Share

Chapter 20

Janine POV

Katatapos ko lang maghugas nang pinagkainan namin. Sina Rigor, Keith at mama ay kasalukuyan nasa sala at nanonood ng tv. Papunta na ako sa sala nang marinig kong magpaalam si Keith nagtext na raw kasi sa kanya si Andrew, hinahanap na raw ito ni Andrei.

Kay Rigor at kay mama lang ito nagpaalam. Hindi niya yata ako napansin.

"Nakakatuwa talaga ang batang yan. Napaka-kwento at maganda pa. Tingnan mo Rigor parang walang asawa kung titingnan si Keith hindi ba?. Hindi kasi siya nagpapabaya sa katawan niya. Palaayos pa rin siya kahit may anak na. Ganoon dapat ang mga babae." Narinig ko ang sinabing iyon nang mama ni Rigor. Tila may laman ang salita niya. Napatingin na lang ako sa aking sarili, may kung anong pumasok sa aking isipan ngunit iniwaglit ko iyon nang marinig ko ang tawag sa akin ni Rigor. Niyayaya niya ako sa tabi niya. Ngunit sa halip na maupo ako sa kinaroroonan niya ay dinahilan ko na lamang ang aking panliligo.

Nagtungo na ako sa banyo, para maligo n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status