Share

Chapter 12

Janine POV

"Congratulations!!... It's a girl." Saad ni Dra. Jimenez.

Walang paglagyan ang saya ko nang malaman kong babae ang magiging anak ko. Maging si Rigor ay sobrang saya din. Sino kaya ang makakamukha niya sa aming dalawa?. Iyon palagi ang nasa isipan ko. Tiningnan ni Dra. ang heartbeat ng baby ko. Nanligid ang luha ko nang marinig ang tibok ng puso niya. Samantalang nakita ko kung paano mamangha ang mukha ni Rigor nang marinig ito, dama ko rin ang pagiging masaya niya. Kahit na palagi namin naririnig ang tibok nang puso ng baby namin sa bawat check-up ko sa doctor ay hindi pa rin kami makapaniwala na may buhay sa loob ng sinapupunan ko.

Sa tuwing schedule nang check up ko ay hindi naliliban nang pagsama sa akin si Rigor. Gusto niya ay lagi akong may kasama. Kung tutuusin ay kaya ko naman ang mag-isa, minsan pa nga ay itinataboy ko na siyang hindi sumama. Kapag check up ko at nagkataong may pasok siya ay nakikipagpalit siya nang schedule sa iba, para lan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status