로그인Nakilala ni Grace si Wilfred sa isang club at pinaibig siya nito. Ang hindi alam ni Grace ay kasal na si Wilfred. Naging sila at di kalaunan ay nabuntis siya, pero noong sasabihin na niya iyon kay Wilfred ay doon niya nalaman na may asawa pala ito at hindi siya nito paninindigan. Paano na ang pangarap niya para magkaroon ng buong pamilya?
더 보기Ilang araw na ang lumipas ngunit napansin ni Bridgette na hindi man lang nagpaparamdam ang kanyang ina. Araw-araw niya itong naiisip at hinahanap. Kaya isang gabi, nang magkasama sila ng kanyang ama sa hardin ng mansyon, hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong. Tahimik silang nakatingala sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga kumikislap na bituin. Mahilig si Bridgette sa mga ganitong tanawin—para bang sa tuwing nakikita niya ang mga ito, lumalakas ang kanyang loob. “Tay? Pwede po ba akong magtanong?” maingat na basag ng bata sa katahimikan. Napatingin si Wilfred at agad na ngumiti. “Oo naman, anak. Tungkol ba saan iyon?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Bridgette bago nagsalita. “Nakakausap niyo pa po ba si Nanay? Kasi… araw-araw ko po siyang naiisip. Gusto ko po sana siyang makita ulit.” May lungkot sa bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Sandaling natigilan si Wilfred. “Hmm… anak, hindi ko pa ulit siya nakakausap simula noong kinuha kita. Pero siguro naman ay m
Kinagabihan, umuwi si Rico sa kanilang bahay. Lasing na lasing siya; amoy pa lang ng alak ay kumalat na agad sa buong sala. Sa sobrang paghihintay ni Grace ay nakatulog siya sa lumang sofa, nakahandusay pa at hindi man lang nakapaghanda ng pagkain. “Grace! Grace!” malakas na sigaw ni Rico. “Bakit ba tulog ka nang tulog? Ngayon na nga lang ako umuwi tapos ganito pa ang dadatnan ko?!” Nagulat si Grace at agad na nagising. Pupungas-pungas pa siya nang umupo at humarap sa lalaking lasing na lasing. “Rico… nandiyan ka na pala. Pasensya ka na, ha? Naglinis kasi ako ng bahay, tapos naglaba pa. Dito na pala ako nakatulog sa sofa,” paliwanag niya, halatang ninenerbiyos. “Pasensya? Nakakaubos ka ng pasensya! Sige, nandiyan ang tuyo at itlog. Iluto mo! Gutom na gutom ako!” sigaw ni Rico. Walang nagawa si Grace kundi bumangon at magmadaling pumunta sa kusina. Kahit mabigat pa ang kanyang mga mata sa antok, nagising na rin siya dahil sa takot na baka saktan siya ni Rico. Samantala, pumasok mu
Makaraan ang kalahating oras ay lumabas na si Wilfred mula sa silid. Halatang may mabigat siyang iniisip ngunit pilit niyang pinapakita ang ngiti sa kanyang mukha. Agad siyang sinalubong ni Grace na kanina pa balisa sa paghihintay. “Ano? Kamusta? Okay ba ‘yong naging pag-uusap ninyo?” tanong niya kaagad, bakas sa tinig ang kaba. “Okay na. Pumayag na siya sa set-up natin. Sasama na siya sa akin.” Huminga nang malalim si Wilfred bago nagpatuloy. “Basta, sabi ko ay dadalawin mo siya roon sa mansion.” Agad na sumimangot ang mukha ni Grace. Hindi niya inaasahan na isasama siya sa usapan. “Ha? Anong sabi mo? Dadalawin ko siya roon? Para saan naman?” sunud-sunod niyang tanong, halatang ayaw pumayag. “Grace, anak mo siya. Natural lang na gusto niyang makasama ka pa rin kahit paminsan-minsan. Lalo na sa mga importanteng okasyon.” Hindi makapaniwala si Wilfred sa malamig na tugon ng dating kasintahan. “Pambihira ka. Ikaw na lang ang bumawi sa kanya. Sampung taon kang nawala sa buhay niya—n
Agad na nilapitan ni Grace si Wilfred para kausapin. Kita sa mukha niya ang inis at galit dahil pakiramdam niya ay inalisan siya ng karapatang ipaliwanag sa anak ang katotohanan. “Seryoso ka ba sa ginagawa mo? Ganyan ba ang pagpapakilala mo sa bata? Umayos ka nga!” singhal ni Grace. Hindi nagpatalo si Wilfred. Ramdam ang bigat ng tinago niya sa loob ng sampung taon. “Aba, anong gusto mo? Na hindi ko sabihin sa kanya ang totoo? Sampung taon na akong nagkulang sa kanya, Grace! Sampung taon na akong hindi niya nakilala bilang ama!” Mas lalong nag-init ang ulo ni Grace. “Iyon na nga, Wilfred! Sampung taon mo na siyang hindi kinilala tapos ngayon, bigla ka na lang susulpot na parang wala lang? Hindi ka na dapat pumunta rito!” Agad na lumapit si Bridgette, na halatang naguguluhan ngunit umaasang totoo ang sinasabi ng kanyang ama. “Nay… kung siya nga ang tatay ko, hindi ba mas maganda iyon? Hindi na ako masasaktan ni Tatay Rico. May magtatanggol na sa akin,” wika ng bata, puno ng pag-a












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
리뷰더 하기