November 27, 8:00 AM
Ang buong tao sa Greenville ay balik sa dating nakagawian. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin sa mukha ng bawat isa ang takot at lungkot. Ang dating tawanan ay napalitan ng katahimikan. Tila nagbalik ang Grenville sa dating sitwasyon. Five years ago, ganito rin ang Greenville at dahil din iyon sa isang killer. At nakakatakot kung mangyari ulit 'yon ngayon.
"Demi!" nakita ko si Mang Isko na kumakaway sakin. Nginitian niya ako. I know that he's also worried. Five years ago, nasaksihan ni Mang Isko ang mga nangyari dito sa Greenville, at alam kong nag-aalala siya na baka mangyari ulit ang mga iyon ngayon.
"Good morning, Mang Isko," bati ko at pilit na ngumiti.
"Inaantay mo si Brix?" tanong niya.
"Opo. Alam niyo naman pong lagi kong kasabay yun tuwing papasok," sabi ko.
"Ah sige, mauna na ako. Kailangan kong pumunta nang maaga sa chapel para tumulong," paalam niya. Sa isang memorial chapel ibinurol sina Tita Serenity at Ate Sandy. Sa November 30 ay ililibing na rin sila. Nakakalungkot lang dahil ganoon pa ang nangyari sa pagbabalik nila dito. Hindi ko rin tuloy maiwasang mag-alala sa kaibigan kong si Sofia. Matagal niyang hindi nakasama ang nanay at kapatid niya at ngayo'y malabo nang mangyari ang matagal niya ng hinihiling; ang makumpleto silang pamilya.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Brix. Huminto siya sa harapan ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"Dumaan muna ako sa cafe ni Ms. Belle para bumili ng coffee," kinuha niya yung isang kape at inabot sakin, "Here."
"Thank you," saad ko.
"How's the investigation?" tanong niya.
"Hindi ko naaabutan si dad sa bahay kaya wala rin akong balita," sagot ko. Maagang umaalis si dad at gabing-gabi naman kung umuwi at siguradong hindi ko rin siya matatanong sa mga bagay na iyon.
Naisip kong tumulong sa investigation pero siguradong hinding-hindi papayag sila dad. Well, sino ba naman papayag na tumulong ang isang teenager sa mga kasong katulad nito?
Wait!
Binuksan ko ang bag ko at tinignan ang puting maskara na nasa loob. Ilalabas ko sana iyon ngunit naisip ko na mas mabuti kung nandito rin ang iba naming kaibigan. Kailangan malaman din nila ito.
Napangisi ako.
I just thought of some great plans.
***
Belle's Cafe, 4:30 pm
"Are you sure about this, Demi?" tanong ni Macey. Tumango-tango naman ako.
"May tiwala naman ako sa mga pulis at alam kong ginagawa nila ang buong makakaya nila para mahuli ang killer. Hindi nila tayo papayagan na tumulong sa kanila kaya gagawa tayo ng sarili nating investigation," sabi ko sa kanila.
"This is dangerous. He is a psycho killer and we are just normal students," sabi ni Jayson.
"I know pero para rin naman 'to sa kaligtasan ng buong Greenville," saad ko.
Magiging mahirap ito pero kapag nalaman naman namin kung sino ang killer, babalik ulit ang sigla ng Greenville. At makakamit ng mga Javier ang hustiyang nararapat para sa pamilya nila.
"Paano tayo magsisimula?" tanong ni Macey.
Kinuha ko ang maskara sa bag ko at ipinakita sa kanila.
"San mo nakuha 'yan?" tanong ni Brix na kanina pa tahimik dahil hindi siya sang-ayon sa plano. Kanina niya pa sinasabi na huwag ng ituloy ang binabalak ko at ipaubaya na lang sa mga pulis ang lahat. Pero may nagtutulak talaga sa akin na gawin ito lalo na't isa sa mga kaibigan ko ay biktima rito. Malakas din ang kutob ko na may kinalaman dito ang tumatawag sa akin.
"Nakita ko ito sa entrance ng town hall nang oras na nagkakagulo na ang lahat," sabi ko sa kanila.
"Bakit mo naman dinampot?" tanong ni Macey.
"Wala ba kayong naaalala?" tanong ko sa kanila. Tinitigan nilang mabuti ang mask at parang nag-iisip nang mabuti.
"Oh my God!" saad ni Macey. "Wala akong maalala."
Napabuntonghininga ako. Akala ko naman ay naalala niya na.
"Five years ago, may killer din na gumagala sa Greenville at sabi ng iba ay nakasuot daw ito ng puting mask," sabi ni Jayson.
"Nakuha mo, Jayson! Noong homecoming, pinatay ang pamilya ni Mayor at nakita ko ang mask na 'to," sabi ko.
"Ibig sabihin, ang killer dati at ang killer ngayon ay iisa?" tanong ni Macey.
"Posible. Kaya nga mag-iinvestigate tayo. Kailangan natin malaman kung iisa nga lang sila at kung sino ang nasa likod ng mask na 'to."
"Wait! Wait! Kung siya nga 'yon, bakit naman siya babalik dito?" tanong ni Macey.
Naalala ko yung sinabi no'ng tumawag sakin. He said that it's payback time. At kung iisa nga lang sila, malamang ay bumalik nga siya rito para mapagbayaran ang mga kasalanan namin sa kaniya. Hindi ko lang maintindihan kung ano ang mga kasalanan na tinutukoy niya.
"Demi, bakit tinago mo 'yang mask na 'yan? Pwede yang makatulong sa mga pulis," sabi ni Brix.
Naisip ko rin naman iyon pero...
"Kailangan mong ipakita 'yan sa mga pulis. Ibigay mo yan sa daddy mo," sabi na naman ni Brix.
"Okay! Okay! Basta papayag ka sa plano ko," sabi ko sa kaniya.
Napailing na lang siya dahil sa inis, "Fine."
Napangisi ako. Wala ng atrasan 'to. Lahat kami ay dito lumaki sa Greenville. Hindi man namin naprotektahan dati ang lugar na 'to laban sa pag atake ng killer na iyon, ngayon gagawin namin ang makakaya namin para sa kaayusan ng lugar na 'to at para na rin sa kaibigan naming si Sofia.
Tinignan ko sila isa-isa.
"Are you ready to unmask the killer?"
Tinignan din nila ako. Halata sa mga mukha nila ang takot at pag-aalala. Alam kong natatakot din sila sa pwedeng mangyari pero nandito na 'to. We have to face it.
November 30, 10:00 AMYakap-yakap namin ang umiiyak na si Sofia. Nandito kami ngayon sa sementeryo at halos lahat ay umiiyak habang pinapanood na dahan-dahang ibinabaon sa lupa ang mga kabaong kung saan nakalagay ang labi ng asawa't anak ni Mayor Javier.Nasa harapan namin si Mayor, hindi siya umiiyak pero alam naming sobra rin siyang nasasaktan. He just lost his loved ones and he's also the father of Greenville. At sa nangyayari ngayon, malamang ay sobrang nahihirapan siya.Pagkatapos ng libing ay nag uwian na rin ang iba, kami naman ay sinamahan muna si Sofia sa bahay nila. Tahimik lamang siya at namamaga na ang mata dahil sa sobrang pag-iyak kanina."Sofia, everything will be alright. Okay?" sabi ni Macey. Hindi na umiiyak si Sofia pero bakas na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya."Mahahanap din yung killer at siguradong makukuha niyo ang hustisya," sabi ko sa kaniya.
December 1 8:30 AMNandito kami ngayon sa student lounge at nakatambay. 9AM pa naman ang start ng klase namin kaya may 30 minutes pa kami.Napatayo ako nang makita si Sofia na naglalakad papasok."Sofia!" tawag ko sa kaniya. Napatingin din ang iba naming kaibigan sa kaniya. Ngumiti siya sa amin at kumaway.Nang makalapit siya ay agad namin siyang niyakap."Bakit hindi mo sinabi na papasok ka na pala ulit ngayon? Nasundo ka sana namin," sabi ni Macey sa kaniya."Sorry, kagabi ko lang din kasi napag-isipan. Naisip ko na pumasok nalang kaysa mag mukmok sa bahay. Hinatid naman ako ni kuya ngayon," sabi niya."Okay ka na ba?" tanong ko."Malapit na, Demi lalo na't kasama ko kayo kaya kahit papaano'y nagiging ayos ang pakiramdam ko," aniya."Oh, Sander!" nagulat ako nang sumigaw ni Jayson. Tumingin ako sa entrance ng student lou
"M-maniwala kayo sa...akin. Wala akong k-kasalanan," nauutal na sabi ni Mang Isko. Tinignan ko siyang mabuti at punong-puno ng dugo ang damit at ang kamay niyang nanginginig.Napailing nalang ako."Demi...bata palang kayo, kilala niyo na ako. Alam niyong hindi ko magagawa ang pumatay ng tao. Tulungan niyo ako, napag-utusan lang ako."Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napag-utusan? Nino?"Sino ang lalaking 'yan, Mang Isko? At sino ang nag utos sayo?" tanong ni Brix."Hindi ko siya kilala, nakita ko nalang ang katawan niya likod ng bahay namin," sagot ni Mang Isko.Tinignan ko ang lalaki. Puno ng dugo ang mukha niya kaya hindi ko rin ito makilala. Ang dami niyang tama ng baril sa katawan."Nang makita ko siya kanina, may bigla nalang tumawag sakin, sabi niya dalhin ko daw ang katawan na 'to dito sa bahay ng mga Dela Cerna. Kapag hindi ko daw 'yon ginawa, makuk
Lalapit na sana si Troy sa pwesto namin ngunit agad na hinawakan ni Jayson ang braso nito at sinapak sa mukha.Muntik na itong matumba ngunit napahawak siya sa upuan kaya napigilan niya ang pagtumba niya. Ngumisi-ngisi ito habang nakatingin kay Jayson.Tinignan ko ang itsura niya. Lalong pumayat ito kumpara sa katawan niya noong huli namin siyang makita. Medyo mahaba ang magulong buhok at ang daming piercings. Mukha siyang adik.Tumawa ito at pumalakpak ng ilang beses, kasunod nito ang pagpasok ng limang lalaki na mukha ring mga adik."Oh my God! P-paano sila nakapasok dito?" tanong ni Macey. Nagtayuan ang mga estudyante at bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Sino ba namang hindi matatakot? Ang tatangkad nila tapos mukha pang adik.Bigla nalang nagtumbahan ang mga upuan at mesa. Kasunod nito ang pagrarambulan ng mga tao."Brix!" napasigaw ako nang makitang nakikipag suntukan si Brix doon sa isa sa mga kasama
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Parang pamilya na ang turing namin kay Mang Isko. He's like my lolo. And now, he's dead."Demi," napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakatayo si Kuya Derrick.Agad niya akong nilapitan at niyakap."Shh, stop crying."Umiling-iling lang ako.Kahapon ay kasama lang namin si Mang Isko. Akala namin okay na ang lahat matapos ng ginawa namin kahapon pero hindi pala. May balak pa pala ang killer para sa kaniya. Pero bakit siya?"Huwag mong sayangin ang mga luha mo para sa taong hindi naman natin kaano-ano."Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ni Kuya."What are you saying, Kuya? Bakit ganiyan ka mag salita?""What? I'm just saying the truth," saad niya."Parang pamilya na natin si Mang Isko. He's been with us since we were kids. He's our family, okay?!" sigaw ko sa
December 4, 2:00 PM"Demi, are you done?" rinig kong tanong ni Mommy sa labas ng kwarto ko.Nagsuklay lang ako ng buhok at kinuha ko na ang bag ko, "Yes, mom. Palabas na po ako."Naglakad ako patungo sa pinto ng kwarto ko at binuksan 'yon. Bumungad sakin si Mommy na nakangiti."Let's go?" tanong niya. Tumango nalang ako.Papunta kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing si Mang Isko. Pinalibing agad siya dahil wala naman na daw pupuntang pamilya niya dahil hindi na mahagilap ang mga ito. Tanging ang nag-iisang anak niya nalang ang kasama niya sa buhay.***"Si tatay...hindi siya masamang tao. Hindi niya magagawa yung mga ibinibintang sa kaniya," umiiyak na sabi ni Ate Aurelia, ang anak ni Mang Isko. "Magmula ng mamatay ang nanay ko, si tatay lang ang laging nandiyan para sakin. Siya ang nagpalaki sa akin kaya masasabi kong isa talaga siyang mabait na
December 5, 6:30 PM"You look so pretty, anak," sabi ni mommy habang inaayusan ako ng buhok. "By the way, where did you get this dress?" bahagya akong nagulat sa tanong niya pero hindi ko nalang pinahalata.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a red dress - the red dress that I received from the killer. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay mommy na sa isang killer galing ang damit na 'to."Binili ko po sa mall," sagot ko nalang."Oh, okay. Susunduin ka ba ni Brix dito?" tanong niya ulit."Yes, mom. Nasan pala si Kuya Derrick?" inayos ko na yung mga dadalhin ko at nilagay sa pouch."Kakaalis lang. Pupuntahan daw niya si Bianca. Sila na ba ulit?" tanong ni mommy na para bang kinikilig pa.Nagkibit-balikat nalang ako. I looked at my wristwatch and it says it's already 6:30 PM. 7 PM ang start ng Christmas Party namin sa school.
Natapos ang party nang maayos. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o mas kakabahan pa ako dahil hindi naman nagparamdam ang killer ngayon. I checked my phone if there are some missed calls or texts from the killer but there is none.It is already 9PM. Nandito kami ngayon sa parking lot ng university. Halos lahat ng estudyante ay nandito rin."Demi!" tumingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Akira, isa sa mga kaklase namin."Bakit, Akira?" tanong ko sa kaniya."Congrats sa inyo ni Brix," ngumiti ako. "By the way, gusto niyo bang sumama? May after party pa kasi, eh."Tinignan ko si Brix na nasa tabi ko. Nagkibit-balikat lamang siya. Bigla namang lumapit sina Macey, Jayson, at Sofia."We're going. Sama na rin kayo, Dems!" sabi ni Macey.Tinignan ko si Sofia, "Sasama ka?"Tumango naman siya at tinuro si Sander na nakasandal sa sasakyan niya, "P