Share

Ika-dalawampu't-dalawang Bahagi

- 22 -

Pinatago namin si Nico sa loob ng palikuran. Iniwan ko sa aking silid ni Marius, samantalang inalis ko ang dasal sa pinto upang lumabas nang sandali at nang magpakuha ng pagkain.

“Heneral Gregorio?” tawag ko. “Heneral Gregorio, nasaan ka?”

Narinig ko na may mabilis na tumatakbo papanik sa aking silid. Maya-maya pa ay nakita ko ang hinihingal na heneral palapit sa akin.

“P-Prinsipe Theodorin!” gulat niyang tawag sa akin, “A-ano po ang inyong ginagawa rito?!”

“Anong klaseng tanong iyon?” nagkunwari akong nainis sa kaniyang sinabi. “Hindi ba at tama lang na nasa loob ako ng sarili kong silid?!”

“S-siya nga po, prinsipe Theodorin... ngunit... kanina po ay hindi namin kayo mahanap ni prinsipe Marius...” Napasilip siya at nakita sa loob ng silid si Marius na kumaway pa sa kaniya. “...kaya po nagpautos ang inyong ama na palabasin ang mga sundalo at palihim kayong hanapin sa kapitolyo!”

psynoid_al

ʕ•́ᴥ•̀ʔっ♡ `wag kalimutang bumoto at mag-iwan ng review o komento!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status