Share

CHAPTER 6

REGINALD DAEWOON...

EIGHT YEARS LATER.!

"Fvck!" malutong na mura n'ya at agad na bumalikwas ng bangon ng magising sa isang bangungot. Sino ba ang hindi magigising kung maramdaman mo na parang nalulunod ka sa malalim na parte ng tubig.

At ganon na lang ang panlalaki ng kan'yang mga mata ng mapagtanto na basang-basa s'ya at pati na ang kan'yang kama.

"Putang'ina!" malutong na mura n'ya ulit at nag-angat ng ulo at doon n'ya lang napagtanto na nasa loob ng kan'yang kwarto ang dalawang demonyong kaibigan na may gawa ng pagkabasa n'ya at may mga hawak pa na balde at tabo.

"Mga gago kayo anong ginawa n'yo? Tingnan n'yo, basang-basa ang kama ko! Tang'ina!" hindi magkayaw na pagmumura n'ya sa dalawa dahil sa nabungaran n'yang kalat pagkagising.

"Putang'ina ka rin Pula! Kanina ka pa namin ginigising na gago ka pero ayaw mong magising. Pasalamat ka at sinabuyan ka lang namin ng tubig at hindi inilunod sa batya," nakataas ang kilay habang dinuduro na singhal ni Nicollai sa kan'ya.

"Walong taon na Red, eight fvcking years at hindi ka pa rin maka move on sa nangyari? Paulit-ulit mo pa rin na napapanaginipan ang nangyari sa inyo ng batang babae na yon na naging dahilan ng muntik mo ng pagkamatay! Kailan ka mag move on? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo na gago ka!" sermon naman ni Spike sa kan'ya sabay bato ng isang unan sa kan'yang mukha.

Naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao ng maalala ang nangyari sa kan'ya at sa batang babae walong taon na ang nakaraan.

Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari dito pagkatapos n'yang maiwan sa gubat na iyon dahil nagising na lamang s'ya na tatlong buwan ng nakaratay sa hospital at walang malay.

Nailigtas s'ya ng kan'yang mga kaibigan ng makita s'ya ng mga ito na palutang-lutang sa dagat at sinuwerte na buhay pa ng matagpuan ng dalawang kaibigan.

Ngunit walang balita ang mga ito sa batang babae na naiwan n'ya sa gitna ng gubat kaya walong taon na rin s'yang inuusig ng kan'yang konsensya at palagi itong napapanaginipan dahil sa pag-iwan n'ya rito at hindi n'ya nagawa ang pangako n'ya sa bata na ililigtas n'ya ito at ilalayo sa lugar na iyon.

Hanggang ngayon kahit anong gawin n'yang pag-aliw sa kan'yang sarili ay hindi pa rin mawaglit sa kan'yang isip ang nangyari at inuusig pa rin s'ya ng kan'yang konsensya hanggang sa mga oras na ito.

"Fvck!" malutong na mura n'ya sabay hilamos ng mga palad sa mukha at napayuko. Naninikip ang kan'yang dibdib sa tuwing maalala n'ya si Maddy.

Ano na kaya ang nangyari dito nang maiwan n'ya ito. Buhay pa kaya ito ngayon? Ligtas kaya itong nakauwi sa pamilya nito? Ito ang madalas na tanong sa kan'yang isip na wala naman s'yang makuhang sagot dahil walang nakakaalam sa kinaroroonan ng bata o kung ano ang nangyari dito matapos n'yang maiwan sa gitna ng gubat.

Ipinakiusap n'ya na lang palagi sa taas na sana ay buhay pa ito at nakatakas ito mula sa mga kamay ng mga terorista at ligtas na nakabalik sa pamilya nito sa Greece.

"Enough of this Red! Pinapahirapan mo lang ang sarili mong gago ka! Matagal ng tapos iyon at hindi mo na maibabalik pa ang lahat. Magbihis ka nga at aalis na tayo," singhal ni Spike sa kan'ya sabay utos. Nag-angat s'ya ng ulo at puno ng pagtataka na nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang kaibigan.

"May bago tayong misyon kaya tumayo ka na d'yan at mag-ayos," paliwanag ni Nicollai sa kan'ya na mukhang nakuha agad ang mga tanong sa kan'yang tingin.

Isa na silang ganap na mga sundalo at parehong may mataas na posisyon sa serbisyo. Isa na din silang senior agent ng ahensya na kinabibilangan nila.

Ilang promotion na ang natanggap nila at sobrang daming award na din ang naibigay sa kanila dahil sa sobrang galing nilang tatlo sa kanilang trabaho. Katunayan ay kahit saan ay kilala ang trio Jack na magaling sa kahit na anong bagay.

"Anong target natin ngayon?" tanong n'ya sa mga kaibigan. Wala s'yang alam sa kanilang bagong misyon at panigurado s'ya na on the spot mission na naman ang ibinigay ng supremo sa kanila.

Madalas itong nangyayari sa kanilang tatlo at wala naman silang magawa kundi ang murahin ng palihim ang kanilang supremo.

"Drug baron ng Sudan at Sumatra na nasa Pilipinas ngayon," seryosong sagot ni Spike. Tumango na lang s'ya rito dahil wala naman s'yang may masabi sa misyon nila. Wala s'yang alam at susunod na lamang s'ya sa instruction ng dalawang kaibigan.

Bumaba s'ya ng kama na hubot-hubad at wala s'yang pakialam kay Spike at Nicollai kung makita man ng mga ito ang kan'yang kahubdan.

"P*****a ang bastos talaga ng gagong ito," reklamo ni Nicollai na may kasama pang mura.

Natigil s'ya sa akmang pagpasok sa banyo at nilingon ang mga kaibigan.

"Palitan n'yo ang kama ko na binasa n'yo kung ayaw n'yong e hack ko ang mga bank accounts n'yo para kumuha ng pambili ng kutson. That would be one thousand times sa presyo ng kutson ko," malamig na banta n'ya sa mga kaibigan na parehong umawang ang mga labi dahil sa kan'yang sinabi.

Lihim s'yang napangisi ng makita ang hitsura ng dalawa. Perks of being a hacker, pwede mong hawakan sa leeg ang mga kaibigan mo. Tanging si Drake lang ang hindi n'ya mapagbantaan ng ganito dahil hindi uso ang biro sa busangot na lalaking iyon.

Baka kung pagbantaan n'ya ito ay babarilin agad s'ya ng kaibigan na hindi marunong makisama o makisakay sa mga jokes nila.

Agad s'yang pumasok sa shower room at mabilisan na naligo. Pagkatapos ay lumabas din agad s'ya at naabutan n'ya ang dalawa na busy sa mga cellphone ng mga ito kaya hindi n'ya na lang dinisturbo pa at dumiretso na lang sa kan'yang closet para magbihis.

Misyon ang pupuntahan nila kaya tanging t-shirt na itim at itim din na pantalon na maong ang kan'yang suot. Kinuha n'ya ang kan'yang itim din na leather jacket at isinuot sa ibabaw ng kan'yang t-shirt.

Isinuot n'ya ang kan'yang boots na kulay itim din at isinukbit sa gilid nito ang dalawang kutsiyo. Hindi pwedeng mawala ang survival weapon n'ya sa bawat lakad na mayroon sila.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na s'ya at naabutan ang dalawa na nasa bungad na ng pinto at naghihintay sa kan'ya.

Nagsalubong ang kan'yang mga kilay dahil mukhang hindi na makakapaghintay pa ang dalawa ngunit hindi n'ya na lang pinansin pa at sumunod na lang sa mga ito ng magpatiuna itong lumabas.

"Saan ang location natin?" tanong n'ya sa mga ito ng makapasok sa sasakyan. Iisang sasakyan lang ang gagamitin nila para magkasama silang tatlo.

Si Nicollai ang nagmamaneho at si Spike ay nasa unahan katabi ni Nicollai nakaupo at s'ya naman ay nasa likod.

"Medonna club," tipid na sagot ni Spike sa kan'yang tanong. Kilala n'ya at alam n'ya ang naturang club na sinasabi nito. Isa itong vip stripper club kung saan ay mga mayayaman at mga mga negosyante ang madalas na pumapasok at mga naging customer.

Nasa wanted list nila ang naturang club dahil sa mga impormasyon na natanggap nila na talamak ang bintahan ng droga at mga babae sa lugar ngunit hindi nila mapasok-pasok ito dahil mukhang may malaking tao na nag poprotekta sa naturang club.

"So manunuod muna tayo ng mga nagsasayaw na mga babae na n*******d bago gawin ang misyon?" nakataas ang kilay na tanong n'ya sa dalawa.

"Aba syempre! Para ano na nakalibre tayo sa pagpasok kung hindi natin bubusogin ang mga mata natin mamaya," pilyong sagot ni Nicollai na ikinatanggap nito ng malakas na pagbatok mula kay Spike.

"Manyak ampota! Umayos kayong dalawa! Pagdating natin doon ay kan'ya-kan'ya na tayo ng pasok, hindi dapat na malaman ng iba na magkasama tayong tatlo," bilin sa kanila ni Spike. Nakuha nila ni Nicollai ang gustong iparating nito kaya naman ay nanahimik na sila at hindi na umangal pa.

Narating nila ang naturang club at agad na iniabot ni Spike sa kan'ya ang isang black card na may pangalan ng kung sinong demonyo.

Hindi na s'ya nagtanong pa rito at isinilid na lamang ang black card sa bulsa ng kan'yang jacket.

"Ako ang mauunang papasok, sumunod ka Adam at ikaw ang panghuli Red," habilin ni Spike at hindi na hinintay pa na makasagot sila. Agad nitong binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas.

Naglakad ito patungo sa entrance ng bar. Nakasunod lang ang mga mata nila ni Adam dito hanggang sa matagumpay itong pinapasok ng mga armadong gwardiya sa labas.

"Your turn Evans," s'ya kay Nicollai. Masama ang tingin nito ng balingan s'ya na ikinasalubong ng kan'yang kilay.

"Oh bakit parang galit ka?"

"Alam ko na ako na, hindi mo na ako kailangan pang utosan na gago ka!" singhal ng kaibigan sa kan'ya.

"Putang'ina! May dalaw ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang ang init ng ulo mo!" singhal n'ya rito ngunit pinakitaan lamang s'ya nito ng gitnang daliri at dali-daling lumabas ng sasakyan.

Hinintay n'ya muna na makapasok ito bago lumabas at naglakad patungo sa entrance ng naturang club. Pinakita n'ya ang kan'yang black card at wala namang tanong pa na pinapasok s'ya ng mga gwardiya ng makita ang kan'yang card.

Malamyos na musika ang sumalubong sa kan'ya habang puno ng puting usok ang buong lugar. Naghihiyawan din ang mga tao na animo ay tuwang-tuwa at ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa stage kung saan madalas na sumasayaw ang mga babae.

"Gentlemen please welcome, our star performer of Medonna Club— Halimuyak!" malakas na anunsyo ng emcee sa pangalan ng performer na sasayaw. Mahina s'yang natawa dahil sa pangalan nito na Halimuyak.

Kung wala lang s'ya sa misyon ay baka kanina pa s'ya nagkalat sa lugar na iyon ng marinig ang pangalan ng performer ngunit kailangan n'yang mag seryoso ngayong gabi dahil nasa misyon s'ya.

Malakas na palakpakan at hiyawan ang sunod na maririnig sa buong club at sa reaction ng mga tao ay masasabi n'yang isang sikat na performer ang sasayaw ngayong gabi.

Pa simple n'yang inilibot ang tingin sa buong paligid at namataan n'ya ang dalawang kaibigan sa magkahiwalay na pwesto sa hindi kalayuan.

Inilibot n'ya pa ang tingin sa buong lugar at agad n'yang namataan ang kanilang target sa unahan mismo ng stage. Kilala n'ya na ito dahil ipinakita na ni Spike kanina ang litrato ng matanda. Malapad ang ngisi nito at parang asong ulol na naghihintay ng karne na ipapakain ng amo.

Mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga tao dahilan para mabaling ang kan'yang tingin sa stage kung saan ay humupa na ang puting usok at makikita na ng malinaw ang isang napaka seksi at maputing babae na nakasuot ng see-through na damit na parang pangtulog habang senswal na iginigiling ang katawan sa saliw ng malamyos na musika.

Natulos s'ya sa kan'yang kinatatayuan at napatulala habang nakasunod ang tingin sa bawat galaw ng katawan ng babae. Hindi makikita ang mukha nito dahil sa suot na maskara ngunit ang katawan nito ay parang iskultora na perpektong inukit ng isang sikat na iskultor.

Nabaling ang tingin nito sa kan'yang kinaroroonan at nagtama ang kanilang mga mata. Naramdaman n'ya ang malakas na kalabog ng kan'yang dibdib at parang nanayo ang kan'yang mga balahibo sa buong katawan ng magtama ang mga mata nilang dalawa ng babaeng stripper.

Siobelicious

Thank you for reading babies ❤️❤️

| 3
Comments (27)
goodnovel comment avatar
Jossel Zulueta Ber
luh kuh yn na ata ung iniwan mu kagubatan dyosa na kgndhn s intablado......buhay n nmn ang katawang lupa mu
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
si Maddy ba Ang sumasayaw
goodnovel comment avatar
Eyha Ortega - Sarin
Baka kapatid nya c maddy.. Pero ang partner nya ai c jinky ni red...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status