Share

Chapter 1. Mission

2021

Gunther POV

“Mommy, last two years you agreed to let me go on vacation to Greece. Bakit nagbago na naman ang isipan mo?”

Ilang beses na ako nakapagpa- rebooked ng flight schedule dahil sa lagi may iniuutos si mommy. Next week na dapat ang flight ko going for vacation in Greece, but here we go again.

“Sundin mo ang utos ko, para sa ‘yo rin naman ang importanteng mission na ‘to,” wika ni mommy habang nasa paborito niya kaming restaurant.

Kapag may importanteng iuutos ay dito niya lagi gusto pag-usapan dahil sa may mga matang nakamanman sa mansion. Nasa VIP room kami ng restaurant at sa labas naghihintay ang mga bagong bodyguard ni mommy.

Wala ako ganang kumain because I’m disappointed of mom decision at marahil napansin niya kaya tumigil sa pagsubo ng pagkain.

“Alright, after this mission you can go to Greece or any country you like.”

Napatingin ako kay mommy, hindi makapaniwala sa mga sinabi nito. Sa una ay naisip ko nagbibiro lamang ito.

“Basta ang gusto ko ay gawin mo malinis ang trabaho. Don’t you dare make any mistake.”

“Kailan ba ako nagkamali? Have I ever disappointed you?” pagmamalaki ko tanong kay mommy.

“Hindi pa naman, but just make sure na walang aberya sa lakad na ‘to.”

“Okay, if that makes you happy.”

Nakita ko napangiti si mommy sa narinig kaya biglang hinawakan ang kamay ko at pinisil.

“That’s my boy. Napaka suwerte ko na ikaw ang naging anak ko.”

“Who is the next target?”

Kanina ko pa gustong malaman ang susunod na target dahil halatang napakahalaga ng mission na ‘to kay mommy.

Kinuha niya ang brown envelop at inilabas ang laman. Isang larawan ang inilapag sa mesa.

“This man?” naiintriga kong tanong. Pinagmasdan ko mabuti ang larawan na para bang pamilyar at nakita sa kung saan. “Malaki ba ang atraso ng taong ‘to sa ‘yo?”

“Hindi lang malaki, siya ang tanging hadlang sa mga pangarap ko,” tugon ni mommy.

Inumpisahan na namin pag-usapan ang gagawin ng team ko. Sigurado ako na papayag silang sumama kahit last month pa lang ang huling naging mission sa bansang Armenia.

I made a promise na magiging masunuring anak ako at gagawin ko lahat ng makapagpapasaya kay mommy.

Africa

Nakapuwesto na ang lahat ng kasama ko. Tulad ng nasa plano ay maayos na sinunod ng aking team. Kahit dalawang taon pa lang kami magkakasama ay palagay ang loob ko sa kanila at kaibigan na ang turing sa isa’t isa. Malinis silang magtrabaho at hindi pa sumasablay.

“Dragon, this is Phoenix. The target has arrived,” wika ng kasamahan ko.

“Copy.”

I used the binocular to check the target. Tama si Phoenix, nasa dalampasigan na ang target at kakababa lamang nito sa yate. Sampung katao lamang sila, nakakapagtaka.

Napansin ko ang dalawang lalaki katabi ng target, halos kasing tangkad niya ang mga ‘to. Tama ang paglalarawan ni mommy sa taong nasa kanan, ito na nga ang sinasabing bodyguard ng target. Magkapareho sila kung manamit at kumilos, isang magandang strategy upang malito ang sinuman magtangka masama sa target, but not me.

Ngunit ang taong nasa kaliwa ng target ay pamilyar ang hitsura. Nakita ko na ang lalaking ‘to, isa siyang lawyer kun’di ako nagkakamali. Nakakapagtaka na kasama siyang nagpunta rito.

Sinenyasan ko ang tatlong kasama na kumilos na. Nagtungo kami sa isang puwesto kung saan ay magkakaroon ako ng mas magandang pagkakataon mapatay ang target.

“Sir, nakapuwesto na ang lahat pati ang mga Beasts,” wika ng isa sa mga inupahang tauhan ni mommy.

Beasts ang tawag sa grupong kinabibilangan ko. Dragon ang gamit ko code name, Tiger, Phoenix, Scorpio at Tortoise ang mga kasamahan.

Lahat kami ay wala pa dalawampu ang edad na sinadya ni mommy upang hindi mahirapan pakisamahan ang isa’t isa. Madali rin makalusot sa immigration at hindi halatado na mga teenager assassins kami. Madali ang mag-disguise basta may pera.

Ang pangalan ng grupo ay unti-unting nakikilala sa bahagi ng middle east. Karamihan ng mga naging mission namin ay mula sa mga lugar sa middle east. Madalas magkaroon ng problema si lolo sa kanyang transaksyon. Kami ang pinapadala ni mommy para alisin sa landas ang sabagal sa negosyo ni lolo at upang magpalapad na rin ng papel sa matanda.

“Sir, nakikita ko na ang target.”

Sumilip ako sa monocular at saktong nakikipag-usap na ang target sa mga tao sa meeting. Hindi ko alam kung sinadya nila sa open area ganapin ang meeting o may tinatago plano ang mga ‘to.

‘I’ll make sure you die in this place,’ wika ko sa 'king isipan.

Pinapanood bawat kilos ng target at halatang may kayabangan ‘to. May ibinigay na mga papel ang lawyer na kasama sa kanilang mga ka-meeting. Ilang sandali pa ay nagkakaroon nang ‘di pagkakaunawaan sa pagitan nila.

Hindi ako makakuha ng buwelo upang kalabitin na ang gatilyo dahil sa kalikutan ng katawan nito.

‘D’amn this man. He giving me hard time.’

At isa pa ang bodyguard niyang lagi humaharang sa likuran, he made himself as a living shield.

Hindi makakuha ng magandang sight ang mga nakakalat ko kasamahan at ang puwesto ko lang ang may clear sight sa target.

Annoying.

Suddenly. One shot. Fierce. Nagkagulo sila sa meeting dahil bumulagta ang isang lalaki. I can’t hear the arrogant target saying but he made himself open to receive my bullet.

Kakalabitin ko na ang gatilyo ng biglang sunud-sunod na putukan ang nangibabaw sa paligid. Nagkagulo na rin ang mga tao sa meeting at lalong mahirap hagilapin ang target.

“Ngunit kahit gaano ka man kailap ay ‘di ka makakaligtas sa bala ko.”

Kanya-kanyang tago ang iba sa kanila, ngunit ang target at kasamahan nito ay papunta sa direksyon ng dalampasigan. Sigurado ako tatakas ang mga ‘to.

Naging open ang kanang katawang bahagi ng target kaya sinunggaban na ang pagkakataon upang patamaan ‘to.

“You’ll die in this island,” I said, kasabay ng pagkalabit sa gatilyo.

“Oh s’hit!” napamura ako dahil iba ang natamaan.

Naharang ng kanyang bodyguard ang bala at natamaan ‘to sa kanang braso. Wala na ‘ko pagpipilian pa kaya pinagbabaril ko na kahit sino sa kanila. Patay ang dalawa sa mga kasamahan nila at ang iba na natamaan sa katawan ay naka-bulletproof.

“Sir, we need to go,” wika ng kasamahan ko pagkatapos ubusin ang kanyang bala.

I’m too disappointed dahil ‘di ko man lang nasaktan ang target. Ngunit mas mahalaga makaalis kami sa lugar dahil patuloy pa rin ang mga putukan sa paligid.

Nakakarandam ako ng kaba habang tumatakbo dahil sa lugar ng sarili ko team nagmumula ang putukan. Nang makarating sa speed boat sa kabilang dalampasigan ay niradyo ko kaagad sila.

Walang sumasagot sa unang tatlong tinawagan ko. Si Phoenix na lang ang natitira at sinagot naman niya ‘to.

“Phoenix, mag-retreat na kayo!” utos ko na may pag-aalala.

Sunud-sunod na putok ng mga baril ang tangi ko narinig.

“Are you still there, Phoenix?!”

Isang malalim na buntonghininga mula sa kabilang linya.

“I’ll send you his head,” wika ng ‘di nakikilalang boses.

Sandali ako napatulala at isang tama ng bala sa noo ang sinalo ng katabi ko. Mabilis ako hinila ng tauhan nasa likuran ko upang dumapa at magtago.

“Someone’s coming. We need to leave sir,” sabi ng nasa control at pinaandar ang speed boat na hindi naghintay ng utos.

Habang papalayo ang speed boat ay sinilip ko sa binocular ang taong paparating sa dalampasigan.

“That’s Tiger! Quick, we need to go back!” galit ko utos ngunit hindi sumunod ang mga kasamahan ko.

“We can’t go back sir, look,” wika ng isa sa kanila sabay turo sa pinagmulan ni Tiger.

Muli ako sumilip sa monocular at hindi nga mag-isang nakarating si Tiger sa dalampasigan, may mga armadong lalaki ang nakasunod dito. Binaril si Tiger sa lalamunan ng isa sa kanila, mula sa monocular ay kita ko ang hitsura ng bumaril. ‘Di pa nakuntento ang lalaki at tinadtad ng bala ang katawan ni Tiger kahit halatang patay na ‘to.

Napamura ako ng sunud-sunod dahil sa sinapit ng mga kaibigan ko. Para ako mababaliw na pinagsisipa ang deck.

Milan, Italy

While walking at the Sempione Park ay napansin ko ang mga tao na masayang kasama ang kanilang pamilya o kaibigan. Masarap siguro sa pakirandam na kasama ang magulang na mamasyal bilang mga ordinaryong tao.

I’ve visited other countries with mommy, but mostly for charity foundation at sa kanyang publicity. Akala mo si Princess Diana kung umasta sa harapan ng maraming tao. Halata naman na pakitang tao lamang at gusto masabihang mabuting tao.

“Ohi!” hiyaw ng babae nabangga ko. Natapon sa bahagi dibdib ang kapeng laman ng hawak niyang baso.

“Mi dispiace,” paghingi ko ng paumanhin. Hindi ko talaga sinasadya dahil lumilipad ang isipan habang naglalakad.

"Oh mio vestito costoso," wika ng babae na nag-aalalang nadumihan ang mamahaling suot.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang kanyang damit. Bigla itong nailang at tinaboy ang kamay ko, bahagya pa siyang napaatras.

“Ang tanga lang,” bulong ng babae na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

“Filipina ka pala?” namamangha ko tanong. Mukha itong Italiana kaysa Filipina o maaaring hati ang lahi.

Nagulat ko siguro siya dahil bigla napatingin ng diretso sa ‘kin. Natakpan pa niya ang bibig at lalong lumalayo paatras.

“What’s wrong?” I asked.

Suddenly the woman ran. Naiwan ako nakatunganga at nang makabawi, I decided to go back to the apartment.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status