LOGINHindi naman mapili sa pagkain si Cailyn. “Kahit ano, okay lang sa akin.” mahinang dagot ni Cailyn habang nakayuko ng bahagya. “Kahit ano? Hay nako, mas mahirap tuloy pumili niyan.” Isinuksok ni Kian ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. Gwapo naman ang mukha nito ngunit sadyang nakakainis tingnan kapag nang-aasar. Ang dating kulay-lilang highlights sa buhok ng binata ay pinalitan na ng matingkad na kulay pula, na para bang nag-aapoy na balahibo ng ibon. Bagay na bagay sa magulo, malaya, at walang pakialam nitong personalidad.Bumaling si Kian kay Jace.“Ikaw, Jace? Ano’ng gusto mong kainin?” tanong nito. Tumingin si Jace kay Cailyn. Nakasuot ang dalaga ng hoodie, simple pero kapansin-pansin pa rin ang dating. “Mag-hot pot na lang siguro tayo.” mababa at kalmadong sabi ni Jace, malalim ang tingin. Naalala kasi niya iyong huling pagkakataon na pinapili niya si Cailyn kung ano ang gusto nitong kainin. Isang pagkain na may sabaw at may mga sangkap na parang hot pot an
Si Jace Verrell Figueroa yung tipo ng tao na hindi basta-basta nagkakagusto sa kung sino lang, lalo na pagdating sa mga relasyon. Sa tagal ng pagkakakilala ni Kian sa kanya, ni minsan nga ay hindi pa niya nakitang may babaeng talagang nagustuhan si Jace.Kaya noong biglang may ipinagawang trabaho sa kanya ang kompanya at kinailangan niyang umalis pansamantala ay wala naman siyang masyadong inisip pa at agad na sumunod sa utos. Umalis lang siya agad at saka tinapos lahat ng dapat niyang gawin doon.Pero bakit parang nag-iba ang lahat pagbalik niya?!Mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda sa pamilya Figueroa ay tila iba na ang pakikitungo ng lahat kay Cailyn.“Jace, eighteen pa lang si Cailyn, ah! Mag-eentrance exam pa siya para makapasok sa college! Dapat tumigil-tigil ka muna ngayon!”Bahagyang ibinaba ni Jace ang kanyang mga mata at tiningnan ang pilak na bracelet sa sariling pulsuhan niya. Hindi maikakailang napakaganda nito. Bahagyang umangat ang manipis na labi ng binata, d
Parehong nakatanggap ng regalo mula kay Cailyn ang dalawang miyembro ng pamilyang Figueroa. Ang nakatatanda ay nakatanggap agad ng regalo, samantalang ang nakababata naman ay napangakuang bibilhan siya ng ate niya sa susunod.Samantalanh ang trato sa sarili nitong miyembro ng pamilya na si Kian ay kapantay na lang pala ng kay Adriane!Paano naman nito kayang tiisin iyon, hindi ba?!“Ano ka ba, syempre gano’n din sa’yo. Sa susunod na may makita akong bagay na babagay sa’yo ay bibilhan din kita.” ani Cailyn. Hindi naman kasi madamot si Cailyn pagdating sa mga materyal na bagay. Kaya ngayong humingi na rin si Kian ay mapagbigay na lang siyang pumayag. Sa totoo lang ay hindi naman pangit si Kian. Sa katunayan nga ay pakiramdam ni Cailyn na parang nakita na niya sa kung saan ang mukha nito. Hindi lang talaga niya matandaan kung saang lugar iyon.Bahagyang kumunot ang noo ni Cailyn habang pilit na inaalala. Pero nang wala pa rin talaga siyang maalala ah nagpasya na lang siyang huwag nang p
Ano na ba talaga ang namamagitan sa dalawang ’to?!Tila biglang may tumunog na mga alarm bell sa isip ni Kian. Agad itong sumugod para harangan si Cailyn, para itong isang magulang na desperadong pinoprotektahan ang pinakamamahal na anak mula sa isang lalaking gustong umagaw rito.“Jace Verell Figueroa, hindi mo pa nga nakikita nang maayos ang damit, e. Paano mo naman nasabing gusto mo na agad iyan? Paano kung hindi mo naman pala magustuhan?”Bahagyang nanliit ang mga mata ni Jace habang matalim itong nakatingin kay Kian.Bigla tuloy pinagpawisan nang malamig si Kian, pero hindi ito umatras ng kahit isang hakbang. Buo ang loob nitong sinalubong ang tingin ni Jace.“Pagdating sa mga damit, kailangan mo munang subukan bago mo malaman kung babagay ba sa’yo! Basta na lang naman bumili si Cailyn, e. Paano kung hindi namna pala maganda ang dating kapag sinuot mo na? Paano kung hindi rin tama ang size niyan, 'di ba?” ani Kian. "Malay mo, makahanap pa ako ng paraan para mapalitan ’yan!" dag
Halata naman sa ekspresyon ni Jace na iba siya sa lahat. Hindi man nito sabihin nang direkta ay halos umaapaw na sa tuwa ang mga mata ng binata!“Paanong pare-pareho lang?! Itim ang bracelet namin ni Adriane, samantalang silver ang sa’yo! Magkaiba kaya ang kulay ng mga ’yan!”Bakit naman kasi?!Hindi napigilan ni Jace ang bahagyang pag-angat ng mga labi niya. Ibinaba niya ang tingin at hinaplos ang bracelet na nasa pulsuhan, halatang tuwang-tuwa ito sa sarili.“Baka naman kasi mas bagay sa inyo ang itim.” ani Jace. Hehe!“Bagay din naman sa akin ang silver, ah!” sagot ni Kian. “Talaga ba?” sagot ni Jace. Hindi man lang nito inalis ang tingin sa bracelet na suot niya. Halatang wala na sa usapan ang isip niya habang sumasagot nang walang gaanong interes.Lalong nakaramdam ng inggit si Kian. Hindi niya maiwasang sumama ang loob habang pinagmamasdan ang bracelet ni Jace.“Jace, paano kung magpalit na lang kaya tayo? Sa tingin ko kasi mas bagay sa’yo ang itim, e. Simple, elegante, tapos
Wala na rin namang pakialam si Kian kung tunay ba o peke ang bracelet na ibinigay ni Cailyn. Masaya niya itong isinuot sa pulsuhan at saka kumuha ng ilang litrato gamit ang cellphone niya. Nagpadala siya ng tig-isang litrato sa lolo, tatay, at tiyuhin niya. Pagkatapos niyon ay nag-post din siya sa social media account niya.[Sa mundong puno ng paghihirap, ang baby ko lang ang munting White Rabbit na may tamis ng asukal.] iyan ang inilagay nitong caption na may kasama pang smiley face sa dulo. At kalakip ng post na iyon ang litrato ng bracelet na kakasuot lang niya.Isa siyang sikat na personalidad sa social media na may limampung milyong followers. Kaya naman kahit ilang sandali pa lang mula nang mag-post siya ay dagsa na agad ang mga fans niya. Sunod-sunod ang shares at likes sa bagong update niya.Ilang sandali lang ay nagsimula nang magkomento ang mga tagahanga tungkol sa litrato na ipinost ni Kian. "AAAAAHHHH! Hindi lang basta kamay ang kamay ni Kuya, parang iyan na ang pinakamal
TILA ISANG nagbabagang apoy ang klima ngayong buwan ng Hunyo. Kitang kita rin ang paghulma ng mga heat waves sa aspaltong kalsada, na wala naman ni iisang tao ang naroon. Hinila ni Cailyn ang bagong ayos niya na maleta palabas ng kaniyang silid. At bago pa siya makababa ng hagdan ay rinig na niya
"Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas
PUMASOK SI Cailyn sa loob ng silid ng Class A, katabi lamang iyon ng silid ng Class B.Nanlaki naman ang mga mata ni Aina at nalaglag ang panga nang makita ang silid na pinasukan ni Cailyn."S-si Cailyn... s-siya ang tinutukoy sa forum? Pero paanong... p-paano naging ganon kataas ang grado niya sa
“Heto ang sampung libo,” aniya at saka bumuntong hininga. Inilapag niya ang isang bungkos ng tag-iisang libo sa palad ni Cailyn. “Heto! Bumalik ka na…. Sa tahanan ng mga magulang mo at magpakabait ka. Itabi mo ang pera na ‘to pambili ng mga damit mo. Maaari mo rin itong magamit para sa pag-aaral mo







