เข้าสู่ระบบPOV: DenisHindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog.Ang huling malinaw na larawan sa aking isip ay ang mukha ni Rendy habang nakaupo sa tabi ng kama ko. Hawak niya ang kamay ko, at sa kabila ng matinding pagod at pamumugto ng kaniyang mga mata, nanatili siyang nakabantay sa akin.Nang muli kong idilat ang aking mga mata, marahang pumasok ang mahinang liwanag ng umaga sa pamamagitan ng siwang ng kurtina. Malamig, mechanical sound ng heart monitor ang tanging nag-iingay sa silid, na tila nagpapaalala sa akin na buhay pa ako.Saglit akong nakatitig sa kisame habang pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari. Bawat paghinga ko ay may kasamang tila tusok ng karayom sa aking dibdib—isang physical na paalala sa severe pneumonia na halos lumunod sa aking baga. Pero wala ang sakit na iyon sa matinding kirot na kumukurot sa puso ko tuwing naaalala ko ang dahilan kung bakit ako umabot sa ganitong kalagayan.Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa gilid.At doon... nakita ko siya.Si Ren
“Salamat po... Maraming salamat po sa pagligtas sa kaniya,” paulit-ulit kong bulong sa doktor.“Ginawa lang namin ang aming makakaya, at nagpasalamat tayo sa mabilis na pag-aksyon ng mga kasama niya,” sagot ng doktor. “Pero pagkahatid ninyo sa kaniya sa bahay pagkatapos ng isang linggo, kailangan ng matinding pag-iingat. Bawal ang puyat, bawal ang stress, at bawal ang mabibigat na gawain. Kapag nagkaroon ulit siya ng lagnat o hirap sa paghinga, ibalik niyo agad siya rito.”“Opo, Doctor. Gagawin ko po ang lahat. Ako na pong bahala sa kaniya,” mabilis kong pangako.Nagpaalam ang doktor at naiwan akong mag-isa sa consultation area.Nakatitig ako sa walang laman na pader habang pumapasok sa utak ko ang mga salitang sinabi niya.'Kritikal.''Nag-agaw-buhay.''Kulay asul ang labi.''Nalulunod ang baga.''Ang bawat salita ay parang latigo na humahagupit sa puso ko. Ang galit na naramdaman ko kay Denis noong mga nakaraang araw dahil sa mga maling nagawa niya ay biglang naging napakaliit kumpa
Umiling siya agad upang payapain ako. “Sa ngayon, lagpas na siya sa pinakamagulong yugto. At kung magpapatuloy ang magandang tugon ng katawan niya, maaari na siyang ma-discharge pagkatapos ng isang linggo.”Napatakip ako sa aking bibig, nanlaki ang mga mata. “After one week? Makakauwi na po siya?”“Oo. Kung walang lilitaw na bagong komplikasyon at magiging maayos ang mga susunod na blood work at chest X-ray.”Hindi ko napigilang mapaluha sa sobrang relief. Isang linggo na lang. Isang linggo na lang at matatapos na ang bangungot na ito. Makakauwi na si Denis. Magiging buo na ulit kami ni Amiel.“Thank you, Doctor! Maraming, maraming salamat po!” nanginginig kong pasasalamat.Subalit pinalitan ng doktor ng isang napakaseryosong ekspresyon ang kaniyang mukha. Tinitigan niya ako nang may halong simpatiya at babala.“Pero bago ka magdiwang, Mrs. Robles... kailangan mong maintindihan kung gaano kalapit sa kamatayan ang asawa mo nang dalhin siya rito.”Bumagsak ang puso ko sa aking tiyan. Un
“Makinig ka,” sabi niya habang umuupo sa tabi ko at hinahawakan ang balikat ko. “Tatawagan mo kami agad kapag may kailangan ka. Malapit lang kami.”Huminga ako nang malalim at tumango. “Okay po, Pa.”“Babalik ako rito kasama ang Mama mo bukas,” dagdag pa niya. “Gusto ka ring makita at yakapin ng Mama mo, pati na rin si Denis.”Napangiti ako nang bahagya. “Talaga po?”“Oo naman. Nag-aalala rin iyon nang labis sa inyo.”Bahagyang lumuwag ang masikip kong dibdib. At least, hindi ko kailangang pasagutin sa sarili ko ang lahat ng ito nang matagal.Subalit may isang mahalagang bagay na biglang pumasok sa isip ko.“Pa… puwede po bang isama ninyo si Amiel kapag bumalik kayo?”Sandaling natahimik ang silid. Tumingin si Papa sa akin, pagkatapos ay dahan-dahang umiling.“Sa ngayon, huwag muna, anak.”Napakunot ang noo ko, naramdaman ang bahagyang pagtutol sa dibdib. “Bakit po? Gustong-gusto na po niyang makita ang Daddy niya.”“Rendy, marami pa ring may sakit dito sa ospital,” mahinahong paliwan
Kinabukasan…Marahan akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang mahinang pag-atras ng pinto ng silid.Sandali akong natigilan bago tuluyang nagising ang diwa ko. Nasa ospital pa rin pala ako.Nakahilig pa rin ang ulo ko sa gilid ng kama ni Denis, habang ang isang kamay ko ay nakahawak pa rin nang mahigpit sa kaniyang mga daliri. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa ganoong posisyon buong gabi. Sa kabilang panig ng kama, nakahiga pa rin siya nang mahimbing.Napatingin ako sa kaniyang mukha. Maputla pa rin siya, ngunit hindi na kasinglala ng nakakatakot na anyo niya kahapon. Mahina pa rin ang kaniyang paghinga, pero mas maayos at regular na ito kumpara noong unang beses akong pumasok sa silid na ito.Marahan kong hinaplos ang likod ng kaniyang kamay.“Good morning, Daddy,” bulong ko, sa pag-asang naririnig niya ako sa kaniyang panaginip.Napangiti ako nang bahagya nang biglang maalala si Amiel. Siguradong kapag narito ang anak namin, hindi iyon titigil at aligaga sa pagtawag kay D
Huminga ako nang malalim, pilit na pinatitigas ang aking kalooban.Inilapit ko muli ang kaniyang kamay sa aking mga labi at iginawad doon ang isang matagal at taos-pusong halik.“Magpagaling ka na, mahal ko… pakiusap. Gumising ka na at bumalik ka na sa amin.”Sa gitna ng katahimikan ng silid ng ospital, nanatili akong nakaupo sa tabi ng kaniyang kama. Hawak-hawak ko ang kaniyang kamay habang patuloy na pumapasok at nagninilay sa aking isip ang bawat pangaral at payo ng aking ama.Tama si Papa. Hindi lamang si Denis ang kailangang matutong magbago at humingi ng tawad. Ako rin. Hindi lamang siya ang kailangang umamin sa kaniyang mga naging pagkukulang at pagkakamali. Ako rin ay may sariling mga pagkukulang na kailangang harapin at baguhin. At hindi lamang siya ang kailangang maglaan ng oras para sa aming pamilya. Ako rin ay kailangang matutong maglaan ng panahon, atensyon, at pagmamahal para sa kaniyang bilang aking asawa.Dahil sa kabila ng lahat ng galit, sakit, at mga lamat na naidul
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak







