登入"Bakit po sir?" bungad na tanong ni Sean na puno ng pagtataka nang maiayos niya ang tayo niya. "This isn't the place for your little flirting games. If you want to fool around with each other, take it somewhere else, not here," cold na wika nito sabay hakbang niya para layuan na kami. Napakunot ako ng noo at hindi na ako nakapagtimpi kaya sumagot ako habang tumatayo ng dahan-dahan. "With all due respect sir, he was only trying to help me after I tripped. Please don't make it into something it's not." Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. "Go to my office, now," kalmado niyang sagot. Hindi ako umimik at saka naman na kaagad lumapit si Ashley sa akin na may pag-aalala sabay hawak niya sa braso ko. "Stella, you shouldn't say that. Dapat nag-sorry ka na lang at mas ginalangan mo ang sinabi mo." "What?" naguguluhan kong tanong. "Ano bang mali sa sinabi ko? Eh wala namang halong pambabastos diyan at saka sinabi ko lang ang totoo." "I said go to my office, now!" bu
Makalipas ang ilang oras, nagkaroon kami ng coffee break pero hindi na umalis sina Sean at Zack sa front desk dahil sobrang daming guests na dumadating. Hindi na rin sana kami aalis pero pinilit nila kaming magpahinga kasi 15 minutes lang kaya sinunod na lang din namin sila. Pumunta kami ni Ashley sa break time room namin. "Stella, tapatin mo nga ako," bungad niyang wika pagkasara na pagkasara niya ng pinto. Pagod na pagod akong naupo sa lazy air chair. "Ano na naman ba 'yon?" "May something ba sa inyo ni Sir Kendrix?" "Hoy!" Napatingin ako kaagad sa paligid na may cctv. "Nababaliw ka na ba? May mga cctv dito!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa naman naaaprubahan nila Sir Harrison ang pagkakaroon ng cctv na may microphone kaya safe pa. Hindi pa nila maririnig ang usapan natin kaya sabihin mo na," sambit niya. Huminga ako ng malalim dahil na rin sa sobrang kaba ko na akala ko ay napalitan na ang cctv. "Walang something sa amin, okay?" "Hindi ko lang kasi magets kung bakit k
Pagkalabas ni Sir Kendrix, agad na akong naghilamos. Bahala na kung matagal ang make up ko pero hindi kasi pwedeng wala akong ayos lalo na receptionist ako. Naghilamos ako at kumuha ng tissue at pinagmunas ko sa aking mukha. Pagkalabas na pagkalabas ko ng cr, agad na may tumawag sa pangalan ko. "Ms. Stella!" sigaw niya. Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Ryan na halos patakbong lumalapit sa akin. "Hello po, Sir Ryan. Bakit po?" "Here po." May inabot itong navy blue na panyo na nakatupi na. Nagtataka akong napatingin sa kan'ya. "Po? Bakit po ito?" "Ah, pinapabigay po ni Sir Kendrix. Ang sabi kasi niya nalaglag mo raw kaya inutusan niya po akong ibalik ito sa inyo. Sabi niya nasa male's comfort room ka kaya inabangan kitang makalabas," tuloy-tuloy nitong sagot. Napakunot ako ng noo sa pagtataka. "Eh hindi naman sa akin 'to Sir Ryan," natatawa kong wika. "Baka nagkamali lang si sir." "Hindi ko po alam eh pero pinapabalik niya kasi sa'yo," sagot niya. "Sabi ni
12:55 na kaya bumalik na kami kaagad sa front desk. Hindi ko masyadong na-enjoy ang pagkain ko hindi dahil magmamadali, kundi dahil sa mga rebelasyon ngayon. Pinipilit ko naman na kalimutan pero mahirap pa sa ngayon. Nakakainis lang dahil kahit gusto ko nang kalimutan at huwag nang isipin, hindi ko pa magawa. Naiinis din ako sa sarili ko. "Stella, huwag mo na lang masyadong isipin. Alam kong fresh pa pero huwag kang magpapaapekto," pag-aalalang sambit ni Ashley sabay tapik niya sa balikat ko. "Oo naman. Kaya ko 'yan," natatawa kong sagot. "Oo, kaya ni Stella 'yan. Si Stella pa ba? At saka takot na lang talaga niya kapag nagpaapekto siya lalo na kapag nasa trabaho baka kasi mamaya nandiyan lang sa tabi-tabi si Sir Kendrix at mahuli kang nadadamay ang trabaho mo dahil sa personal issue mo," wika naman ni Zack. "Makakalimutan nga rin 'yong mga mokong na 'yon," sabi ni Sean na halata ang inis sa tono. "Huwag kayong mag-alala. Okay lang ako at saka gusto ko rin talaga mag-focus s
"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Proud ka pa sa mga kalokohan niyo ni Zander!" bulalas ni Ashley. "Wala kang pakialam!" sigaw din ni Diana. "Tapang ng hiya! Kakalbuhin talaga kita!" Nagpatuloy ang sakitan nilang dalawa. Ako, heto, hindi ko alam kung ano na ang susunod kong gagawin matapos ang rebelasyon na ito. Nakakatindig balahibo na nakakadiri. Ngayon alam ko na ang lahat, nasagot na ang laging tumatakbo sa isip ko. Niloko nila ako ng 7 months na wala man lang akong kaalam-alam. Habang pinapatunguhan ako ni Diana ng maganda noon, inaahas na niya pala ang boyfriend ko. Mabuti na rin na malaman ko na at least pinutol ko na ang lahat ng ugnayan ko sa kanila kahit masakit. "Manloloko! Akala mo kinagwapo mo 'yan?" inis na sambit ni Sean. "Huwag kang mag-alala, ito naman ang gusto mo 'di ba? Oh heto, wala na talaga kami kaya malaya ka nang makakalapit kay Stella!" "Stella doesn't deserve you! Sa tingin ko nga ikaw ang pinakamaling nakilala ni Stella!" sigaw nito sabay suntok
"A-anong ginagawa niya rito?" nauutal at gulat kong tanong habang pinapanood silang nasa labas. "Zander? Anong rason niya para pumunta pa dito? At bakit siya pinuntahan ni Sir Kendrix at pinalabas pa ng kotse?" nagtatakang tanong ni Sean. "Mukhang hindi ito simpleng sitwasyon." "I knew it! Sabi ko na eh, si Zander talaga ang nakita ko kahapon. Bakit nandito na naman siya?" nagdududang tanong din ni Ashley. Punong-puno kami ng tanong sa aming isip. Hindi namin alam kung anong nangyayari. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may ma-realize ako. Si Diana ay sakay daw ng puting kotse at si Zander naman ay nakasakay sa puting kotse. Hindi ko rin kilala ang kotse na ito, pero pamilyar ito sa akin dahil ito rin yata ang nakita ko kahapon na umaalog sa underground parking lot. Ano ba talaga ang meron? "OMG! Sir Kendrix! Zander!" histerical na sabi ni Diana habang nanginiginig. Pinahawak ni Sir Kendrix si Zander sa dalawang guard na nasa labas at agad naman silang umaksyon. Agad
Nang makapasok ako sa kwarto bigla ko itong niyakap.. pero ibang amoy ang naaamoy ko. Hindi gano'n ang amoy ni Zander, mas nakakaaadik itong amuyin kaya hindi ko na rin matanggal ang pagkakayakap ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya pumiglas o itulak ako na dati niyang ginagaw
"Ayan! Mas gumanda ka pa lalo ngayon!" nakangiting wika ni Ashley."Sa tingin mo ba kaya ko pa rin magsaya ngayong gabi kung ganito naman nangyari sa akin ngayon?" tanong ko sa kan'ya habang diretso lang ang tingin ko sa kan'ya."Of course you can! Huwag mo muna isipin si Zander at magsaya ka ngayo
"Oh bakit? Hindi mo siya na abutan?" nagtatakang tanong sa akin ni Ashley."Hindi, kaya tatawagan ko siya ngayon," sagot ko habang kinukuha ang cellphone ko sa pouch ko."Ano ba? He's not Zander, bakit ba kasi pinipilit mo na siya 'yon?" mataray na tanong ni Dianna."Puwede ba dianna, manahimik ka
"What do you mean?" taas kilay kong tanong sa kan'ya na may halong pagtataka."I also get a glass of water and I told Ashley to get it for me cause I can't hold it since I'm also holding these two plates," paliwanag niya sabay taas niya ng dalawang kamay niya na pinapakita na may hawak siyang mga p







