Share

Chapter 29

Janine POV

Dalawang araw na ang nakalipas mula nang masaksihan ko ang ginawang kahayupan nila, at sa dalawang araw na iyon ay hindi pa rin umuuwi o nagpapakita sa akin si Rigor. Nililibang ko na lamang ang sarili sa gawaing bahay upang hindi sumilid sa isip ko ang mga pangyayari, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang makalimutan iyon, kung kaya't napapaiyak na lamang ako kapag walang nakakakita sa akin. Maging sina Anna at Jumel at kaibigan nang mga ito ay walang paramdam.

Marahil matagal na nila itong alam at inililihim lang nila sa akin. Ganunpaman hindi ako nagtanim ng galit sa kanila lalo na kay Anna. Dahil wala naman silang kasalanan. Dahil si Rigor at Keith ang nanakit sa akin.

***

Ginawa ko naman ang lahat. Iyon nga lang walang nakakakita nang lahat ng iyon. Una si nanay, at ngayon si Rigor. Naaawa na ako sa aking sarili. Hindi ko ba deserve maging masaya?. Hindi ba ako worth it mahalin?. Naisip kong kilala niya lang ako kapag may kailangan siya. Oo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status