Share

KABANATA 13

ISANG BOX NG SAPATOS ang bumati kay Laura nang umagang ‘yon. Nakapatong ‘yon sa itaas ng mesa katabi ng kanyang kama. Sa pagkakaalala niya ay wala naman ‘yon kagabi. Kailan at sino naman kaya ang nag–iwan ng box ng sapatos sa silid niya?

Umayos siya ng upo sa higaan niya bago inabot at binuksan ang shoe box. Namilog ang mga mata niya nang makita ang laman ng kahon. Isang pares ng pulang doll shoes na may desinyong ribbon. Ang ganda!

Tila kumikinang ang sapatos na ‘yon. Kahit simple lamang ang design ay maganda ang pagkakagawa at halatang mamahalin. Napakurap–kurap siya, sino naman ang magbibigay sa kanya nang ganoong klaseng sapatos?

Mayamaya pa ay may napansin siyang nakausling papel sa isa sa mga sapatos. Kinuha niya ‘yon, isa pala ‘yong sticky note.

I noticed that you don’t have any shoes. I hope you don’t mind if I give you one. –Rave

Napatanga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status