Share

CHAPTER 2

REGINALD DAEWOON...

Pinatigil n'ya muna ang mga kasama n'ya para masuyod n'ya ang buong lugar bago sila lulusob. Kinuha n'ya sa bulsa ng kan'yang cargo pants ang kan'yang device at binuksan iyon.

Tiningnan n'ya ang bawat daanan at ang mga exit kung saan sila pwedeng tumakas kapag nagipit sila sa loob. Nang masigurong maayos n'ya ng na check ang bawat sulok ay tinipon n'ya ang mga kasama at sinabi rito ang mga dapat na malaman ng mga ito.

Matapos ang kanilang maikling pag-uusap ay nagsihanda na sila sa pagpasok sa kota ng mga terorista.

"Men be watchful and don't die, understand?" habilin n'ya sa mga kasama nila.

"Yes sir!" panabay na sigaw ng mga ito. Hinati n'ya sa apat na grupo ang mga kasama n'ya. Apat na grupo at sa bawat lagusan ay isang grupo ang papasok. May apat na lagusan ang naturang kota at kailangan na sa bawat lagusan nito ay may magbabantay sa grupo nila.

Nagbigay na s'ya ng signal sa lahat at maya-maya pa ay nagsikilos na sila. Nauna s'yang pumasok sa grupo na kinabibilangan n'ya.

Maingat ang bawat mga galaw na hindi makagawa ng kahit na anong ingay para hindi ma trigger ang mga kalaban. Matagumpay silang nakapasok sa loob at marami-rami na rin ang kanilang napatay na walang ingay.

Patuloy pa rin sila sa pagpasok sa loob at wala pang may nakakita sa kanila dahil wala pa s'yang naririnig na mga putokan not until may isang bantay mula sa taas ang nakakita sa isang kasamahan nila at agad na nagpaulan ito ng bala.

"Shit! Move! Move!" malakas na sigaw n'ya sa mga ito at mabilis na nagsitakbohan para magtago. Lumabas ang napakaraming mga kalaban na may mga bitbit na matataas na kalibre ng mga baril at pinaulanan sila ng mga bala.

"Ignacio lead the group, papasok ako sa loob para hanapin ang hostage!" utos n'ya sa kan'yang kasama.

"Magdala ka ng kasama Cole, hindi pwede na ikaw lang, delikado!" sagot nito habang nakikipag barilan sa mga kalaban.

Tinawag n'ya ang dalawang kasama at inutosan na sumunod sa kan'ya. Agad namang tumalima ang dalawa at magkasunod silang tatlo na binaybay ang daan papasok pa sa loob.

Sinipat n'ya ang kan'yang tracking device na nakalagay sa kan'yang wrist para tingnan kung saan banda nakakulong ang hostage.

At nang makita ang kinaroroonan nito ay mabilis s'yang tumakbo kasunod ang dalawang kasama. Along the way ay marami silang nakasalubong na mga kalaban ngunit hindi ito naka porma sa kanila.

Walang buhay na bumabagsak ang mga ito sa sahig at hindi na nakahuma pa. Mabilis ang galaw n'ya at nakasunod lamang ang dalawang kasama sa kan'ya. Umuulan ng bala sa paligid at kung mamalasin sila ay baka hindi na sila makakalabas pa ng buhay dito.

"On your left Jack of Diamond, five men with high powered firearms," boses ni Spike ang kan'yang narinig mula sa suot na earpiece. Nilingon n'ya ang kan'yang kaliwa at nakita n'ya ang limang lalaki na paakyat mula sa hagdan sa baba.

Mabilis na gumalaw ang kan'yang kamay at ginalaw ang gatilyo ng hawak na AK-47 at sunod-sunod na bala ang lumabas mula rito at tumama sa mga katawan ng limang kalalakihan na paakyat sa kanilang kinaroroonan.

"What a good shoot Jack of Diamond," papuri ng loko-lokong kaibigan.

"Fvck you Collins! Nasaan na kayong dalawa ni Evans?" singhal n'ya rito.

"Oh s'ya kalma lang Cole, masyado kang highblood. Na miss mo na agad kami?" kantyaw pa nito. Kahit nasa ganito silang sitwasyon ay hindi nawawala ang mga kalokohan nila.

"Tang'ina mo! Nasaan kayo?"

"Aerial buddy Cole, four hundred yards from your location. We can see you from here bold and clear. Kahit ang taghiyawat mo na nakabusangot ay klarong-klaro mula rito," tukso pa nito sa kan'ya. Bahagya s'yang tumingala at inilibot ang tingin sa ere at namataan n'ya sa hindi kalayuan ang isang military helicopter na nagpapaulan ng bala sa mga kalaban.

"Fvck you two! Kaya pala ayaw n'yong sumama sa amin kanina sa truck dahil ito pala ang plano n'yo! Ang tatalino n'yong dalawa!" puri n'ya sa mga kaibigan na may kasamang mura.

"Of course dahil mga gwapo kami at may abs, " panabay na sagot ng mga ito. Napailing na lamang s'ya na inalis ang tingin sa taas at nagpatuloy sa pagpasok sa loob para hanapin ang kanilang subject.

Sunod-sunod na bala ang sumalubong sa kanila pagdating nila sa isa pang lagusan at nagulat s'ya na may isa pa palang compound sa likod ng compound na pinasukan nila kanina.

"Men cover me," utos n'ya sa dalawang kasama.

"Yes sir!" panabay na sagot ng mga ito at agad na pinaputokan ang mga kalaban na bumabaril sa kanila. Mabilis s'yang tumakbo patungo sa isang abandonadong building. Ayon sa kan'yang tracker ay dito ikinulong ang kanilang target.

Mabilis s'yang pumasok sa loob at marami ding mga kalaban ang nandito kaya nahihirapan s'ya na makapasok agad dahil kailangan n'ya pang mapatumba ang mga ito para walang sagabal sa gagawin n'ya.

"Ahhhhh!" malakas na sigaw ng isang lalaki na tumalon mula sa mataas na bahagi patungo sa kan'ya. Wala s'yang oras para maglabas ng pawis dito kaya mabilis n'yang binunot ang kan'yang dagger knife na nasa kan'yang boots at ibinato sa lalaki na tumalon.

Hindi pa nakalapag sa lupa ang mga paa nito ay bumaon na sa katawan ng lalaki ang kan'yang dagger knife dahilan para bumagsak ito sa lupa na dilat ang mga mata.

Tumakbo s'ya ng mabilis at pumasok pa sa loob habang nakikipag barilan sa mga kalaban. Namataan n'ya sa gilid ng kan'yang mga mata ang dalawang kasama na nakapasok na rin kaya kampante na s'ya na may magba back-up sa kan'ya mula sa likuran.

Inisa-inisa n'ya bukas ang bawat pinto na nakikita ngunit walang tao sa loob. Hindi s'ya sumuko, hahanapin n'ya ang target nila at iuuwi sa pamilya nito ng ligtas at buhay.

Ito ang misyon nila kaya kailangan na magawa n'ya ng maayos at masiguradong ligtas ito.

Ilang mga pintoan pa ang sunod-sunod n'yang binuksan hanggang sa mapadako s'ya sa panghuling pinto. Malakas n'ya itong sinipa dahilan para bumukas ito ngunit samurai ang sumalubong sa kan'ya. Mabilis s'yang umilag sa bawat ataki ng tatlong lalaki na parehong may hawak na samurai.

Nakita n'ya sa isang sulok ang isang pigura na nakaupo at nakagapos sa upoan ngunit may tabon na itim na tela ang ulo nito.

"Positive the target is here," pagbibigay alam n'ya sa mga kasama habang nakikipaglaban sa tatlong lalaki na nakabantay rito. Sobrang bilis at liksi ng mga galaw ng mga lalaki na hindi man lang s'ya makakuha ng pagkakataon na makabunot ng baril dahil ang hawak n'yang baril kanina ay nabitawan n'ya ng atakihin s'ya ng mga ito.

"Damn it!" malutong na mura n'ya ng muntik ng mahiwa ng katana ang kan'yang t'yan. Mabuti na lang at mabilis ang kan'yang reflexes at agad s'yang nakailag sa taga ng kalaban.

Mabilis s'yang tumakbo sa kabila kung saan ay may namataan s'yang bakal na tubo na nakausli. Mabilis ang mga kilos na kinuha n'ya ito at walang babalang ibinato sa papasugod na kalaban.

Sapol sa noo ang lalaki at dilat ang mga mata nito habang bumubulwak ang dugo sa noo kung saan bumaon ang bakal na napulot n'ya.

Kinuha n'ya din ang pagkakataong iyon para mabunot ang dalawang baril at parehong iniumang sa dalawang lalaki na natira at pinaputok iyon.

Sabay na bumagsak sa sahig ang dalawa at parehong walang buhay. Matapos mapatay ang tatlong bantay sa bihag ay isinukbit n'ya sa kan'yang bewang ang baril at agad na nilapitan ang target na nakagapos sa upoan.

Kinalag n'ya ang tali nito sa papa at kamay at ng matapos kalagan ay binaklas n'ya ang itim na tela na nakatabon sa ulo nito at ganon na lang ang panlalaki ng kan'yang mga mata ng makita na isang batang babae ang nasa silid na iyon at ang nakagapos sa upoan.

May busal ang bibig nito at hilam sa luha ang mga mata na natatabingan ng malaki, pabilog at makapal na salamin.

"What the fvck! Who are you?" gulat na tanong n'ya rito dahil hindi ito ang inaasahan n'yang target na kailangan nilang iligtas.

Wala sa listahan nila na may batang babae na kasama ang prime minister ng Greece na bihag ng mga terorista.

Umigting ang kan'yang panga at inilibot ang tingin sa buong silid at nagbabasakali na mamataan sa loob ng silid na ito ang kanilang target at misyon na tao ngunit wala ng ibang tao ang nasa silid kundi silang dalawa lang ng batang babae na nasa harapan n'ya ngayon.

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
intense ng labanan
goodnovel comment avatar
Aquisha Obosa
aksyon na aksyon ms A ang galing tanggal pagod ang storya ni pula....ty sa ud ms A
goodnovel comment avatar
Lavinia Morris
thanks author, may susubaybayan ulit kahit gabi na lang nakakabasa..hehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status