Share

GUARDED BY A MAFIA ( MAFIA SERIES 5)
GUARDED BY A MAFIA ( MAFIA SERIES 5)
Author: Siobelicious

CHAPTER 1

REGINALD DAEWOON...

"Do not eat salt for salt is a sin," malokong sabi n'ya kay Nicollai na s'yang pasimuno sa kalokohan ng grupo ngayong araw.

Nasa headquarters sila dahil pinatawag sila ng kanilang big boss. May pasok pa sana sila sa klase nila mamaya ngunit absent na naman silang tatlo dahil sa hindi inaasahang pagpapatawag nito.

Paniguradong sira na naman ang mukha ng kanilang matandang dalaga na professor na kaugali ni Ms. Menchen na pasmado ang ugali at bibig dahil wala silang tatlo sa klase nito.

"Oh c'mon is that true Pula?" No to lie because to lie is a bridge," sagot ni Spike at sinundan ng malakas na pagtawa. Basta silang tatlo ang magkasama ay walang matinong usapan na nangyayari.

"No! No! It's a tie and atay is good for sarciado," sagot naman ni Nicollai na nakipag apir pa kay Spike.

Kaya palagi silang napapalayas ng iba pa nilang mga kaibigan dahil sa kakulitan nila. Nasanay na din sila lalo na kay Drake na agad na maglalabas ng baril at pagbabantaan silang babarilin kapag hindi manahimik. Paano ba naman kapag kumpleto sila ay hindi matatapos ang araw na wala silang kabulastugan na gagawin na tatlo.

Hihirit pa sana si Nicollai ngunit hindi nito naituloy ng marinig ang boses ng kanilang superior.

"Trio Jack in my office now!" matigas ang boses na utos nito sa kanila. Pinangalanan sila sa ahensya na trio jack dahil walang papayag na mahiwalay sila sa isat-isa.

Kaya sa lahat ng misyon na mayroon sila ay magkasama silang tatlo kahit ano pa ang mangyari.

"Magkamag-anak ba si Drake at si superior? Bakit pareho silang busangot at parang si Hitler ang mukha," pabulong na tanong ni Nicollai na ikinatawa nila pareho ni Spike.

"Tayo na nga at baka masabon pa tayo lalo," aya n'ya sa mga ito at nagpatiuna na sa pagpasok sa opisina ng superior nila.

"Sir," panabay na tawag nila dito ng makapasok. Hindi pa sila nakalapit sa mesa nito ay initsa na ng matanda ang isang folder.

Lumapit s'ya rito at kinuha iyon at binuksan.

"New mission sir?" tanong n'ya.

"Talamak na ang bentahan ng mga druga ngayon kaya kayong tatlo ang binibigyan ko ng misyon na linisin ang mga pugad ng mga drug addict na yan," utos nito sa kanila.

Bente dos anyos lang sila at ilang taon pa lang sa ahensya ngunit ilang misyon na ang ipinagkatiwala sa kanila ng superior. Malaki ang tiwala nito sa kanilang kakayahan na tatlo kahit junior member pa lamang sila

Katunayan ay nasa pangatlong taon pa lang sila sa business course nila na gusto ng kanilang mga magulang. May napagkasundoan sila na kukuha muna sila ng business course and then after n'yan ay bahala na sila na mag-aral ulit sa gusto nilang kurso.

"Patay ba o buhay?" malamig na tanong n'ya sa kanilang superior.

"Kapag nanlaban alam n'yo na ang gagawin but if possible don't kill them. Iharap n'yo sila sa mga alagad ng batas na buhay," utos ng matanda.

The three of them are working in a special military enforcement unit. Hindi pa sila mga lubosang sundalo but they have skills ang potentials kaya nakakapasok sila sa isang special military service na grupo kung saan ay isang pribadong organisasyon ang nagpapatakbo.

"Give us a week to work on it sir," sagot ni Nicollai.

"Don't disappoint me trio jack! Malaki ang tiwala ko sa inyo," seryosong sagot ng superior nila. Sabay silang tumango para tugon sa sinabi nito.

"Hindi ka mabibigo sa amin sir, ngayon din ay uumpisahan namin ang misyon," sagot n'ya at sabay silang tatlo na sumaludo rito at nagpaalam na aalis na.

"Balot...balot mo day orange!" malakas na sigaw n'ya habang bitbit ang isang styro box na may laman na mga balot. Suot ang lumang damit at pantalon ay binaybay n'ya ang makitid na eskinita papasok sa squatter area.

May kadiliman sa ibang bahagi ng naturang lugar at tanging mga ilaw lamang mula sa poste ang nagbibigay liwanag. Mababanaag mula sa kan'yang kinaroroonan ang mga grupo ng mga lalaki sa isang barong-barong sa dulo.

"Balot...balot mo day fink..!" malakas na sigaw n'ya ulit at sinadyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito.

"Hoy balot na mink lumapit ka rito!" sigaw ng isang lalaki na namumula ang mga mata. Lumapit s'ya sa mga ito at bumungad sa kan'ya ang mga paraphernalia na gamit ng mga ito sa pag gamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

"Hoy ano pa ang tinutunganga mo d'yan? Ibigay mo sa amin ang mga balot mo kung ayaw mong ang itlog mo ang babaklasin namin at gawing balot," sigaw sa kan'ya ng isang lalaki.

"Aba sir maganda ho itong balut ko, hinding-hindi ho kayo magsisisi. Paniguradong lalakas ang tuhod ninyo," pagbibida n'ya sa mga tinitindang balut.

Nagkatawan ang mga lalaki dahil sa kan'yang sinabi ngunit agad ding nag-iba ang mukha at tumayo sabay agaw sa kan'ya ng styro box na bitbit.

"Sir ibalik n'yo ho sa akin ang mga paninda ko, kailangan ko hong mapaubos ang mga yan para may pambili kami ng bigas," pakiusap n'ya sa mga ito ngunit dinakmal ng matabang lalaki ang kan'yang damit sa leeg at hinatak s'ya palapit rito.

"Aangal ka? Gusto mong mamatay ngayon din?" singhal nito sa kan'ya habang hawak ang kan'yang damit sa leeg.

"Maawa po kayo sa akin sir, wala ho akong pera na maiuuwi sa amin. Magugutom ang pamilya ko po," pagmamakaawa n'ya rito ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kan'ya.

"At ano naman ang pakialam namin sa pamilya mo? Hala alis! Kung ayaw mong katayin ka namin ngayon din ay umalis lis ka na!" malakas na sigaw nito at pasalyang binitawan nito ang pagkakahawak sa kan'yang damit kaya napaatras s'ya at muntik ng mawalan ng balanse.

Hindi s'ya natinag at tiningnan lang ang mga ito. Ang iba ay nagtawanan at parang aliw na aliw sa nakikita sa kan'ya ngunit hindi ang mataba na lalaki na sumalya sa kan'ya.

"Naghahanap ka talaga ng sakit sa katawan ha. Sige pagbibigyan kita!" galit na sabi nito sabay tadyak sa kan'ya ngunit mabilis n'yang nailagan ang paa nito.

"Whooaahhh! Bossing lumalaban si bata," sigawan ng mga kasama nito na mas lalo pang nagpagalit sa matabang lalaki.

Mabilis s'yang sinugod nito ngunit mas mabilis ang galaw n'ya na umilag sa mga ataki nito sa kan'ya at tumakbo sa likod nito sabay sipa ng malakas sa batok ng lalaki.

Noong una ay naghiyawan pa ang mga kasama nito at tuwang-tuwa ngunit ng makita na seryoso s'ya sa kan'yang ginagawang pakikipaglaban ay sunod-sunod na sumugod ang mga ito at sabay-sabay s'yang pinaulanan ng suntok at sipa.

Hinawakan n'ya sa leeg ang matabang lalaki at pinaikot ito sa mga kasama na sumusugod sa kan'ya dahilan para magtalsikan ang lahat ng masasagi ng katawan nito dahil sa sobrang taba.

"Putang'ina! Patayin n'yo!" sigaw ng isang kasamahan ng mga ito na nakaupo sa mesa. Nakita n'yang may mga patalim na hawak ang iba ngunit hindi s'ya natinag.

Walang takot n'yang hinarap ang mga ito na mag-isa. Habang nakikipaglaban ng patayan sa mga kalalakihan at pa simply n'yang inilabas ang kan'yang kwintas kung saan nakatago ang isang maliit na camera.

"Positive," mahinang sabi n'ya.

"Stay in the location, we're coming!" sagot ng kausap gamit ang maliit na device na nakalagay sa kan'yang tainga.

"Bilisan n'yo at baka maubos ko na patay ang mga to," sagot n'ya rito.

"Gago! Magtira ka naman ng para sa amin, matagal na kaming walang ensayo," singit naman ni Spike na nakikinig pala sa usapan nila ni Nicollai sa earpiece na suot.

"Bilisan n'yo kasi, nasaan na ba kayo?"

"Bumili pa ng kwek-kwek dito sa kanto, nagutom kasi kami," sagot ni Nicollai na ikinaigting ng kan'yang panga habang nagpapaulan ng suntok sa mga kalalakihan.

"Tang'ina n'yo! Nagpapatayan na dito tapos kayo pa kwek-kwek, kwek-kwek lang d'yan?" inis na sigaw n'ya sa dalawa.

"Eh alangan naman tumunganga lang kami no and besides mas mainam na tong kwek-kwek kaysa mag twirk-twirk kaming dalawa ni Spike, hindi ba banal?"

"Tama! At sino ba ang nag-utos sayo na makipag suntokan ka d'yan? Magtira ka sa amin ng isang suntok na lang ay aakyat makakaharap na agad si satanas," sagot ni Spike na sinundan pa ng pagtawa.

"Putang'ina kayo pumunta na kayo rito," singhal n'ya sa dalawa habang hinawahawakan sa leeg ang isang lalaki at agad na binali.

Bumagsak ito sa lupa ng walang malay. Sumunod na sumugod sa kan'ya ay ang dalawang lalaki na may hawak na tubo. Mabilis n'yang nailagan ang paghampas ng mga ito at nakakuha ng pagkakataon na masipa ang isa sa likod na agad na natumba. Agad n'yang kinuha ang tubo na nabitawan nito at hinampas ito sa ulo.

Hindi na ulit nakabangon pa ang lalaki. Deritso itong bumagsak sa lupa na dilat ang mga mata at bumulwak ang dugo sa bibig.

Dalawa pa ulit ang sumugod sa kan'ya ngunit hindi na ito nakarating sa kinatatayuan n'ya dahil bigla na lamang may dalawang lalaki na lumipad mula sa kung saan at sabay na bumagsak sa harapan ng mga lalaki.

"Fvck! Kailan pa kayo naging ninja?" singhal n'ya sa dalawang kaibigan na akala n'ya ay nasa kanto pa ang kumakain ng kwek-kwek.

Saan ka nakakakita ng mga nasa misyon na tumambay pa sa kanto para kumain.

"Ngayon lang Red— nang malaman namin na may kumuha sa itlog mo!" nakangising sagot ni Spike at kinindatan pa s'ya.

"Anong kulay ng itlog ang kinuha sayo? Ang fink ba o ang orange?" tanong ni Adam habang nagpambuno na sa kalaban.

"Both!" sagot n'ya at naupo sa isang upoan at binuksan ang isang beer na hindi pa nagbubuksan. Sunod-sunod na nagsilapitan ang mga natirang kalalakihan sa dalawa na walang kahirap-hirap na binabanatan ang mga lalaki.

Tumunga s'ya ng beer habang nanunuod sa mga ito. Dapat lang na sila naman ang mapagod dahil kanina ay mag-isa lang naman s'yang humarap sa mga ito.

"Don't yeah worry Red, gagawin nating purple ang mga itlog ng mga gagong ito, like this—," sabi ni Spike na agad na dinakmal ang gitna ng hita ng kalaban nito at pinisil iyon dahilan para mapahiyaw sa sakit ang lalaki hanggang sa nawalan ng malay.

Nagpagpag ng mga kamay ang dalawa at lumapit sa kan'ya sabay agaw sa bote ng beer na hawak.

"Painom! Gago to kami ang uhaw eh tapos sinolo mo lang ang beer na to, meron pa ba?"

"Gago ka Nicollai, huwag kang patay gutom! Ayan oh may refrigerator, paniguradong may laman pang beer d'yan," sabat naman ni Spike sabay lapit sa isang refrigerator sa gilid.

Tumakbo din pasunod rito si Nicollai at nag-agawan pa ang dalawa sa pagbukas ngunit mga pyesa ng motor at mga lumang kaldero at kawali ang sunod-sunod na bumagsak ng mabuksan ng mga ito ang refrigerator.

Sa madaling salita mga scrap ang laman ng naturang refrigerator na muntik pang mag-away ang dalawa dahil sa pag-aagawan na malakas n'yang ikinatawa.

Matapos ang misyon ay tumawag sila sa big boss para ipaalam rito na natapos na nila ang trabaho.

Agad naman itong nagpadala ng mga pulis para maglinis sa mga katawan na nagkalat at mostly ay mga wala ng buhay. Ano pa ba ang aasahan nito kapag silang tatlo ang nag trabaho. Malamang na kakaunti lang ang matitirang humihinga pa at kung mayroon man ay critical naman ito.

Isang buwan matapos ang misyon nila ay nakatanggap na naman ulit sila ng isang misyon at masasabi n'yang isa ito sa napaka delikadong misyon na ibinigay sa kanila.

"Good day gentlemen, open the files in front of you. Nasa loob ng files na yan ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa misyon n'yo. Trio Jack kayo ang mamumuno sa misyong ito. Don't disappoint me," malamig na turan ng kanilang superior.

Sinunod nila ang sinabi nito. Binuksan nila ang file at tumambad sa kan'ya ang litrato ng isang matanda at syempre kilala ito ng lahat.

"What happened to the Prime minister of Greece?" tanong n'ya sa superior nila. Wala namang napabalita sa national news na may nangyari dito.

"He is missing and one of the suspect is the terrorists from Syria. Nawala s'ya noong pauwi ito mula sa inter country convention sa Iraq. Walang balita sa national news dahil pinigilan ito ng presidente ng Greece para hindi mabulabog ang pagligtas dito. Sa atin ibinigay ang misyon na ito and I want you guys to do the job. Una pa lang ay alam ko na ang kakayahan ninyong lahat at iyan ang rason why I choose you all," mahabang paliwanag ng superior nila.

"By accepting this mission means we are declaring a war to the Syrian terrorists, isn't it? Isn't it unfair to us dahil iilan lang kami samantala sila ay baka libo ang mga taohan na nandoon," tanong n'ya rito. Tumango ang iba pa nilang kasamahan bilang sang -ayon sa sinabi n'ya.

"I trust you at may tiwala ako sa kakayahan n'yo and I believe na kakaunti man kayo pero matatagumpayan n'yo ang misyong ito," kampanteng sagot ng kanilang supremo.

"Wow! May super powers lang supremo? Eh paano yan, eh kili-kili power lang ang mayroon ako," malokong sagot ni Spike na ikinatawa ng iba.

"Gusto mong maging tawas sa kili-kili Collins?" matigas na tanong ng kanilang superior kay Spike na agad na ikinatahimik ng kaibigan.

Matapos ang pag-uusap ay agad na umalis ang kanilang superior. Naiwan sila ng mga kasama sa misyon para pag-usapan ang pag-alis nila patungong Syria.

Five days later ay lulan na sila ng eroplano patungong Syria na pag-aari mismo ng ahensya na pinagtatrabahuan nilang tatlo.

Ilang oras ang kanilang byahe bago marating ang naturang bansa. Pagtungtong nila sa lugar ay agad na silang kumilos para mapabilis ang kanilang pagpasok sa kota ng mga terorista.

Sakay sa isang truck ay binaybay nila ang kahabaan ng desyerto patungo sa lugar kung saan nagkokota ang mga terorista.

Binuksan n'ya ang kan'yang laptop at sinuyod ang buong lugar na kinaroroonan nila. Tahimik pa at wala s'yang namamataan na kahina-hinala sa dinadaanan nila kaya kampante pa ang kan'yang loob na makakarating sila sa kota ng mga terorista sa tamang oras.

"Kalahating oras na lang at makakarating na tayo, are you guys ready?" tanong n'ya sa mga ito.

"Ready!" panabay na sagot ng mga kasama nila. Wala si Spike at Nicollai dahil nagpaiwan ang mga ito sa syudad.

Iba ang plano ng dalawa kaya s'ya ang kasama ng mga kasamahan nila ngayon na papunta sa kota ng mga kalaban.

"Men get ready!" utos n'ya nga mga ito. Agad naman na nagsikasa ng mga hawak na baril ang mga kasamahan n'ya. They are equipped with a high powered firearms pero alam n'ya na wala ito sa mga baril ng mga terorista.

Pagdating nila sa lugar ay agad silang nagsibaba at pumasok sa gubat kung saan ay pwedeng lagusan patungo sa kota ng mga ito.

Walang ingay na naglakad sila palapit sa lugar hanggang sa makita nila ang parang kampo kung saan ay maraming mga kalalakihan ang nagroronda sa labas at may mga bitbit na matataas na kalibre ng armas.

Senenyasan n'ya ang mga kasama na tumigil muna at magmatyag sa paligid. Kinuha n'ya ang kan'yang device to check the perimeter.

At mukhang dehado sila dahil halos puno ng bantay ang naturang lugar at may mga matataas na kalibre ng baril na dala-dala ang mga ito.

Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hello Trio jack
goodnovel comment avatar
Mary Jane Gabutero Honcada
nice start story miss a
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
story pala no Red ito ang ganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status