. 

“Isa pa ‘yang kapatid mong hilaw, e. Dati ay palagi ka pa niyang pinakiki-usapan na turuan siya at nagpapatulong pa sa ‘yo sa music. Tignan mo hindi ba’t halos lahat sa pamilya nila ay sinamtala ka lang?” dagdag pa nito. 

“Akala ko pa naman noon ay sila na ang tunay mong mga magulang at kapatid, kaya naisip ko na lang na partial lang siguro sila. Tapos ngayon ay malalaman - laman ko na hindi naman pala kayo related sa isa’t isa, kaya napagtanto ko na wala pala talaga silang hiya, e!”

“Alam kasi nila na hindi ka naman nila tunay na kadugo at kailanman ay hindi ka man lang itinuring na miyembro ng pamilya, tapos nagawa ka pa nilang gamitin ng ganoon. Gawa ba sa titanium platinum ang mga balat ng mga ‘yon?”

Bahagyang ngumiti si Cailyn.

“Hmm… Kailan ka pa natuto magsalita ng ganyan? Alam na alam mo pa ang tungkol sa titanium platinum, ha.” saad ni Cailyn habang iniisip na tama naman ang paglalarawan nito sa pamilyang pinanggalingan.

“Palagi ko namang alam ‘yan!”

“Sige na, may gagawin pa ako, mamaya na ulit tayo mag-usap, ibababa ko na ito.” mahinang ani Cailyn nang makitang malapit na si Kian sa kaniyang kinaroroonan.

“Teka, saan ka mag-stay ngayong gabi? Gusto mo bang pumunta ako jan sa syudad para sunduin ka?”

“Hindi na kailangan, nandito naman na ang pamilya ko para sumundo sakin.”

“Nahanap mo na talaga ang tunay mong mga magulang?”

Naging blangko ang emosyon sa mga mata ni Cailyn.

“May ugat pa rin maging ang mga nalagas na dahon. Gusto ko lang malaman kung saan ba talaga ako nagmula at kung sino ba talaga ako.” mababa ang tono ng boses niiya.

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.

Ayaw nang malaman pa ni Cailyn ang iniisip ng kanyang kausap sa sandaling iyon. “Ibababa ko na.” bulong niya.

Mabilis niya ring pinutol ang linya. Kaya nang tuluyang makalapit sa kaniya si Kian ay wala na siyang kausap sa telepono at naitgo na niya ito sa bulsa ng kanyang suot na shorts.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 30

    "Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas ang dalawang kilay ni Cailyn, pagkatapos ay tumigil ang mga mata niya na parang mga bituin sa medyo namumulang mga pisngi at umaasang tingin ni Nissy. Pagkalipas ng ilang saglit ay napabuntong hininga na lamag si Cailyn at saka tumango na tila wala namang magawa."Sige na nga." ani Cailyn.Sakto naman na pumasok ang adviser ng klase pagkatapos sumang-ayon ni Cailyn sa gustong mangyari ni Nissy. Lumapit ang guro sa harapan at saka kinatok ang mesa na naroon. Nagkalasan lahat ng mga estudyante na parang mga ibon na nagliparan pabalik sa kani-kanilang upuan.Nagsimula ang guro sa pagpapaliwanag ng mga paalala para sa simula ng klase. Sa kalagitnaan ng klase ay bila na lamang nanginig ang tele

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 29

    PUMASOK SI Cailyn sa loob ng silid ng Class A, katabi lamang iyon ng silid ng Class B.Nanlaki naman ang mga mata ni Aina at nalaglag ang panga nang makita ang silid na pinasukan ni Cailyn."S-si Cailyn... s-siya ang tinutukoy sa forum? Pero paanong... p-paano naging ganon kataas ang grado niya sa exam..." saad ni Aina.Hindi naman umimik si Fayra, tila ayaw na nitong magsalita dahil sa labis na inis.Oo nga pala. Naalala ni Fayra na sobrang galing ni Cailyn noong nasa elementarya pa ito. Lagi itong nangunguna sa buong batch nila. 'Tsaka lang naman pumantay kay Fayra ang grado ni Cailyn nang tumungtong sila ng high school, pero tuwing ipinapaliwanag ni Fayra ang mga tanong na nasa exam kay Cailyn ay palagi na lang nitong natatantsa nang tama.Pinag-uusapan ng lahat sa buong silid ng Class A ang bagong estudyante na lilipat sa klase nila. Bihira lang kasi silang mag-aral nang sabay-sabay kaya sa oras na iyon ay puro kwentuhan at bulungan ang laman ng buong silid nila. Hanggag sa nakit

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 28

    Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng fo

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 28

    Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng f

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 27

    Narinig na rin iyon ng homeroom teacher mula sa Class S at hindi rin nito naitago ang nararamdamang inggit."Si Fayra ba ang irerekomenda sa People's Art Theater sa manila? Grabe, ang galing naman! Sobrang dami na rin kasing post online tungkol doon sa school forum. Magiging isa ka ng big star homeroom teacher! Nako, 'wag mo kaming kalilimutan kapa sumikat ka na, ha." saad ng guro kay Fayra.Humagikhik si Fayra bago magpaalam. "Una na po ako."---KINUHA NG head ng student affairs ang isang mock exam paper para kay Cailyn na nakaupo sa tabi ng sofa, may dala rin itong ballpen at scratch paper. "Wala pa kasi si principal e, kaya dito ka na muna kumuha ng exam. Ako na lang din ang titingin pagkatapos mo. Tsaka mo na lang malalmaan kung saang klase ka ilalagay kapag dumating na ang principal." saad nito kay Cailyn."Okay po," sagot ni Cailyn pagkatapos ay tsaka niya inabot ang hawak nitong papel at saka sinulyapan ang mga katanungan roon na parang walang pakialam.Tulad ng inaasahan niy

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 26

    NAMUMUKOD TANGI sa kalsada ang bagong bili na Bentley ni Harvey Avensa na kulay sapphire blue.Maraming mga magulang ang napapalingon roon, may halong kuryosidad at inggit sa mga mata habang nakatutok ang mga tingin sa direksiyon nila. Samantalang malapad naman ang ngiti nina Harvey at Fayra na nasa loob ng sasakyan, buong yabang na tinanggap ang lahat ng mapanuring tingin ng lahat sa paligid.Mabilis lang naman sinulyapan ni Cailyn ang dalawa at saka isinukbit ang dalang shoulder bag, pagkatapos ay dire-diretsong naglakad papasok sa gate papasok ng eskuwelahan, na para bang wala siyang kahit na anong kaugnayan sa dalawang tao na nakasakay sa magarang sasakyan na iyon.Napansin ni Fayra ang isang bughaw na pigura sa hindi kalayuan. Dahil sa talas ng mga mata niya ay kaagad niyang nakilala ang pigura ni Cailyn. Hinaklit ni Fayra ang manggas ng suot na damit ng kaniyang ama at saka itinuro ang papalayong anino ni Cailyn. "Daddy, hindi ba si Cailyn 'yon? Parang siya iyong nakita ko na n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status