Share

Gin and Vodka
Gin and Vodka
Penulis: Summer_Morrison

Chapter One

SHE squeaked when she felt something hit the back of her car, she was about to unfasten her seatbelt when that impact almost split her skull in two as her head hit the steering wheel. She touched the upper part of her forehead gingerly when she felt the swelling on that part of her body. Lucky her, the hit wasn't that bad because of the seatbelt, it saved her life. 

Kinapa niya ang ibang bahagi ng katawan ngunit wala na siyang ibang makitang pinsala maliban sa bukol niya sa ibabaw na bahagi ng kanyang noo. Hindi lang yata ang sasakyan niya ang nauga dahil sa pagkakabangga, maging ang kanyang utak.

"M****a! M****a!" she cursed using her mother tongue. "Te voy a matar, bastardo!" she muttered how she wanted to kill the bastard who was behind the wheel of the car that hit her car's bumper.

She kept on muttering series of unprintable oaths while unfastening her seatbelt and opening the door of her Lamborghini. She walked through the direction of the blue Lexus that crushed her car's left tail light. She'll give whoever that bastard behind the wheel a piece of her mind.

"Sal del coche, idiota!" Her eyes squinted as she knocked on the window of the car on the side of the driver's seat. "Get out of the car, you idiot!" katok niyang muli. Hindi niya makita ang nasa loob niyon dahil heavily tinted ang salamin ng sasakyan.

Bahagya siyang napaatras nang bumukas ang pinto ng Lexus. She gritted her teeth in annoyance and was about to open her mouth when the driver stepped out of his car.

Her voice got stuck on her throat when she came face to face with a tall and muscular man, with broad shoulders, disheveled hair and an irritated face.

She had seen and met a few handsome men in her life, all of them did not make her astound. This man was different, the anger in his eyes made her confuse and lost of words for a moment. Ito pa ang may ganang magalit gayong ito ang nakabangga sa kanyang sasakyan?

Bahagyang nabawasan ang pangungunot ng noo at ang apoy sa mga mata ng lalaki nang matitigan ang babaeng kaharap. Magkasalubong ang mga kilay, bahagyang nakaawang ang pulang mga labi at nakakunot ang noo na tila ba inaanalisa kung ano ang susunod na gagawing hakbang.

Napatingin siya sa sasakyan nito at marahas na napaungol nang makita ang nabasag na tail light at nayuping bumper. The woman in the car he's with suddenly pulled him by the collar and he accidentally stepped on the gas. He felt like wringing the woman's neck for being greedy. Hindi man lang ito makapaghintay na makarating sila sa pinakamalapit na hotel.

He was at fault and he can't blame the woman in front of him for knocking on his car's window as if she's going to break it. Who wouldn't be mad if her expensive car got tainted?

"I'll pay for the repair," he suggested and met her now annoyed eyes.

"Don't bother!" Vodka, who managed to pull herself back, snarled at him. Napatingin siya sa kabilang bahagi ng sasakyan ng lalaki nang bumukas ang pinto sa may passenger's seat. Napataas ang isang perpektong kilay nang masilayan ang isang pamilyar na babae.

"Honey, matagal pa ba?" usal nito na may pagka-irita ang tono.

Tila sumiklab lalo ang inis ni Vodka nang marinig ang boses nito at makita ang ayos ng modelo na kasama ng lalaking nakabangga sa kanya. Her hair's disheveled just like him, one strap of his party dress was hanging on her shoulder, her breasts were almost in full show. Parang nahuhulaan na niya kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob ng sasakyan kaya nasuro niyon ang kotse niya.

She rolled her eyes in annoyance and glanced back at the man in front of her whom she caught surveying her body. Did she just saw admiration in his eyes?

"Bastardo!" She gave him a sharp glare before turning her back and walked towards the club's entrance. But the bastard stopped her by tugging her arm firmly.

"What did you say?"

Ipiniksi ni Vodka ang braso dahilan upang mabitawan siya nito. "Forget it and leave me the fuck alone!"

"Your car—"

"I'll take care of my own car, que te den!"

She stormed into the club's entrance and didn't even bother to glance back at the man who kept on calling her.

Nang tuluyang makapasok sa loob ng nightclub ay bahagyang nabawasan ang inis niya at pasalampak na umupo sa sofa. She blew a rough sigh before roaming her eyes around. She can feel the stares of the men near her table and their laughs after murmuring something with each other.

She ignored them and smiled when satisfaction seeped into her as she watched the beautiful neon lights illuminate the whole place. A mixture of violet, pink and blue.

Tipsy talk was one of her favorite places, she loved that it was not too crowded and it screamed elegance. From the crystal chandelier that emits neon lights to the well-polished marbled floor.

There are few people in the middle of the dance floor. Hindi masyadong marami ang tao ngayon sa loob ng nighclub. Marami na siyang nakilala roon na maituturing na nakakaangat sa lipunan at may mga reputasyong pinaghahawakan. Some were businessmen, TV personalities, athletes, spoiled brats, wealthy assholes. Those rich folks were comfortable with the nightclub knowing that it's private and no paparazzi can enter.

Hindi rin naging madali para sa kanya ang makakuha ng membership sa nightclub na iyon. Bukod sa malaki ang babayaran para makapasok ay mayroong ginagawang screening para sa mga applicant. Ang sabi ng kanyang kaibigang nagtatrabaho roon ay hindi nakakapasok sa lugar na iyon ang kung sino mang may criminal record.

"Vodka." Napaangat siya ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na iyon na tinawag ang kanyang pangalan.

"No, I want whiskey," she joked and grinned at her friend. She saw her rolled her eyes and walked back to the bar counter.

Sumandal siya sa sofa kapagkuwan ay ikinawit ang kaliwang braso sa ibabaw no'n, ipinatong ang isang paa sa kabila habang sinusundan ng tingin ang kaibigan. Pagbalik nito ay may dala ng isang bote ng whiskey, shotglass at ice bucket.

"Wala ka na namang kasama?"

"I have you," sagot niya at ngumiti rito na nakatayo sa kanyang harapan at nakahalukipkip. Nilagyan niya ng alak ang baso at sinalinan ng kaunting yelo.

"May trabaho po ako, no! Find someone to play with nang hindi naman ako ang ini-istorbo mo." Umirap pa ito bago tumalikod upang bumalik sa pagtatrabaho bilang bartender.

Napailing nalang si Vodka at dinala ang alak sa kanyang bibig. Napapikit siya nang sumayad iyon sa kanyang lalamunan.

"Can I join you?" rinig niyang tanong ng isang lalaki.

"Sure!" aniya sabay bukas ng mga mata na siya niyang pinagsisihan.

Napalis ang kanyang ngiti nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Simpatiko itong nakangiti habang pinag-aaralan ang kanyang mukha.

Babawiin na sana niya ang kanyang sinabi at itataboy ito nang bigla itong umupo sa kanyang tabi kasabay nang pagkuha sa hawak niyang shotglass. Nakatingin parin ito sa kanya habang dahan-dahang sumisimsim, naglalaro ang kaaliwan sa mga mata.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay at muling bumalik ang inis niya para sa lalaki. He was absolutely starting to flirt with her. Hindi na iyon bago sa kanya sa dami ng clubs at bars na napasok niya simula nang tumuntong siya sa edad na dise-otso.

She entertained those men who tried to flirt with her, but it's just flirting and nothing more. And this man was different from those men, she doesn't like the air of arrogance around him. And knowing how they meet a while ago, no wonder that he doesn't appeal to her. Though handsome and manly, her first impression lasts, she saw him as the man who hurt her baby.

She treasured her car, it was her most important possession. Her brother gave him to her and she fell in love the first time she saw Martini—her car.

"Puta madre!" Mura niya rito sa mahinang tinig. Inirapan niya ito at bahagyang umusog ng upo kapagkuwan ay tumawag siya ng waitress upang manghingi ng panibagong shotglass dahil mukhang wala itong balak na ibalik sa kanya ang kanyang baso.

Hindi nalang niya ito papansinin at subukang paalisin dahil mukhang wala itong balak magpataboy.

Muli siyang nagsalin ng alak at uminom. Ipinalibot niya ang paningin sa kanyang paligid upang libangin ang sarili at huwag makunsumi sa katabi. Umalis siya sa pagkakasandal sa sofa dahil sa mga braso nitong nakasandal doon.

Nang makita ang grupo nang kalalakihan na malapit sa kanyang kinauupuan ay itinaas niya ng bahagya ang baso ng alak at ngumiti sa mga ito, ganoon din ang ginawa ng mga lalaki. Mukhang may balak ang mga itong lapitan siya simula nang dumating siya roon, nag-aalangan nga lang ngayon dahil sa estrangherong lalaking biglang tumabi sa kanya.

Kilala niya ang grupo, dati narin niyang nakainuman ang mga ito. Sa halos gabi-gabi niyang pagpunta sa lugar na iyon ay halos kilala na niyang lahat ng miyembro roon.

Ngayon lang niya nakita ang lalaking katabi, bago marahil ito roon. At ano kaya ang ginawa nito sa kasamang modelo kanina. Did he ditch her off?

"Mind telling me your name?"

Umikot pataas ang mga mata ni Vodka nang marinig ang tanong na iyon ng kasama. Ramdam niya ang bahagyang paglapit nito ng bibig sa kanyang tenga.

Luminga siya rito at muntik nang magkabangga ang kanilang mukha. Kaunting usog pa ay magtatama na ang kanilang mga labi, ang tungki ng kanyang ilong ay bahagyang nakasayad dito.

Hindi siya umatras at nakataas ang kilay na sinalubong ang mga mata nito. Nang mapatingin ito sa kanyang mga labi ay wala sa loob na pinaraanan niya ng dila ang pang-ibabang labi.

"Vete al infierno!" she hissed, telling him to go to hell.

The corner of his lips quirk up in an amused grin and asked, "Is that a way of telling me to back off?"

Vodka shrugged nonchalantly and settled her eyes in another direction but him. Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil unti-unting bumukal ang kanyang interes para rito at may nag-uudyok sa kanya na kalimutan nalang ang ginawa nito sa kanyang sasakyan.

"Call me when you needed help with your car," bulong nitong muli malapit sa kanyang tenga sabay lapag ng isang business card sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa rin niya ito pinansin at dinampot ang bote ng alak at sinalinan ang kanyang baso na mabilis niyang tinungga. "Woah, easy, lady."

Nagpasalamat siyang nanahimik na ang lalaki pagkalipas ng ilang sandali. Tahimik itong umiinom sa kanyang tabi subalit ramdam niya ang mga mata nitong nakatutok sa kanya. Hindi man niya aminin ay bahagya siyang naaapektuhan sa presensiya nito, kaya napagbuntungan niya ang alak.

Naparami ang kanyang inom kaysa sa pangkaraniwan tuwing siya'y nandoon. Nakaramdam siya ng pagkahilo at pagsama ng sikmura, hindi nakakatulong ang amoy ng kasama na lalong nagpapalala ng kanyang pakiramdam, nagpapalasing sa kanya. 

She felt like leaning on his broad chest and close her eyes. Bago pa niya magawa ang mga kalokohang naisip ay mabilis siyang tumayo. Muntik na siyang matumba kung hindi siya nito nahawakan sa beywang.

Yumuko siya upang makita ang mukha ng lalaki ngunit hindi na maayos ang kanyang paningin. Hinawi niya ang braso nito at nanulak.

She was dizzy and her vision blurred but she managed to walk in the direction of the restroom. She giggled when she saw a couple getting dirty in the hallway, they were close to having sex. Tila walang pakialam ang mga ito na nagpatuloy kahit na may nakakakita.

When she finally find the restroom, she walked directly towards one of the cubicles and emptied her stomach in the toilet bowl. Sa halip na pagaanin ang pakiramdam dahil sa paglalabas ng mga naimon sa pamamagitan ng pagsuka ay lalo lang niyong pinasama ang kanyang pakiramdam.

Nang wala nang mailabas ay ibinaba niya ang takip ng inidoro at umupo roon.

Isinandig ni Vodka ang ulo sa pader at ipinikit ang mga mata. Dahil sa kanyang ginawa ay hindi niya namalayang tuluyan siyang nakatulog.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status