Did she just say yes to this stranger? Ano ang nangyayari sa kanya? Ano itong pakiramdam niya na hindi niya maintindihan? Lihim na tinatanong ni Yelena ang sarili habang nakatitig sa mga mata ng estrangherong katabi. Hindi pa siya umiinom, but her mind was already clouded with thoughts she didn't know she was capable of.
Tila may kuryente at mainit na bagay na tumutulay sa mga ugat niya mula sa kamay nitong humahaplos sa batok niya pakalat sa kaniyang katawan.Nasubukan niya na rin namang madikit kina Tyler at Kiel, pero hindi niya naramdaman ang ganito.Ipinilig niya ang ulo. No! Umoo siya dahil gusto niya lang tumikim ng alak. Iyon lang 'yon. "Tikim lang," she said in a small voice. "Gusto ko lang ma-try kung ano'ng lasa."Pero paano kung totoo ang sinasabi nito na epekto ng alak at mapahamak siya? Pinaalalahanan na siya ni Tyler.Isa ba ang estrangherong kaharap sa sinasabi ni kuya na agila na dumadagit ng sisiw? piping tanong ni Yelena sa sarili.Alam niyang ang ibig sabihin ni Tyler sa agila ay mga lalaking may masamang motibo. Isa ba ito?She stiffened. Pasimpleng tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang batok.Na-offend ito, but she noticed how he hid his emotion well. His face became stoic. "Curiousity huh?" Sinalinan nito ng tequila ang walang lamang shot glass at inilapit sa kanya."Yes," walang gatol niyang sagot at inabot ang basong binibigay nito. Inilapit niya muna 'yon sa kaniyang ilong bago idinikit sa kaniyang labi.1, 2, 3...Habang nakapisil sa ilong ang isang kamay ay nakapikit na nagbilang siya sa isip bago nilagok ang hawak.Gumuhit ang mainit na likido sa kanyang lalamunan pababa sanhi upang maluha siya at ihitin ng ubo."Hindi masarap!" bulalas niya habang hindi maipinta ang mukha. Inilapag niya sa harap ang maliit na baso. "Isa pa!"Hindi niya alam pero biglang tumawa ng malakas ang lalaking katabi. At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit tila may humaplos na magaan na bagay sa kanyang puso sa nasaksihan."Dahan-dahanin mo pag-inom, Lena. Ayokong makipag-usap sa lasing," he commented, a light teasing in his voice."Nyenyenye," naka-make face niyang pang-aasar rito.Natatawa, naiiling itong sinalinan siya ulit at inabot sa kaniyang muli."Saan nanggagaling ang curiousity mo?" tanong nito matapos niyang abutin ang shot glass.She drank it slowly first and winced before she answered. "Sa loob ng 23 years, pakiramdam ko nakakulong ako."Inilapag niyang muli ang baso. This time, sa tapat na nito. Then she looked directly at his eyes. "Ang dami kong namiss sa buhay. Ang dami kong gustong maranasan."Humalukipkip ito. "Katulad ng?"Nilingon niya ang dalawang babae sa bandang kanan niya upang ituro ngunit wala na ang mga ito roon.She roamed her eyes around. Hindi siya nahirapan. Tama si Tyler nang sabihing nagpapa-sexyhan ang mga babae sa loob ng bar. Inginuso niya ang nakapaligid sa kanila. "Ganiyan. Gusto kong makapagsuot ng sexy na damit na katulad ng kanila. I want to know if what Aiessa and Reika told me before was true." She shrugged. "They said wearing sexy dress will make you look good and will make you feel really really confident." Hindi niya ito hinintay magkomento at itinuro ang babaeng susuray-suray na dumaan sa harap nila. Little did she know that she is already getting the stranger's full interest and he is staring at her intently.Nahagip ng pansin niya ang malaking tattoo ng babaeng lasing sa batok. "Parang gusto ko rin ng ganoon oh. Tattoo. Parang ang sexy tingnan."Kahit maganda ang babaeng itinuro, hindi man lang nito nilingon. Patuloy lang na nakatitig ang lalaki sa kanya. "Ano pa?"Saglit siyang nag-isip. "Gusto kong pumunta sa malayong lugar at lumayo sa pamilya ko kahit isang araw lang.""Nagrirebelde ka, napapansin mo ba?" Muli nitong dinampot ang bote ng alak at sinalinan siya sa baso.Siya na ang kumuha ng shot glass at diretsong ininom. Tila napaso ang lalamunan niya sa ginawa. "Alam ko." Pakiramdam niya umiikot ang paligid niya. Iyon na ba ang epekto ng alak?"Bakit mo 'yan ginagawa?"She massaged her forehead lightly in circular motion. Nahihilo na siya. "I want to break my sad monotonous gloomy life." Alam niyang kokondenahin siya nito at ng ibang tao na makakaalam ng iniisip niya pero sino ang makakasisi sa kaniya? "Kung napalaki ka sa paraan ng pagpapalaki sa akin, kung may magulang ka na may nakaraan na katulad ng sa akin, kung tinrato ka katulad ng pinaramdam nila sa akin, at kung may guardians ka na kasing-isktrikto na katulad ng sa akin, mapapaisip ka rin kung sasaya ka nga ba o kung may naghihintay sa iyo sa hinaharap." She raised her face on him. Bitterness crossed her eyes. "Matandang dalaga ang nag-aalaga sa akin, at parang ang gusto niya maging katulad niya rin ako. Tanggap ko na, kaya gusto kong gawin ang rebelyong ito, para alam mo 'yon?" Kumumpas ang kamay niya sa ere. "Kapag tanda ko, masabi ko na may exciting things din akong ginawa sa buhay ko kahit papaano.""Saan mo gustong pumunta?" Awa man o hindi ang natunugan niya sa pagtatanong nito, hindi niya na inintindi."Palawan," mabilis niyang sagot. Madalas niya iyong makita sa telebisyon at gandang-ganda talaga siya sa lugar. Kapag nakarating siya roon ay gusto niyang ipinta ang pinakamagandang tanawin na makikita niya roon."I can help you. Taga-Palawan ako." Dumukot ito sa bulsa at may inabot sa kaniya, isang itim na calling card. "Call me if you want to go there. Sasamahan kita sa lahat ng mga gusto mong gawin."Parang biglang nawala ang hilo niya at hindi makapaniwalang tumingin dito. Pagkasorpresa, pagkamangha, at pagdududa ay halo-halo niyang naramdaman.Napagkamalan nitong takot ang reaksyon niya. He groaned inwardly. "Don't give me that look. I won't hurt you."Alam ko, ang gusto niyang sabihin pero iba ang lumabas sa kaniyang bibig. "Isa kang estranghero."Amusement lit his eyes. "Well, nag-open ka ng problema at mga plano mo sa estrangherong ito."She whined and yanked her gaze away. Kinuha niya ang inaabot nito at ibinulsa. Biglang bumalik ang kaniyang pagkahilo. Siguro dahil hindi sanay, mababa ang kaniyang alcohol tolerance. Yumupyop siya sa magkabilang braso na nakapatong sa mesa.Natatawa ang estrangherong katabi niya sa reaksiyon niya. "Mukhang lasing ka na. Juice ka na lang." Inilapit nitong muli sa kanya ang mocktail na unang in-order nito.She straightened her back. Walang reklamo niya na 'yong tinanggap. "Sabi sa 'yo, ito ang iinumin ko. Okay na ito eh. Thank you."Muling napahagalpak ang katabi niya.Namumungay ang mata na uminom siya ng kaunti. A little bit bitter and sweet. Mas okay 'yon keysa sa alak."Lena," kuhang muli ni Angelo sa atensiyon niya. Tumingin siya rito. "Bakit pumunta ka rito ng mag-isa?""Hindi ako mag-isa." Nakasimangot niyang ikinuwento rito ang ginawa sa kaniya ni Tyler.Hindi niya alam kung bakit nabura ang ngiti nito. "Kaibigan mo itong Tyler?""Best friend.""Close kayo?"Tuluyan na siyang napakunot-noo. "Oo. Lahat kaming magkakaibigan close. Bakit?""Wala." He gave her an indulgent smile, and changed the topic. "I watched you earlier. You danced so good. You moved like you own the music. Your attractive body line and posture matched your graceful movement and seductive look.""Galing mo magcomment. Dancer ka?" Sumimsim siya sa juice na hawak habang nakatitig dito. Ang sarap nito pagmasdan. Nakangiti ito."Dati. Noong high school, sumasali ako sa mga competition."She couldn't take her eyes off him. Napakagaan na ng dila niyang makipagkuwentuhan dito. "Nananalo ka naman ba?""Oo. Pamangkin ako ng vice-mayor. Mga kasama ko anak ng principal, anak ng mga councilor, sino'ng hindi mananalo?"Natawa siya sa nais nitong ipahiwatig. "Backer is real ba? Iyon sa palagay mo ang reason kaya nananalo kayo?""Oo. Kaya nga itinigil ko na mag-compete. Mas nagagalingan kasi ako sa mga kalaban pero kami ang laging nananalo.""Alam mo kung ano ang nasa isip ko?""Ano?""Magaling ka. Humble ka lang. Hindi porke't nagalingan ka sa iba, ikaw hindi na magaling. May kanya-kanya tayong galing na taglay."The corner of stranger's mouth twitched in a half smile. "Ikaw, saan ka magaling?"Nag-isip siya kunwari. Pagkuwa'y sumagot, "magrebelde."His shoulder shook as he laughed. "May kanta na bagay sa 'yo.""Talaga ba, kuya?"Sumimangot ito. "Call me Angelo. Hindi mo ako kuya." Nang may inilabas at inayos ito sa sariling tainga, noon niya lang nakita ang earphone na nakasampay sa balikat nito. Inilagay nito ang isa sa kanya, tsaka may pinili sa nakakonektang cellphone. Nakatitig siya rito habang ginagawa nito 'yon. Hindi siya makahuma. Everything about him seems expensive, seems perfect. He can feel his breath on her skin. It was warm and fragrant, causing delightful things in her body she can't understand. All she knew, his nearness made her breathless.Noon niya tuluyang natitigan ang ganda ng mata nito, ang kilay, ang ilong, ang leeg. At God. He has a reddish and sensual mouth. Parang gusto niyang ilapit ang labi rito at—"Maganda, 'di ba?""Ha?" Napakurap siya. Napilitang magising mula sa isang tila hypnotic trance. "Oo." Ang labi nito ang tinutukoy nito, 'di ba? "Maganda. Sobra.""Yes. Pakinggan mo ang lyrics. Bagay na bagay sa 'yo."Lyrics? Noon niya napagtanto na nakapili na ito ng awitin at kasalukuyan ng pumapapailanlang sa maliit na aparatong nakakabit sa tainga nila. Bagaman tinatalo ng awiting pumapailanlang sa bar ay sapat naman ang volume upang marinig nila ng maayos ang tumutunog sa earphone.I don't have to explain myself to youI am a grown woman and I do what I want to doPilit siyang natawa. "Para sa nagrirebelde ba ang kantang ito?""Para sa tulad mo."I know that it's wrongBut I want to have funMmm, yeah, mmm, yeah"Mahilig ka makinig ng music?"Tiningala niya ito. Noon niya napansin na nakayuko ito sa kanya kaya naging sobrang lapit ng mukha nila."Yes," he answered. His fragrant breath stirred her face.She swallowed an imaginary lump. For a heart-stopping moment, they stared at each other. There was something inside her that urging her to close their distance. But she don't know how."There is one thing I want to do more," bulong niya rito."Ano?" parang kinakapos ring hiningang tanong nito.Oh, my God, I can't believe itOut of all the people in the worldFrom his eyes, her eyes went down to his lips, and move further to his enticing Adam's apple."Be intimate with a stranger." With that, she raised her face and kissed the side of his neck. He stiffened and sucked in his breath, but she didn't move away. Instead she dug her hands into his hair and moved her lips instinctually.Maybe, baby, I'm just losing my mind'Cause this is trouble, but it feels rightKatulad ng laman ng kanta, she lost her mind... totally.SA loob ng drawing room, itinuloy ng mag-anak ang aminan ng mga lihim."Mula pagkabata ay tatlo kaming magkakasama nina Orlando at Sebastian. Daig pa ang magkakapatid," salaysay ng nakatingin sa labas ng bintana na si Emileen. "Mas matanda sila sa akin at iba ang kalagayan sa lipunan, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming samahan, dahil ang mga ama namin ay matatalik din na magkakaibigan noong araw— ang aking tatay Julian, ang tatay ni Orlando na si tiyo Alberto, at ang biyudong tatay ni Sebastian na si tiyo Artemio. Noong namatay ang tiyo Alberto, ang nanay ni Orlando na si tiya Juana ay pinakasalan ni tiyo Artemio. Kahit pa magkaibigan ay hindi tinanggap ni Sebastian ang mag-inang Orlando at Juana. Sa huli namin nalaman na matagal na palang may inggit si Sebastian kay Orlando na lalong tumindi nang pamanahan ng mas malaki ang mag-ina noong pumanaw si tiyo Artemio at noong. . . noong sinagot ko ang pag-ibig ni Orlando. Hindi ko alam na gusto niya ako. Hanggang sa kidnap-in niya
Patingkayad na naglakad si Yelena papasok ng banyo. Lihim niyang minumura ang sarili."Harot! Maharot ka, self. Marupok ka!"Matapos maligo ay nagmamadali siyang umalis. Pumunta siya sa ibiniling lugar ni Aeissa.Sa daan ay t-in-ext niya ang ama na may pupuntahan siyang kaibigan.Pinagbuksan siya ni Aeissa ng pinto na gulo-gulo pa ang buhok habang kinukusot ang mata. Kagigising lang "Mamayang gabi pa ang usapan natin. Excited much?""Yes. Bar na bar na ako." She raised her hand and shake her body. Imitating the party goer's dance. Napangiwi sa kaniya ang kaibigan. "Are you okay?"Natigilan siya. Dahan-dahang ibinaba ang kamay. "Uhm, yes.""Pasok ka."---Dinukot ni Yelena sa bulsa ang cell phone nang maramdamang nag-vibrate iyon.Tumatawag si Angelo!Mabilis niya iyong c-in-ancel, ngunit tumunog uli kaya tinuluyan niya nang pinatay ang aparatu.Hindi niya napansin ang panay na sulyap sa kaniya ni Aeissa. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya matapos ilapag sa harapan niya ang i
Sa pagbabalik ni Yelena sa pamilya Borromeo ay masaya siyang sinalubong ng madrasta."Na-miss kita, hija." Emy kissed her cheek in a well-composed manner. "Araw-araw kong pinalilinis ang kuwarto mo dahil alam ko one of these days, babalik ka. Do you still remember our plan before?""Anong plan po?""Na pupunta tayo sa Palawan? Sasama raw ang Daddy mo. Ipapasyal ka namin."Naging tabingi ang ngiti niya. "S-sige po.""Pagpahingahin mo muna si Yelena, Emileen. Paniguradong pagod siya, darling," singit na tinig ng kaniyang ama."Sige. Mamaya na kita kukulitin. Angelo, buhatin mo ang mga gamit ng kapatid mo."What she heard from her stepmother went her rigid. Nagmamadali siyang nagpaalam sa mag-asawa at nauna ng umakyat upang pumasok sa kuwarto.Nang marinig ang pagsunod ni Angelo at pagbukas ng pinto ay walang lingon-likod siyang nagsalita. "Ilapag mo na lang diyan ang mga bagahe ko. Puwede ka ng umalis."Dumapa siya sa higaan. Ilang minuto siya sa ganoong puwesto, ngunit pag-angat niya
Mabituin ang langit. Malamig ang simoy ng hangin sa veranda na kinaroroonan ni Yelena. Ngunit hindi iyon nakatulong upang gumaan ang pakiramdam niya.Magkasunod niyang nakausap ang Mama Erlinda at Mama Ediza niya. Wala pa ring alam ang mga ito.Gustuhin man niyang ikuwento sa mga ito ang dinaranas niya pero mas pinili niyang sarilinin na lamang. Mag-isa siyang umiiyak sa ibabaw ng kama — for Angelo using her for physical needs, for her broken heart, for missing her mothers terribly, for incident that almost happened earlier, and. . . for losing the baby she hadn't taken care of.Sa nangyaring insidente ay nakunan siya. Nalaman ni Angelo ang lihim niya. Hindi mahirap hulaan na ito ang ama ngunit walang namagitan na usapan sa kanila pagkagaling ng ospital.Sising-sisi niya ang sarili niya. Ang inaasahan niyang anghel na makakasama, nawala sa isang iglap lamang. Naisip niya, pinaparusahan siya ng Maykapal. Kaya siguro siya laging nasasaktan dahil mali ang ginagawa niya. Kaya siguro kin
Gusto ng magpahinga ni Yelena. Epektibo ang maghapong pagpapagod at pang-aaliw niya sa sarili. Idagdag pang ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan. Kaya matapos maglinis ng katawan ay diretso na siyang natulog.Ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang paglubog ng gilid ng kama niya. Ilang beses niyang pinikit-dinilat ang mga mata. Sa tulong ng tanglaw ng lampshade sa tabi ng kama niya ay nakita niya ang nakaupo sa tabi niyang si Angelo.Napabalikwas siya ng bangon. Itinukod niya ang magkabilang siko sa kama."Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa naiiritang tinig."Kaibigan ko pa ang napili mo para akitin?""Ano?" nalilitong balik-tanong niya.Tumingin siya sa labas ng bintana. Ano'ng oras na ba at narito ito sa silid niya? Bakit suot pa rin nito ang damit nito ng umalis ng umaga? At bakit magulo ang buhok nito? Nakainom ba ito?Umiling ang binata. "Don't mind what I said," anito. Pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Magulo ang mahabang buhok nito na ang ilang hibla
Yelena was so tired in her everyday experiences in the office. It wasn't bad as she expected, per se. All of their employees were kind to her, na lubos niyang pinagpapasalamat. Ang trabaho ay kayang-kaya niya. Ang problema lang talaga ay si Angelo mismo. Tinatambakan siya nito ng trabaho at pakiramdam niya ay sinasadya nito 'yon.Like now, she was eating her dinner while in her hands were the sales report last month. Angelo asked her to analyze it. It wasn't the worst report she'd seen, but she was really tired at that moment. At kailangan niya talagang isabay ang pagbabasa no'n sa pagkain dahil uwing-uwi na siya. Gusto niya ng ihilata ang pagal na katawan sa malambot na kama.Tumingala siya at minasahe ang magkabilang balikat.Tumunog ang cellphone niya. Ang mama Ediza niya ang nakalagay sa caller ID.Mabilis niyang sinagot 'yon. "Hello po?""Yelena, kumusta?" mahinahong tanong sa kabilang linya.Tired and sad, gusto niya sanang itugon ngunit ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Sa