Tahimik lang si Grace kapag nasa ibang tao, pero kapag kasama ang mga malalapit niyang kaibigan, sobrang ingay niya. Sa totoo lang, siya ang joker sa kanilang barkada. “Sige na, inom na tayo, o!” pilit niya sa mga kaibigan. “Naku, Grace. Alam mo namang hindi ako nainom! Hanggang pulutan lang ako,” sagot ni Sarah. “Ay, naku! Ang KJ mo talaga. Sige na nga, Belle! Ikaw na lang uminom nito.” Ayaw man ni Belle uminom, wala na siyang nagawa. Alam niyang maiinis si Grace kung pati siya ay tatanggi. “Iyan! Buti pa si Belle, kayang-kaya uminom! Sige, inom pa tayo!” tuwang-tuwang aya ni Grace. Nagkatinginan na lang sina Sarah at Belle. Alam kasi nila na kaya nagpipilit si Grace ay dahil brokenhearted ito sa ex-boyfriend niyang nangaliwa. “Nagpapaloko pa kasi siya, tapos tayo rin ang sasalo sa iyakan,” bulong ni Sarah. “Eh hayaan mo na. Tayo-tayo rin lang naman ang magdadamayan. Kung ikaw may problema, nasasandalan mo rin siya, ‘di ba?” sagot ni Belle. Napailing na lang si Sarah. Kahit m
Terakhir Diperbarui : 2025-01-24 Baca selengkapnya