Share

VIII. PAYBACK TIME

Hindi pa kami nakakalayo sa town hall nang pinatigil ko kay kuya ang sasakyan.

"Kuya, may kukunin lang ako saglit," sabi ko sa kaniya.

"Demi, nagkakagulo na sa town hall. Paano kung nandun pa yung killer?!" sigaw niya.

Bumuntong-hininga ako, "Kuya, saglit lang talaga."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa sasakyan.

"Demi!"

Hindi ko siya pinansin at tumakbo na ako pabalik sa town hall. Buti nalang ay nandoon pa yung mask. Agad kong kinuha iyon at tinago sa bag ko.

Bumalik agad ako sa sasakyan ni kuya at pumasok.

"Tara na," sabi ko.

***

November 26, 8:00 AM

Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Parang may umiiyak.

Tama nga ako dahil pagbaba ko ay nakita ko si mommy na umiiyak.

"Mom, what happened?" tanong ko.

Tumingin siya sakin, "Wala na sila, Demi. Hindi ko nailigtas ang pamilya ni Mayor Javier."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy.

Patay na si Tita Serenity at si Ate Sandy!

"Dad, ano pong balita sa nangyari kagabi?" tanong ko kay daddy na yakap-yakap si mom.

"Nagsisimula na ang imbestigasyon. As of now, wala pang nakikitang pwedeng maging suspect," sagot niya.

Biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Brix.

"Sasagutin ko lang po 'to saglit," paalam ko.

"Hello,"

"Hello, Demi, nabalitaan mo na ba ang nangyari?"

"Oo, sinabi sakin ni mommy. Brix, nag-aalala ako para kay Sofia,"

"Nasa bahay lang daw si Sofia at ayaw lumabas,"

"Pwede ba natin siya puntahan?"

"Tumawag din sakin si Jayson at nag-aaya rin sila na puntahan si Sofia,"

"Sasama ako, Brix,"

"Sige, susunduin nalang kita dyan,"

Pagkatapos namin mag-usap ay umakyat agad ako sa kwarto ko.

Nakita ko yung mask sa side table ko. Hinawakan ko iyon at tinignan ng mabuti.

Tumunog ulit ang phone ko.

"Hello, Brix?"

"You're wrong, honey,"

Bigla akong kinilabutan nang marinig ko ang pamilyar na boses. Tinignan ko ang phone ko at nakita ko na naman yung unregistered number na tumatawag sakin noong nakaraan.

"Sino ka ba talaga?!" sigaw ko.

"Guess who?"

"Tigilan mo na ang pagtawag sakin,"

Narinig ko ang mala-demonyong tawa niya, "Nagustuhan niyo ba ang regalo ko sa inyo?"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"The Homecoming," at muli siyang tumawa ulit.

Magsasalita pa sana ako pero pinatay niya na ang tawag.

Napaupo ako sa kama ko.

Tinutukoy niya ang nangyari kagabi sa Homecoming ng mga Javier. Posibleng siya ang killer! Baka ang tinutukoy niyang regalo ay yung pagpatay niya sa pamilya ni Mayor.

***

Nakarating na kami sa bahay nila Sofia. Hinarang pa kami ng mga guard buti nalang ay nakilala nila kami agad.

Pagpasok namin ay si Manang Linda ang sumalubong samin. Siya ang pinakamatagal na katulog nila Sofia dito.

Namumugto ang mga mata niya, dahil siguro 'to sa balitang patay na sina Tita Serenity.

"Manang Linda, nasan po si Sofia?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya at ayaw lumabas," sagot niya.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan ng may pag-aalala sa mga mukha.

"Manang, pwede po ba namin siya makausap?" tanong ni Jayson.

"Naka lock ang kwarto niya pero siguro naman ay papapasukin niya kayo," sabi ni manang.

Sinamahan niya kami sa taas kung nasaan ang kwarto ni Sofia. Nang makarating kami doon ay agad kaming kumatok.

"Sofia, can we talk?" tanong ko habang kumakatok sa pinto niya.

"Sofia, kung may kailangan ka nandito lang kami," sabi naman ni Macey.

Kumatok ulit si Brix, "Sofia..."

"Ayaw niya talagang makipag-usap," sabi ni manang. "Nag-aalala na ako sa batang yan."

Si Jayson ang lumapit sa pinto at kumatok, "Sofia, please open the door. Nag-aalala kami sayo."

Bigla kaming nakarinig ng ingay sa loob... parang may nahulog o nabasag.

"Sofia!" tawag namin dahil sa pag-aalala.

Napangiti ako nang bumukas ang pinto ngunit napawi rin iyon dahil sa umiiyak na mukha ni Sofia.

"Maiwan ko muna kayo," sabi ni manang.

"Salamat po," saad ni Brix.

Pinapasok kami ni Sofia sa kwarto niya.

"Sofia..." tawag ko sa kaniya at niyakap siya. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko.

Yumakap din sa kaniya ang mga kaibigan namin.

"We're always here for you, Sofia," sabi ni Macey.

Hindi ko rin mapigilang mapaluha. Masaya sana ang homecoming na iyon pero sinira iyon ng isang psycho killer.

***

"Ikukuha ko muna ng tubig si Sofia," paalam ko sa kanila.

Bumaba ako at dumiretso sa kitchen nila.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang tumatawag sakin. Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang number niya para tawagan siya.

Hindi niya sinasagot.

Kumuha muna ako ng tubig para kay Sofia.

"Demi..."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na iyon.

Dahan-dahan akong humarap sa taong iyon - si Sander.

"Kuya Sander," ngayon ko lang siya tinawag na Kuya Sander. Sa tingin ko naman ay wala na siyang gusto sakin dahil ilang taon na rin ang lumipas.

"I miss you," mapupungay ang mata niya at magulo ang buhok. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Demi, I miss you and I still love you," lalong humigpit ang yakap niya sakin.

"Sander, nasasaktan ako," naiiyak kong sabi. Mukhang lasing pa ata ang isang 'to dahil naaamoy ko ang alak na ininom niya.

"Sander!"

Bigla nalang may humila kay Sander palayo sakin. Maya-maya lang ay nakita ko si Sander na naka upo sa sahig habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Demi, let's go," hinila ako ni Brix at bumalik sa kwarto ni Sofia.

"What happened? Nakarinig kami ng ingay sa baba," sabi ni Macey.

"Bro, bakit may dugo yang kamao mo?" tanong naman ni Jayson.

Kumunot ang noo ko at hinawakan ang kamay ni Brix na nagdudugo.

"I'm sorry, gagamutin ko na lang 'yan," sabi ko sa kaniya.

"Ayos lang ako, Demi. Iuuwi nalang kita sa inyo," sabi niya.

"Paano si Sofia? Kailangan niya tayo," bulong ko sa kaniya.

Biglang tumunog ang phone ko.

"Sasagutin ko lang 'to," paalam ko at pumasok sa CR ni Sofia.

"Are you the psycho killer?" tanong ko agad.

"Yes," tumawa ulit siya.

"You killed the Mayor's wife and their daughter! Anong kasalan nila sayo? Bakit mo nagawa 'yon?"

"Kasalanan? Madami. Madami silang kasalanan sa akin. The mayor and the whole Greenville, lahat kayo ay may kasalanan sakin and it's... payback time."

Napatitig na lamang ako sa cellphone ko habang ang mga kamay ko ay nanginginig dahil sa sobrang takot. Anong ibig niyang sabihin? Sino ba talaga siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status