Share

KABANATA 10

“LAURA’S AUNT WAS killed by her husband.”

Dumilim ang mukha ni Rave nang marinig ang sinabi ni Peter sa kanya. That bastard! Nagawa pa rin nitong makatakas. Two days ago, ay ni–raid ng mga pulis ang nasabing restorbar. Nagkaroon ng shootout dahil nanlaban ang grupo ni Sato. Marami ang nasaktan at nadamay pero sadyang may pagkapusa ang walangya dahil nagawa pa rin nitong makatakas. At natitiyak niyang babalikan nito si Laura at gagantihan ang pamilya nito.

“Inaagnas na ang katawan ng babae kaya natitiyak nilang ilang araw nang patay ito bago paman mangyari ang raid,” Peter added. “Walang ibang suspect kundi ang asawa lang nito. Maaring nalaman ni Sato ang ginawa nitong pagtulong kay Laura na makatakas. Katulong ng tiyuhin ni Laura si Satoshi. Isa rin sa mga pinaghahanap ng FBI. Ito ang utak ng pedophile at cybersex dito sa Pilipinas.”

“Fuck,” Mykael cursed. “I can’t believe this. I almost got ourselves killed.”

“Kung saan–saan mo kasi dinadala

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status