Mag-log inNahanapan na siya ni Julian ng apartment kagabi.
Inaasahan niyang makakasama niya na si Julia sa hinaharap, isang apartment na may tatllong kwarto ang espesyal na inihanda.
Ilalagay niya ang mga gamit niya doon sa sandaling iyon.
Nang makarating sa tuktok ng hagdan, nakita niya ang isang batang lalaki na 12 or 13 years old na nakatayo sa sala, na nag-uutos sa mga manggagawa.
Nang makita siya nito, nagsalita ito sa isang paos na boses na pambinatilyo, na nag uutos kay Jane: “iimpake mo na ang mga gamit mo at umalis ka na dito! Lilipat na ang hipag ko mamaya, kaya wag mong dumihan ang lugar niya!”
Ang bata ay walang galang ta hindi makatwiran.
Siya ang nakababatang kapatid ni Terrence na si Theo Samaniego.
Sobra ang panghahamak nito sa kanya at malayo ang pag-uugali kay Terrence.
Kahit kailan ay hindiniya ito tinawag na ate o hipag, ngunit ang kanyang mga salita sa sandaling iyon ay nagpapakita ng pagtatanggol niya sa ibang babae.
Tinignan siya ni Jane mula sa itaas, malamig ang tono niya: “Sino?”
“Si Olivia, siya ang karapat dapat na babae na para sa kuya ko. Ilang taon mo nang pinamumunuan ang kuya ko at ang pamilya ko, ano pa ba ang kaya mong gawin bukod sa maging tagapag alaga?” sabi ni Theo habang nakalagay ang mga kamay sa balakang, ang pambatang mukha ay puno ng paghamak.
Tumingin si Jane sa mga gamit na inilipat sa lobby.
Ang bagong vanity table, ang bagong sofa, ang bagong mirror– lahhat ay idinesign para umangkop sa taste ni Olivia.
“Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot?” tanong ni Jane, ang mukha ay halos malamig na.
Nagulat si Theo sa malamig na gawi ni Jane at galit na sumagot, “syempre ang kuya ko! Sino pa ba?”
“Ayaw niya na sayo! Nakakadiri ka daw! Isang babaeng ginamit na parang basahan! Kung alam mo ang mabuti para sayo, lumayas ka na dito!”
Napahigpit ang labi ni Jane.
Pakiramdam niya ay matinding tinamaan ang dibdib niya ng isang matigas na bagay, naging walang laman ang kanyang isip sa loob ng ilang segundo.
Hindi inaasahan na si Terrence ay napakaexcited na palayasin siya para sa babaeng mahal niya.
Kahapon lang niya nalaman ang tungkol sa kabalbalang ginawa nito kasama si Olivia na nabuntis at ngayon ay napakatahas na nito.
Ito ba ay isang plano para ayusin ang kwarto at tanggapin ang bagong may bahay?
Ngayong tahimik na pinahihintulutan ni Terrencw ang pagpasok ng mga gamit ni Olivia, hayag niyang ipinakita sa lahat kung gaano kahabag-habag at talunan ang katayuan niya bilang Mrs. Samaniego.
Kahit na gusto niyang makipag divorce kay Terrence.
Kahit na excited si Terrence na ibigay kay Olivia– ang kanyang nakatakdang maging hipag ang title bilang Mrs. Samaniego, kahit kailan ay hindi niya hahayaan ang sarili niyang mapahiya ng ganito bago pa man sila makakuha ng divorce certificate!
Matapang siyang pumasok, kalmadong tinignan ang mga manggagawa at itinuro ang bawat gamit na ipinapasok: “medyo may kalakihan ang halaga ng mga furnitures na ‘to, ibinibigay ko na sa inyo lahat yan. Makakakuha kayo ngmagandang presyo kung ibebenta niyo yan ng secondhand. Please, ipamigay niyo na.”
Inimbitahan niya ang mga workers para magsimula ng magtrabaho. Nang marinig ang ganitong magandang balita galing kay Jane na isang adult, syempre ay talagang natuwa sila at masayang pumayag nang may malapad na ngiti.
Bago pa man siya mapigilan ni Theo, galit nitong itinuro ang ilong ni Jane at sumigaw, “hoy! Sino ka sa tingin mo?! Regalo yan ng nanay ko para sa hipag ko! Sa tingin mo ba may karapatan kang magdesisyon dito?! Sisipain ka ng kuya ko palabas!”
Naintindihan ni Jane.
Sa likod nito, bukod kay Terrence, may utos din galing sa biyenan niyang babae na si Bettina.
Tinignan niya mula sa itaas si Theo at sinabi, bawat salita ay may diin, “sige, pupunta ako sa school mo bukas at sasabihin ko sa mga kaklase mo na sine-set up mo ang kuya mo sa mga asawa ng iba mo pang pinsan. Sasabihin ko sa lahat na ang pinahahalagahan ng pamilya Samaniego ay ang kataksilan, at ipinagmamalaki ninyo ang pagkasira ng moralidad. Dahil gustong-gusto mo si Olivia, ikakalat ko ang balitang yan para sayo para sumikat ka sa school ninyo, gusto mo ba?”
Ang piniling mga salita ni Jane ay talagang napakasakit sa tenga.
Kahit kailan ay hindi siya nagsalita ng ganon kagrabe sa bata kahit noong una, palagi niya itong pinakikitunguhan ng maayos, kaya’t natulala si Theo sa pagkagulat.
Namula ang mukha ng bata, “napakasama mong babae ka! Ang lakas ng loob mo!”
Nagkibit-balikat si Jane.
Tignan mo.
Sino ang nagsabi na ang mga bata ay walang alam o pwede silang magsalita ng hindi nag-iisip?
Magsisimula lang masaktan ang isang tao kapag ang sariling kutsilyo na ang sumaksak sa kanya.
Wag makipagtalo sa bata?
Sino ang gumawa ng panuntunang iyon?
Malamang ay naistorbo ng ingay ang mga tao.
Pumasok si Bettina na may malamig na ekspresyon, “anong nangyayaridito?”
Habang nagsasalita, tumingin siya kay Jane at nakakunot ang noo, “10:00 am na bakit ngayon ka lang nagising? Hindi pa nakaready ang soup medicine? Ano ang kakainin ko? Ano ang kakainin ni Olivia?”
Nang maisip pa lang ito, naramdaman na agad ni Jane ang bara sa lalamunan niya at isang matinding sakit sa dibdib.
Naiintindihan niya ang medical principles at sa linggong pumupunta siya sa bahay bawat buwan, inaalagaan niya ang kalusugan ng buong pamilya Samaniego. Lahat ng pagkaing may gamot ay siya ang nagluluto, na isinasaalang-alang ang iba’t-ibang kondisyon ng katawan at kagustuhan ng buong pamilya. Nagigising siya bago mag 5:00 am para mag-asikaso at maiayos ang lahat bago pumasok sa trabaho.
Pagkatapos ay may maghahatid nito pabalik sa lumang bahay para sa panganay na anak, pangalawang anak, at sa matandang ginang para kainin.
Kabilang na ang bahagi ni Olivia.
Noong una, napakabait ni Bettina kay Olivia at inakala ni Olivia na dahil ito sa kakayahan, kagandahan at magandang pakikitungo nito sa mga nakatatanda kaya ito kinagigiliwan ni Bettina.
Sa pagbabalik tanaw ngayon… may mga senyales na pala noon pa man diba?
Matagal ng alam ni Bettina na si Olivia ang taong pinakaiingat-ingatan ni Terrence, kaya naman napakalaki ng pagtatangi nito kay Bettina. Lalo na nang makulong ang boyfriend ni Olivia, hayag at lihim nitong pinagtatagpo ang dalawa.
“Siguro naman, nabasa mo na yung tungkol sa pag-alis…” Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay mabilis na dumaan si Terrence sa tabi niya, hindi man lang nito napansin ang boses niya. Maya-maya ay narinig niya ulit ang mahinahon ta nakakapagpalubag=loob nitong boses at sinabi, “kung may sipon ka, magpahinga ka na lang ng maayos dyan. Papunta na ako dyan ngayon.” Wala siyang maisip na ibang tao na makakapagparamdam sa isang malamig ang puso na tulad ni Terrence nag ganoong kahabang pasensya. Ang Bentley ay mabilis na humarurot palayo sa mismong harap ni Jane. isang malamig at mamamatay-taong hangin ng taglamig ang umihip. Hindwakan ni Jane ang namamanhid niyang pisngi. Kung ito man ay dahil sa nakakapwing na hangin o sa hindi nakikitang sampal sa mukha niya galing sa pagkakaibang ito, hindi niya alam. Mas masakit pa ito kesa sa sampal ni Bernadette.Nasaktan siya sa mismong harap nito, ngunit wala man lang itong binitiwang kahit isang salita ng pag-aalala. Samantalang
“Ate Joyce, ihatid mo na ang bisita palabas.” Hindi nakipagtawaran si Terrence kay Bernadette sa simula pa lang. Pagkatapos sabihin iyon, sumulyap siya kay Jane na may hindi maipaliwanag na ekspresyon, saka tumalikod at umakyat ulit sa itaas. Galit na galit si Bernadette, ngunit hindi nangahas na magsalita laban kay Terrence, ang napiling tagapagmana na nakatakdang humawak ng kapangyarihan. Ang tanging nagawa niya bago umalis ang dumilat nang matindi kay Jane, “walang silbi yang pagiging simpleng housewife mo. bukod sa pag-aayos ng kaldero at kawali, wala ka nang ibang alam. Ano naman kung maganda ka? Mas magaling pa rin si Olivia sayo sa kakayahan at talino. Bakit ka humantong sa ganito? Jane, dapat lang sayo yan!”Wala ng lakas si Jane para sumagot pa. Siya mismo sa sarili niya ay nararamdaman na ang lahat ng taon ng pagsusumikap at walang katuturang pag-asa ay bunga lang ng pagkakabulag sa sobrang pagmamahal.Pumunta si Jane sa bathroom. Maputi ang balat niya at kahit naitagil
At talagang tinawanan pa siya ng mga ito. Nakita rin niya ang kawalan ng pakialam ni Terrence at ang hindi man lang pagtatanggol nito sa kanya. Kahit pa ayaw na ni Jane kay Terrence, naramdaman pa rin niya… ang makitang nasaksihan ng ikatlong taong sumira sa kasal niya ang ganitong pambabastos sa kanya. Talagang nakakahiya. Malamig na sumulyap si Terrence kay Bernadette, sinabihan si Olivia na mag-uusap sila mamaya, at saka tinapos ang video call. Ang kalmado at hindi nagbabagong tingin ay gumuhit sa namumulang pisngi ni Jane bago tuluyang huminto sa mukha ni Bernadette. Ang boses nito ay manipis at malamig, “tita Bernadette, anong ibig sabihin nito?”Hindi agad nag-usisa si Terrence kung nasaktan ba siya. Hindi inaasahan ni Jane na makakakita pa ng kahit katiting na awa para sa kanya sa mukha ni Terrence. Sa nakalipas na pitong taon, matagal na siyang nasanay sa malamig nitong pakikitungo sa kanya. Tanggap na iyon ng sarili niya.Nang makatagpo ni Bernadette ang tingin ni Terr
Nakatayo si Terrence sa harap ng floor-to-ceiling window, habang ang cellphone niya ay nagpapakita ng video chat interface. Sa isang mabilis na sandali, nakita ni Jane ang mukha ni Olivia sa screen. Para silang… magkasintahang talagang nagmamahalan, na gustong magkita sa bawat sandali. Napakunot ang noo ni Terrence at tumingin sa kanya. Nang biglang itulak ni Jane ang pinto, malamig ang boses nitong nagtaning, “bakit hindi ka kumatok?” Ang mga salitang iyon ang siyang nagpagulat kay Jane. Bilang asawa nito, pagkatapos tumira sa bahay nila sa loob ng pitong taon, natagpuan niya ang sarili sa bagong patakarang iyon na kailangan na palang kumatok sa pinto dahil sa matamis na relasyon nito kay Olivia. “Lumabas ka nga!” malamig na utos ni Terrence.Para bang sinadya niyang pumasok para mag-usisa o makinig nang patago. Biglang kumirot ang puso ni Jane. kusang isinarado ang pinto at napaatras palabas. Hindi niya gustong saktana ang sarili kaya bakit pa siya manghihimasok para pakinggan
Sinasadya siyang pinapunta ng mga taong iyon doon para harangin at ipahiya. “Jane, aminin mo na ang mga pagkakamali mo. Mag sorry ka.” sabi ni Lance. “Kung naging mas totoo ka lang, hindi sana aabot sa ganito,” kawal na sabi ni Eugene habang itinututok ang daliri sa lamesa. “Tama yan, hindi buntis si Olivia. Malinis siya at walang tinatago. Wag mo siyang ipagkanulo sa ganyang klase ng bintang.” hindi alam ni Lance kung anong pumasok sa utak ni Jane para gumawa ng ganong walang katuturang tsismis. Alam nilang lahat na nakatanggap si Jane ng utang na loob sa pamilya Samaniego noong bata pa siya, at ang pamilya Samaniego ang nagdala sa kanya pabalik sa tahanan ng mga Samaniego. Sa logic ng mga bagay-bagay. Si Jane ay dapat na ituring na isa sa mga nakababatang kapatid ni Terrence.Sa kasamaang palad, ang nakababatang kapatid na ito ay walang hiya, kabubukas pa lang niya ng dalawampung taon nang makipagtalik siya kay Terrence. Ipinilit niya ang sarili sa isang magandang kasal. Hin
Isa pang kaibigan na si Lance ang pabirong nagtanong, “oo nga, bakit parang ang sama ng timpla ng mukha mo? Anong nangyari sayo?” Pagkaupo ni Eugene, sinulyapan niya si Olivia na nasa tapat niya. Ang babae ay napaka elegante at kagalang-galang, laging alam ang kanyang lugar at walang maipipintas sa mga kilos nito. Tapos ay ganoon lang pala ito pagtsismisan ni Jane sa likod nito!“Nakita ko si Jane sa baba.” Nang marinig ito, ang malamig at matalas namukha ni Terrence ay nanatiling walang eskpresyon habang kaswal na itinitiklop ang mga daliri sa mesa. Maliwanag na wala man lang silang konting interes sa asawa nito. Ipinagbuhos ni Olivia ng alak si Eugene at mahinahong nagsalita, “Nag-away ba kayong dalawa? Babae lang siya, wag mo ng dibdibin.”Nang makitang ipinagtatanggol pa ni Olivia si Jane, lalong naramdaman ni Eugene ang napakalaking pagkakaiba ng klase nilang dalawa. Sumandal siya sa upuan, nagkibit-balikat, at bahagyang natawa, “ alam mo ba kung anong sinasabi niya tungkol







