Hindi mapigilan ni Rose na malungkot sa balitang narinig niya kay Colet. Talaga ngang umalis si Xavion, ganon din si Nikolas, at wala rin silang ideya kung babalik ang mga ito. Naiwan siya sa bahay na iyon kasama ang mga katulong at bodyguards. Wala rin si Donya Evasha na lubos na pinapasalamatan niya dahil hindi siya mai-stress.Tanghali na nang maisipan niyang pumunta sa sinasabing garden na nasa malapit lang. Hindi na siya nagpaalam pa kela Yanna dahil paniguradong susundan siya ng mga ito. Sinipat niya ang mga nakabantay sa labas na mga tauhan ni Xavion at nilingat niya ang mga ito. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang takasan ang mga ito. Hindi rin naman kasi naghigpit si Xavion dahil alam niyang hindi siya aalis ng bahay, pero hindi siya magpapapigil ngayon. Ayaw niyang matengga na lamang sa bahay na iyon.Hinanap niya ang sinasabi nilang garden pero nalito na siya kaya nagtanong na lang siya sa makita niyang tao."Excuse me, saan po ba dito ang Spy Creek Gard
Lumusot ang ulo ni Argon sa palumpong na ikinagulat ni Rose. Nakangiti ito sa kanya. Maya-maya ay sumunod naman ang tatlo.Sa tagal nilang nakatengga roon ay natuyo na ng sadya ang mga damit nila. Nakabalot na sila ngayon sa dahon ng saging para maibsan ang ginaw sa katawan nila."Ate, marunong kayo kumanta?" kuryosong tanong nito.Kumunot ang noo niya. "Bakit?""Kantahan niyo po kami. Ang tahimik kasi, mas natatakot kami kapag sobrang tahimik." saad ni Shai.Nag-init ang pisngi niya sa naging request ng mga bata. Hindi naman sa hindi maganda ang boses niya, nahihiya lang talaga siya. Simula noong mawala ang inay niya, itinigil na niya ang pagkanta sa mga publikong lugar na lubhang ikinadismaya ni Sally sa kanya.Huminga siya ng malalim. "Okay, isa lang.""Yeyyy!" tuwang-tuwa na nagpalakpakan ang tatlo. Tumikhim siya bago nagsimulang itono ang boses niya. Isang kanta lang ang madalas niyang kantahin at hindi makalimutan. It was one of her all-time favorite song from the movie Moana,
Mahigit isang linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang insidenteng iyon sa gubat. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makitang muli pa sila Argon dahil sa paghihigpit ni Xavion. Nagdoble-ingat na rin ito sa kanya dahil ayaw na nitong mangyari pa ang nangyari noong nakaraan. Minsan gusto na rin niyang magmaktol dahil palagi na lang siyang nasa loob ng bahay. Nalibot na siguro niya ang buong bahay dahil sa kabagutan. Dagdag pang todo-bantay pa ito sa kanya. Isang buwan mahigit pa lang naman ang tiyan niya pero pakiramdam niya ay kabuwanan na niya.Tinalo pa niya ang lumpo sa sobrang OA ni Xavion. Katulad ngayon, mailapat niya lang ang paa sa sahig ay may nakaabang na agad na wipes. Ewan niya ba pero naiinis na siya kapag nakikita niya ang pagmumukha nito. Gusto niyang pigain ang ulo nito sa sobrang inis. Nailipat na ata niya sa lahat ng channel at hanggang ngayon wala pa rin siyang matipuhang panoorin."Bakit kasi hindi na lang siya magbuntis ng anak niya, nananamay pa ng
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang magsimulang maghubad si Xavion ng kanyang mga damit. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung Mabilis niyang iniwas ang mga mata niya sa gawi ng binata. A playful smirk plastered on his face. Hindi niya aakalaing magrereact ng ganito si Rose.Kinapa ni Rose ang tabi niya kung saan niya nilapag ang mga damit niya pero mabilis ang mga kamay ni Xavion at napigilan siya. Mas lalong napasigaw si Rose dahil nasa mismong harapan na niya ang binata. Mabilis siyang lumipat ng pwesto at nagtago sa ilalim ng bula habang ang mga mata ay nakapikit pa rin ng mariin.Kahit na dalawang beses na may nangyari na sa kanila at ilang beses na niyang nakita ang katawan nito ay hindi pa rin niya magawang masanay."Nasisiraan ka na ba ng ulo?" sigaw niya kay Xavion."Maybe I am." Mas lumapad ang ngisi sa labi nito.Sinabuyan niya ang direksyon kung saan narinig niya ang boses ni Xavion, tanging mahinang tawa lamang nito ang natanggap
Tiningnan ni Rose ang sarili niya sa salamin. Sakto lang ang dress na binigay sa kanya ni Xavion. Iyon nga lang ay hapit na hapit sa katawan niya, revealing her curves. Ngayon lang siya nakapgsuot ng damit na ganoon.Inangat niya ang mga kamay niyang nanginginig. Muli na naman niyang makakaharap ang ina ni Xavion, at ngayon pati na rin ang ama nito. Paano kung ganoon din ang tingin sa kanya ng ama ni Xavion? Ayaw niyang magmukhang kawawa.Isa pa sa posibilidad na mangyayari ay ang maitanong ang buhay niya sa syudad. Hindi niya pwedeng sabihin na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo o nagkaroon ng maayos na trabaho. Mas lalo siyang mamaliitin.Pero kung magsisinungaling siya, paano kung magbackground check ang mga ito sa kanya? Napasapo siya sa kanyang ulo sa kaiisip ng mga bagay-bagay. Siguro hindi na lang siya magsasalita.Napaigtad siya nang biglang may kumatok sa pinto. Tiningnan niya muna ang itsura sa salamin at sinuri kung may kulang pa ba. Hindi naman siya mahilig sa make-up kay
Sobrang tahimik ng paligid. Tanging mga kutsara't kubyertos lamang ang maririnig na nagkakalampagan. Wala ring nangahas na putulin ang katahimikan dahil lahat ay abala sa kanilang mga kinakain. Katabi niya sa upuan si Xavion na tahimik lang at pinagbabalat siya ng hipon. Kaharap naman nila ay Donya Evasha na maya't maya kung ngitian siya, hindi niya alam kung bakit. Ginagantihan niya naman ng ngiti pero pilit dahil hindi niya pa rin makalimutan kung paano siya nito nilait noong wala si Xavion. Malinaw pa rin sa alaala niya ang pangyayaring iyon. "Rose, hija, mind if I ask something," basag ni Donya Evasha. Iyan na nga ba ang sinasabi niya. Hindi pa naman siya handa sa ganitong question and answer portion. Masyado siyang abala magpanic. "Paano kayo nagkakilala nitong anak ko? You must have something interesting to tell about. I'm just curious since my son won't bother telling us." She was caught off guard by that question na inihagis sa kanya, napatingin siya kay Xavion na nakating
The sun rays hit Rose' face through the half open shutters making her groan and hide her face in her soft pillow. It smelled so nice. Lavender? Agad siyang bumangon nang makaramdam na babaliktad na naman ang sikmura niya. Argh... Morning sickness again. Siya ay nagngingitngit, isinandal ang kanyang ulo sa kanyang braso na nakapatong sa toilet. Mariin siyang napapikit dahil sa hirap, wanting the nausea to stop. Lahat ng kinain niya kagabi ay lumabas. Matapos niyang magsuka ay naghilamos na siya at nagtoothbrush. Ang pangit ng pakiramdam niya at hindi niya kaya ang maligo, siguro mamaya na lang. Pagkalabas niya ng banyo ay naamoy niya ulit ang lavender dahilan para maduwal siya ulit kaya tinakpan niya kaagad ang ilong niya. Sakto namang may kumatok sa pinto, naglakad na siya para pagbuksan kung sino man iyon. Sinalubong siya ni Donya Evasha, napakaaliwalas ng mukha nito at may dala pa itong tray ng pagkain. Napamaang siya sa ginawa nito, mabilis niyang kinuha ang tray at pinapasok it
Pumasok sila sa loob ng botique na iyon at sinalubong ng isang bakla. Hinalikan nito sa pisngi si Donya Evasha habang siya ay nakatingin lang sa kanila. Nang dumapo ang tingin sa kanya nito ay nag-iwas siya. Pinagmasdan niya ang mga damit na nakadisplay sa mga mannequins. Hindi niya mapigilang mamangha sa ganda ng mga gawa roon."Hi!" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. "Mamsh, siya na ba si Rose? Ang ganda niya pala sa personal."Tumikhim ang Donya. "Masyadong exaggerated. So, shall we?"Sinundan niya lang ng tingin kung paano magsukat ang ginang, hindi niya alam kung para saan. Kung simpleng shopping lamang ito, hindi naman na kailangan ng tape measure, hindi ba?Habang tumatagal ay inaantok lang siya, gusto na niyang umuwi at kumain. Hindi naman agad sinabi ng ginang na sasamahan niya lang pala ito para magsukat. Binalingan niya ng tingin si Roldan na may kinakausap sa telepono nito.T-teka? Cellphone. Ibig sabihin may signal dito sa bayan. Tumayo na siya sa sofa na inuupua