Share

CHAPTER 5

REGINALD DAEWOON...

"Pwede na tayo dito," sabi n'ya sa dalaga at inalalayan itong maupo sa malapad na bato. Medyo pumasok pa sila sa loob ng kweba para makasiguro na walang makakakita sa kanila.

Naupo si Maddy at s'ya naman ay kinuha ang kan'yang mga glowing stick sa bag at binali isa-isa para umilaw.

Hindi sila pwedeng gumawa ng apoy sa loob dahil paniguradong lalabas ang usok nito sa bungad ng kweba at mahahalata ng mga kalaban na may tao sa loob.

Mabuti na lang at marami s'yang dala na glow stick sa bag. Makakatulong din ito na hindi sila malapitan ng kahit na anong hayop sa loob kung mayroon man.

"Are you hungry?" maya-maya ay tanong n'ya rito. Napayuko ito at parang nahihiya na tumango. Napabuga s'ya ng hangin dahil ito ang mahirap na part para sa kanila.

Wala kasi s'yang pwedeng makuha na pagkain dito sa loob dahil puro bato ang paligid nito at walang kahit na isang halaman na pwedeng kainin para pantawid gutom.

Kinapa n'ya ang mga bulsa ng kan'yang bag at napangiti s'ya ng may makapa s'yang mga snack bar. Madalas s'yang naglalagay ng ganito sa mga bulsa ng kan'yang bag para pantawid gutom kapag na stranded sila na katulad nito.

"Here, eat this," sabi n'ya sabay abot sa dalaga ng isang snack bar. Nag-angat ito ng tingin at puno ng pag-alinlangan ang mukha na tumingin sa kan'ya.

"C'mon! Gutom ka hindi ba?" giit n'ya pa rito.

"P-Paano ka?" nauutal at namumuha ang mukha na tanong ni Maddy sa kan'ya.

"I'm fine! Don't mind me! Sige na kainin mo na yan," utos n'ya rito. Nahihiya man ngunit wala itong nagawa kundi ang abutin ang naturang snack bar at binuksan. S'ya naman ay napailing na sinusundan ng mga mata ang galaw nito bago tumayo at naglakad-lakad papasok pa sa kweba para tingnan kung ano pa ang mayroon sa looban nito.

Nang walang makita na kahit ano kundi puro mga bato ay bumalik s'ya sa kinaroroonan ni Maddy at nakita n'yang naubos na nitong kainin ang snack bar.

"Gutom ka nga! Ang bilis mong kumain eh, parang dragon," tukso n'ya sa dalaga na ikinapula ng pisngi nito.

Naupo s'ya sa harapan ng babae at mataman itong tiningnan. Agad naman itong nag-iwas ng tingin at namumula ang mukha na parang nahihiya.

"Bakit namumula ang mukha mo?" patay malisya na tanong n'ya rito na agad na ikinaiwas ng tingin ng babae.

"H-Hindi ah! Huwag mo kasi akong tingnan ng gan'yan," sagot nito.

"Why? Bawal ba?" nagtatakang tanong n'ya rito.

"N-Nahihiya kasi ako," sagot nito sa kan'ya na mahina n'yang ikinatawa.

"Don't be! Maganda ka Maddy pero katulad ng salamin na suot mo kapag nawala yan sa mga mata mo, malabo," pigil ang ngisi na sabi n'ya sa dalaga na namumula ang pisngi. Parang ang sarap tuksuhin ng babaeng ito lalo na kapag namumula ang taghiyawat sa mukha.

Lumingon ito sa kan'ya na pulang-pula ang mukha na lihim n'yang ikinangisi ngunit matalim ang mga tingin na ipinukol nito sa kan'ya.

"Pretty!" lihim na sabi n'ya sa sarili at inabot ang bag at inilatag sa bato para gawing unan at agad na humilata sa malapad na bato.

"Have some rest baby girl dahil bukas ay malayo pa ang lalakbayin natin," utos n'ya rito at unti-unting ipinikit ang mga mata habang nakabuka ang mga braso sa malapad na bato.

Wala s'yang narinig na sagot mula sa babae ngunit nagulat s'ya ng nahiga ito sa kan'yang tabi at umunan sa kan'yang braso.

Sinilip n'ya ito at nakita n'ya ang nakikiusap na mga mata ni Maddy na nakatingala sa kan'ya.

"N-Natatakot kasi ako," nauutal na paliwanag nito ng makita ang kan'yang nagtataka na mukha. Tumango s'ya at bumalik sa pagpikit. Bata pa ito at walang kamuwang-muwang da mundo, hindi s'ya dapat nag-iisip ng kung ano-ano.

Wala namang ginawa si Maddy maliban sa paghiga sa tabi n'ya kaya kampanti s'yang nagpahinga.

Hindi n'ya alam kung gaano na s'ya katagal na nakatulog. Nagising na lamang s'ya ng maramdaman ang nanginginig na katawan ni Maddy sa kan'yang tabi. Iminulat n'ya ang mga mata at sinipat ang dalaga para lang mapamura.

"Shit!" malutong na mura n'ya dahil sobrang init ng babae at mataas ang lagnat nito.

"Damn it!"isa pang mura n'ya bago dahan-dahan na ginalaw ang katawan para sana alisin ang braso kung saan nakaunan si Maddy ngunit bigla itong yumapos sa kan'yang bewang at isiniksik ang katawan sa kan'ya.

"I-I'm cold! I'm cold!" mahina at nanginginig na sabi nito. Nagbuga s'ya ng hangin at dahan-dahan itong niyapos sa bewang at kinabig palapit sa kan'yang katawan at niyakap ng mahigpit para hindi ito ginawin.

"D-Dont leave me Red, please don't leave me, I'm scared!" nag dedeliryo na sabi ng babae sa kan'ya.

"I won't leave you baby girl, I won't! Rest more para bukas ay gumaling ka na, hmmmm," paanas na sagot n'ya rito habang sinusuklay ng kan'yang palad ang matigas na buhok ng dalaga.

It's been three days since na stranded sila sa gubat na iyon at sa loob ng tatlong araw ay nasa kweba lang sila dahil sa sakit ni Maddy. Sobrang taas ng lagnat nito at mas nadagdagan pa na naging dahilan na panay ang mura n'ya sa kan'yang sarili.

Bumaba s'ya ng kweba at naghanap ng pwede nilang makain. May mga prutas s'yang nakita kaya kinuha n'ya ito at agad na umakyat sa kweba kung saan ay naiwan n'ya si Maddy na nagpapahinga.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong n'ya ng maabutan itong nakaupo na sa malapad na bato. Natutulog pa ito kanina ng iwan n'ya sa loob.

"M-Medyo ok na po," nakayuko na sagot nito sa kan'ya. Ibinaba n'ya ang mga prutas na bitbit at agad na lumapit rito at idinintay ang likod ng palad sa noo ng dalaga.

"I'm sorry," paghingi n'ya ng paumanhin sa babae. Kung para saan ang sorry n'ya ay hindi n'ya alam basta ang alam n'ya lang ay kailangan n'yang mag sorry rito. Tumango lang ito sa kan'ya at bumalik sa pagkakayuko.

Nagbuga s'ya ng hangin dahil inuusig s'ya ng kan'yang konsensya dahil sa nangyari at sa sinapit ng dalaga. Nang hindi na ito nagsalita pa ay binalingan n'ya ng tingin ang mga prutas na dala at kumuha ng ilang piraso at inabot ito sa dalaga.

"Eat this Maddy, malinis na yan at edible yan, pwedeng kainin," sabi n'ya sabay abot ng isang prutas rito. Tipid itong tumango at inabot ang prutas at agad na nilantakan.

"P-Paano mo nasabi na edible ito?" tanong nito habang ngumunguya.

"Maraming langgam sa paligid n'yan ng pinitas ko at mayroong iba na nakain na ng langgam at hindi naman sila namatay kaya sigurado ako na edible yan," nakangising sagot n'ya rito.

"Paano pala kung bagong batch na ng langgam yong nakita mo? Paano kung yong naunang kumain ng prutas ay patay na pala?" sagot nito sabay tanong na ikinatulos n'ya sa kan'yang kinasasalampakan na bato.

Mahina itong natawa ng makita ang kan'yang hitsura.

"Just kidding! Masarap kaya at matamis," agad na bawi ng dalaga at mabilis na kinakain ang mga prutas.

Naaawa s'yang nakatingin dito lalo na ng makita na gutom na gutom nitong kinain ang mga prutas na dala n'ya. Hindi sila pwedeng mananatili ng matagal sa lugar na ito.

Kailangan na nilang lumabas sa lalong madaling panahon at magpatuloy sa pagtakas sa lugar kung saan ay kota ng mga terorista.

Kinabukasan ay maayos na ang kalagayan ni Maddy kaya naman ay nagpasya na s'yang umalis sa lugar na iyon. S'ya muna ang unang lumabas para tingnan kung may nakasunod bang mga tao sa kanila sa gubat na iyon o wala.

So far sa tatlong araw na pananatili nila rito ay wala namang ibang tao na naligaw sa lugar ngunit hindi n'ya alam sa araw na iyon. Mabuti na ang sigurado dahil baka natagpuan na ito ng mga naghahanap sa kanila at nakaabang lang na lumabas sila.

Sinipat n'ya ang buong paligid bago binalikan si Maddy sa taas at inaya ng umalis. Inalalayan n'ya itong makababa at matagumpay naman nilang nagawa.

Agad silang nagsimula sa paglalakad at binaybay ang kasukalan ng gubat. Mayroon s'yang kompas na hawak at ito ang sinusunod n'ya ngayon. Bago sila sumuong sa kota ng mga terorista ay napag-aralan n'ya ang lugar ngunit hindi n'ya nakita ang malaking kagubatan na ito.

Ngunit alam n'ya sa norte na bahagi ng lugar na ito at may malapad na highway kung saan dumadaan ang mga malalaking truck na may karga na mga buhangin na dinadala sa baba para sa mga construction.

Ibig sabihin ay mayroong quarry sa norte na bahagi ng lugar at doon sila pupunta para makasakay ng truck pababa sa syudad.

Hindi sila pwedeng dumiretso sa highway at doon mag-abang dahil mas delikado.

Hawak n'ya ang kamay ni Maddy habang nauna sa paglalakad. Ang yabong ng mga baging at iba pang halaman sa lugar na iyon kaya hinahawi n'ya muna ang mga ito para hindi mahirapan ang dalaga na nakasunod sa kan'ya.

Narating nila ang nasabing quarry ng matagumpay. Lihim s'yang nagpapasalamat ng makarating dito. May mga truck na naghihintay sa isang backhoe na kumukuha ng mga buhangin sa malapad na ilog at inilalagay sa mga truck na nakapila sa kabilang dulo.

"Maddy, aakyat tayo sa truck na yan ng pa sekreto, maliwanag?" pagkausap n'ya sa dalaga ng harapin n'ya ito. Wala s'yang nakuhang sagot kundi isang tango lamang.

"Look! Listen to me baby girl, kahit anong mangyari ay hinding-hindi ka magpapahuli sa kung sinoman na gustong humuli sayo, maliwanag? Don't scream and close your mouth na din para hindi ka makagawa ng ingay. We need to leave in this place right now Maddy kaya inaasahan ko ang kooperasyon mo, do you understand?" seryosong tanong n'ya rito.

"I do," sagot nito na halos pabulong at tumingala sa kan'ya. Tinaasan n'ya ito ng kilay at mahinang pinitik sa noo.

"Hindi pa tayo ikinakasal Maddy para mag I do ka d'yan," pabirong sita n'ya sa dalaga na ikinapula ng pisngi nito na s'ya namang ikinailing n'ya.

Matapos ang pagbibigay ng instructions rito ay dahan-dahan na silang lumapit sa truck. Nasa kabilang dako ang mga drivers at nag-uusap. Tinulongan n'yang makaakyat si Maddy at makapasok sa loob ng hindi sila nahuhuli.

Akmang aalis s'ya para umikot sa kabila ng hawakan s'ya nito sa kamay.

"H-How about you?" nag-aalalang tanong nito sa kan'ya. Kita n'ya sa mga mata ng dalaga ang takot at naintindihan n'ya kung para saan.

"What about me?" kunyari ay nagtatakang tanong n'ya sa babae.

"H-Hindi ka ba sasama?"

"I will! Lilipat lang ako sa kabila dahil hindi tayo magkasya rito, unless kung gusto mong maupo sa kandungan ko," nanunukso na sagot n'ya rito. Nakita n'ya na parang nabunotan ito ng tinik ng marinig ang kan'yang sinabi. Lihim s'yang napabuga ng hangin bago binawi ang kamay ng dalaga para umikot sa kabila.

Isinarado n'ya ang pinto at pinagbilinan itong yumuko para hindi ito makita ng kahit na sino. Umikot s'ya sa kabilang side at nakita n'ya na sa gilid nito ay isang mataas na talon kung saan ay bumabagsak ang tubig mula sa ilog na pinagkukunan ng mga buhangin na dinadala sa baba.

Dumaan pa muna s'ya sa dalawang truck na katabi ng truck na kinaroroonan ni Maddy bago makaikot sa kabila. Maingat s'yang naglalakad sa gilid ng mataas na talon patungo sa truck na pinag-iwanan n'ya kay Maddy ng bigla na lamang may mga putok na maririnig sa buong paligid at sunod-sunod na mga bala na umulan sa kan'yang kinaroroonan na hindi n'ya napaghandaan.

Ilang bala ang tumama sa kan'yang katawan dahilan para mawalan s'ya ng balanse at agad na nahulog sa mataas na talon sa kan'yang likoran.

"Red!" naririnig n'ya pa ang malakas na sigaw ni Maddy at ng taponan n'ya ito ng tingin ay ang luhaan na mga mata nito ang huli n'yang nakita bago ito tuloyan na nawala sa kan'yang paningin dagil bumagsak na ang katawan n'ya sa malalim na tubig at agad ding inanod pababa dahil sa malakas na current ng tubig mula sa talon.

Mga Comments (25)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
kawawa si Red
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hala ano ba yan bakit kasi umikot lapa hindi na lang kayo nagsiksikan ni maddy dun sa truck,hula ko nyan magkaka anemsia si red
goodnovel comment avatar
Soledad Sevilla
red putek ka subukan mo lang mamatay ..tapos na story mong yawa ka .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status