Share

S2: Chapter 9

Maagang nagising si Jane para maghanda papunta sa shop niya. Noong bumubuti na ang lagay niya ay ito ang naisipan niyang gawing negosyo. Nag-training pa siya kasama si Renz hanggang sa magdadalawang taon na ang kaniyang negosyo. Minsan ay sinasama niya sa shop si Renz. Pero noong tumuntong ito ng tatlong taon ay iniiwan na niya ito sa daycare center. Bukod kasi sa maagang natututo ang anak niya roon ay marami rin itong nakakalaro.

Matapos niyang maihatid si Renz sa center ay nagpunta na siya sa kaniyang shop. Sarado pa iyon dahil mag-aalas-syete pa lang ng umaga. Alas-nwebe ang bukas ng kanilang shop at alas-otso naman ang dating ng dalawa niyang staff. Binuksan na ni Jane ang roll-up at ang shop pero hindi niya pa binuhay ang mga ilaw at inayos ang karatula. Kailangan pa niyang i-check ang nangyari kahapon dahil hindi siya nakapunta at ang sales nila.

Hindi gano’n kalaki ang shop nila. Pero binabalak na ni Jane na maghanap ng lote dahil inaangkat lang nila ang binebenta nilang mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status