Share

Chapter 5. OBSERVE

Ginevra

I have no intention na takasan ang lalaking ito kaya hindi na kailangan na itali ako. With this cable tie, seriously? Mahigpit ang pagkakatali kaya masakit ito sa kamay at paa. I translated the manual written to him kahit ayaw ko.

I rolled my eyes when he looked at me while preparing his tools.

“Anong tinitingin-tingin mo?” I asked. His green eyes are so beautiful but deadly.

“Shut up! Baka mainis ako sa ‘yo lagyan ko ng busal ang bibig mo.” Inayos niya ang maliit ko dining table papunta sa isang gilid ng sala at pinatungan ng silya upang maabot ang mataas na bahagi ng dingding.

Nakakairita ang ugali nito. I was scared of him hindi lang para sa buhay ko kun’di pati na rin kay Esmeralda. Esmeralda is my dear Italian friend kaya hindi ako papayag na isang tulad ni Alexander ang papatay dito.

Malaki ang utang na loob ko kay Esmeralda dahil siya ang naging tagapagtanggol ko kapag binu-bully sa school noong high school. Baluktot ang dila ko sa pagsasalita ng Italian noon, dahil lumaki ako sa Pinas at dinala sa Italy ni dad nang mamatay si mama when I was 14. When I met Esmeralda, tinuruan niya ako kung paano ang tamang pagsasalita ng Italian. Classmate rin kami kaya madalas na magkasama. Mas madalas ko pa nga kasama si Esmeralda kaysa kay dad dahil busy ito sa pagtatrabaho, idagdag pa na nag-asawa ulit ito kaya parang balewala na ako.

Going back to Alexander, there is something off about him na ‘di ko mapaliwanag or maybe may pagka-mysterious lamang. Just like now he’s drilling the wall para ibaon ang screw at halata naman hindi niya alam gamitin ang tool na gamit.

“Ouch!” naiinis nitong sambit dahil nasaktan na natamaan ang daliri nito ng cordless drill.

“Hey, Alexander!”

“What?!” masungit nitong tanong.

“As I can see, hindi ka marunong gumamit ng drill. I can help you,” I answered.

“You?” Pangmamata nito sa akin.

“I know how to use it, you just need to trust me.”

“The last time I trust you, you kicked the most sensitive part of my body.”

“It will never happen again,” I said in sincere tone.

“Siguraduhin mo lang na wala kang binabalak na iba.”

Bumaba ito upang lumapit sa akin at iaabot ang drill.

“Sana lang naman ay kalagan mo muna ako.” Inilapit sa kanya ang mga kamay ko, ibinaba niya sa tabi ko ang drill at pinutol ang cable tie gamit ang cutter plier.

Kinuha ko sa kanya ang plier upang ako na ang magputol sa cable tie na nasa paa. I removed my coat and now I’m just wearing my tight black jeans at red long-sleeved tight blouse. Dinampot ko na ang drill upang umpisahan ang gagawin, “Hold the chair.”

Hinawakan naman ni Alexander ang silya pag-akyat ko. Pinanood niya ako kung paano butasan ang dingding at ilagay ang mga screw na may hook. Kasunod nito ang pag-abot niya ng cable wire upang isabit sa mga hook. Paulit-ulit lang ang ginagawa hanggang sa mailagay ang huling camera, “Done.”

Iniabot ko kay Alexander ang drill upang ilagay sa box, kaya binitawan nito ang silya. Pababa na ako ng biglang may maapakang mga nagkalat na screw kaya hindi inasahang mahulog mula sa kinalalagyan.

“Careful!”

Narinig ko sigaw ni Alexander habang mariing ipinikit ang aking mga mata. Suddenly, I felt my body bounced into something kaya nagmulat ng mga mata. Saktong nagtama ang mga mata namin ni Alexander na sumalo sa pagbagsak ko kaya ngayon ay pareho kaming nakahandusay sa sahig. Lumakas ang kabog sa dibdib ko, it is something you feel when you see your crush. Jusko! I’m not a teenager.

“Clumsy!” naiinis nitong sabi at itinulak ako ng may kalakasan palayo sa katawan niya.

Tumayo kaagad ako at ganoon din siya, “Can you at least be gentle kahit minsan lang?”

“Just shut up!” tugon nito at kinuha ang cellphone upang install ang kailangan application para sa mga nilagay na surveillance.

Every corner of the apartment ay may surveillance camera except sa bathroom kaya nakakaalangan ang kumilos sa mismong tirahan ko.

“Translate this.” Utos ng kamahalan na itinutok pa sa mukha ko ang manual.

Steps ito upang i-connect ang mga camera sa application kaya itinuro sa kanya ang gagawin upang hindi na magsungit pa.

It was a long day for the both us and now nasa kusina kami magkaharap na sa dining table. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin kaya nakakailang, nang biglang kumalam ang tiyan ko.

“I’m hungry,” reklamo ko sabi.

“Give me your cellphone at magpa-deliver ng pagkain.”

I handed my cellphone to him after I opened. Nag-orded siya kaagad ng pagkain upang ipa-deliver sa apartmemt, I gave the exact address. Then, he put my credit card number, pakiramdam ko ay malapit na ako mamulubi sa kanya. To think of it na savings ko ang ginagastos namin mula kanina and I’m too old para humingi ng pera kay dad.

“Ang laki ng nagastos today from my savings, wala ka ba kunsensya?”

“I’ll pay you. Lahat ng nagastos mo ibabalik ko.”

“How? Mukhang TNT ka nga.”

“I’m not.”

“Akala mo hindi ko napansin ang reaksyon mo nang makita ang mga officers kaninang umaga?”

“Just,” sambit nito na halatang naiirita na kaya napakuyom ang kanang kamay, “none of your business. Stop asking!”

Katahimikan ang sunod na namagitan sa amin. Nakatingin pa rin ito sa akin habang nilalaro ko na lamang ang sariling mga daliri. Thank god, he didn’t tie my hands and feet again.

“Is your age really 25?” I suddenly asked upang mabasag ang katahimikan.

“I told you to stop asking,” malamig nitong sagot.

Bumuntong-hininga na lamang ako, sa palagay ko ay hindi siya nagsasabi ng totoo. I think mas bata siya sa sinabi edad na 25 dahil sa hitsura nito kahit matangkad. Halata rin na hindi siya marunong magtrabaho na marahil ay anak mayaman.

“Gusto kitang makilala,” I started, while staring at him being restless.

“You don’t need to know anything about me.”

“This morning you came to my clinic asking for help. Suddenly, you abducted me in my own apartment, you need my help.”

Nagulat ako dahil bigla niyang hinampas ang mesang nasa pagitan namin, “Shut up your mouth and wait for the foods to be deliver.”

“I can’t shut up!” Hindi ko na napigilang mapatayo at itukod ang parehong kamay sa mesa. “Look what you did to my apartment. Pinuno mo ng surveillance camera at hindi ako makahinga ng maayos dahil nandito ka.”

“Magtiis ka.”

“Hindi ako sanay na may lalaking kasama sa apartment!”

“Masanay ka na.”

Nakakainis ang lalaking ito, balak pa rito tumira, “Nakakainis ka na, sa dami ng camera nakapalibot, kahit saan ka magpunta ay makikita mo ang ginagawa ko. Isa pa, kanina pa tawag nang tawag ang kaibigan ko at hindi masagot. Even my dad was calling,” nakataas ang kanang kilay na sambit ko.

“You still have a father?” namamangha nitong tanong.

Napaupo muli ako dahil sa hindi inaasahang reaksyon nito sa pagbanggit ng aking ama kaya tumango ako bilang sagot.

“Does he care about you?”

“Y-yes.” Wala sa loob ko ang pagsagot at kahit hindi sigurado kung may pakialam si dad sa akin ay nag-yes na lang ako.

“Do you still have a father?”

Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik, kukulitin ko dapat ngunit biglang may kumatok sa pinto kasabay ng pag-ring ng cellphone. The delivery man arrived.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status