November 25, 6:30 PM
Habang nagsusuklay ay biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag.
"Hello," sagot ko.
"Hello, Demi, are you ready? Papunta na ako d'yan," sabi ni Brix.
"Yup, patapos na rin,"
"Okay,"
Pagkatapos namin mag-usap ay binaba ko na agad ang tawag. Tinapos ko na ang pag-aayos ko at lumabas ng kwarto.
"Demi, gusto mo bang sumabay?" tanong ni kuya.
Umiling ako, "Papunta na rin si Brix dito. Sabay na kami," sagot ko.
"Okay, mauuna na ako doon," sabi ni kuya.
"Nasaan pala sila mommy?" tanong ko.
"Nandoon na rin sila. Bilisan niyo dahil malapit na mag start yung event," sabi niya. Tumango nalang ako.
Pagkaalis ni kuya ay bigla namang dumating si Brix.
"Tara na?" tanong niya.
"Let's go. Nauna na sila mommy doon sa town hall," sabi ko.
Mabilis lang din kaming nakarating sa town hall. Pagkababa namin sa sasakyan ay namangha agad ako sa ayos ng buong town hall.
Nakita naman na namin ang ayos nito kahapon pero mas maganda ngayon dahil napuno ito ng mga ilaw.
Sobrang ingay. Puno ng kwentuhan at tawanan. Lahat ay masayang nagtipon. Halatang-halata na excited sila na muling makita ang pamilya ni Mayor Javier.
"Hey, Lovebirds! Come here!" rinig kong sigaw ni Macey. Nakita namin silang dalawa ni Jayson sa isang table.
"Nasaan si Sofia?" tanong ko.
"Kasama pa ang family niya. Mamaya daw ay lalapit siya dito sa atin," sagot ni Macey.
Tinignan ko ang buong paligid. Lahat ng estudyante sa school ay nandito kasama ang parents nila. Nakita ko rin si Mang Isko na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.
Napangiti ako nang makita ang mga parents namin na magkakasama.
"Nakakatuwa 'no? Hanggang ngayon ay magkakaibigan pa rin sila," sabi ni Brix.
"Kaya nga eh," since highschool magkakasama na sila.
Napatingin sila dito sa pwesto namin kaya lumapit sila.
"How are you, kids?" natatawang tanong ni Tito Martin, ang daddy ni Jayson.
"Tito, we're not kids anymore. By the way, we miss you!" sagot ni Macey. Nagtawanan kami.
"Welcome back po, Tito!" bati namin.
"Grabe, namiss ka nila!" natatawang sabi ni Tita Agnes, ang asawa niya.
"Namiss nila yung pinaka gwapong tatay dito sa Greenville," sabi niya at tumawa.
"Di naman masyado, dad. Nandito yung pinaka gwapong anak eh," banat ni Jayson. Napailing nalang kami at nagtawanan. Mag ama nga talaga.
"O sige na, maiwan muna namin kayo d'yan," paalam nila at lumipat sa table nila.
"7PM na pala, mag s-start na yung program," sabi ni Brix.
Maya-maya lang ay nakita na namin si Sofia na papalapit dito. Si Mayor Javier naman ay paakyat na sa stage.
"Nasaan sila tita?" tanong ko kay Sofia nang makalapit siya sa amin.
"Maya-maya lang ay lalabas na rin sila," sagot niya.
"Finally, Sofia!" masayang sabi ni Macey.
Tumingin na kami sa stage kung nakatayo ang masayang-masaya na si Mayor Solomon Javier. Sa gitna rin ng stage ay nakakabit ang isang malaking tarpaulin.
Welcome back, Javier Family!
Ayan ang nakasulat sa tarpaulin na sinamahan ng mga litrato ng pamilyang Javier.
"Good evening, my beloved people of Greenville," nagpalapakan ang lahat ng magsalita si Mayor.
"I am so glad to see you here tonight! Alam kong pati kayo ay hindi na makapaghintay na makita ang asawa't mga anak ko," sabi niya. "It's been five years. Limang taon ko ring hindi nakasama ang pamilya ko, but tonight is very special dahil sa wakas ay makakasama ko na rin sila."
Muling nagpalakpakan ang mga tao.
"Maiwan ko muna kayo. Pupuntahan ko lang sila mommy," paalam ni Sofia.
Bigla kaming nakarinig ng fireworks. Napatingin kami sa labas at nakita namin ang makukulay na fireworks sa langit.
"So, now, please welcome my precious wife and our beloved children!" muling umingay ang buong town hall dahil sa ingay na nagmumula sa mga tao at sa fireworks.
Ngunit, nagkagulo ang lahat nang mamatay ang ilaw. Sobrang dilim.
"What happened?!" sigaw ni Macey.
Naramdaman ko agad ang paghawak sa akin ni Brix.
"Tulong! Tulungan niyo ako!"
Biglang bumukas ulit ang mga ilaw at natigil ang fireworks sa labas.
"Puntahan natin si Sofia, Brix. Kailangan niya ng tulong," sabi ko.
Nabitawan ni Mayor ang mic at nagmamadaling pumunta sa backstage.
Sumunod kami doon. Nagulat ang lahat nang makita ang katawan ni Tita Serenity Javier at Ate Sandy na nakahandusay sa sahig.
"Mommy! Ate!" sigaw ni Sofia habang umiiyak.
Sino ang gumawa nito?
Marami silang tama ng baril.
"Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis!" sigaw ni Mayor Javier.
"Lumayo muna kayo dito!" sigaw ni daddy. Pinalayo niya kami sa katawan ng pamilya ni Sofia.
"Anong nangyayari dito?!" napatingin kami sa kadarating lang na lalaki. Si Sander Javier.
"K-kuya!" sigaw ni Sofia. Agad na niyakap ni Sander si Sofia.
"Sino naman kaya ang gumawa nito sa kanila?" tanong ko. Ngayon pa talaga.
"Wala namang kaaway ang pamilya nila kaya nakakapagtaka na may kayang gumawa sa kanila ng ganito," wika ni Brix.
"Demi!"
Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Kuya Derrick na nagmamadali papalapit sakin.
"Let's go! Iuuwi na kita," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko si Brix.
"Brix, pano ka?" tanong ko.
"Pupuntahan ko muna sina Ate Bianca," tumingin siya kay kuya, "Mag-ingat kayo ni Demi pauwi."
Tinignan ko muna si Sofia na yakap-yakap ng kuya niya. Hindi ko na siya nalapitan dahil hinila na ako ni kuya.
"Nasan si mommy?" tanong ko.
"Pupunta siya sa ospital ngayon," sagot niya.
Nang makasakay kami sa kotse ay tumingin ulit ako sa entrance ng town hall.
Lalo akong kinilabutan nang makita ang isang white mask sa entrance.
He's back.
Hindi pa kami nakakalayo sa town hall nang pinatigil ko kay kuya ang sasakyan."Kuya, may kukunin lang ako saglit," sabi ko sa kaniya."Demi, nagkakagulo na sa town hall. Paano kung nandun pa yung killer?!" sigaw niya.Bumuntong-hininga ako, "Kuya, saglit lang talaga."Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa sasakyan."Demi!"Hindi ko siya pinansin at tumakbo na ako pabalik sa town hall. Buti nalang ay nandoon pa yung mask. Agad kong kinuha iyon at tinago sa bag ko.Bumalik agad ako sa sasakyan ni kuya at pumasok."Tara na," sabi ko.***November 26, 8:00 AMMaaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Parang may umiiyak.Tama nga ako dahil pagbaba ko ay nakita ko si mommy na umiiyak."Mom, what happened?" tanong ko.
November 27, 8:00 AMAng buong tao sa Greenville ay balik sa dating nakagawian. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin sa mukha ng bawat isa ang takot at lungkot. Ang dating tawanan ay napalitan ng katahimikan. Tila nagbalik ang Grenville sa dating sitwasyon. Five years ago, ganito rin ang Greenville at dahil din iyon sa isang killer. At nakakatakot kung mangyari ulit 'yon ngayon."Demi!" nakita ko si Mang Isko na kumakaway sakin. Nginitian niya ako. I know that he's also worried. Five years ago, nasaksihan ni Mang Isko ang mga nangyari dito sa Greenville, at alam kong nag-aalala siya na baka mangyari ulit ang mga iyon ngayon."Good morning, Mang Isko," bati ko at pilit na ngumiti."Inaantay mo si Brix?" tanong niya."Opo. Alam niyo naman pong lagi kong kasabay yun tuwing papasok," sabi ko."Ah sige, mauna na ako. Kailangan kong pumunta nang maaga sa chapel para tumu
November 30, 10:00 AMYakap-yakap namin ang umiiyak na si Sofia. Nandito kami ngayon sa sementeryo at halos lahat ay umiiyak habang pinapanood na dahan-dahang ibinabaon sa lupa ang mga kabaong kung saan nakalagay ang labi ng asawa't anak ni Mayor Javier.Nasa harapan namin si Mayor, hindi siya umiiyak pero alam naming sobra rin siyang nasasaktan. He just lost his loved ones and he's also the father of Greenville. At sa nangyayari ngayon, malamang ay sobrang nahihirapan siya.Pagkatapos ng libing ay nag uwian na rin ang iba, kami naman ay sinamahan muna si Sofia sa bahay nila. Tahimik lamang siya at namamaga na ang mata dahil sa sobrang pag-iyak kanina."Sofia, everything will be alright. Okay?" sabi ni Macey. Hindi na umiiyak si Sofia pero bakas na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya."Mahahanap din yung killer at siguradong makukuha niyo ang hustisya," sabi ko sa kaniya.
December 1 8:30 AMNandito kami ngayon sa student lounge at nakatambay. 9AM pa naman ang start ng klase namin kaya may 30 minutes pa kami.Napatayo ako nang makita si Sofia na naglalakad papasok."Sofia!" tawag ko sa kaniya. Napatingin din ang iba naming kaibigan sa kaniya. Ngumiti siya sa amin at kumaway.Nang makalapit siya ay agad namin siyang niyakap."Bakit hindi mo sinabi na papasok ka na pala ulit ngayon? Nasundo ka sana namin," sabi ni Macey sa kaniya."Sorry, kagabi ko lang din kasi napag-isipan. Naisip ko na pumasok nalang kaysa mag mukmok sa bahay. Hinatid naman ako ni kuya ngayon," sabi niya."Okay ka na ba?" tanong ko."Malapit na, Demi lalo na't kasama ko kayo kaya kahit papaano'y nagiging ayos ang pakiramdam ko," aniya."Oh, Sander!" nagulat ako nang sumigaw ni Jayson. Tumingin ako sa entrance ng student lou
"M-maniwala kayo sa...akin. Wala akong k-kasalanan," nauutal na sabi ni Mang Isko. Tinignan ko siyang mabuti at punong-puno ng dugo ang damit at ang kamay niyang nanginginig.Napailing nalang ako."Demi...bata palang kayo, kilala niyo na ako. Alam niyong hindi ko magagawa ang pumatay ng tao. Tulungan niyo ako, napag-utusan lang ako."Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napag-utusan? Nino?"Sino ang lalaking 'yan, Mang Isko? At sino ang nag utos sayo?" tanong ni Brix."Hindi ko siya kilala, nakita ko nalang ang katawan niya likod ng bahay namin," sagot ni Mang Isko.Tinignan ko ang lalaki. Puno ng dugo ang mukha niya kaya hindi ko rin ito makilala. Ang dami niyang tama ng baril sa katawan."Nang makita ko siya kanina, may bigla nalang tumawag sakin, sabi niya dalhin ko daw ang katawan na 'to dito sa bahay ng mga Dela Cerna. Kapag hindi ko daw 'yon ginawa, makuk
Lalapit na sana si Troy sa pwesto namin ngunit agad na hinawakan ni Jayson ang braso nito at sinapak sa mukha.Muntik na itong matumba ngunit napahawak siya sa upuan kaya napigilan niya ang pagtumba niya. Ngumisi-ngisi ito habang nakatingin kay Jayson.Tinignan ko ang itsura niya. Lalong pumayat ito kumpara sa katawan niya noong huli namin siyang makita. Medyo mahaba ang magulong buhok at ang daming piercings. Mukha siyang adik.Tumawa ito at pumalakpak ng ilang beses, kasunod nito ang pagpasok ng limang lalaki na mukha ring mga adik."Oh my God! P-paano sila nakapasok dito?" tanong ni Macey. Nagtayuan ang mga estudyante at bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Sino ba namang hindi matatakot? Ang tatangkad nila tapos mukha pang adik.Bigla nalang nagtumbahan ang mga upuan at mesa. Kasunod nito ang pagrarambulan ng mga tao."Brix!" napasigaw ako nang makitang nakikipag suntukan si Brix doon sa isa sa mga kasama
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Parang pamilya na ang turing namin kay Mang Isko. He's like my lolo. And now, he's dead."Demi," napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakatayo si Kuya Derrick.Agad niya akong nilapitan at niyakap."Shh, stop crying."Umiling-iling lang ako.Kahapon ay kasama lang namin si Mang Isko. Akala namin okay na ang lahat matapos ng ginawa namin kahapon pero hindi pala. May balak pa pala ang killer para sa kaniya. Pero bakit siya?"Huwag mong sayangin ang mga luha mo para sa taong hindi naman natin kaano-ano."Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Kuya."What are you saying, Kuya? Bakit ganiyan ka mag salita?""What? I'm just saying the truth," saad niya."Parang pamilya na natin si Mang Isko. He's been with us since we were kids. He's our family, okay?!" sigaw ko sa
December 4, 2:00 PM"Demi, are you done?" rinig kong tanong ni Mommy sa labas ng kwarto ko.Nagsuklay lang ako ng buhok at kinuha ko na ang bag ko, "Yes, mom. Palabas na po ako."Naglakad ako patungo sa pinto ng kwarto ko at binuksan 'yon. Bumungad sakin si Mommy na nakangiti."Let's go?" tanong niya. Tumango nalang ako.Papunta kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing si Mang Isko. Pinalibing agad siya dahil wala naman na daw pupuntang pamilya niya dahil hindi na mahagilap ang mga ito. Tanging ang nag-iisang anak niya nalang ang kasama niya sa buhay.***"Si tatay...hindi siya masamang tao. Hindi niya magagawa yung mga ibinibintang sa kaniya," umiiyak na sabi ni Ate Aurelia, ang anak ni Mang Isko. "Magmula ng mamatay ang nanay ko, si tatay lang ang laging nandiyan para sakin. Siya ang nagpalaki sa akin kaya masasabi kong isa talaga siyang mabait na