Share

Kabanata 46

Game of Love

Pumasok sila sa private place ni Barry. Isa itong half-court, kadalasan sina Masu at Mark ang laging kasama n'ya rito kapag nagtatanggal s'ya ng stress.

Nagpalit ng white sando si Barry at jersey short.

" Sayang hindi tayo nakabili ng jersey mo, Junior, " nakangiting sabi n'ya kay Junior.

" Okay lang po 'yon. "

Si Naya naman nasa gilid lang nila, tinambakan nila ng madaming pagkain.

Nag-umpisa nang magpapawis 'yong dalawa, driboll dito driboll do'n, takbo rito, takbo ro'n. Tuwang-tuwa si Barry dahil kay Junior, pakiramdam n'ya eh bumabalik s'ya sa pagkabata. Nang mapagod na sila sa pagba-basketball ay  nahiga sila sa court habang  nagtatawanan.

" Okay ka naman pala eh, " sabi ni Junior.

" Ikaw rin, ang galing mo huh. Konting praktis pa, sigurado ako na magiging superstar ka in the future. "

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status