MASAKIT ang halos buong katawan ni Jamilla. Wala rin siyang lakas para bumangon. Matapos ang namagitan sa kanila ng nobyo kahapon ay hindi na siya makakilos nang maayos.
"Anak?" "Ma." "Wala ka bang trabaho ngayon?" "Meron po." "Anong oras na?" Sinulyapan pa ni Marta ang wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding ng silid ng anak, "Baka ma-late ka na." "Parang hindi ko po kayang magtrabaho. Masama ang pakiramdam ko. Tatawag na lang siguro ako sa supervisor ko na hindi ako makakapasok ngayong araw." Lumapit at naupo ang ginang sa gilid ng higaan. "Mainit ka nga," wika nito nang sinalat ang noo ng anak. "Ibibili kita ng gamot." Tumayo ito, ngunit bigla ring napahinto sa akto sanang pagtalikod. "Wala nga pala akong perang pambili. Baka meron kang naitatabi riyan?" Naalala ni Jamilla ang inabot sa kanya kahapon ng nobyo. Mahigit limang daan lamang ang nabawas niya roon. Hindi na rin naman iyon tinanggap ni Jerry nang ibinabalik niya rito. Kinuha ng dalaga sa bag ang buong tatlong libo at ibinigay sa ina. "Itabi niyo po ang iba para sa gamot ni Tatay." "Salamat, anak. Sa susunod na linggo ay sahod na rin ng kuya mo. Sige na. Bumalik ka uli sa pagtulog. Ibibili kita ng gamot." Napatitig sa kawalan ang dalaga nang makalabas ng silid ang ina. Malinaw pa rin sa isip niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Jerry. At wala siyang pinagsisisihan. Nangako naman ito sa kanya na pakakasalan siya sa lahat nang simbahan. Napangiti si Jamilla habang nakikita sa balintataw ang sarili na nakasuot ng trahe de boda. Bawat babae naman ay nangangarap niyon. Suwerte lang talaga na nakahanap siya nang tulad ni Jerry na hindi tumitingin sa estado ng buhay. "Ate?" Napukaw ang naglalakbay na diwa ng dalaga sa narinig na pagtawag sa kanya. Bumungad sa bukana ng silid niya ang nakababatang kapatid. Walang pinto iyon. Kurtina lang ang nakatabing doon. "May sakit ka raw sabi ni Mama?" "Halika, pasok ka." Naupo sa gilid ng higaan si Lala nang makapasok sa silid. "Anong sakit mo? Siguradong may biscuit at softdrinks ka niyan." Nagkatawanan ang magkapatid. Ganoon kasi ang kanilang ina kapag may sakit sa pamilya. Sa kapanahunan daw nito, magaling na kombinasyon iyon para mawala ang anumang hindi magandang nararamdaman ng katawan. "Nanghihina lang ako," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Lala. "Baka trangkasuhin ako. Exam mo na next week kaya hindi ka dapat mahawaan." "Ikaw lang naman ang sakitin sa pamilya," ismid nito. "Kaya pala taranta na naman si Mama na pumunta ng palengke dahil may sakit ang paborito niyang anak." "Heh! Mahal tayo lahat ni Mama!" "Biro lang!" Humilig ito sa tabi ng kapatid. "Malapit na akong maka-graduate. May katulong na kayong dalawa ni Kuya sa mga gastusin dito kapag nakahanap na ako ng trabaho." Napangiti si Jamilla. Kahit gaano kahirap ang kanilang buhay, gumagaan lagi iyon dahil magkakasama silang nagtutulungan. Hindi man sila nakatuntong ng kolehiyo ng panganay na kapatid, matutupad naman ang pangarap nila para sa kanilang bunso. "Kapag stable na ako sa trabaho, puwede na kayong mag-asawa ni Kuya." Natawa si Jamilla. "Anong pag-aasawa iyang naririnig ko?" Nadako ang tingin ng dalawa sa bungad ng pinto. Naroon ang kanilang ama na may hawak na itak. "Pa, gusto mo bang tumanda kaming tatlo nang wala man lang kasama sa buhay?" asik ni Lala. Pumasok ang ginoo at naupo sa paanan ng higaan. "Basta ba ang pipiliin niyo ay 'yong taong hindi kayo sasaktan o lolokohin dahil sa oras lang na umiyak kayo..." Itinaas nito ang hawak na patalim, "Iitakin ko sila!" Muling nagkatawanan sina Jamilla at Lala. Bigla namang naisip ng una si Jerry. Umaasa siya na hindi nito magagawa ang saktan siya't lokohin. "MUM?" "Mabuti naman at naisipan mong umuwi ngayon." "What are you doing here?" Lumapit si Jerry sa ina na komportableng nakaupo sa sopa at humalik sa pisngi nito. "You're supposed to be in Paris, right?" "Sinong hindi mapapauwi kapag narinig ang balitang ang nag-iisa kong anak ay nakikipagkita nang palihim sa saleslady ng Avalanche Shoe Mart?" "Wow! May inutusan ka bang tao para matyagan at sundan ako?" "Then, he's right?" "Yeah. And there's nothing wrong with it." "For goodness sake, Jerry! Will you act as an elite once and for all?" Natawa ang binata. "Mum, relax. Masyado kang high blood. Kilala mo naman ako, 'di ba? May expiration date ang mga babaing dumaraan sa buhay ko. So, forget your worries. Jamilla is nothing to me. Besides, I paid her well. And she even says thank you. I'm so generous, right?" "Siguraduhin mo lang na hindi magmamantsa ang pagkakalat mo. Sa oras na mabatikan ng dumi ang ating pangalan, tatanggalan ka namin ng mana." "I know, I know." Huminahon si Amelita. "Bakit ka nga pala umuwi rito?" "I'm also a son who longs for a home. And good thing na narito ka." Masuyo niyang inakbayan ang ina, "I missed you." "Cut that crap!" sabay siko nito sa tagiliran ng binata. "I guess it's about time na para mag-asawa ka. Nang hindi ka na namin pinu-problema ng Daddy mo." "What?" "Give us a heir and heiress." "Am I not enough?" "Mas mabuti nang sigurado na hindi mapupunta sa iba ang pinaghirapan namin ng daddy mo." "Don't worry, mum. Hahaba pa ang buhay ko. Iikli lang iyon kapag nag-asawa ako. Sakit sa ulo lang ang mga babae." Napansin niya ang masamang tingin ng ina. "Hindi ka kasama roon." "You're thirty-one already. Ang edad na iyan ay dapat lumalagay na sa tahimik." "I'm having a peaceful life, so worry not. And besides, I'm still enjoying being a bachelor." Naputol ang usapan ng mag-ina nang makarinig sila ng sasakyan sa labas. "Kasama mo bang umuwi si Daddy?" "No. I came back from Paris with someone na siguradong magpapabago sa desisyon mo tungkol sa pag-aasawa.""NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C