LOGINPOV: JustineNakatayo kami sa harap ng altar, magkahawak ang aming mga kamay habang ang liwanag ng araw ay lumalagos sa mga kulay-vitral na bintana ng simbahan. Ang buong paligid ay nababalutan ng isang banal na katahimikan, na para bang maging ang hangin ay huminto upang makinig sa aming mga pangako.Dahan-dahan kong pinalitan ang aking hawak sa nanginginig na mga kamay ni Hilary. Nakatitig ako sa kaniyang mga mata—ang mga matang pilit kong hinanap sa loob ng pitong taon, ang mga matang naging tanglaw ko sa pinakamadilim na bahagi ng aking buhay.Huminga ako nang malalim, pilit na pinatatag ang aking garalgal na boses habang ang mga luha sa aking mga mata ay patuloy na nag-uunahang pumatak."Hilary... aking Princess..." panimula ko, habang ang aking hinlalaki ay marahang humahaplos sa kaniyang balat. "Pitong taon ang nakararaan, pumasok ako sa isang madilim na silid kung saan ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng heart monitor. Akala ko noong araw na iyon, natapos na ang buha
POV: HilaryTumataginting ang tunog ng kampana ng simbahan, at sa dahan-dahang pagbuka ng dambuhalang pinto, lumabas ang maaliwalas na liwanag ng araw na dumadampi sa aking mukha. Napakahaba at napakaganda ng putting bridal gown na aking suot, ngunit ang bawat tahi nito ay tila mabigat sa aking dibdib dahil sa matinding emosyong nag-uumapaw sa aking puso.Inihakbang ko ang aking unang tapak sa kahabaan ng aisle. Sa bawat pag-sulong ng aking mga paa sa carpet, kasabay niyon ang mabilis na pagdaloy ng aking mga luha. Hindi ko mapigilan ang paghagulgol. Habang nakatitig ako sa malayo kung saan nakatayo ang lalaking naghihintay sa akin sa harap ng Altar, tila isang napakalakas na unos ng mga alaala ang biglang bumalot sa aking isip.Flashback...Pitong taon na ang nakararaan, sa aming ancestral house sa Romblon...Bakas pa sa aking katawan ang panghihina mula sa aking paglabas sa ospital. Namumutla pa ang aking balat, ngunit ang puso ko ay punong-puno ng takot at pagmamakaawa. Sa harap
POV: JustineNakatayo ako sa harap ng dambuhalang salamin sa loob ng presidential suite ng hotel. Ang puting tuxedo na aking suot ay napakalinis at lapat na lapat sa aking katawan—simbolo ng isang bagong simula na kailanman ay hindi ko inakalang darating pa sa aking buhay. Ngayong araw na ito, sa ilalim ng liwanag ng araw at sa harap ng Altar ng Diyos, gaganapin ang kasal namin ni Hilary.Nakatitig ako sa aking repleksyon habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng lungsod mula sa mataas na bintana ng hotel, nang dahan-dahang humakbang ang aking ama, si Don Fernando, patungo sa aking likuran.Bahagya siyang huminto, tinitigan ako sa salamin nang may halong pagkamangha at panginginig ng mga labi. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay, nakita ko ang isang Don Fernando na walang bakas ng matigas na kagalitan o malamig na kapangyarihan. Ang lalaking nasa harap ko ngayon sa loob ng suite ay isang amang pinalambot ng oras, ng pagsisisi, at ng walang hanggang pagmamahal.Dahan-dahan
Napasinghap nang malakas ang aking ina. Napatayo siya mula sa kanyang upuan, kaya't lumikha ng ingay ang biglaang pag-urong ng silya sa sahig. Nakatitig siya sa aming dalawa na tila nakakita ng isang himala, o ng isang magandang panaginip na nabuhay sa reyalidad."Rhoda? Bakit? Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Tita Victoria habang pilit na inuunawa ang sitwasyon.Nanginginig ang kamay ni Mama habang nakaturo sa amin, at ang kanyang mga mata ay mabilis na napuno ng luha. "Victoria... Fernando... ang tawag na iyan... 'My Bunny Nurse'... iyan ang tawag ni Beatrice sa nobyo niya sa Zambales! Narinig ko iyan noong minsang tumawag ako sa kanya. Iyan ang lalaking iniyakan niya ! Iyan ang boyfriend niyang inialayan niya ng buong buhay niya!"Tila pinagsakluban ng langit at lupa, ngunit sa isang napakaganda at makapigil-hiningang paraan, ang mag-asawang Lorenzo. Napanganga si Tito Fernando. Napatakip naman ng dalawang kamay sa bibig si Tita Victoria habang sunod-sunod na pumatak ang
Sa bawat segundo na lumilipas, ang hanging pumapalibot sa aming mesa ay tila pinalitan ng isang nakatutulig na katahimikan. Ang tibok ng aking puso ay lumilikha ng kakaibang ugong sa aking mga tainga—isang pintig ng matinding takot, pananabik, at walang kapantay na emosyon.Dahan-dahan kong inangat ang aking mga mata.Mula sa sapatos, patungo sa kaniyang simpleng kasuotan, hanggang sa kaniyang mukha... doon tuluyang huminto ang ikot ng aking mundo.Naroon siya. Ang lalaking pitong taon kong ibinaon sa aking mga panalangin. Ang lalaking iniyakan ko sa harap ng malamig na salamin ng ICU. Ang lalaking ipinagpalit ko ang sarili kong kalayaan upang mabuhay lamang siya. Ibang-iba na ang kaniyang aura—may kasamang banal at maaliwalas na kapayapaan—subalit ang mga matang iyon na nakatitig sa akin ay ang mga matang kailanman ay hindi nakalimutan ng aking kaluluwa.Nang magtagpo ang aming mga paningin, tila naglaho ang lahat ng tao sa loob ng coffee shop. Wala ang aming mga magulang, wala ang m
"Oo, Hija... alam mo ba, pitong taon kaming tinakasan ng batang iyon para lang hindi maituloy ang kasunduan namin ng iyong Mama," nakangiting sabi ni Tita Victoria bago marahang inilapit ang tasa ng kape sa kaniyang mga labi. "At tingnan mo naman ang kinahinatnan ng lahat—pareho pa kayo ng bokasyong tinahak ng aking anak. Mukhang magkakasundo kayo ni Justine kapag nagkakilala kayo.""Susunduin nga namin siya rito ngayon sa tapat ng simbahan," nakangiti namang pagsingit ni Tito Fernando. "Magbabakasyon muli siya sa labas ng seminaryo upang magnilay-nilay para sa kaniyang huling dalawang buwang immersion bago ang kaniyang ordinasyon."Napatingin ang aking ina na si Rhoda sa dalawa. Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. "Napakaganda naman ng pagkakataong ito, Victoria, Fernando... Galing din sa Zambales si Beatrice. Doon siya nag-aral noon at doon din siya nagtrabaho bilang isang freelance graphic designer at accountant habang nagwo-work from home.""Oh?" Bakas ang matinding pagk
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m







