Share

KABANATA 21

Nang pumasok siya ng conference room ay may nakita siyang folders sa harap ng mahabang mesa doon. Binigyan siya ng instructions kanina ng babaeng nakita niya sa labas . Hindi niya pinapansin ang maya't-maya'y pagtatakip nito ng ilong habang masama ang tingin sa kanya. Hindi lang din isang beses itong bumahing sa harap niya.

Kunyari ay hindi siya apektado sa reaksiyon nito kahit alam na alam niyang ang cologne na may ritwal ang naaamoy nitong hindi kanais-nais. Parang hinahabol ito habang nagsasalita pagkatapos ay umalis na ito sa harap niya nang maibigay na ang lahat ng mga dapat niyang gawin. Nalingunan pa niya itong patakbo patungong C.R.

" Ang arte," mahinang sabi niya na umingos pa rito.

Hinawakan niya ang leeg at saka inamoy ang kamay. Bigla rin niyang inilayo ang kamay sa tindi ng amoy. Iiwasan na lang niyang mapalapit kahit kanino. Para kay Clyde lang naman talaga kasi ang kakaibang amoy na iyon at tiyak niyang hindi na iyon mananatili sa utak nito kapag

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status