Share

CHAPTER 6

last update Last Updated: 2025-01-24 12:57:51

AFTER 10 YEARS

“Rico, mahal ko. Bumili ako ng—” Napatigil si Grace sa pagsasalita nang bumungad sa kanya ang isang eksenang hinding-hindi niya akalain.

Nakita niyang magkayakap sina Rico at ang babae nito, mahimbing ang tulog ng dalawa na para bang walang kasalanang nagawa. Nanlaki ang kanyang mga mata, at bago pa man siya tuluyang manghina sa sakit, kinampay niya ang pintuan at malakas na sumigaw.

“Walanghiya kayo! Dito pa talaga sa loob ng bahay ko kayo naglalampungan?!” Halos mabasag ang boses ni Grace sa galit. “Ikaw, babae ka! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na pamilyado na ang lalaki mo?! Wala ka na bang natitirang hiya sa katawan?!”

Nagising ang dalawa, pupungas-pungas, at biglang namilog ang mga mata nang makita ang galit na galit na si Grace.

Pinagbabato sila nito ng mga unan, at sa tindi ng inis ay halos liparin ng mga iyon ang mukha ng kanyang kinakasama at ng kabit nito. Mabilis na tumayo ang dalawa, nagmamadaling magbihis.

“Grace,” sabat ni Karen, ang kabit, habang palihim na nakangisi. “Paalala ko lang, hindi pa naman kayo kasal ni Rico. Ibig sabihin, pwede pa siyang tumikim ng iba. Ikaw kasi, losyang ka na. Sino pa bang maiinlove sa ’yo?”

Tawa pa ito ng tawa, tila ba tuwang-tuwa sa sakit na dulot sa kanya.

“Kahit hindi kami kasal, may mga anak pa rin kami! Kaya pamilyado siya, Karen! Naiintindihan mo ba iyon?!” Halos mabiyak ang puso ni Grace, pero matapang niyang sinagot.

Humugot siya ng hininga, bumaling kay Rico, at muling sumigaw: “Pang-limang beses na kitang nahuli! Hindi ka pa ba talaga magbabago? Dalawa na ang anak natin, Rico!”

“Dalawa?” Nanlaki ang mata ng lalaki at biglang sumigaw, puno ng pang-uuyam. “Hoy! Alam natin pareho na isa lang ang anak ko sa ’yo. Hindi ko nga alam kung bakit tinanggap ko kayong dalawa! Hindi ko kailanman tinuring na anak ko si Bridgette!”

Parang tinuhog ng matalim na kutsilyo ang puso ni Grace. Hindi siya makapaniwala. Sampung taon na silang nagsasama, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Rico si Bridgette, ang anak niya sa unang lalaki.

“Akala ko… akala ko tinanggap mo na siya. Akala ko, okay na,” nanginginig ang boses ni Grace, halos mabasag.

Ngumisi si Rico at agad hinila si Karen palabas ng kwarto. “Huwag ka nang umasa! Hindi ko kailanman matatanggap ang anak na ’yan dahil hindi ko dugo!”

Naiwang umiiyak si Grace. Humandusay siya sa kama, hawak ang dibdib, habang bumabalik sa kanya lahat ng sakit ng nakaraang taon.

Maya-maya’y bumukas ang pinto. Nakatayo roon si Bridgette, ang kanyang panganay, kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata. Lumapit ito at niyakap siya nang mahigpit.

“Nay… ayos lang po ba kayo? Hanggang ngayon ba, hindi pa rin ako tanggap ni Tatay Rico?”

Mas lalong nadurog si Grace. Pinilit niyang ngumiti kahit nanginginig ang mga labi. “Hindi, anak. Tanggap ka niya. Siguro… pagod lang siya, kaya ganoon.”

Pero umiiling si Bridgette. “Narinig ko po kayo, Nay. Huwag na kayong magsinungaling. Mas masakit kapag itinatago niyo.”

Hindi nakasagot si Grace. Niyakap na lang niya ang anak, mahigpit, habang bumubulong: “Pasensya ka na, anak. Hindi ako nakapili ng tamang ama para sa ’yo. Pero darating din ang araw, tatanggapin ka rin niya.”

“Nay…” halos pabulong ang sagot ni Bridgette, nagpipigil ng luha. “Hindi na po ako umaasa. Kita ko naman na si Rica Joy lang ang mahal niya.”

Napaiyak muli si Grace. Sa murang edad ng anak, ramdam na nito ang pagtatangi. Hindi na niya alam kung hanggang kailan sila kakapit sa ganitong sitwasyon.

***

Kinabukasan, habang nag-aayos sila ng bahay, biglang may pumanhik na bisita. Si Sarah, kaibigan ni Grace, ay halos hingalin sa pagmamadali.

“Grace! Nandito si Wilfred, hinahanap ka niya!”

Nang marinig ni Grace ang pangalan, bigla siyang nanlamig. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya—halo ng kaba, galit, at hindi maipaliwanag na pananabik.

At nang tumaas na si Wilfred sa hagdan kasama si Sarah, muntik nang mabitawan ni Grace ang hawak niyang baso.

Sampung taon na niyang hindi nakikita ang lalaking ito. Sampung taon mula nang iwan siya nito at nangako ng mga bagay na ni isa ay hindi natupad. Ngunit heto siya ngayon, nakatayo sa harap niya, matikas pa rin kahit bakas na ang edad.

“Grace? Ikaw na ba ’yan?” Halos hindi makapaniwala si Wilfred, sinisipat siya mula ulo hanggang paa.

“Oo. Bakit? Hindi ka makapaniwala kasi mukha na akong losyang?” iritadong sagot ni Grace, pilit na tinatago ang kaba.

Ngunit umiling si Wilfred at ngumiti. “Hindi. Hindi ako makapaniwala kasi… ang ganda mo pa rin pala, kahit lumipas ang sampung taon.”

Napatakip ng bibig si Sarah, kinikilig sa gilid. Samantalang si Grace, napangiti rin kahit pilit niyang nilalabanan. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit siya nakarinig ng papuring ganoon.

“Tigilan mo nga ’yan. Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo. Hindi naman totoo.”

Ngunit bago pa siya makapagpatuloy, narinig niya ang boses ng kanyang anak.

“Nay, sino po siya? Kaibigan niyo po dati?” tanong ni Bridgette, nakatayo pala sa tabi niya. Nakatitig ito kay Wilfred, halatang curious, lalo na’t may aura itong mayaman at makapangyarihan.

Bago pa man makasagot si Grace, ngumiti si Wilfred at lumapit sa bata. Tumingin ito diretso sa mga mata ni Bridgette at buong tapang na nagsabi:

“No. I’m your father.”

***

Natigilan si Grace. Parang bumagsak ang buong mundo sa kanya. Ang matagal na niyang inilihim ay biglang sumabog sa harap ng anak. Si Bridgette naman ay nanlaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa narinig.

“A-ano pong ibig niyong sabihin? Kayo po… kayo ang tatay ko?”

Napaluha si Wilfred. “Oo, anak. At patawarin mo ako kung ngayon lang ako nagpakita. Marami akong pagkakamali sa nakaraan, pero handa akong itama lahat iyon.”

Humarap si Grace kay Wilfred, nanginginig ang boses. “Wala kang karapatang basta-basta na lang pumasok dito at sabihing tatay ka niya! Sampung taon kang nawala, Wilfred! Sampung taon na ako at si Bridgette lang ang nagdusa!”

Pero mahigpit ang tingin ng lalaki. “Alam kong wala akong karapatan, Grace. Pero mahal ko pa rin kayo. At this time… hindi na ako aalis. Kahit anong mangyari, babawi ako.”

Sa sulok ng kanyang isip, dama ni Grace ang pag-ikot ng kapalaran. Si Rico na iniwan sila para sa kabit, at si Wilfred, ang unang lalaki na minahal niya at tunay na ama ng kanyang anak ay narito ulit.

At ngayon, haharapin niya ang pinakamalaking tanong ng kanyang buhay: kaya pa ba niyang pagkatiwalaan ang taong minsang sumira sa kanya, pero siya ring tanging nagbigay ng pinakamahalagang biyaya—ang kanyang anak?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 10

    Ilang araw na ang lumipas ngunit napansin ni Bridgette na hindi man lang nagpaparamdam ang kanyang ina. Araw-araw niya itong naiisip at hinahanap. Kaya isang gabi, nang magkasama sila ng kanyang ama sa hardin ng mansyon, hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong. Tahimik silang nakatingala sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga kumikislap na bituin. Mahilig si Bridgette sa mga ganitong tanawin—para bang sa tuwing nakikita niya ang mga ito, lumalakas ang kanyang loob. “Tay? Pwede po ba akong magtanong?” maingat na basag ng bata sa katahimikan. Napatingin si Wilfred at agad na ngumiti. “Oo naman, anak. Tungkol ba saan iyon?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Bridgette bago nagsalita. “Nakakausap niyo pa po ba si Nanay? Kasi… araw-araw ko po siyang naiisip. Gusto ko po sana siyang makita ulit.” May lungkot sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Sandaling natigilan si Wilfred. “Hmm… anak, hindi ko pa ulit siya nakakausap simula noong kinuha kita. Pero siguro naman ay m

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 9

    Kinagabihan, umuwi si Rico sa kanilang bahay. Lasing na lasing siya; amoy pa lang ng alak ay kumalat na agad sa buong sala. Sa sobrang paghihintay ni Grace ay nakatulog siya sa lumang sofa, nakahandusay pa at hindi man lang nakapaghanda ng pagkain. “Grace! Grace!” malakas na sigaw ni Rico. “Bakit ba tulog ka nang tulog? Ngayon na nga lang ako umuwi tapos ganito pa ang dadatnan ko?!” Nagulat si Grace at agad na nagising. Pupungas-pungas pa siya nang umupo at humarap sa lalaking lasing na lasing. “Rico… nandiyan ka na pala. Pasensya ka na, ha? Naglinis kasi ako ng bahay, tapos naglaba pa. Dito na pala ako nakatulog sa sofa,” paliwanag niya, halatang ninenerbiyos. “Pasensya? Nakakaubos ka ng pasensya! Sige, nandiyan ang tuyo at itlog. Iluto mo! Gutom na gutom ako!” sigaw ni Rico. Walang nagawa si Grace kundi bumangon at magmadaling pumunta sa kusina. Kahit mabigat pa ang kanyang mga mata sa antok, nagising na rin siya dahil sa takot na baka saktan siya ni Rico. Samantala, pumasok mu

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 8

    Makaraan ang kalahating oras ay lumabas na si Wilfred mula sa silid. Halatang may mabigat siyang iniisip ngunit pilit niyang pinapakita ang ngiti sa kanyang mukha. Agad siyang sinalubong ni Grace na kanina pa balisa sa paghihintay. “Ano? Kamusta? Okay ba ‘yong naging pag-uusap ninyo?” tanong niya kaagad, bakas sa tinig ang kaba. “Okay na. Pumayag na siya sa set-up natin. Sasama na siya sa akin.” Huminga nang malalim si Wilfred bago nagpatuloy. “Basta, sabi ko ay dadalawin mo siya roon sa mansion.” Agad na sumimangot ang mukha ni Grace. Hindi niya inaasahan na isasama siya sa usapan. “Ha? Anong sabi mo? Dadalawin ko siya roon? Para saan naman?” sunud-sunod niyang tanong, halatang ayaw pumayag. “Grace, anak mo siya. Natural lang na gusto niyang makasama ka pa rin kahit paminsan-minsan. Lalo na sa mga importanteng okasyon.” Hindi makapaniwala si Wilfred sa malamig na tugon ng dating kasintahan. “Pambihira ka. Ikaw na lang ang bumawi sa kanya. Sampung taon kang nawala sa buhay niya—n

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 7

    Agad na nilapitan ni Grace si Wilfred para kausapin. Kita sa mukha niya ang inis at galit dahil pakiramdam niya ay inalisan siya ng karapatang ipaliwanag sa anak ang katotohanan. “Seryoso ka ba sa ginagawa mo? Ganyan ba ang pagpapakilala mo sa bata? Umayos ka nga!” singhal ni Grace. Hindi nagpatalo si Wilfred. Ramdam ang bigat ng tinago niya sa loob ng sampung taon. “Aba, anong gusto mo? Na hindi ko sabihin sa kanya ang totoo? Sampung taon na akong nagkulang sa kanya, Grace! Sampung taon na akong hindi niya nakilala bilang ama!” Mas lalong nag-init ang ulo ni Grace. “Iyon na nga, Wilfred! Sampung taon mo na siyang hindi kinilala tapos ngayon, bigla ka na lang susulpot na parang wala lang? Hindi ka na dapat pumunta rito!” Agad na lumapit si Bridgette, na halatang naguguluhan ngunit umaasang totoo ang sinasabi ng kanyang ama. “Nay… kung siya nga ang tatay ko, hindi ba mas maganda iyon? Hindi na ako masasaktan ni Tatay Rico. May magtatanggol na sa akin,” wika ng bata, puno ng pag-a

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 6

    AFTER 10 YEARS “Rico, mahal ko. Bumili ako ng—” Napatigil si Grace sa pagsasalita nang bumungad sa kanya ang isang eksenang hinding-hindi niya akalain. Nakita niyang magkayakap sina Rico at ang babae nito, mahimbing ang tulog ng dalawa na para bang walang kasalanang nagawa. Nanlaki ang kanyang mga mata, at bago pa man siya tuluyang manghina sa sakit, kinampay niya ang pintuan at malakas na sumigaw. “Walanghiya kayo! Dito pa talaga sa loob ng bahay ko kayo naglalampungan?!” Halos mabasag ang boses ni Grace sa galit. “Ikaw, babae ka! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na pamilyado na ang lalaki mo?! Wala ka na bang natitirang hiya sa katawan?!” Nagising ang dalawa, pupungas-pungas, at biglang namilog ang mga mata nang makita ang galit na galit na si Grace. Pinagbabato sila nito ng mga unan, at sa tindi ng inis ay halos liparin ng mga iyon ang mukha ng kanyang kinakasama at ng kabit nito. Mabilis na tumayo ang dalawa, nagmamadaling magbihis. “Grace,” sabat ni Karen, ang kabit, hab

  • Grace - A Mother's Cry   CHAPTER 5

    Isang araw, habang naglilinis si Grace ng mga gamit ni Wilfred, napansin niya ang wallet nito na naiwan sa mesa. Wala sa isip na binuksan niya iyon upang ayusin, ngunit muntik nang tumigil ang tibok ng kanyang puso nang may makita siyang larawan sa loob. Isang babae—maganda, makinis, halatang mas nakatatanda ng kaunti ngunit may dating at karisma. Agad na bumigat ang dibdib ni Grace. Sino siya? At bakit naroon sa wallet ni Wilfred? “Baka naman kapatid lang… o pinsan,” bulong niya sa sarili. “Oo, Grace, huwag kang mag-isip ng masama.” Ngunit kahit anong pilit niyang paliwanagan ang sarili, ramdam niya ang kirot. Lalo na’t buntis siya, mas sensitibo at mahina ang kanyang emosyon. Agad niyang ibinalik ang wallet nang marinig niya ang yabag ni Wilfred pababa ng hagdan. Nilapag niya iyon na parang walang nangyari. “Grace,” sabi ni Wilfred na may ngiti, “pasensya ka na ha? Aalis ulit ako. Kapag may kailangan ka, nandiyan naman si Ate Miding. Sabihin mo na lang.” Napatigil si Grace. “Ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status