Share

CHAPTER 18

last update Last Updated: 2025-09-20 07:10:51

CHAPTER 18

"Mauna na muna siguro ako David," saad ko nang maabutan ko siya na nag-aabang sa labas ng kwarto ng kaniyang Ina.

May gumuhit na lungkot sa kaniyang mukha. Sinundan niya ako pababa ng hagdan habang nakikiusap sa akin.

"Inom ka muna kahit isang beer, please? Madali lang naman tayo eh!" pagpupumilit nito. Napabuntong hininga ako dahil nawawalan na ako ng gana.

Limuel Garcia? Hindi ko nga narinig ang pangalan na 'yon. 'Tsaka bakit doble ang ibinayad n'on kay Tita Hilda? May tiwala naman ako sa kaniya na nagsasabi siya ng katotohanan. At kung totoo man, kailangan kong puntahan ang Limuel na 'yan at malaman ang dahilan kung bakit niya iyon ginagawa.

I faced David. Magulo na ang buhok nito at namumungay na ang mga mata dahil sa alak. I smiled and fixed my bag at my shoulder.

"May naghihintay sa akin sa labas eh," ani ko sabay turo sa labas.

Gumuhit ang mumunting ngiti sa kaniyang labi. "Si Immanuel, siya ang naghihi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Guide Me, Mr. Billionaire   CHAPTER 30

    CHAPTER 30"Pero ako kasi ang kasama mo ngayon, syempre hindi ko maiwasang hindi mag-alala gayong alam ko na may dapat kang unahin bukod sa akin.," pagpapaliwanag ko naman sa kaniya ng aking side."My lawyer Limuel and Cheska will take care of that," he gave me assurance.Hindi ako nagsalita. Minsan naiinis din ako sa kaniya lalo na kapag ako ang inuuna ni Immanuel. I've been working for years on their company at alam kong hindi madali ang trabaho ng isang CEO, at kahit sabihin pa natin na expert na siya roon ay hindi niya pa rin dapat pabayaan ang kompanya lalo na at may malaking project na dapat pagtuunan ng pansin."And you're not my least priority, Aya."Napapikit pa lalo ako dahil sa sinabi niya. Inuuna na niya naman ako!"Naku buti at nakabili tayo ng gamot ni Nanay at pamalit mo," saad ko na lamang nang mas lalong lumakas ang buhos ng ulan.Ramdam ko ang pananahimik niya- siguro dahil hindi ko ginantihan ang sinabi niya sa akin kanina at alam niyang hindi ako payag sa ginagawa

  • Guide Me, Mr. Billionaire   CHAPTER 29

    CHAPTER 29“Gising na, Aya!"Morning came, and it felt different from what I used to be. Magaan sa pakiramdam na magising sa maaliwalas na umaga- iyong nasa probinsya ka at walang iisipin na trabaho.The evening ended last night with clear thoughts with Immanuel. Wala na akong problema ngayon— hindi ko na nakekwestyon ang lugar ko sa kaniya. It felt surreal and I can’t help but to be happy.Lumabas na ako nang maamoy ang niluluto ni Mama sa kusina."Kanino 'tong galing mga bulaklak?"There’s a bouquet of flowers at the table. Sa babaeng kapatid ko ba ‘to? Babagsak na ang bagyo pero pinili niya pang maglandi!"Ma ha! sabihan mo 'yang si Amelia! Kebata-bata pa eh lumalandi na!" asik ko, dahil hindi pa gising si Amelia na katabi ko kagabi matulog.Narinig ko namang tumawa si Mama. "Naku, hindi iyan galing sa lalaki niya. At wala pang lalaki si Amelia na umaakyat ng ligaw.""Eh kanino 'to?" tanong ko- kahit na-anticipate ko na kung para kanino talaga ang bulaklak sa mesa.Bumaba ang tingi

  • Guide Me, Mr. Billionaire   CHAPTER 28

    CHAPTER 28"Ma si Immauel po pala, boss ko," pakilala ko kay Mama nang nakauwi na kami galing sa palengke.Agad namang lumapit si Mama at kinuha ang bitbit ni Immanuel na mga pagkain, ang iba roon ay siya ang nagbayad- nakakahiya nga no'ng nasa palengke kami. Kasi kulang na lang idikit ng mga tao ang mata nila sa katawan ni Immanuel. Well hindi ko naman kasi talagang maitatangging guwapo si Immanuel at hindi ko sila masisisi kung bakit may isang bilyonaryo na naglalakad sa loob ng palengke kanina."Naku hijo, gabing-gabi na. Uuwi ka pa ba? Dito ka na muna matulog," si Mama nang matapos na siyang magluto.Dito ko na rin kasi papakain si Immanuel, na siyang hindi niya naman tinanggihan."Ma, wala naman tayong available na kwarto," saad ko dahil 'yon naman talaga ang totoo... atsaka alam kong hindi sanay si Immanuel sa ganitong bahay."Immanuel, may malapit na transient dito, doon ka na lang muna. Sobrang lalim na rin naman ng gabi at baka mapano ka pa sa daan," saad ko at nakita ko siya

  • Guide Me, Mr. Billionaire   CHAPTER 27

    CHAPTER 27Dahil kanina pa kami nasa byahe ni David, at ngayon ay nakasakay na ako kay Immanuel- ay naging mas madali na ang pag-uwi ko.He stopped the car, hindi ko halos maisip na nakaapak ako rito sa aming probinsya."Salamat sa paghatid, Immanuel. Uhm gusto mong tumuloy?" tanong ko sa kaniya, bitbit ko ngayon ang ibang gamit ko habang siya ay kukunin daw sa likod ng kotse ang maleta at malaking bag ko."Uhm, maybe if your parents want-"Hindi ko na siya pinatapos. Nakita ko kasi si Mama na nasa pintuan, nagwawalis. Hindi naman niya ako nakita kaya itinakbo ko ang maliit naming gate patungo sa pinto ng aming bahay."Mama!"I saw how she jumped in shock after hearing my voice. Napahawak ito sa kaniyang dibdib, ngunit bumalatay naman ang kaniyang ngiti nang makita kung sino ang tumatawag sa kaniya.Before she could talk. I gave her a very tight hug that I wanted to do every time we called and everytime that I missed her. "Anak?! Anak ikaw nga!" sambit niya sa gitna ng yakapan namin.

  • Guide Me, Mr. Billionaire   CHAPTER 26

    CHAPTER 26"Bwisit!" bulyaw ni David.Nasa gitna na kami ng byahe, madilim na nang biglang napahinto si David para umihi. Pero no'ng ini-start niya na ang kotse ay ayaw na nitong umandar."Nasiraan pa yata tayo, ayaw mag-start!"Madilim din sa loob kaya ang ginawa ko ay binuksan ko ang flaslight ng aking cellphone upang magkaroon ng liwanag. Then I saw him trying to start the engine, ngunit kakaibang tunog lang ang iginanti ng kotse niya.Nang ayaw na talagang makisama ng kaniyang kotse ay pareho na kaming bumaba ng kotse, binuksan niya ang kotse habang ako ay iniilawan siya gamit ang aking cellphone."Hala, wala akong nakikitang gusali ngayon, wala ring signal, paano na tayo niyan?" ani ko sabay lingon sa paligid.Wala akong halos makitang mga ilaw, kung meron ay napakalayo naman para lakarin! Tapos hindi pa namin alam kung may tutulong ba o wala."I'll try to fix it," he said and go to the trunk and grab some tools.Ako naman ay walang magawa kundi tingnan kung may signal na ba, hab

  • Guide Me, Mr. Billionaire   CHAPTER 25

    CHAPTER 25I left Immanuel behind. Hindi ko alam pero nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kaniya! But I'm right in the sideway, dahil trabaho ang dapat niyang unahin at hindi ako. After that maybe he became a cold hearted man at me. Masyado na siyang madikit sa akin, lalo na ngayon na kaya niyang bitawan ang responsibilidad niya para lang makasama ako.Tumingin ako sa labas ng bintana at saka napatulala na lang doon.Napakahaba ng traffic paluwas ng siyudad kung kaya't naabutan kami ng hapon na walang laman ang tiyan! Halos nakatulog na ako dahil sa kaboringan dito sa loob ng kotse! Napamulat na lang ako nang makaramdam na talaga ako ng gutom. Mukhang napansin naman iyon ni David. He looked at me."Gutom ka na rin ba? Tara kain tayo, alas singko na ng hapon oh," saad niya sabay hawak sa sariling tiyan.Hindi na rin naman ako tumanggi. Ganoon ba kahaba ang traffic kanina?! Umalis kami ng alas otso tapos ngayong alas singko ay nasa byahe pa rin kami?!Kumain kami sa may sea side restaura

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status