Share

CHAPTER 4

REGINALD DAEWOON...

Magkasunod silang dalawa ni Maggy na sumuong sa loob ng gubat. Ito lang ang tanging lugar na pwede nilang pagtaguan sa mga oras na ito.

"Hold my hand," utos n'ya sa dalaga at iniabot ang kamay n'ya rito para hindi na s'ya mag-alala na maiiwan ito sa kan'yang likuran.

Kung s'ya lang ay sanay s'ya sa ganitong lugar dahil isa s'ya sa mga trainee bilang sundalo pero ang batang ito ay mukhang hindi sanay at medyo nakakatakot na iwan n'ya ito sa likod.

Tinanggap nito ang kan'yang kamay kaya naging hatak-hatak n'ya na ito ngayon sa pagsuong sa mga talahib at mga baging sa loob ng masukal na gubat na iyon.

Hindi n'ya alam kung nasa lugar pa rin ba sila ni Spike o nakaalis na. Ok lang naman sa kan'ya na iwanan s'ya ng mga ito pero ang hindi ok ay ang iwan n'ya ng mag-isa ang batang ito sa gitna ng gubat.

"Maddy kahit anong mangyari ay huwag kang sumigaw kapag may tao o may hayop tayong makikita dito sa loob, maliwanag?" habilin n'ya rito at bahagya itong nilingon para makita ang reaction ng bata.

Tumango ito sa kan'ya at tipid na ngumiti. Ang lalaki ng mga taghiyawat nito sa mukha at kita ang gilagid kapag ngumiti. Maputi naman ito at mamula-mula ang balat ngunit dahil sa suot nitong malaking eye glasses at idagdag mo pa ang braces nito sa ngipin ay nagmukha itong ewan.

"What will happen if you take off those eyeglasses?" maya-maya ay tanong n'ya rito. Nag-aalala kasi s'ya na baka aksidente na mahulog nito ang suot na salamin at mangangapa ito sa dilim.

"I can't see properly," tipid na sagot ng dalaga. Tama s'ya sa kan'yang hinala na mangangapa ito sa dilim kapag nawala ang suot na eyeglasses.

"How bad is that?" tanong n'ya ulit rito.

"Seven out of ten," sagot ni Maddy.

"That bad? So if I were you, I would look after those eyeglasses of yours and make sure that you wouldn't drop them," habilin n'ya rito. Tumango lang ito sa kan'ya at hindi na nagsalita pa.

Nagpatuloy sila sa paglakad papasok sa kasukalan ng gubat at naghanap ng tagong lugar kung saan sila pwedeng magpahinga. Magdidilim na at hindi n'ya alam kung saan patutungo ang kabugabatan na sinusuong nilang dalawa.

Wala na s'yang naririnig na putokan mula sa lugar kung saan ang kota ng mga terorista kanina ngunit hindi pa rin s'ya pakampante at kailangan na mag-ingat sa mga galaw nila.

Nasa teritoryo pa rin sila ng mga terorista at hindi sila ligtas sa lugar na ito. Kailangan nilang makaalis dito ngunit nag-aalala din s'ya na baka makarating sila sa daan at mas lalong manganib ang kanilang buhay dahil madali silang makita ng mga kalaban.

Kailangan n'yang mag-isip ng mabuti kung paano sila makakatakas sa lugar na kinaroroonan nila ng ligtas.

"Let's find a place to rest tonight. We will continue our escape tomorrow. It's not safe anymore to walk in this jungle at night because it might have dangerous animals roaming around," paliwanag n'ya rito. Tumingala ito sa kan'ya at nakita n'ya ang pag-alala at takot sa mga mata nito.

Tinapik n'ya ito sa balikat at sinigurado na hindi ito makaramdam ng takot at pag-alala sa kaligtasan nila.

"S-Saan tayo matutulog?" mahinang tanong nito sa kan'ya.

"We will look for a safe place to sleep. Sa lugar na hindi agad tayo makikita ng kahit na sino. C'mon, let's keep moving habang may liwanag pa," sagot n'ya sabay hatak sa kamay nito na hawak-hawak n'ya.

Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa may namataan s'yang isang waterfalls sa hindi kalayuan. Nagmamadali n'yang hinatak si Maddy pababa sa naturang waterfalls.

Alam n'ya na madalas sa ganitong lugar ay may mga kweba sa likod nito na pwedeng pagtaguan.

"You wait for me here. I will check behind these waterfalls to see if there is a cave where we can hide. Don't go away, do you understand?" habilin n'ya rito. May pag-alinlangan man sa mukha nito ngunit wala din itong nagawa kundi ang tumango at sumunod sa habilin n'ya rito.

Iniwan n'ya ito sa likod ng malaking bato para doon muna magtago habang inaakyat n'ya ang likod ng naturang talon.

Binuksan n'ya ang kan'yang back pack at kinuha ang isang lubid. Kumpleto sa gamit para survival ang kan'yang bag kaya mas madali para sa kan'ya ang mga ganitong bagay dahil may magagamit s'ya.

Agad n'yang ibinato ang naturang lubid sa isang malaking tipak ng bato at ang dulo nito na may bakal na nakatali ay umangkla sa malaking bato na natamaan.

Hinila n'ya ito ng malakas para e check kung secure ang pagkakalagay ng bakal na dulo ng lubid at ng masiguro na matibay ito at safe ay nagsimula na s'yang umakyat sa taas.

"Be safe," mahina na sabi ni Maddy ngunit malinaw n'yang narinig na lihim n'yang ikinangiti.

"I will! Wait for me, ok?" sagot n'ya rito at bahagya itong nilingon at tinanguan. Mabilis ang kan'yang mga kilos na inakyat ang naturang talon at tama nga s'ya sa kan'yang hinala.

May kweba sa likod nito at swerte nila dahil walang tubig at hindi basa. Kinuha n'ya ang kan'yang torch light at pinailawan ang buong lugar.

Mukhang wala pang naligaw na nakapasok sa kweba na ito dahil wala man lang kahit na anong palantandaan ng tao. Sinipat n'ya ng mabuti ang buong paligid at sinigurado na walang ahas sa lugar na iyon.

Nang masigurong ligtas sila ay agad s'yang bumaba para sunduin si Maddy. Mabilis ang kan'yang mga kilos na nagpadausdos pababa at nadatnan n'ya ang dalaga na naghihintay sa kan'ya.

"Is everything ok?" nag-aalalang tanong nito ng makaapak ang kan'yang paa sa lupa.

"Yes! There is a cave behind these waterfalls and it's safe. We can stay inside for tonight at bukas na tayo magpatuloy sa paglalakad, is that ok with you?" tanong n'ya rito.

"I'm ok with anything basta kasama kita," sagot ng dalaga na mahina n'yang ikinatawa.

"Sharon Pogita is that you? Bakit pakiramdam ko ay si Gabby Conjunction ako," malokong sabi n'ya rito na ikinasalubong ng kilay ng babae at halatang hindi gets ang joke n'ya. Napailing na lamang s'ya dahil nakalimutan n'ya na hindi pala si Spike at Nicollai ang kan'yang kasama kundi si Maddy, isang babae na naligaw sa kota ng mga terorista at naging instant bihag ng mga ito.

Nagpasya na silang umakyat sa kweba. Inalalayan n'ya ang dalaga na makahawak sa lubid at makaakyat sa taas. Nahihirapan s'ya noong una dahil hindi ito marunong umakyat ngunit ginawa n'ya ang lahat at ganon din ang babae para makaakyat sila at nagtagumpay naman sila pareho.

Kita ang tuwa sa mga mata nito ng makarating sila taas. Agad n'yang kinuha ang lubid at itinago sa bag. Inalalayan n'ya si Maddy papasok sa loob at pinaupo sa isang malapad na bato na pwede ng higaan dahil sa sobrang lapad nito.

Dito muna sila magpapaalipas ng gabi at bukas na ulit magpatuloy sa pagtakas. Sana lang ay makalabas sila sa lugar na ito ng ligtas at buhay. Ok lang kung s'ya lang pero kasama n'ya ang isang dalagita na walang kamuwang-muwang at walang alam kung paano iligtas ang sarili.

Wala sa sarili na napatingin s'ya rito na tahimik na nakaupo sa malapad na bato. Hindi n'ya alam kung ano ang nagtulak sa kan'ya na iligtas ito at isakripisyo ang kan'yang buhay para lang masiguro na mailabas n'ya si Maddy mula sa kota ng mga terorista.

Comments (15)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
napakabuti mo Red sa taong nangangailangan
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kahit medyo maloko ka Red ngunit may mabuti ka namang puso
goodnovel comment avatar
💎💎💎❤❤❤
may something sa naramdaman mo red baka siya na ang hinitay mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status