MasukSINO NGA BA naman ang aayaw sa magagandang tao at kahit mga bagay man?
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kian at lumapit kay Cailyn para tulungan ito sa bitbit nitong mga gamit.
“Cailyn, ‘di ba? Ako si Kian, ‘yong pinsan mo. Pwede mo rin akong tawaging kuya.” pinangunahan na ni Kian ang pagbati.
Tiningala ni Cailyn ang lalaki. Matangkad si Kian at gwapo rin ang itsura nito. Natural na nakangiti ang makitid at peach blossom na mga mata nito, nagbibigay ng impresyon sa ibang tao na siya ay hindi mapanakit at palakaibigan ang pakiramdam. May matingkad na purple highlight sa buhok nito na tumatakip sa kaniyang noo. At sa marangal nitong anyo ay makikita ang mapaglaro at palabiro nitong pag-uugali.
Hmmm… tila nakita na niya ang ganitong mukha noon.
May pagka - face blind si Cailyn kaya hindi siya gaanong nakakaalala ng mga hindi naman ganoon ka-importanteng tao. Pinipili lamang niya sa kaniyang isip ang itsura ng mga tao na nakilala na niya at hinahayaan na lang kung hindi niya maalala ang mga ito.
“Uhm.. H-hello, Cailyn Morwenna,” magalang niyang bati, nagmumukhang mabait at sweet sa mga mata ni Kian.
“May mobility issues si lolo at hindi na kayang sumakay ng eroplano, kaya inutusan na lang niya ako para sunduin ka. Nasa bus siya kaya mahuhuli iyon ng dating. May reservation nga pala tayo mamaya sa SR Pavillion kasama ang daddy mo at ang mga magulang ko, doon tayo maghahapunan. Panigurado ay naroon na rin sila ngayon. Mauna na tayo.” ngumiti si Kian matapos sabihin iyon. Inilahad rin nito ang kamay para tulungan si Cailyn sa mga dalang bag.
“Siya nga pala, Cailyn, naroon ang kaibigan ko sa sasakyan. Sasama kasi siya sa hapunan natin mamaya. Ayos lang ba sa ‘yo?”
Iniwasan ni Cailyn ang naka-abang na kamy ni Kian nang hindi pinapahalata. Sinundan na lamang niya ito nang may kaunting kalayuan.
Sandaling natigilan si Kian at napatitig sa naka-abang pa rin niyang kamay. May bahid ng pagtataka sa kaniyang mga mata nang nilingon ang kanyang pinsan na mukhang marikit at pihikan sa kaniyang tabi.
Ni hindi man lang niya nakita kung paano siya nito iniwasan.
Sa pag-iisip na baka hindi naman iyon sinasadya ay naglakad na lang siya palapit sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang pinsan.
“Sakay na, mainit dito sa labas.” aniya.
Bago pa man tuluyang makalabas ng villa complex si Cailyn kanina ay wala siyang idea kung sino nga ba talaga ang kaniyang tunay na mga magulang o kung ano ang gawain ng mga ito. Pinost lang naman niya ang mga impormasyon tungkol sa kaniya sa isang kilalang website online para sa mga naghahanap ng mga nawawalang bata, at hindi nagtagal ay may tumawag na sa kanya.
Si Harvey ang nag-asikaso ng mga follow - up. Kalaunan ay nagbanggit si Fayra na “hindi sinasadya” na ang kaniyang mga magulang ay isang guro mula sa syudad ng Iloilo.
Inaninag ni Cailyn ang nakaparadang Mercedes, na kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw, at saka iniwas ang tingin rito.
Alam niya ang modelo ng ganitong sasakyan. Minsan nang sinabi sa kaniya ni Lorelei na nag-uumpisa sa dalawang milyon ang halaga nito.
At ang isang ito, na may sunproof pa, ay malinaw na isang top-of-the-line na modelo. At panigurado na nagkakahalaga ito ng hindi bababa sa 3.8 million pesos.
Bahagyang tumaas ang kilay ni Cailyn. Samantalang nagkakahalaga lamang ng isang million ang Vios na binili ni Harvey Avensa dalawang taon na ang nakakalipas. Sino naman kaya itong lolo niya na nagmula pa sa syudad ng Iloilo?
Nanuot sa balat ni Cailyn ang lamig ng air conditioniong pagpasok niya sa sasakyan, inaalis ang init dahil sa sikat ng araw mula sa labas. Natanaw niya doon ang “kaibigan” na sasama sa kanilang hapunan mamaya.
Panigurado ay nasa early twenties pa lang ito, na may kapansin-pansing katangian sa mukha. Nagkaroon ng malamig at matigas na awra ang mukha nito habang itinataas ang sariling baba, marahil ay dahil sa bahagyang pag-angat ng sulok ng kaniyang mga labi. Maging ang suot nitong suit, na mula sa hindi niya kilalang brand, ay napakahusay ng pagkakagawa, na para bang tinahi talaga para sa kanya. Kumikinang din ang gintong metal na butones nito na tila ba hindi kailanman natitinag. At ang malalalim na mga mata ng lalaki ay may bahid ng pagod ngunit marangal na awra at nagbibigay dito ng presensya na hindi basta-bastang nalalapitan.
May suot rin itong Buddhist bracelet sa kaniyang pala-pulsuhan, sumisimbulo ng kapayapaan. May bahidandalwood ang amoy ng sasakyan.
Budista ba ang isang ‘to?
Ngumiti si Kian at pinakilala ang dalawa sa isa’t isa habang nanatili siya sa labas ng sasakyan.
“Cailyn, siya si Jace Veller, ‘yong kaibigan ko. Pwede mo rin siya tawaging kuya.” saad nito.
Natiglan naman si Cailyn at nag-iwas ng tingin.
Kahit na medyo maluwag naman ang loob ng Mercedes ay tila wala pa ring mapaglagyan ang mahahabang binti ng lalaki. Kaya napilitan na lang itong itupi ng bahagya ang sariling mga binti para magkasya silang dalawa.
Ramdam ni Cailyn ang titig na nakatuon sa kanya. Itinikom niya ang kaniyang mga labi at saka yumuko.
“H-hello po, Kuya Jace,” marahang sambit ni Cailyn sa marahan pero kaswal na tono bago tuluyang umupo ng maayos.
Bahagya namang umagant ang tingin ni Jace marinig ang mahinang pagtawag ni Cailyn sa kaniya ng “Kuya”. Kumislap ang bihirang pahiwatig ng pagkabahala sa malalim nitong mga mata.
Tinignan ni Jace ang babaeng tahimik na nakaupo sa kaniyang tabi.
Maputla ang balat nito. Napaka - putla at pino na para bang isang porselana. Manipis ang talukap ng mga mata, at kumikislap ang mahahaba nitong pilik-mata habang nakatanaw sa labas ng bintana. Napaka - liit, napaka -amo!
Magaling na driver si Kian. Tatlo silang nasa loob ng sasakyan, at para bang iniiawasan niyang mailang si Cailyn kaya paminsan-minsan ay nagbibigay siya ng topic para makipag-kwentuhan dito. Maging ang tungkol sa kaniyang pamilya ay mahinahon niyang ipinakilala kay Cailyn.
Buong byahe naman ay nanatiling tahimik ang lalakig nakupo sa tabi ni Cailyn.
Ngunit habang nanatili itong nakaupo roon ay tila isa itong leon na namamahinga. Hindi maikakaila ang lakas ng kaniyang presensya kahit na hindi niya ipakita ang pangil o kuko.
Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa kanilang pupuntahan.
Nakatayo ang pavillion sa pinakasentro ng lungsod. Sa lupang singhalaga ng ginto, na bawat pulgada ay tila sayang lang kung hindi mo pagtatayuan ng isang gusaling mataas at halos umabot na sa ulap.
Kahit na ganoon ay nasa pinakamaunlad na bahagi naman ng lungsod ang Donayre Pavillion na talaga namang may malawak na taniman at hardin. Nananatili itong tahimik at marangal sa kabila ng kinatatayuan nito na nasa gitna ng kasiglahan, isang lugar na likas ng nakalaan para sa mararanya at mauunlad na negosyo.
“Ipa-park ko lang itong kotse," ani Kian sa lalaking nanatili pa ring tahimik sa loob ng sasakyan. “Sir Jace, nakapagpa-reserve na ako sa VIP Lounge. Isama mo na muna si Cailyn sa loob, susunod ako kaagad pagka-park ko nitong kotse.” dagdag na bilin ni Kian.
"Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas ang dalawang kilay ni Cailyn, pagkatapos ay tumigil ang mga mata niya na parang mga bituin sa medyo namumulang mga pisngi at umaasang tingin ni Nissy. Pagkalipas ng ilang saglit ay napabuntong hininga na lamag si Cailyn at saka tumango na tila wala namang magawa."Sige na nga." ani Cailyn.Sakto naman na pumasok ang adviser ng klase pagkatapos sumang-ayon ni Cailyn sa gustong mangyari ni Nissy. Lumapit ang guro sa harapan at saka kinatok ang mesa na naroon. Nagkalasan lahat ng mga estudyante na parang mga ibon na nagliparan pabalik sa kani-kanilang upuan.Nagsimula ang guro sa pagpapaliwanag ng mga paalala para sa simula ng klase. Sa kalagitnaan ng klase ay bila na lamang nanginig ang tele
PUMASOK SI Cailyn sa loob ng silid ng Class A, katabi lamang iyon ng silid ng Class B.Nanlaki naman ang mga mata ni Aina at nalaglag ang panga nang makita ang silid na pinasukan ni Cailyn."S-si Cailyn... s-siya ang tinutukoy sa forum? Pero paanong... p-paano naging ganon kataas ang grado niya sa exam..." saad ni Aina.Hindi naman umimik si Fayra, tila ayaw na nitong magsalita dahil sa labis na inis.Oo nga pala. Naalala ni Fayra na sobrang galing ni Cailyn noong nasa elementarya pa ito. Lagi itong nangunguna sa buong batch nila. 'Tsaka lang naman pumantay kay Fayra ang grado ni Cailyn nang tumungtong sila ng high school, pero tuwing ipinapaliwanag ni Fayra ang mga tanong na nasa exam kay Cailyn ay palagi na lang nitong natatantsa nang tama.Pinag-uusapan ng lahat sa buong silid ng Class A ang bagong estudyante na lilipat sa klase nila. Bihira lang kasi silang mag-aral nang sabay-sabay kaya sa oras na iyon ay puro kwentuhan at bulungan ang laman ng buong silid nila. Hanggag sa nakit
Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng fo
Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng f
Narinig na rin iyon ng homeroom teacher mula sa Class S at hindi rin nito naitago ang nararamdamang inggit."Si Fayra ba ang irerekomenda sa People's Art Theater sa manila? Grabe, ang galing naman! Sobrang dami na rin kasing post online tungkol doon sa school forum. Magiging isa ka ng big star homeroom teacher! Nako, 'wag mo kaming kalilimutan kapa sumikat ka na, ha." saad ng guro kay Fayra.Humagikhik si Fayra bago magpaalam. "Una na po ako."---KINUHA NG head ng student affairs ang isang mock exam paper para kay Cailyn na nakaupo sa tabi ng sofa, may dala rin itong ballpen at scratch paper. "Wala pa kasi si principal e, kaya dito ka na muna kumuha ng exam. Ako na lang din ang titingin pagkatapos mo. Tsaka mo na lang malalmaan kung saang klase ka ilalagay kapag dumating na ang principal." saad nito kay Cailyn."Okay po," sagot ni Cailyn pagkatapos ay tsaka niya inabot ang hawak nitong papel at saka sinulyapan ang mga katanungan roon na parang walang pakialam.Tulad ng inaasahan niy
NAMUMUKOD TANGI sa kalsada ang bagong bili na Bentley ni Harvey Avensa na kulay sapphire blue.Maraming mga magulang ang napapalingon roon, may halong kuryosidad at inggit sa mga mata habang nakatutok ang mga tingin sa direksiyon nila. Samantalang malapad naman ang ngiti nina Harvey at Fayra na nasa loob ng sasakyan, buong yabang na tinanggap ang lahat ng mapanuring tingin ng lahat sa paligid.Mabilis lang naman sinulyapan ni Cailyn ang dalawa at saka isinukbit ang dalang shoulder bag, pagkatapos ay dire-diretsong naglakad papasok sa gate papasok ng eskuwelahan, na para bang wala siyang kahit na anong kaugnayan sa dalawang tao na nakasakay sa magarang sasakyan na iyon.Napansin ni Fayra ang isang bughaw na pigura sa hindi kalayuan. Dahil sa talas ng mga mata niya ay kaagad niyang nakilala ang pigura ni Cailyn. Hinaklit ni Fayra ang manggas ng suot na damit ng kaniyang ama at saka itinuro ang papalayong anino ni Cailyn. "Daddy, hindi ba si Cailyn 'yon? Parang siya iyong nakita ko na n







