공유

Kabanata 6

작가: Belle Ame
last update 최신 업데이트: 2025-11-03 22:41:38

"Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. 

Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. 

"Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pagpapakilala ng matanda sa kaniyang ama bilang isang guro.

Napansin ni Cailyn ang isang lalaki na nakasuot ng kilalang suit mula sa Tiño Suits, bahagyang namumula ang mga mata nito at nakakuyom ang mga kamao, mukhang nagpipigil ng mabuti para makontrol ang sariling mga emosyon.

Malabo ang konsepto ni Cailyn para sa isang ama, ngunit gusto yata ng lalaking iyon na tawagin siya nito sa ganoong paraan. Mariin niyang itinikom ang kaniyang mga labi. 

"Dad," tawag niya rito matapos tignan ang isang middle-aged na lalaki gamit ang malinaw na mga mata. 

"Ah!" mabilis namang namula ang mga mata ng lalaki na nasa middle-aged kasunod ng pag-iwas nito ng tingin, natatakot na ipakita kay Cailyn ang kaniyang emosyon. 

Bumuga ng hininga ang matanda, tila nabunutan ng tinik ang dibdib, pagkatapos ay ipinakilala pa kay Cailyn ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya. 

"Sila naman ay ang iyong tito at tita, at ang anak nila, si Klaire Anzelle. Nagpapatakbo sila ng negosyo sa abroad at halos kaedad mo lang din si Klaire. Nakilala mo na rin naman ang kaniyang kapatid, si Kian."

Pinasadahan ni Cailyn ang babaeng nakatayo sa tabi lamang ng mag-asawa, halos kaedad nga lang niya iyon. Kitang - kita niya ang kakaibang ekspresiyon ng mag-ina, halatang masunurin lang silang tumango sa pakilala ng matanda. Samantalang mukhang ayos lang naman ang lalaki, mainit siya nitong tinanggap at binati. 

"Tito, Tita," kalmadong sabi ni Cailyn pagkatapos nagmano sa dalawa na malugod namang tinanggap ng mag-asawa. 

Puno ng galak ang itsura ng matanda. Hindi niya inasahan na mabilis na sasama sa kanilang pamilya si Cailyn. Para sa kaniya ay kontento na siya hangga't hindi tumututol si Cailyn! 

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng apo. 

"Gutom ka na ba? Hindi ka pa ba nanananghalian? Halika na at kumain ka na muna." anyaya nito kay Cailyn pagkatapos ay bumaling sa ama nito. "Archer, sabihan mo na ang waiter na dalhin na rito ang mga pagkain." utos ng matanda sa anak. 

  "Okay, pa." sagot naman ng ama ni Cailyn. 

Masayang naupo ang buo nilang pamilya sa lamesa, walang tigil ang lolo ni Cailyn sa paglapag ng iba't ibang putahe sa kaniyang pinggan habang nagtatanong tungkol sa kaniyang nakaraan. 

Sinagot naman ni Cailyn lahat ng mga tanong ng matanda, kahit na maiksi lamang ang kaniyang naging mga sagot, at least ay hindi naman nila ipinapakita na hindi sila ganoon ka-interesado na marinig ang tungkol doon. 

BIGLANG NATIGIL ang matanda habang nagtatanong kay Cailyn, na tila ba nagdadalawang-isip sa pagpapatuloy.

"Uhm, Cailyn.... Nabalitaan ko na tumigil ka raw ng isang taon sa pag-aaral. Senior high ka na sa pasukan, hindi ba? Nakapag-desisyon ka na ba kung saang eskuwelahan mo gusto mag-aral? O kung may gusto ka bang eskuwelahan na pasukan?"  tanong ng matanda.

High School...School...

Kanina pa tila wala sa sariling sumisimsim ng sabaw si Cailyn sa sarili niyang mangkok. Bumaba ang kaniyang tingin nang marinig ang tinuran ng kaniyang lolo, itinatago ang kulay ng kaniyang mga mata. Ni hindi sumagi sa kaniyang isip ang tungkol sa kaniyang pag-aaral kung hindi pa iyon inungkat ng mtanda. 

Para kasi kay Cailyn ay isa lang namang  diploma ang high school at unibersidad, at sa tingin niya ay hindi na niya kailangan pa ang mga iyon.

Ngunit ngayon ay sandaling nakaramdam ng pag-aalinlangan si Cailyn. Inangat niya ang kaniyang tingin at saka umiling pagkatapos. 

"H-Hindi pa po ako nakakapag-desisyon, e." aniya.

Tahimik namang suminghal si Klaire sa kaniyang isipan. Inisip niya na kaya siguro nag-alinlangan saglit si Cailyn ay dahil baka mabababa ang mga grado nito sa eskwelahan. Kaya kung hindi makakapasok si Cailyn sa high school ay hindi siya makakapasok, tapos hindi pa siya makapag-desisyon ngayon.

Iba talaga itong si Lolo, tatanungin pa kung anong eskuwelahan ang gusto ni Cailyn! Sigurado ba siyang makakapasok kapag may nagugustuhan siyang isang bagay?

Nilingon naman ni Jace ang tahimik at masunuring si Cailyn habang kumakain.

"Maganda rin naman sa Philippine Science High School." kaswal na sabi ni Jace pagkatapos isandal ang likuran sa kaniyang inuupuan.

"Philippine Science High School?" ulit ng matandang Quintana. Bahagya siyang natigilan nang marinig ang tinuran ni Jace, dahil ang tunay niyang intensyon ay ang isama pabalik si Cailyn sa Manila para sa pag-aaral nito. Ngunit kalaunan ay naisip niya rin ang ibang katauhan ni Cailyn, ang fiance ni Jace Veller Figueroa!

Maraming tao sa Manila, marami ring mga mata na maaaring tumingin kay Cailyn. At kung walang pakundangang sasama si Cailyn pabalik ng Manila ay maaaring hindi ito maprotektahan ni Jace. 

"Maganda nga naman sa Philippine Science High School. Disente din ang kalidad ng pagtuturo doon. Ano sa tingin mo, Cailyn?" sang-ayon ng Lolo ni Cailyn matapos ang matagal na pag-iisip.

Philippine Science High School?

Tinikom ni cailyn ang sariling mga labi, hindi na ninanais pang manatili sa Makati. Ngunit tumango na lamang siya nang makatagpo ang umaasang tingin ng matanda nang kaniyang inangat ang kaniyang tingin.

"Kahit ano po, wala naman po akong pakialam." sagot ni Cailyn.

"Sige, Philippine Science High School na kung ganoon." 

Sa Manila rin naman kasi nagpapagaling ang matanda, at doon rin nagtatrabaho ang ama nito na si Archer. Kaya kung gustong manatili ni Cailyn sa Manila ay kakailanganing tumulong ng iba pa nilang pamilya sa pag-titingin kay Cailyn.

Nilingon ng matanda si Klaire, nakakunot ang noo.

"May bahay naman sa syudad ang pinsan mo. Pwede kang manatili roon pansamantala para sa huling mga taon mo sa high school, maliban na lang kapag nasa eskuwelahan ka." saad ng kaniyang Lolo.

Maliban kay Kian ay tila hindi naging komportable ang natitirang tatlong miyembro ng kanilang pamilya nang marinig ang tinuran ng matanda.

May bahay ngang nakabukod si Kian sa labas ng syudad, ngunit ano naman ang ibig nitong sabihin sa pagsasabi na doon sila titira? Pinababantayan ba niya ang mga ito?

Bigla namang sumimangot si Klaire, bilang mas bata sa kanila, ipinapakta ang hindi pagsang-ayon sa matanda.

Bahagyang napahiya si Archer na kanina ay ayos lang naman. 

Pinunasan ni Trethia Silva ang sariling bibig, na eleganteng nakaupo s tabi, nanghhinayang sa pagsali sa ganoong bagay tungkol sa pamilya.

"Mananatili rin naman ako sa Manila pansamantala. Pwede akong tumulong sa pagtingin kay Cailyn." kalmadong sabi ni Jace.

Mabilis namang nilingon ni Cailyn ang lalaki, direktang sinasalubong ang tingin nito.

ang tingin na iyon....

Kaagad niyang binawi ang tingin nang muntikan na siyang mabilaukan dahil sa hinihigop na sabaw.

WALA SA SARILING nagpatuloy sina Fayra at ang kaniyang ama na si Harvey sa pagkain. Kanina pa nila iniisip ang tungkol sa pagkikita nila ni Cailyn. Ilang beses na ring lumipad ang kanilang isip habang nag-uusap-usap ang kasama nila sa hapag.

Sa kabutihang - palad ay malapit talaga sa isa't isa sina Priscilla at Monette Del Veda. At sa huli ay kumpirmao nang makakapasok si Fayra sa People's Art Theater sa Manila pagkatapos ng entrance exam niya sa kolehiyo.

Dahil din doon ay nakaramdam ng kaunting gaan ang kanina'y mabigat na puso ni Fayra. At naging masaya rin ang kanilang mga bisita pagkatapos ng kanilang hapunan.

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 30

    "Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas ang dalawang kilay ni Cailyn, pagkatapos ay tumigil ang mga mata niya na parang mga bituin sa medyo namumulang mga pisngi at umaasang tingin ni Nissy. Pagkalipas ng ilang saglit ay napabuntong hininga na lamag si Cailyn at saka tumango na tila wala namang magawa."Sige na nga." ani Cailyn.Sakto naman na pumasok ang adviser ng klase pagkatapos sumang-ayon ni Cailyn sa gustong mangyari ni Nissy. Lumapit ang guro sa harapan at saka kinatok ang mesa na naroon. Nagkalasan lahat ng mga estudyante na parang mga ibon na nagliparan pabalik sa kani-kanilang upuan.Nagsimula ang guro sa pagpapaliwanag ng mga paalala para sa simula ng klase. Sa kalagitnaan ng klase ay bila na lamang nanginig ang tele

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 29

    PUMASOK SI Cailyn sa loob ng silid ng Class A, katabi lamang iyon ng silid ng Class B.Nanlaki naman ang mga mata ni Aina at nalaglag ang panga nang makita ang silid na pinasukan ni Cailyn."S-si Cailyn... s-siya ang tinutukoy sa forum? Pero paanong... p-paano naging ganon kataas ang grado niya sa exam..." saad ni Aina.Hindi naman umimik si Fayra, tila ayaw na nitong magsalita dahil sa labis na inis.Oo nga pala. Naalala ni Fayra na sobrang galing ni Cailyn noong nasa elementarya pa ito. Lagi itong nangunguna sa buong batch nila. 'Tsaka lang naman pumantay kay Fayra ang grado ni Cailyn nang tumungtong sila ng high school, pero tuwing ipinapaliwanag ni Fayra ang mga tanong na nasa exam kay Cailyn ay palagi na lang nitong natatantsa nang tama.Pinag-uusapan ng lahat sa buong silid ng Class A ang bagong estudyante na lilipat sa klase nila. Bihira lang kasi silang mag-aral nang sabay-sabay kaya sa oras na iyon ay puro kwentuhan at bulungan ang laman ng buong silid nila. Hanggag sa nakit

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 28

    Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng fo

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 28

    Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng f

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 27

    Narinig na rin iyon ng homeroom teacher mula sa Class S at hindi rin nito naitago ang nararamdamang inggit."Si Fayra ba ang irerekomenda sa People's Art Theater sa manila? Grabe, ang galing naman! Sobrang dami na rin kasing post online tungkol doon sa school forum. Magiging isa ka ng big star homeroom teacher! Nako, 'wag mo kaming kalilimutan kapa sumikat ka na, ha." saad ng guro kay Fayra.Humagikhik si Fayra bago magpaalam. "Una na po ako."---KINUHA NG head ng student affairs ang isang mock exam paper para kay Cailyn na nakaupo sa tabi ng sofa, may dala rin itong ballpen at scratch paper. "Wala pa kasi si principal e, kaya dito ka na muna kumuha ng exam. Ako na lang din ang titingin pagkatapos mo. Tsaka mo na lang malalmaan kung saang klase ka ilalagay kapag dumating na ang principal." saad nito kay Cailyn."Okay po," sagot ni Cailyn pagkatapos ay tsaka niya inabot ang hawak nitong papel at saka sinulyapan ang mga katanungan roon na parang walang pakialam.Tulad ng inaasahan niy

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 26

    NAMUMUKOD TANGI sa kalsada ang bagong bili na Bentley ni Harvey Avensa na kulay sapphire blue.Maraming mga magulang ang napapalingon roon, may halong kuryosidad at inggit sa mga mata habang nakatutok ang mga tingin sa direksiyon nila. Samantalang malapad naman ang ngiti nina Harvey at Fayra na nasa loob ng sasakyan, buong yabang na tinanggap ang lahat ng mapanuring tingin ng lahat sa paligid.Mabilis lang naman sinulyapan ni Cailyn ang dalawa at saka isinukbit ang dalang shoulder bag, pagkatapos ay dire-diretsong naglakad papasok sa gate papasok ng eskuwelahan, na para bang wala siyang kahit na anong kaugnayan sa dalawang tao na nakasakay sa magarang sasakyan na iyon.Napansin ni Fayra ang isang bughaw na pigura sa hindi kalayuan. Dahil sa talas ng mga mata niya ay kaagad niyang nakilala ang pigura ni Cailyn. Hinaklit ni Fayra ang manggas ng suot na damit ng kaniyang ama at saka itinuro ang papalayong anino ni Cailyn. "Daddy, hindi ba si Cailyn 'yon? Parang siya iyong nakita ko na n

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status