Se connecterIlang saglit pang napaisip si Cailyn bago sumunod.
Napakalaki at napakalawak ng Pavillion, tila alam na alam rin ng lalaking kasama niya ang pasikot-sikot sa lugar. Na matangkad at may mahahabang mga binti. At kahit na mukha itong mabilis maglakad ay pinanatili pa rin nito ang kalahating pulgada lang na layo kay Cailyn.
Kumunot ang noo ni Cailyn nang makaramdam ng kaunting pananakit ng ulo. Humigpit ang hawak niya sa dala-dala niyang shorlder bag.
Noon pa naman niya gustong malaman kung sino ba talaga ang kaniyang tunay na mga magulang, ngunit ngayon ay tila nagkakagulo-gulo lang ang lahat...
"Cailyn?" isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa kaniiang tabi habang nagpapatuloy siya sa paglakad.
Inangat niya ang kaniyang tingin sa tumawag sa kaniya at sa hindi kalayuan ay nakita niya ang mga nakatayo na grupo ng mga tao.
Ang pamilyang nagpalayas sa kaniya kanina lang, kasama sina Harvey Avensa at ang kaniyang asawa, si Priscilla Avensa, at si Fayra Avensa ay naroon.
Maliban pa kina Harvey Avensa at ang pamilya nito ay naroon din sina Aiden at ang nobya nito ay naroon din. May dalawang babae pa na hindi niya kilala ang naroon, nakasuot ng bestida na gawa ni Max Mara. At may isa ding dalaga roon na umaalalay ng isang matanda, naka-ayos ng bun ang mamuti-muti na nitong buhok, nakasuot ng emerald green na kwintas na puno ng mga diyamante. Nakasuot naman ng isang eleganteng funnel neck dress ang isang babae, nagsusumigaw ng karangyaan at pagka-elegante. Nakatutok ang mga mata nito sa kinaroroonan ni Cailyn habang bumubulong sa katabi na marahil ay nagtatanong kung sino nga ba siya.
Nagbago at naghalo ang ekspresyon ng bawat miyembro ng mga Avensa nang makita si Cailyn.
"Anong ginagawa mo dito?" mababa ang boses na tanong ni Harvey, ngunit may bahid iyon ng pagka-iritable.
Inalok na niya ng pera si Cailyn, na agad naman 'tong tinanggihan ng huli. Buong akala ni Harvey ay matigas lang talaga ang ulo nito, ngunit ngayon ay talagang sinundan pa siya nito roon!
Naroon sa lugar ang buong pamilya ng mga Salazar, at malapit na ring maging apprentice ng mga ito ang kaniyang anak na si Fayra. Hindi na nais pa ni Harvey na magkaroon ng panibagong iskandalo patungkol sa kanilang pamilya at malaman pa iyon ng lahat sa kanilang lugar kaya pinigilan niya ang nabubuong galit at muling kinausap si Cailyn.
"Cai, hindi ka naman namin pinalayas, e. Ikaw ang naglabas ng impormasyon mo online para hanapin ang totoo mong mga magulang. Nahanap mo na sila. Bakit hindi ka pa bumalik sa kanila? Bakit ka pa nanggugulo rito?" aniya.
Inisip niya na marahil ay narinig ni Cailyn ang pag-uusap nila kanina habang nasa itaas pa ito ng hagdan at sinadya lang na sundan sila roon.
Maya-maya pa ay muling hinugot ni Harvey ang kaniyang pitaka mula sa kaniyang bulsa at naglabas ng ilang libo at iniabot kay Cailyn.
"Napag-isipan mo na ba ng maayos, o gusto mo nang kunin itong sampung libo?" saad ni Harvey nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Jace na nasa abi lang ni Cailyn.
Pinagmasdan ni Cailyn ang naiinis na ekspresyon ng kinilala niyang ama. Inagat niya ang tingin rito at akmang sasagot na nang biglang may dumausdos na magaspang at malalaking kamay sa kaniyang baywang. Itinulak pabalik ni Jace ang pera kay Harvey at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Cailyn.
"Halika na. Naghihintay na sa 'yo si Lolo." mahina niyang sabi matapos ang ibaba ang tinginsa dalaga.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Cailyn. Sinuman sa mga kakilala niya at nakakakilala sa kaniya ay alam na ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya. Naisugod pa nga sa ospital ang huling tao na nagtangka sa kaniyang gawin iyon noon at nagtagal pa iyon ng tatlong buwan bago tuluyang gumaling at makalabas ng ospital.
Nilingon ni Cailyn ang lalaking may malaki at mainit na palad na mahigpit na nakahawak sa kaniya. Namuo ang malilit na butil ng pawis sa palad ni Cailyn.
Hindi na kailangan pang hawakan ang kaniyang kamay kung gusto lang naman nitong tulungan siya!
Akmang itutulak ni Cailyn si Jace palayo sa kaniya, ngunit nakita niya ang nakakatusok na tingin ng pamilyang kaniyang kinalakihan mula sa hindi kalayuan kaya nilunok na lamang ang mga salitang nais niyang sabihin.
Hindi na niya nilingon si Harvey, maging ang makihalubilo ay hindi niya na rin tinangkang gawin.
Sumunod na lamang siya kay Jace habang ramdam niya ang mapanuring tingin ng mga Avensa sa kanilang dalawa.
Dumiretso ang dalawa papasok sa isang pintuan na may nakaukit na "VIP". Tila binuhusan naman ng malamig na tubig ang buong Avensa lalo na si Harvey habang sinusundan ng tingin ang dalawa.
Hindi tulad ng ibang ordinaryong lugar ang SR Pavillion. Lumalago naman ang negosyo ng mga Avensa, at gumamit pa sila ng ilang koneksyon para makapagpa-reserve doon sa gabing iyon. Standard na private room lang ang nakuha nila, samantalang si Cailyn ay sumama sa binatang iyon na pumasok sa isang VIP Lounge.
Tila ba dalawang salita lang ang pinagkaiba, ngunit ang puwang sa pagitan ng mga estado na iyon ay napakalalim na para bang isang bangin na hindi kayang tawirin ng sinuman!
HUMIGPIT ang hawak ni Fayra sa kamay ni Priscilla, nanginginig ang mga mata habang nakatingin sa iniwanang direksyon nina Cailyn at Jace.
"Lola, narinig mo ba ang sinabi ng lalaki na iyon? Parang sinabi niya na naroon sa loob ng VIP Lounge ang Lolo ng kapatid ko.." marahang sabi ni Fayra.
Pero hindi ba ay nasa prboinsya ang totoong pamilya ni Cailyn? Paano naman nila nakayanang kumuha ng VIP Lounge sa SR Pavillion?
Tila unti-unting naunawaan ng mga Avensa ang nangyayari dahil sa biglaang pag-iba ng kanilang mga ekspresyon. Ngunit dahil sa may iba silang kasama ay hindi nila mapag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon sa oras na 'to kaya't isinantabi na lang nila ang kanilang mga haka-haka at sinundan ang waiter patungo sa kanilang lamesa.
PABUKAS na itinulak ni Jace ang pintuan ng VIP Lounge. At doon ay maayos na naka-upo ang ilang hindi niya kilalang mga tao.
Sa pinaka-unahang pwesto sa palibot ng lamesa ay mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ng isang matandang lalaki na nakaupo sa wheelchair, nag-utos ito ng isang tao upang itulak siya palapit kay Cailyn. Sabik nitong hinawakan ang kamay ng dalaga pagkalapit niya rito.
"Ikaw ba si Cailyn? Good girl.. Good girl... Pagkatapos ng ilang taon, sa wakas ay nahanap ka rin ng Lolo! Takot na takot talaga ako na baka mauna pa akong mamatay bago ka pa mahanap. Paano ko na lang haharapin ang Mama mo sa kabilang buhay kung hindi kita nahanap agaf..." naluluhang sabi ng matanda kay Cailyn.
Tinitigan ni Cailyn ang namumuting buhok ng matanda. Mukhang hindi naman peke ang naging ekspresyon ng matanda sa kaniya. Napuno na ng luha ang matalim nitong mga mata, ipinapakita ang malawak nitong emosyon. Maging ang kulubot na nitong mga kamay na nakahawak sa kamay ni Cailyn ay nanginging.... Kailanman ay hindi pa nakaramdam ng ganoon si Cailyn noon, paiba-iba ang timpla ng kanyang damdamin habang hawak pa rin ng matandang lalaki ang kaniyang kamay at wala itong tigil sa pagsasalita.
Sa kabila ng lahat ng pinagdaan ng matandang Quintana ay sandali itong nadala ng sarili nitong damdamin. Ngunit unti-unti rin nitong nabawi ang kaniyang sarili. Namumula pa rin ang mga mata nito dahil sa kaniyang labis na pagluha. Kinuha niya ang kamay ni Cailyn at sinimulang ipakilala isa-isa ang ma taong naroon sa silid na kasama nila.
Itinago ni Cailyn ang kaniyang telepono pabalik sa kaniyang bulsa at nilakasan ang loob na nagpaalam sa kaniyang Lolo."Lolo, m-may pupuntahan po sana ako mamaya." aniya."Saan mo gustong pumunta, hija? At uutusan ko ang pinsan mo para samahan ka." saad ng matanda nang hindi na nag-iisip. Ngayon lang niya ulit nakasama ang apo at handa siyang sungkitin ang mga bitwin sa langit para lang mabigay ang gusto ng apo."Lolo, may pupuntahan pa akong press conference mamaya. Nangako na sa akin si kuya na ihahatid niya ako do'n." singit ni Klaire na may pagkislal ng hindi pagsang-ayon sa mga mata.Medyo sikat at kilala si Klaire sa showbiz, bilang isa rin naman siyang maganda at matalinong pinagpalang babae. Bago pa ito makatapos sa kolehiyo ay ilang beses na siyang umakto sa mga TV Dramas. Kilala rin ang pangalan nito sa buong syudad ng Metro Manila."Hindi ba pwedeng ang driver na lang natin ang maghatid sa 'yo?" turan ng matanda. Hindi kasi ito sang-ayon sa pagsali ni Klaire sa showbiz. Hin
HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahagya namang kumibot ang mga kilay ni Cailyn at masunurin pa ring binati ang matandang babae na kausap ng kaniyang Lolo."Hello po, Ma'am Monette." aniya.Maya- maya pa ay mabilis na hinubad ni Monette ang suot na bracelet sa kaniyang palapusuhan at pinilit itong iabot at ilagay sa palad ni Cailyn. Kulay ginto iyon at may naka-ukit na letrang 'C'."Naku, napakabait mo namang bata, hija. Pasensya na, hindi ko kasi alam na dadalhin ka pala ng lolo mo ngayon dito para maghapunan. Kung alam ko lang ay naghanda sana ako ng mas magandang regalo para sa 'yo, hija. Ilang taon na rin mula nang mabili at mapabasbasan ko ito. Sana ay 'wag mong masamain." humihingi ng paumanhin na saad ni Monette sa dala
HINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa. "May problema ba?" magaang tanong ni Aiden na katabi ni Fayra sa paglalakad.Kinagat ni Fayra ang ibabang labi at saka umiling. "Wala naman, medyo masakit lang ang ulo ko." malambing niyang sagot ni Fayra habang nakatingin sa determinadong itsura ng nobyo.Mula pa naman noong bata ay sakitin na si Fayra kaya hindi na iyon masyadong inisip pa ni Aiden. Nilingon niya ang mga matatanda habang sumusunod sa mga ito sa paglalakad palabas ng pavillion at nagpapalitan ng pagbati sa isa't isa."Gusto mo bang pumunta ng ospital?" ani Aiden.Kaagad namang hinaklit ni Fayra ang braso ni Aiden, pinipigilan niya. Nagsisinungaling lang naman kasi ang dalaga at hindi naman talaga masama ang pakiramdam nito. "Hindi na kailangan, Babe. Ganito na
"Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. "Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pagpapakilala ng matanda sa kaniyang ama bilang isang guro. Napansin ni Cailyn ang isang lalaki na nakasuot ng kilalang suit mula sa Tiño Suits, bahagyang namumula ang mga mata nito at nakakuyom ang mga kamao, mukhang nagpipigil ng mabuti para makontrol ang sariling mga emosyon.Malabo ang konsepto ni Cailyn para sa isang ama, ngunit gusto yata ng lalaking iyon na tawagin siya nito sa ganoong paraan. Mariin niyang itinikom ang kaniyang mga labi. "Dad," tawag niya rito matapos tignan ang isang middle-aged na lalaki gamit ang malinaw na mga mata. "Ah!" mabilis namang namula ang mga mata ng lalaki na nasa middle-aged kasunod ng pag-iwas nito ng tingin, natatakot na ipakita kay Cailyn ang
Ilang saglit pang napaisip si Cailyn bago sumunod.Napakalaki at napakalawak ng Pavillion, tila alam na alam rin ng lalaking kasama niya ang pasikot-sikot sa lugar. Na matangkad at may mahahabang mga binti. At kahit na mukha itong mabilis maglakad ay pinanatili pa rin nito ang kalahating pulgada lang na layo kay Cailyn.Kumunot ang noo ni Cailyn nang makaramdam ng kaunting pananakit ng ulo. Humigpit ang hawak niya sa dala-dala niyang shorlder bag.Noon pa naman niya gustong malaman kung sino ba talaga ang kaniyang tunay na mga magulang, ngunit ngayon ay tila nagkakagulo-gulo lang ang lahat..."Cailyn?" isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa kaniiang tabi habang nagpapatuloy siya sa paglakad. Inangat niya ang kaniyang tingin sa tumawag sa kaniya at sa hindi kalayuan ay nakita niya ang mga nakatayo na grupo ng mga tao. Ang pamilyang nagpalayas sa kaniya kanina lang, kasama sina Harvey Avensa at ang kaniyang asawa, si Priscilla Avensa, at si Fayra Avensa ay naroon.Maliban pa ki
SINO NGA BA naman ang aayaw sa magagandang tao at kahit mga bagay man? Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kian at lumapit kay Cailyn para tulungan ito sa bitbit nitong mga gamit. “Cailyn, ‘di ba? Ako si Kian, ‘yong pinsan mo. Pwede mo rin akong tawaging kuya.” pinangunahan na ni Kian ang pagbati. Tiningala ni Cailyn ang lalaki. Matangkad si Kian at gwapo rin ang itsura nito. Natural na nakangiti ang makitid at peach blossom na mga mata nito, nagbibigay ng impresyon sa ibang tao na siya ay hindi mapanakit at palakaibigan ang pakiramdam. May matingkad na purple highlight sa buhok nito na tumatakip sa kaniyang noo. At sa marangal nitong anyo ay makikita ang mapaglaro at palabiro nitong pag-uugali.Hmmm… tila nakita na niya ang ganitong mukha noon.May pagka - face blind si Cailyn kaya hindi siya gaanong nakakaalala ng mga hindi naman ganoon ka-importanteng tao. Pinipili lamang niya sa kaniyang isip ang itsura ng mga tao na nakilala na niya at hinahayaan na lang kung hindi niya maalala an







