Share

CHAPTER 3

REGINALD DAEWOON...

"What the fvck! Who are you?" gulat na tanong n'ya rito dahil hindi ito ang inaasahan n'yang target na kailangan nilang iligtas.

Kumakawag ito at nagmamakaawa ang mukha na tumingala sa kan'ya. Hindi pa ito makapagsalita dahil may busal ang bibig nito at hindi man lang ito nag-abala na baklasin ang busal sa labi. Eh kinalas n'ya na naman ang tali nito sa kamay.

"Fvck!" isa pang mura ang pinakawalan n'ya bago n'ya binaklas ang busal nito sa bibig. S'ya na ang kusang bumaklas dahil mukhang wala na ito sa sarili dahil sa takot at hindi na alam ang gagawin.

"Please help me, please," umiiyak na pakiusap nito sa kan'ya. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan at nakatingin lang rito. Nagulat talaga s'ya ng makita na may isang bata na bihag rito.

Ang prime minister lang ng Greece ang subject nila at ang kailangan nilang iligtas mula sa kamay ng mga terorista.

"Mr. please help me! Parakaló voithíste me, parakaló," dagdag pa nito sabay hawak sa kan'yang kamay at puno ng pakiusap at pagsusumamo ang tingin nito sa kan'ya. Nakaramdam s'ya ng awa sa batang babae kaya wala sa sariling napatango s'ya at nakita n'ya ang kislap ng tuwa sa mga mata nito.

"Red, pull over; the subject is safe now. Lumabas ka na d'yan, pull over now Red!" narinig n'yang sabi ni Spike sa kan'ya.

"Spike may batang babae na bihag dito," mahinang sabi n'ya sa kaibigan.

"What the fvck! Iwan mo na ang kung sinomang bata ang nand'yan. Hindi natin trabaho yan, pull over now and that's an order!" sigaw ng kaibigan sa kan'ya. Napatingin s'ya sa batang babae at parang nilalamukos ang puso n'ya habang nakikita sa mga mata nito ang kawalan ng pag-asa at takot.

Naintindihan siguro nito ang ipinarating n'ya kay Spike kaya naisip nito na baka hindi n'ya ito tutulongan na iligtas mula sa mga kamay ng mga terorista.

"I-I can't! I can't leave her alone," sabi n'ya na ikabuga ng hangin ni Spike.

"Cole anong nakain mong gago ka! Mamamatay ka d'yan kapag hindi ka pa lumabas ngayon din. Get the fvck out now and leave that kid alone! S'ya ang magpapahamak sayo na gago ka! Lumabas ka na d'yan habang may oras pa Cole!" galit na sigaw nito sa kan'ya ngunit hindi s'ya natinag.

Binaklas n'ya ang suot na earpiece at ibinulsa iyon. Pagkatapos ay binunot n'ya ang dalawang baril at nilodan ng mga bala. Matapos masigurong fully loaded na ang mga baril n'ya ay lumuhod s'ya sa sahig paharap sa bata.

"Let's escape together but I want you to cooperate with me. Do what I told you to do for the sake of our safety do you understand?" pagkausap n'ya rito. Tumango ito bilang tugon at mukhang naintindihan naman ng bata ang ibig n'yang iparating dito.

"Tha, efcharistó k. efcharistó pou mou ésoses ti zoí," sagot ng batang babae na namumula ang mga mata ngunit mababanaag ang kislap at tuwa rito.

"Parakaló moró mou," sagot n'ya sa salitang Greeco. Marunong magsalita ng Greek ang batang babae kaya napagtanto n'ya na isa din itong Greeco na katulad ng prime minister na iniligtas nila.

Inalalayan n'ya itong makatayo at inayos ang suot nitong sapatos na natanggal ang shoe lace. Mabuti na lang at nakasuot ito ng sneakers kaya hindi mahirap para rito ang tumakbo mamaya.

Matapos maayos ang sapatos ng batang babae ay hinubad n'ya ang kan'yang suot na bullet proof vest at ipinasuot ito dito para proteksyon ng bata.

"You need to wear this, ok?" pagkausap n'ya rito. Tumango ito bilang tugon at hindi na umangal pa. Inayos n'ya ang pagkasuot n'ya rito at ng masigurong maayos na ito ay kinuha n'ya ang tracker sa kan'yang damit at inilagay sa damit ng bata.

"Let's go," aya n'ya rito. Nagpatiuna s'ya sa paglakad at sumunod naman ito sa kan'ya. Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto at ng makita na walang katao-tao sa labas ay mabilis n'yang hinatak ang bata at tumakbo.

Nagtago muna sila sa isang pader at nakiramdam sa paligid. Malakas pa rin ang putokan sa buong lugar at alam n'ya na hindi pa nakaalis sila ni Spike.

Hawak-hawak n'ya ang kamay ng batang babae na tumakbo muli sa kabilang dako ngunit malakas itong napatili ng sunod-sunod na bala ang umulan sa kanilang kinaroroonan.

"Shit! You can't scream like that! They might catch us if you keep making noise!" sermon n'ya rito ngunit natigil din ng makitang nanginginig sa takot ang labi ng batang babae.

"I-I'm sorry! I'm s-scared!" paghingi nito ng paumanhin. Nagbuga s'ya ng hangin at tumango at pagkatapos ay pinahid n'ya ang naglandas na mga luha sa mga mata ng bata.

She is wearing a thick and round eyeglasses at may braces ito sa ngipin na parang si Betty Lapia ang hitsura. Ang dami din nitong taghiyawat sa mukha dala siguro sa pagdadalaga nito.

"It's ok but please hold your scream and control yourself is that ok?" mahinahong pagkausap n'ya sa bata. Tumango naman ito bilang tugon kaya hinatak n'ya na ulit ito para umalis sa lugar na iyon.

Binaybay nila ang maliit na daan at hindi n'ya alam kung saan ito patungo ngunit wala na s'yang pakialam. Ang gusto n'ya lang ay ang makalayo sa lugar na iyon at mailigtas ang batang karay-karay n'ya.

Nasa mga kamay na nila ni Spike ang prime minister ng Greece kaya panatag na ang loob n'ya na nagawa nila ng maayos nag misyon nila.

Narating nila ang dulo na bahagi ng lugar at puro kagubatan ang naroon. Hindi s'ya tumigil bagkus ay nagpatuloy s'ya sa pagsuong sa gubat.

Kailangan nilang makalayo muna sa lugar at mamaya na s'ya mag-isip sa susunod nilang gagawin kung paano sila makaalis sa lugar na ito.

Hawak-hawak n'ya pa rin ang kamay nito at hindi sila tumigil sa paglakad sa masukal na gubat na iyon.

"Shit! Hayop kang lamok ah, eh ako nga hindi pa kumakain tapos ikaw gusto mo pa akong unahan," inis na sita n'ya sa lamok na kumagat sa kan'ya.

"Marunong kang mag tagalog?" mahinang tanong ng batang babae na ikinatigil n'ya sa paglakad.

"Ikaw? Marunong kang mag tagalog?" balik tanong n'ya rito. Kung sa mukha kasi ang pagbabasihan ay hindi halata na nagsasalita ito ng Tagalog. She looks like a pure blooded Greek kung ang physical features nito ang titingnan.

Maputi ang babae at natural na blonde ang buhok nito ngunit parang hindi naman nagsusuklay dahil tingin pa lang ay matigas na ang buhok nito at mukhang mas stiff pa kaysa sa tatlong natitirang bolbol sa itlog n'ya.

"I am," mahinang sagot ng bata.

"Wala sa mukha mo ang nagsasalita ng tagalog. Are you a Filipino?" tanong n'ya rito.

"No! I am half Spanish and half Greek but my nanny is a Filipina at sa kan'ya ako natuto magsalita ng Tagalog," kwento ng bata. Napatango s'ya dahil naintindihan n'ya na kung bakit ito marunong magsalita ng Tagalog.

"What's your name?"

"Maddy Ariti," tipid na sagot nito.

"Ariti? Your father is Greek isn't it?

"Yes! And my mom is Spanish," sagot ng bata.

"That's good! How old are you? At paano ka napunta sa kota ng mga terorista na yon?" usisa n'ya pa rito.

"Seventeen na po ako, hindi ko din alam basta ang naalala ko ay naglalakad ako sa daan pauwi sa bahay namin ng may mga sasakyan na nagkabanggaan sa harapan ko tapos ay bumaba ang mga lalaki na nakasuot ng itim na tela sa mukha at may mga baril. They shoot the black SUV and force to open the door taking the old man from inside . I screamed when I saw them hit the old man with a gun on his head at nakita ako ng mga lalaki. Hinabol nila ako at kinuha at dinala na din kasama ng matanda,"mahabang kwento ng bata na ikinailing n'ya.

"Yan ang nakukuha ng pagka marites natin inday Maddy. Dahil sa ka marites mo ay napahamak ka, bakit ka ba kasi nakikialam sa problema ng iba? Parang ako ka lang din ikaw no? Hindi ikaw ang misyon ko pero heto ako at karay-karay ka sa kasukalan na ito na kung tutuusin ay pwede lang naman kitang iwan doon kanina," sermon n'ya sa bata.

"Are you going to leave me here?" naiiyak na tanong nito sa kan'ya. Napalingon s'ya rito at napailing.

"I can't! Buhay man or patay ay ililigtas kita mula sa mga taong iyon," igting ang panga at kuyom ang mga kamao na sabi n'ya.

Hindi n'ya alam pero hindi n'ya kayang iwan na lang ng ganon-ganon ang batang babae. May parte ng pagkatao n'ya na nagsasabi na ililigtas n'ya ito.

Sumagi sa kan'yang isip ang nakababatang kapatid na babae na matagal na panahon ng nawawala sa kanila dahil sa isang trahedya na nangyari noon. Naalala n'ya sa babaeng ito ang nag-iisang kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nahahanap.

Komen (10)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
baka Siya Ang hinahanap mo Red na kapatid
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
baka sya yong nawawala mong kapatid Red
goodnovel comment avatar
NILEALEXANDEREVANS
inday Maddy wag kasi chismosa,bka sya ang kapatid
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status