"I'm sorry, hindi ko 'yan kayang gawin."
Tumayo na si Rose sa kanyang inuupuan. Buong akala niya ay totoong trabaho ang ibibigay sa kanya. 30 million kapalit ng pagbibigay niya rito ng supling? Hindi ganon kadali 'yon para sa kanya. Oo, malaking halaga na ang 30 million pero hindi niya pa rin kaya."Ms. Verdejo, hindi kita masisisi kung nabigla ka sa inooffer niya sa'yo, but isn't 30 million a good deal? Hindi pa kasali doon ang gagastusin sa surgery ng kapatid mo. He made sure you won't be offered low hand." Desidido pa rin itong kumbinsihin siya.Hindi siya makapaniwala na ganoon na lamang kababa ang tingin nila sa kanya. A woman worth of something. Nangako siya sa sarili na isuko ang pagkabirhen sa kanyang magiging asawa, at hindi sa kung sino man. Ni hindi niya nga kilala kung sino ang lalaking makakasiping niya at bibigyan niya ng anak.Hindi charity case ang isang bata."Bakit ako?" tanong niya."Well, the fact that you-"Bumuntong-hininga siya para panatilihin ang kanyang composure."Pwes mali kayo ng nilapitan, hindi ako baby machine tulad ng iba. Kung ganyang trabaho na lang din naman ang ibibigay niyo, I'm sorry, hindi ko kaya. Hahanap ako ng ibang paraan para mapagaling ang kapatid ko, at hindi sa ganito iyon. Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako." sabi niya.
Nakakatatlong hakbang pa lang siya nang matigilan siya, muli niyang hinarap si Nikolas."Have you changed your mind?" A satisfying smirk plastered on his face, na para bang nagtagumpay ito sa kanyang misyon.Kinuha niya ang sobre sa kanyang bag at inilahad iyon kay Nikolas, nawala ang panandaliang tuwa sa ekspresyon nito. "Salamat pero hindi ko po ito kailangan.""Ms. Verdejo, it's a-""Aalis na po ako."Hindi niya na hinintay ang pagsagot ni Nikolas at nilisan na ang opisinang iyon. So that's it. Ang pag-asang natanaw niya, tila mas lalong lumayo. Bagsak ang mga balikat na bumalik siya sa kanyang trabaho, back to zero na naman. Wala siyang ibang choice kundi humanap ng ibang paraan para matustusan ang mga pangangailangan niya pero hindi sapat ang limang trabaho para mabayaran ang lahat ng hospital bills ng kapatid.Napahilamos siya sa kanyang mukha."Kumain ka muna. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Kung magkakasakit ka rin, paano na si Riel?" nag-aalalang wika ni Sally.Inilapag nito ang isang chicken sandwich sa kanyang harapan, sinalinan na din siya nito ng juice. Nginitian niya lang ito at walang ganang kinuha ang sandwich."Thank you, Sally. Ibabalot ko na lang, paborito 'yan ni Riel e," malungkot na sabi niya at akmang kukunin ang sandwich."Kainin mo na 'yan, may binukod ako para kay Riel," Naghila na rin ito ng upuan at umupo sa harapan niya. "Ano na nga pala nangyari doon sa nagbigay sa 'yo ng sobre?" pag-iiba nito sa usapan.Umiling na lang siya bilang sagot. Iniiwasan niya na na mapag-usapan ang mga bagay na iyon, nagbibigay lamang iyon sa kanya ng inis. Hindi niya lubos maisip na nagkaroon siya ng ganoong tagpo sa mga taong hindi niya man lang muna kinilala bago siya makipagkita sa mga ito."Sally, pwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" pagbabago niya sa usapan."Ano 'yon?" sagot ni Sally.Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Pwede ko ba gamitin ang shift mo ng isang lingo? Alam kong nagmumukha na akong makasarili sa pabor na 'to. Kailangan ko na kasing doblehin ang kayod."Inabot ni Sally ang mga kamay niya at tiningnan siya sa mata. "Hindi mo na kailangan pahirapan ang sarili mo. Hindi ka nag-iisa sa labang 'to. Ibibigay ko na lang sa 'yo ang sasahurin ko ngayong linggo." sabi nito na nagpaiyak sa kanya.Hindi talaga siya pinapabayaan ng diyos, kahit na inulin na siya ng problema, nanatili pa rin ang mga taong ito sa buhay niya para tumulong sa kanya. Hindi siya hinahayaan ng mga itong pasanin ang lahat ng mag-isa. At labis siyang nagpapasalamat sa biyayang iyon.Tumunog ang cellphone ni Sally at unregistered number ang lumitaw sa screen. Nagdalawang-isip pa ito na sagutin dahil baka isa na namang prank call na bubwesit ng araw niya. Pagkasagot niya ay bumungad ang umiiyak na boses ng babae. Agad niya namang nakilala kung sino ito."Aling Nely?" sambit niya, napatingin naman agad sa kanya si Rose.Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil sa ingay sa paligid, dagdag pa ang garalgal na boses ng ginang. "Si Riel, kailangan niyo na pumunta rito."Halos liparin na nila ang patungong hospital noong mga oras na 'yon, hindi mapakali si Rose sa kanyang inuupuan, hawak-hawak ni Sally ang kanyang nanginginig na kamay. "Magiging okay lang si Riel, manalig tayo na hindi siya pababayaan ng nasa taas. Malakas si Riel, hindi siya susuko. Babalik pa siya sa school." pagpapakalma ni Sally pero maski siya ay nanghihina na din.Maging si Aling Nely ay hindi magkandaugaga sa pag-abang sa pintuan ng silid ni Riel. Ilang minute pa ang lumipas nang lumabas na ang doctor."Doc, kamusta po ang kapatid ko?" tanong niya agad pagkalapit sa doctor.Dr. Salcedo heaved a deep sigh. "Tatapatin ko na kayo, hindi na talaga maganda ang kalagayan ni Riel. Lumalaki na ang tumor sa ulo niya. Kapag pinatagal pa ito, baka ikamatay niya na. Sa pagdaan ng mga araw, dahan-dahang bumibigay ang katawan ni Riel kaya kailangan na nating maipa-schedule ang operasyon niya."Tila nanghina ang tuhod ni Rose sa narinig, kaagad naman siyang inalalayan nina Sally. Para siyang sinaksak ng isang libong kutsilyo sa buong katawan niya. Hindi masikmura ng sistema niya ang mga balitang natanggap. Ilang minuto din siyang tulala matapos iyon. Nang matauhan ay hiniram niya ang cellphone ni Sally. Hawak ang nakatuping calling card, tinahak niya ang pinakadulong pasilyo kung saan walang makakarinig sa kanya.Dinial niya ang numerong nakasulat doon. Tatlong ring lang ang inabot bago may nagsalita sa kabilang linya."Hello?" baritonong boses ang bumungad sa pandinig niya, hindi ito boses ni Nikolas.She bit her lip before answering it. "Pumapayag na ako sa kasunduan." wala sa sariling sabi niya.Mahabang minuto rin ang tinakbo nila at huminto ang kotse sa isang mataas na gate, may kinuha lang si Nikolas na remote control at kusa nang nagbukas ang gate. Manghang-mangha ang mga bata sa ganda ng kanyang bahay."Is this really your house, Tito Nik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia habang nakadungaw sa bintana."Dito na po kami titira?" Si Lily naman ang nagsalita.Nilingon ni Nikolas ang mga bata. "Yes, my house is your house now.""Yeyyy!"Bumaba na sila sa sasakyan, nakaalalay naman si Sally sa mga kambal. Nasa garahe pa lamang sila Rose ay tanaw na nila sa kanang bahagi ng bahay ang malapad na hardin, namumukadkad ang bawat bulaklak na nakatanim. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang Spy Creek.Kung ikukumpara ang bahay ni Nikolas sa bahay ng Nero Clan ay lubhang wala itong binatbat. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maalala na naman ang pamilyang iyon. Agad namang napansin ni Nikolas ang pagtigil niya."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas sa kaniya.Tu
"Are you all okay?" nag-aalalang tanong ni Nikolas habang sinusuri ang mga katawan ng mga bata."Yes po, Tito Nik." sagot naman ni Dahlia.Lumapit naman si Rose sa mga bata. "Sa kwarto muna kayo."Tumango lang ang mga bata at sumunod na sa sinabi ng ina. Dumeritso si Rose sa mini-kitchen nila at kumuha ng tubig, nakasunod lang naman sa kanya si Nikolas. Hindi ito mapakali sa kanyang likuran."Bakit ka pa pumunta rito? Iniwan mo pa ang trabaho mo," walang ganang hinarap niya si Nikolas. "Hindi ko matiis na hindi kayo puntahan kaagad nang marinig ko ang nangyari. Rose, ano bang nangyari talaga?""Nagkaroon lang ng gulo sa school, may mga akusasyon laban sa mga bata na hindi naman totoo. Hindi ko kayang manahimik lang, kaya't pumunta ako roon. Mukhang masususpende ata ako sa school, maging ang mga bata.""Transfer to another school then, may kaibigan akong nagmamay-ari ng isang private school. Pwede ko kayong tulungan na lumipat doon."Agad siyang napailing. "No, hayaan mo na. Hindi nam
Hinila ni Rose ang buhok ng babae at nagsisigaw na ito sa sakit. Halos mabunot na niya ang anit nito sa sobrang higpit. Agad naman siyang pinigilan ng principal. Binalandra niya ito sa sahig."Ms. Verdejo, enough!" sigaw ng principal.Nanginginig na siya sa galit sa mga salitang binitawan ng babaeng nakasalampak na ngayon sa sahig. Pinalaki niyang mabuti ang mga anak niya at kailanman ay hindi ang mga ito gagawa ng paraan na ikagagalit niya. Besides, truth always appear in the most exciting part."Kapag nalaman ko na may kasalanan ang mga anak ko, hindi ko sila kukunsintihin pero kung hindi naman sila ang tunay na nagsimula, sisiguruhin kong makikita kita sa husgado."Nangibabaw ang galit sa sistema niya sa mga sandaling iyon."You can leave now, Ms. Verdejo," sabi nito.Hindi na siya nagsayang ng oras na humarap sa mga ito. Bukod sa hindi niya magawang kontrolin ang galit niya ay baka may magawa pa siyang hiindi nito nanaisin. Lumabas siya ng office na iyon na namumula sa pagkayamot
Sa isang silid-aralan na puno ng kulay at mga dekorasyon na nagbibigay-buhay sa bawat sulok. Ang mga bata ay nakaupo sa mga upuan, ang kanilang mga mata'y nababalot ng paghanga at pagtataka habang sila'y nakikinig sa bawat salita na binibitawan ng kanilang guro, si Rose.Ang mga bata ay abala sa kanilang mga upuan, ang ilan ay nakatingin nang direkta sa kanya habang ang iba naman ay ipinamalas ang kanilang imahinasyon, na parang sila mismo ay naroon sa lugar na kinukwento ni Rose.Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagtuturo nang bumukas ang pinto ng classroom na iyon. Agad namang nalipat ang atensyon ng lahat roon.Pumasok ang kanyang co-teacher na si Edna, bakas pa ang pagkabalisa sa mukha nito."Excuse me, Rose," pagbungad nito."Ano 'yon, Teacher Eds? May problema ba?" tanong niya saka ibinaba ang hawak na libro sa kanyang mesa.Nagdadalawang-isip pa si Edna kung magsasalita siya. "Pasensya na sa abala pero... pinapatawag ka kasi sa Office ni Mrs. Zaldivar. Tungkol sa mga anak mo."
Nanlaki ang mga mata ni Rose nang masilayan ang kaibigan ni Xavion matapos ang ilang taon niyang pagtatago sa kanyang lungga. Napapikit siya ng mariin, ngayon na nga lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makalabas pero ito na agad ang sumalubong sa kanila.Hindi pwedeng malaman ni Xavion na buhay ang mga anak nila dahil posibleng bawiin nito ang mga bata. Hindi na niya hahayaan ang sariling bumalik sa piling ng lalaking kinamumuhian. At ngayong kaharap niya ang isang taong malapit dito ay kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng sakripisyo niya para makawala sa kadena nito."Rose..." Hindi makapaniwalang napangiti si Draco. After so many years ay nagkita na rin sila.Pero mukhang hindi nasiyahan si Rose sa tagpong iyon. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Tila may hinahanap na hindi niya nais na makita. Gusto niya lang makasiguro na walang nakamatyag sa kanila."May kasama ka ba?" tanong niya kay Draco."Mag-isa lang ako. Teka, bakit ngayon ka l
"Kids, be careful. Your mommy said no running," paalala ni Nikolas sa dalawang bata. Abala si Rose sa pamimili ng mga damit ng mga bata habang nakasunod lang sa likuran niya si Kamal na sinusukatan niya. Ang dalawang babae naman ay inaalalayan ni Nikolas habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pamimili ng mga dresses nila. Hindi maiwasang panoorin sila ng mga saleslady ng naturang shop. They look cute as a family, but Rose didn't mind them. "I like this one!" masayang sabi ni Lily. Napaismid si Dahlia. "Pangit, hindi bagay. I think this one looks good on you," Kinuha nito ang isang purple dress at binigay sa kakambal. "You're right, thank you..." Hindi sila masyado nagtagal doon at napagdesisyunan nilang pumunta na lang sa playground dahil iyon ay request ng mga bata. Hindi naman na nakakontra pa si Kamal kahit pa na wala naman na siyang interes sa mga ganoong bagay pero sa huli ay napilit pa rin siya ng mga kakambal at hinila siya ng mga ito para makipaglaro. Wala na siyang choice pa.