Share

GUNTHER FROUCH (Wild Men Series#29)
GUNTHER FROUCH (Wild Men Series#29)
Author: Arkhate

PROLOGUE

2018

“Papa, it's time for you to announce to the family about Gunther, being the rightful heir,” Pia said.

“It’s Master Frouch for you, not papa!” madiin na tugon ni Dimitri.

Natahimik si Pia sa narinig. Nasa opisina siya ni Dimitri sa loob ng mansion upang pag-usapan ang tungkol sa pagiging heredero ng anak.

“Until now ay hindi mo ako matanggap bilang manugang. ‘Di bale, what important is my son’s right.”

Napatiim bagang si Dimitri. Kahit kailan ay hindi niya gusto ang manugang na halatang may pagkasugapa sa kayamanan. Ibang-iba ang ugali nito sa naunang asawa ng anak.

“I can’t make Gunther as the rightful heir at alam mo ang dahilan.”

Sumilay ang galit sa mukha ni Pia kaya napatayo ito at nahampas ang office desk ng matanda.

“Your first born grandchild is already dead.”

“Enough!” hasik ni Dimitri. “Hanggat wala sa harapan ko ang kanyang bangkay mananatili siyang buhay at nararapat na tagapagmana.”

Napaupong muli si Pia at napabuntonghininga. Sarado ang isipan lagi ng matanda pagdating sa kanya.

“If you have nothing to say just leave,” pagtataboy ni Dimitri.

Kanina pa nakikinig si Gunther sa usapan ng dalawa at nagmadaling lumayo mula sa pintuan. Nagtago siya sa kabilang silid at ni-lock ang pintuan. Anumang sandali ay lalabas ang kanyang ina at siguradong siya ang pagbabalingan ng galit.

Just as his expected, paglabas pa lamang ni Pia ay mataas na ang boses nitong tinatawag ang pangalan ng anak. Nais ni Gunther na huwag tumugon at manatiling nakatago ngunit lalo siyang magagalit dito.

“Gunther!!!”

Lumabas siya sa silid at nanginginig na lumapit sa ina. Nakayuko at takot na takot salubungin ang titig ng ina.

“Sumunod ka sa ‘kin,” utos ni Pia.

Tumalima kaagad si Gunther at sa second floor ng mansion kung saan naroroon ang silid ni Pia sila pumasok. Tulad ng inaasahan ni Gunther siya ang pagbabalingan ng galit ng ina.

Kaagad inilabas ni Pia ang latiko mula sa drawer at pinaluhod si Gunther sa sahig.

“Tanggalin mo na ang shirt mo,” utos ni Pia.

Saktong pagkaalis ni Gunther sa kanyang shirt ay isang latay ang kumawala sa likuran. Napangiwi siya sa sakit ngunit hindi siya pwedeng d*****g.

“Is it really hard to get your grandpa’s favor?!” gigil na tanong ni Pia at dalawang magkakasunod na latay ang binitawan.

Nanatiling tahimik si Gunther dahil wala siyang maisagot sa tanong.

“Answer me!!!” Galit na galit na pinaglalatigo ni Pia si Gunther.

Ilang sandali lang ay duguan na ang likod ni Gunther na dahilan upang mawalan ng malay.

Nang magising si Gunther ay nasa kanyang sariling silid na ito. Masakit ang kanyang likod kahit may bendang nakalagay sa kanyang mga sugat.

“Gising ka na pala. Anong gusto mo kainin?” tanong ni Amy.

Si Amy ang naging yaya ni Gunther simula nang ipinanganak ito. Nasa limampu na ang edad ni Amy ngayon. Sa pakirandam ni Gunther ay mas ina pa ito kung ituring siya.

Maalaga si Amy sa kanya at ito rin ang lagi gumagamot sa kanyang sugat. Hindi lingid kay Amy ang ginagawang pananakit ni Pia kay Gunther mula nang bata pa ‘to. Kaya binuhos ni Amy ang lahat ng oras at pagmamahal kay Gunther, wala rin naman itong sarili pamilya.

“Wala ako gana. Si mommy?” tugon ni Gunther na nahirapan makaupo kaya inalalayan siya ni Amy.

Ipinasuot ni Amy ang maluwag na shirt sa alaga upang ‘di lamigin ang likod nito.

“Nasa meeting daw at huwag mo ng hintayin.”

Hindi naniniwala si Gunther na may meeting ang ina dahil Sunday ngayon. Sa isip ni Gunther ay magkasama na naman ang ina at ang driver nito na si Ramon.

Walang pakialam ang Lolo Dimitri niya sa kanilang mag-ina dahil abala lagi sa negosyo at paghahanap sa panganay niyang apo. Tulad ngayon na nasa Bangladesh na naman ang matanda upang ayusin ang gulo sa negosyo.

Lalong wala pakialam ang kanyang ama sa kanila, lagi nagkukulong sa sariling silid at umiinom. Hindi magkatabi ang magulang sa pagtulog kaya ‘di niya masisi ang ina kung maghanap ng kaligayahan sa ibang lalaki.

“I need a fresh air,” wika ni Gunther at saka tumayo.

“Bata ka, magpahinga ka muna at hindi pa magaling ang mga sugat mo,” suway ni Amy.

“No yaya, I just want to go to the poolside pergola. Make me a sandwiches and juice,” tugon ni Gunther at nagsimulang maglakad palabas ng silid na nasa first floor lamang ng mansion.

While on his way to the poolside ay nakita ni Gunther si Nala na isang Sphynx breed cat at pinakamamahal na alaga ni Pia. Mahal din ang halaga nito.

“Got you!” natutuwang wika ni Gunther matapos kargahin.

Pinagmasdan itong mabuti ni Gunther habang pilit namang kumakawala si Nala.

“How an ugly creature like you be love by my mother more than me?” tanong pa niya sa pusa kahit alam na walang makukuha sagot, kaya lalong hinigpitan ang pagkakahawak dito.

Dinala ni Gunther si Nala sa poolside at pinaglaruan, ngunit bigla siyang nakalmot nito sa kamay.

“Bad Nala!”

Hindi na siya natutuwa sa kaharutan ng pusa dahil sa pagkalmot nito. May napansin siyang mahabang stick na nasa ilalim ng upuan. Sumagi sa kanyang isipan ang lagi ginagawa ng ina sa kanya sa tuwing nagkakamali o naiinis kahit wala siyang kasalanan.

Inabot niya ang stick at hinampas ng malakas si Nala. Bago pa makatakbo si Nala ay nahawakan na siya ng mahigpit ni Gunther.

“It is what you deserve!”

Pinagpatuloy ni Gunther ang pananakit hangga sa dumating si Amy.

“Jusko Gunther, anong ginagawa mo?” nag-aalalang tanong ni Amy at mabilis na inilapag sa mesa ang tray ng inihandang pagkain.

Pinigilan kaagad ni Amy ang alaga at kinuha ang stick sa kamay nito. Ngunit huli na ang lahat dahil napinsala na ang katawan ni Nala at hirap sa paghinga.

“What’s going on here?”

Nagulat silang dalawa at sabay napatingin sa likuran. Nakita nilang papalapit si Pia na nakataas ang kaliwang kilay at kasama ang driver nitong si Ramon.

“I’m asking. Are you deaf?”

Namutla pareho si Gunther at Amy, hindi nila alam ang sasabihin hangga sa tuluyang makalapit si Pia at makita ang kalagayan ni Nala.

“Who did this to my poor baby?!!!” galit na galit na tanong ni Pia. Nilapitan si Nala na nakahandusay sa lupa at mangiyak-iyak na hinaplot ang ulo nito.

Muling binalingan ng tingin ni Pia ang dalawa at nakita ang stick na hawak ni Amy.

“You b’itch!” galit na lumalit kay Amy upang agawin ang stick. Pinaghahampas ni Pia si Amy gamit ang stick at wala siyang pakiaalam kung saan niya ito tamaan.

Umiiyak si Amy habang yakap ang sarili. Bumakas ang latay ng stick sa kanyang mga braso at pisngi.

“Mommy stop it!” Pigil ni Gunther sa kamay ni Pia. “Ako ang nanakit kay Nala, hindi si yaya.”

“You, stupid bastard!”

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Pia sa pisngi ng anak. Hindi pa ito nakuntento at sa anak ipinalo ang stick.

“Madam, tama na. Huwag mo ng saktan ang alaga ko,” pakiusap ni Amy sabay yakap kay Gunther upang saluhin ang mga palo.

Lalong nagalit si Pia sa ginawa ni Amy kaya kinuha ang baril mula sa shoulder bag. Walang pagdadalawang-isip na ipinutok ito kay Amy.

Nagulat Gunther sa ginawa ng ina at sa kanyang harapan ay bumulagta sa sahig si Amy. Habang si Ramon naman ay mabilis na lumapit kay Pia upang kunin ang baril.

“Yaya!” tawag ni Gunther. Nakita niya ang duguang dibdib ni Amy kaya magkakahalong emosyon ang narandaman.

“Tama lang sa ‘yo ‘yan! Pakialamerang katulong. You low life slave!” pangungutya pang sabi ni Pia na hindi man lang nakarandam ng habag kay Amy.

Napaiyak si Gunther sa kalagayan ni Amy at hindi alam ang gagawin. Naghihintay siya ng saklolo mula sa ibang kasambahay at tauhan ng kaniyang lolo ngunit walang dumating. Marahil ay takot ang mga’to na makialam dahil kilala nila ang ugali ni Pia.

Nang mapansin niyang hirap na sa paghinga si Amy at may gustong sabihin. Inilapit ni Gunther ang kanang tainga kay Amy.

“O-Orla W-Walsh-“

Tuluyan nang mawalan ng hininga si Amy. Hindi maintindihan ni Gunther ang sinabi ng yaya niya at lalong nangibabaw ang galit sa ina.

“You killed her!” hasik ni Gunther sa ina.

“She deserves to die!” tugon ni Pia habang inaalalayan ni Ramon.

“How dare you kill the only person who loves me just for your d’amn cat!”

Parang natauhan naman si Pia dahil sa inaasal ni Gunther. Ngayon lamang niya nakita nanlalaban ang anak kaya nilapitan niya ito upang amuhin.

“Oh, I’m so sorry honey. Nagseselos lamang ako dahil sa pinapakita mo concern kay Amy,” wika ni Pia at niyakap ang anak. Hinalikan pa niya sa noo si Gunther habang hinahaplos ang likuran nito at inabot ang baril mula kay Ramon.

“Come honey.”

Inalalayan ni Pia makatayo ang anak at dinala sa tabi ni Nala.

“Here,” sambit ni Pia at ibinigay ang baril kay Gunther.

Tumanggi si Gunther na hawakan ang baril at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng ina dahil gusto niya balikan si Amy.

“Just hold the gun!”

Napalakas ang boses ni Pia dahil sa pagtanggi ng anak.

“I only want you to feel good so hold the gun,” utos ni Pia.

Walang nagawa pa si Gunther kun’di ang hawakan ang baril. Patuloy naman si Pia sa pag-alalay at itinutok ang baril kay Nala. Nanginig ang kamay ni Gunther dahil alam niya ang susunod na mangyayari. At biglang kumalabit ang gatilyo.

Gulat na napapikit si Gunther.

“Now we’re even,” nakangiting wika ni Pia. “Don’t worry honey, everything will be alright. Tomorrow, we will buy the bow and arrow you dreaming.”

A Year Later

Dhaka, Bangladesh

“This is Dragon, I need an update Tiger,” wika ni Gunther kausap ang isang miyembro ng kaniyang team mula sa kabilang linya. Nasa rooftop siya ngayon ng Shanta Pinnacle.

“This is Tiger, the target is near on position. Three hundreds to be exactly,” sagot ng nasa kabilang linya.

“Copy.” Pinatay ni Gunther ang linya at ilang segundo lang ay nakita na niya ang target.

After a minute ay kinalabit na ni Gunther ang gatilyo ng rifle at sapol agad sa noo ang target, nagkagulo ang mga tao sa baba.

Mabilis niyang iniligpit ang iniregalo ng ina na Tracking Point XS1 at ipinasok sa black bag. Hinubad na rin ang kanyang gloves at rider mask, inayos ang sarili na para bang wala nangyari.

He started killing people for the last six months, dahil na rin sa utos ng ina upang makuha ang pabor ng kanyang lolo. After this mission he wants a vacation in Greece, alone.

Ngunit paglingon niya sa kanyang likuran ay nakita kaagad ang isang babae nakatayo sa pintuan ng rooftop at nagre-record ng video.

“S’hit!” pagmumura niya at mabilis na tumakbo patungo sa babae.

Halatang natakot ang babae at nagmadaling bumababa ngunit nagpang-abot sila ni Gunther sa gitna ng hagdan. Kaagad na na-corner ni Gunther ang babae na takot na takot.

“P-Please, don’t hurt m-me. I-I meant nothing wrong in taking v-video,” garalgal ang boses na wika ng babae.

Napansin ni Gunther na maganda ang babae kahit nakasuot ng hijab. Maganda rin ang kulay abo mga mata nito na tinernuhan ng mahabang pilik-mata.

Hinablot ni Gunther ang camera hawak ng babae. Kinuha niya ang memory card at napansin ang sticker na nakadikit sa ibabaw ng screen.

“Ginevra.”

“Y-Yes, I’m Ginevra. P-Please give back my camera,” pakiusap ng babae.

Aabutin ng babae ang kanyang camera mula sa kamay ni Gunther ngunit binitawan ito, dahilan upang mabasag. Nanlaki ang mga mata ng babae sa gulat at akmang dadamputin ang basag na camera ngunit inapakan ito ni Gunther.

Sinadya ni Gunther na sirain ang camera upang makasiguro walang nakuhanan ang babae sa kanyang ginawa.

“You asshole! Who do you think you are?!” hasik ng babae kahit may takot pa rin nararandaman.

“Get out of this place and never show yourself again to me or I'll kill you next time."

Katagang binitiwan ni Gunther at saka nilisan ang lugar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status