Share

Chapter Seventeen

Pagkadating sa labas ng kanyang bahay ay ginamit niya ang remote na nasa loob ng sasakyan upang buksan ang malaking gate. Nang sabihin niya sa dalaga kaninang ang bahay niya ang pinakaligtas na lugar para rito ay hindi siya nagsisinungaling.

Maliban sa hindi basta-bastang makakapasok ang sinuman sa gate na nabubuksan lang gamit ang remote at ang eye scanner na bilang ang mga taong may access ay napakataas ng bakod ng kanyang bahay at hindi basta-bastang maaakyat ng sinuman. Napapalibutan din ng mga spy cameras ang property niya. He was always been a security buff since his job wasn't easy. Laging may nakaambang panganib sa kanyang trabaho.

Nang hawakan niya ang dalaga nang makalabas na siya ng sasakyan at gumilid sa gawi nito ay para siyang napaso sa init na inilalabas ng katawan nito. Dahan-dahan niya itong binuhat at dinala sa loob ng kanyang silid, ni hindi man lang ito nagising.

Sinabihan na siya ni Tammy tungkol doon at kung ano ang dapat niyang gawin.

Umupo siya sa ibabaw ng kama habang pinapahiran ng bimpo ang katawan ni Vodka. Tumaas ang kanyang kamay sa mukha nito at malayang hinaplos ang pisngi. She was very lovely.

Pinalis niya ang mga pawis na gumigitaw sa noo nito. Nagsisimula na itong maging balisa, nangungunot ang noo at may mumunting ungol na kumakawala sa bibig.

Eugene stayed by her side and held her hand while she was unconscious and running a high fever.

VODKA yawned and opened her eyes at the same time. Disoriented from her sleep, she sat on top of her bed and rubbed her eyes.

She searched for her slippers when she got off her bed. She was stretching her body as she goes out of her room, that's when she heard that clattering sound of falling objects, the sound from gun fires and the voices of her mamá and hermano calling her name.

Vodka squeak when something hit the wall beside her. She closed her eyes and covered her ears using her palms. She felt something hit her and she fell on the floor.

"Are you okay?" She opened her eyes when she heard Felix's voice. She wailed when she saw her brother protecting her from the flying bullets all over their house.

They remained on the floor while Felix was protecting her, covering her tiny body from the bullets. When the gunfire stopped Felix carried her in his arms and walked towards their mamá. They didn't found her in her room, so Felix started walking down the stairs.

Her arms and legs were wrapped on his body tightly, her face was buried on his neck. Her body trembled when she heard the banging sounds on their door as if someone was trying to break them.

"It's okay," Felix whispered in her ear while running towards the kitchen. "M-Mamá..."

Vodka looked around to see their mamá. She saw her lying on the kitchen floor with blood all over her body together with Yaya Julia.

Ibinaba siya ni Felix at sabay nilang dinaluhan ang kanilang mamá na walang malay na nakahiga sa sahig at may tama sa tiyan at binti.

Niyugyog niya ito baka sakaling magmulat ito ng mga mata. Her cries became louder when their mamá opened her rheumy eyes and spat blood all at once.

"W-we need to get out of here, Mamá..." Felix muttered anxiously. He wiped the tears away from his eyes and was about to carry their mamá in his arms when she stopped him.

"N-No... S-save your sister..."

"M-mama..." Felix and Vodka chorus.

"D-do it for me, anak... s-save y-yourselves..." nahihirapang anito at muling umubo ng dugo.

Walang nagawa si Felix kundi itango ang ulo kahit na labag sa kanyang kalooban. Hinalikan niya ang noo ng ina bago kinuha ang kapatid na ayaw nang bumitaw rito. "Te quiro, Mamá."

"M-mahal na... mahal ko kayong dalawa..."

Sumigaw si Vodka at pinaghahampas ang balikat ni Felix upang pakawalan siya nito at daluhan ang kanilang mama. "M-mamá... mamá..." she cried nonstop.

Lumabas silang dalawa gamit ang backdoor at sandaling tumigil si Felix sa labas. Mula sa mga butas na ginawa ng mga bala ng baril ay nakita nila ang nangyayari sa loob. Pilit na tinatakpan ni Felix ang mga mata ng kapatid ngunit hinahawi nito ang kanyang kamay.

Sa loob ng bahay ay tuluyan nang nakapasok ang mga armadong lalaki at nakita ang kanilang mamá sa kusina.

May sinabi ang mga ito gamit ang salitang italyano, isa lang ang nawawaan ni Vodka. Hinanap ng mga ito ang kanilang papá.

Kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagsigaw ni Vodka. "No! Mamá! No..."

Agad na tumakbo si Felix habang karga ang kapatid nang makitang patungo sa kanilang direksiyon ang mga armadong lalaki. Hindi siya tumigil sa pagtakbo habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata kagaya ng kapatid.

"M-mama..."

"Shh... It's okay..."

Naalimpungatan si Vodka nang marinig ang boses na iyon na bumubulong sa kanya. Ramdam niya ang init ng mga palad na humahaplos sa kanyang ulo at ang mainit na bagay na dumadampi roon.

Gusto niyang imulat ang mga mata upang makita kung sino iyon ngunit hinihila siyang muli nang kadiliman. Patuloy ang kanyang mahinang paghikbi habang patuloy sa pagpapayapa sa kanya ang taong iyon. Niyakap niya ito ng mahigpit at umiyak kagaya nang kung paano siya umiyak sa mga bisig ni Felix habang palayo sila sa mga taong gusto silang patayin.

"M-mama..."

ANG PAMILYAR na amoy na iyon ang sumalakay sa kanyang ilong nang magising ang kanyang diwa. Iminulat niya ang mga mata at inilibot ang paningin sa paligid ng silid kung saan siya naroon. Doon niya napagtantong nasa loob siya ng silid sa bahay ni Eugene at ang amoy na iyon na kanyang nalalanghap ay mula sa unan nito. It smelled just like him.

Maingat na umupo siya sa ibabaw ng kama upang hindi kumirot ang kanyang sugat sa balikat. Nakabenda iyon at hindi na ganoong makirot. Nang mapagtantong tanging panloob lang ang kanyang suot sa ilalim ng kumot ay kumunot ang kanyang noo sa pagtataka.

Ilang oras siyang nakatulog? Pakiramdam niya ay mahaba-haba ang kaniyang ipinahinga dahil sa pananakit ng likod. O baka epekto lang iyon ng daplis ng bala sa kanyang balikat?

Iinot-inot na bumangon siya at pumasok sa banyong naroon sa loob ng silid. Hinubad niya ang mga pangloob at pinuno ng tubig ang bathtub, nakaramdaman siya ng ginhawa nang ilubog doon ang katawan. Nilinis niya ang katawan kahit na nahihirapan siyang 'wag mabasa ang kanyang sugat.

Binalot niya ng malaking tuwalya ang kanyang katawan kahit kanda ngiwi siya dahil sa kanyang balikat. Then she drained the water on the tub and sat on the rim. She was in the act of shampooing her hair when the door of the bathroom opened.

"Don't you know how to knock?" she hissed when she saw Eugene entered the bathroom.

"You're still sick, you're not allowed to move," he said while frowning. Nawala lang ang pagkakakunot ng kanyang noo nang mapasadahan ng tingin ang dalaga. Inalis niya ang mga mata sa binti ng dalaga at itinuon sa mukha nito.

"I'm fine. I'm just cleaning myself, not get out of here and let me finish," Vodka said in a mixture of irritation and anxiousness.

Sa halip na tumalima si Eugene ay lumapit ito kay Vodka, hinawakan sa brasong walang pinsala at iginiya sa bathtub.

"What are you doing?"

"Let me help you," Eugene answered in a soft voice.

Biglang napipilan si Vodka at hindi alam kung paano tatanggi kaya nagpagiya nalang siya rito pahiga sa bathtub na wala nang lamang tubig. Ang kanyang ulo ay nasa rim ng tub at sina-shampoo nito. Marahan pa nitong minasahe ang kanyang ulo.

Napatingala siya kay Eugene at nagsalubong ang kanilang mga mata. Ngumiti ito sa kanya na ikinalakas ng tibok ng kanyang puso. Hinayaan niya ang sariling tingnan ito hanggang sa matapos ito sa ginagawa sa kanyang buhok. He even wrapped her hair with another towel after.

"Wait. We're not finished yet," pigil ni Eugene sa dalaga nang mag-akma itong lalabas ng banyo. Hinawakan niya ito sa beywang, iginiya patungo sa bathroom cabinet at binuhat paupo roon.

Nagulat si Vodka sa ginawa ni Eugene ngunit huli na para tumanggi. Inayos nalang niya ang pagkakabuhol ng tuwalya sa ibabaw ng kanyang dibdib habang inilalabas nito ang medicine kit.

Napapitlag ang dalaga nang lumapat ang kamay ni Eugene sa kanyang balikat. Napatingin siya sa mukha ng binata na inaalis ang gasa ng kanyang sugat upang malinis iyon at mapalitan ng bago.

Ang lapit ng mukha nito sa kanya at ramdam niya ang hininga nito sa kanyang balat. Ang mga daliri nitong ingat-ingat sa kanya ay nagpapatayo ng kanyang balahibo sa katawan.

Hindi niya namalayan na ilang sandali na siyang nakatingin sa mukha ni Eugene hanggang sa matapos ito sa ginagawa at salubungin ang kanyang mga mata.

Agad na nag-iwas ng tingin si Vodka ngunit hinawakan ni Eugene ang kanyang mukha. Hindi niya maisalarawan ang kislap na nakikita sa mga mata nito subalit tila hinihigop niyon ang kanyang hininga.

Hindi gumalaw si Vodka nang dahan-dahang bumaba ang mukha ng binata sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga labi. Parang may sariling isip ang kanyang mga mata at pumikit, ang kanyang mga labi ay bahagyang umawang.

She sighed dreamily when their lips met. The kisses he gave her were very gentle, soft and sweet.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status