LOGIN'Ano na naman?'Bago pa ako makapagtanong, mabilis na lumapit sa mesa ko ang secretary ni Rendy."Ikaw!"Napakurap ako, pinalalabas ang inosenteng mukha. "Ako?""Ikaw ba ang gumawa ng kapeng ipinadala mo sa opisina ng chairman?"Napatingin ang mga empleyadong nasa malapit. May ilang tumigil sa pag-ta-type, at may isang babaeng nag-angat ng ulo mula sa mga dokumentong binabasa niya upang makiusisa sa eksena.Agad kong naramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi—hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa matinding inis sa pangingialam ng matandang ito."Oo," sagot ko nang mahina at nag-aalinlangan. "Bakit ba?""Anong klaseng kape ang ginawa mo?!"Napakunot ang noo ko. "Kape lang.""Kape lang?" Halos mapataas ang boses niya sa galit. "Alam mo ba kung gaano kapait at katapang ang timpla mo?!"Napatitig ako sa kaniya. 'Napakapait?' Hindi naman ganoon kapait ang tinikman ko kanina bago ko isalin sa tasa."Pasensya na kung hindi niya nagustuhan. Hindi ko naman alam ang eksaktong gustong timpla ng c
Hindi pa man ganoon katagal mula nang dumating kami ni Amiel, pero mas maaga pa pala sa akin ang matandang iyon. Hindi ko alam kung dapat ba akong humanga sa sipag niya o mainis dahil mukhang wala siyang balak bigyan ang sarili niya ng pahinga."Ah, ganoon ba?" sabi ko, saka paimbabaw na ngumiti. "Salamat."Bumalik ako sa mesa ko, pero hindi na ako agad naupo. Sa halip, napatingin ako sa pasilyong patungo sa opisina ng chairman.Nasa loob na si Rendy.Kung gusto kong mapalapit sa kaniya o kahit man lang mapalambot ang matigas niyang ulo, kailangan kong simulan ngayon. Hindi sapat na alam ko lang ang mga gusto niya mula sa kuwento ni Amiel—kailangan kong ipakita na kaya kong maging maagap at magpakumbaba.At ano nga ba ang unang sinabi ni Amiel tungkol sa ina niya?'Mahilig sa kape.'Napangiti ako nang nakaloloko. Napakasimple naman pala.Kung may isang bagay akong kayang gamitin para magpanggap, iyon ay ang magtimpla ng kape. Madalas sabihin ni Amiel na masarap ang timpla ko. Noong ma
Pagpasok ko pa lang sa malaking pintuan ng opisina, agad kong naramdaman ang kakaibang lamig at tensiyon sa paligid.Hindi naman dahil sa air conditioner na nakasabit sa kisame, kundi dahil sa mga matang panaka-nakang sumusulyap sa direksiyon ko. May ilang empleyadong abala sa kani-kanilang ginagawa, may mga nag-uusap nang pabulong sa harap ng computer, at mayroon ding tila sadyang humihinto sa pagsasalita tuwing napapadaan ako sa kanilang tabi.Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang pinag-uusapan nila.Siguradong ako na naman ang paborito nilang paksa nitong mga nakaraang araw—ang dating secretary ni Amiel na biglang inilipat sa chairman's office; ang girlfriend ng nag-iisang tagapagmana ng kumpanya na pinagkakaisang walang alam kundi mag-ayos ng sarili; ang babaeng pinaluhod at pinaiyak dahil sa tumpok ng mga dokumentong ipinapagawa sa kaniya.Napangiwi ako sa sarili kong isip.'Kung alam lang ninyo kung gaano kabilis mawalan ng trabaho ang mga gurang na tulad ninyo kapag ako na
Kung kailangan kong 'pagtrabahuhan' at paikutin ang utak ng ina niya, gagawin ko.Kung kailangan kong magpakita ng mas maraming drama at pagsisikap sa opisina, gagawin ko rin.At kung kailangan kong magpanggap na mas interesado ako sa mga gusto ni Rendy kaysa sa tunay kong nararamdaman, napakadali niyon sa akin.Ang mahalaga, manatili ako sa tabi ni Amiel at makuha ang buong kaban ng yaman nila."Thank you, babe," sabi ko sa wakas sa pinakamalambing kong boses.Bahagya siyang kumunot-noo. "Para saan?""Sa pagsasabi sa akin ng mga gusto ng Mommy mo... at sa pagtulong sa akin na malaman kung paano ko siya mas mapalapit sa akin.""Audrey, hindi mo kailangang pilitin o baguhin ang sarili mo para lang magustuhan ka niya.""Hindi ko naman binabago ang sarili ko," mabilis kong sagot sabay ngiti nang tapat. "Gusto ko lang magkaroon kami ng mas maayos at tahimik na relasyon para sa 'yo."Tinitigan niya ako sandali, puno ng paghanga at pagmamahal ang kaniyang mga mata, bago tumango. "Kung iyan
"Ano ba ang mga gusto niya, babe?" tanong ko, pilit na pinananatiling paimbabaw na magaan at mausisa ang tono ko. "May mga bagay ba siyang kinahihiligan? Mga paboritong pagkain? Mga bagay na totoong nagpapasaya sa kaniya?"Napatingin siya sa akin nang mabilis bago muling ibinalik ang pansin sa kalsada. "Bakit mo itinatanong?""Dahil gusto ko siyang makilala at maging malapit sa kaniya... Hindi naman kailangang maging magkarival o komplikado ang lahat, 'di ba? Baka puwede akong magsimula sa maliliit na bagay para makuha ang loob niya."Bahagya siyang ngumiti, kitang-kita ang paghanga sa sinabi ko. "Well, mahilig sa kape si Mommy."Agad akong nag-angat ng mukha, naging matalas ang radar ko. "Kape?""Oo. Lalo na 'yung mga bagong timpla at specialty beans. Mahilig siyang sumubok ng iba't ibang klase ng kape, pero may mga paborito siyang brand. Kapag may bago siyang natitikman at nagustuhan, madalas ay iyon na ang gusto niyang inumin sa loob ng ilang linggo."Tumango ako habang maingat na
Nakasandal si Amiel sa gilid ng kaniyang sasakyan, suot ang isang maayos na long-sleeved polo at itim na pantalon. Hawak niya ang kaniyang cellphone habang may binabasa, pero nang makita niya akong lumalabas sa gate, agad niyang ibinulsa iyon at lumapit sa akin nang may pag-aalala.Pinalabas ko ang aking pinakamagandang paimbabaw na ngiti. "Good morning ulit, babe," bati ko habang papalapit.Ngumiti rin siya nang malambing at binuksan ang pinto para sa akin. "Good morning. Kumain ka na ba?""Kaunti lang...""Kaunti lang?" Umiling siya habang kumukunot ang noo. "Audrey, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag kang papasok sa trabaho nang walang maayos na almusal?"Napatawa ako nang mahina, pinalabas ang mahinhin kong boses. "May kinain naman ako kahit paano... Huwag ka nang masyadong mag-alala.""That's not enough, babe.""Ano ba, Amiel. Hindi naman ako mamamatay dahil lang sa kaunting tinapay."Agad na lumalim at sumeryoso ang kaniyang mukha. "Huwag mong sabihin iyan, Audrey."N
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul







