Share

Chapter Sixteen

"Don't faint on me, again," Gin slurred. Hindi niya maipaliwanag ang takot na naramdaman niya kanina nang makita ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na pinapaputukan ang shop.

Naisipan ni Gin na puntahan si Vodka nang malaman ang nangyari rito kahapon na muntik nang madukot. Doon niya nakita ang mga sakay ng motorsiklo, pagkaparada niya ng sasakyan ay nakaalis na ang mga iyon.

Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang tunog mula sa mga mobile car ng pulisya. Marahil ay may tumuwag ng pulis sa mga taong nakakita nang nangyaring pamamaril. May mga tao pa sa labas ngunit walang nagtangkang awatin ang dalawang lalaki sa pamamaril dahil sa takot.

"You're bleeding!" bulalas ni Gin nang makita ang mga dugong lumalabas sa balikat ng dalaga. Hinawi niya ang damit nito at tiningnan ang tama, walang bala ang bumaon marahil ay nadaplisan lamang iyon.

"I'm okay," si Vodka na sumisinghot. Hindi na siya nagreklamo nang buhatin siya ni Gin at sinalubong ang mga pulis.

"I need to bring her to the hospital."

Vodka was brought by one of the police mobiles to the nearest hospital while the other police officers were at the scene where the shooting incident took place.

Napatingin si Vodka sa mukha ni Gin ng muli na naman siya nitong buhatin palabas ng sasakyan at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng ospital. Malakas na ang tibok ng kanyang puso at lalo lang iyong lumakas nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. Halos takbuhin na nito ang patungo sa emergency room.

"What happened?"

Napukaw lang si Vodka nang tanong na iyon mula sa isang babaeng doktor na sumalubong sa kanya. Napatingin si Vodka sa doktor na humawak sa kanyang balikat at sinipat ang sugat doon. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nabasa niya ang kuryusidad sa mga mata nito at ang pagkamangha. Doon niya naalalang hindi pa rin siya ibinababa ni Gin.

"Bring her to my clinic," sabi ng doktora at agad namang tumalima ang binata.

"I can walk," Vodka whispered to Gin when she realized that people are looking at them. Hindi naman ganoon kalala ang kanyang tama, bagaman ay napakasakit niyon. Eugene was overreacting, iyon marahil ang tingin ng mga nakakakita.

Pagkapasok sa loob ng clinic ng babaeng doktor ay inilapag siya ni Eugene sa naroong examination bed.

"Go out," sabi ng doctor kay Eugene.

"No, I won't. Just do something with her wound," Eugene muttered as if he was about to lose his patience.

Napairap nalang ang doktora kay Eugene at nilapitan si Vodka na nakatingin lang sa dalawa.

Ginantihan ni Vodka ng ngiti ang doktora nang ngumiti ito sa kanya. Palakaibigan ang bukas ng mukha nito na parang pamilyar din sa kanya. Nagpaalam itong gugupitin ang kanyang damit, tumango siya bilang sagot.

"Hindi naman malalim ang sugat. Malayo sa bituka pero masakit," muli itong ngumiti kay Vodka.

Naiilang si Vodka sa mga tingin ni Eugene habang ginagamot siya ng doktora. Bagaman ay nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa sugat niya at hindi sa kanyang pang-itaas na katawan na tanging itim na lace bra ang suot.

"Do'n ka nga, Kuya," taboy ng doktora kay Eugene nang mapansin ang pagkailang ng kanyang pasyente.

Nag-angat ng paningin si Vodka sa doktorang gumagamot sa kanya na nakangiti na naman. Nilalagyan na nito ng gasa ang kanyang sugat.

"Oh!" bulalas niya nang tingnan niya ang doctor's robe nito at makita ang apelyidong nakatatak doon.

"Yeah, he's my brother..." anang doktora nang makita ang reaksiyon ni Vodka. "I'm Tammy." Sabay halik sa pisngi ng kanyang pasyente.

"V-Vodka," naiilang na utal ni Vodka.

"I'm gonna leave her here for a while, Tam," sabi ni Eugene sa kapatid, na may misteryosong ngiti sa mga labi, bago muling niyuko si Vodka. "You stay here until I get back."

"No!" tanggi ni Vodka. "I need to know what happened."

Sa panggigilalas ng dalaga ay lalo pang lumapit sa kanya si Eugene at hinawakan ang kanyang mukha. "I'll take care of everything, Hermosa." Sabay kintal ng isang mabilis na halik sa mga labi ng dalaga.

Natilihan si Vodka at hindi alam kung paano magre-react hanggang sa makaalis nang tuluyan si Eugene.

"Are you my brother's girlfriend?" tanong ni Tammy na hindi na mawala-wala ang ngiti sa mga labi.

"No!" Ngunit tila hindi naniniwala ang babae sa kanyang sagot. "Hindi talaga, we're just... friends?"

"You must be a very special friend, then."

Hindi na mapabulaanan ni Vodka ang sinabi nito nang biglang bumukas ang pinto ng clinic at pumasok ang isang nurse. Kailangan daw si doktor Lorenzo sa ER.

Naiwan siyang mag-isa roon habang nakahiga sa examination bed at nakatingin sa kisame ng clinic ni Tammy. Muling bumalik ang kilabot at takot sa kanyang sistema nang maalala ang pamamaril sa kanyang shop.

Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas mula nang manatili siya roon. Napatingin siya sa pinto sa pag-aakalang si Tammy o Eugene ang papasok, mula nang iwanan siya ng dalawa roon ay hindi pa bumabalik ang mga ito.

Akala niya ay si Eugene ang lalaking pumasok na may dalang paperbag. Bagaman ay magkapareho ang mukha ng dalawa ay alam niyang hindi si Eugene iyon.

"You've been here last night, you're here again, Rodríguez."

"Hello, Doc. Hospitals became my favorite place now," mapait niyang sagot.

"My brother asks me to give you this." Inilapag nito ang paperbag na dala sa bedside table. "He'll be here a minute or two."

"Thank you," Vodka muttered sincerely. The doctor just shrugged his shoulders before going out of the clinic.

Dahan-dahang umupo si Vodka at kinuha ang dinala ni Doctor Lorenzo. Ito rin ang kanyang doktor kagabi nang dalhin siya roon ng mga tauhan ni Felix. Noong una niya itong makita ay inakala niyang si Eugene ito, ngunit hindi siya kilala ng lalaki at nang matitigan niya ito sa malapitan ay roon niya napatunayang hindi nga ito si Eugene.

Nang makita ang mga damit na laman ng paperbag ay agad niyang pinalitan ang hospital gown na pinasuot sa kanya ni Tammy kanina bago lumabas.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin na nasa loob ng banyo ng clinic. Namumutla ang kanyang mukha, mugto ang mga mata at magulo ang kanyang buhok.

Inayos niya ang sarili, hindi niya gustong datnan siya ni Eugene sa ganoong kalagayan.

"YOU'LL come home with me!" ani Eugene sa tonong hindi mababali ninuman. "Pack your clothes now!"

"W-who did this?" bulalas ni Vodka na pinalibot ang mga mata sa loob ng kanyang unit. Napakagulo sa loob, basag ang kanyang kagamitan at nakakalat ang kanyang mga gamit sa sahig. Ang kanyang silid ay ganoon din na hinahalughog ng kung sinuman.

Natigil ang pagtingin ni Vodka sa kanyang unit nang hawakan siya ni Eugene sa braso at iharap dito. Napakurap-kurap siya nang makitang madilim ang mukha nito. Iyon ang unang beses niyang nakita itong ganoon.

"You have to come with me, you're not safe."

Ipiniksi ni Vodka ang braso at umiling-iling. "No! You don't need to do that. I can take care of myself."

"Yeah," Eugene's sarcastic remark. "Look at your home, pati rito nakaabot na ang taong gustong pumatay sa 'yo! You still can protect yourself now, huh."

Napabuntung-hininga si Vodka at tinalikuran ito. Hindi niyang gustong patulan ang galit ni Eugene. Hindi na dapat siya nagpahatid dito mula sa ospital.

Pagkarating nila sa unit niya ay nakaawang na ang pinto niyon at magulo ang mga kagamitan sa loob. Mahigpit ang security ng building na kanyang tinitirahan ngunit doon man ay nakapasok na ang mga taong banta sa kanyang buhay.

Ramdam niya ang pagsunod sa kanya ni Eugene habang tinitingnan niya kung may nawawala sa kanyang mga gamit.

Nanghihinang napaupo siya sa ibabaw ng kanyang kama na winasak din ng mga humalughog doon. Natuon ang kanyang mga mata sa mga damit na nagkalat sa sahig.

Nang humakbang si Eugene patungo roon, kinuha ang isang travelling bag at isinilid ang kanyang mga damit at tanging pagbuntung-hininga ang kanyang nagawa.

"WHY ARE you doing this? Why are you helping me, Eugene Lorenzo?"

He wished that he had an answer to that question. He wanted to make her safe, he wanted to protect her from her unknown enemy.

"I can't come with you. I can't trust you with my life. I barely know you"

Marahas na binalingan niya ito ng tingin. Hindi niya alam kung bakit tila may pumiga sa kanyang dibdib nang marinig ang takot, pagod at walang kasiguraduhan sa boses nito. "You can." Tumayo siya mula sa pagkakatalungko sa mga damit at lumapit dito. Hinawakan niya ito sa balikat at itinayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng sira-sirang kama. "You know my siblings, Tammy and Matthew, you know where I live, you... you slept in my room, on my own bed, I'm not a complete stranger, Vodka. You have to trust me, the safest place for you right now is in my place," Eugene muttered with a serious glint in his eyes. Those words came out of his mouth unannounced.

Bandang huli ay nayakag ni Eugene si Vodka na sumama sa kanya. Habang nagmamaneho ay panaka-naka niyang sinusulyapan ang dalaga na nakaupo sa passenger's seat ng kanyang truck. Sa palagay niya ay nakatulog na ito ayon sa pantay nitong paghinga. After what she had been through, she must be very exhausted, body and mind.

Isang pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Eugene. Hindi niya alam kung bakit niya isinusuong ang sarili sa ganoong sitwasyon. Wala siyang responsibilidad dito at kung tutuusin ay tapos na ang kanyang trabaho na sangkot ito dalawang araw na ang nakakaraan nang sumuko si Isabella Meyer na alam niyang kaibigan din ni Vodka.

Could lust justify his actions? Because that was the only logical reason he could think of as to why he was doing this.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status