Share

Chapter 4

Author: VIENNA ROSE
last update publish date: 2026-08-05 10:32:02

Sa pagtatapos ng unang taon ng kasal nila, kailangang magtravel ni Terrence sa States para itatag ang foundation para sa kanyang unti-unting paghawak sa negosyo ng pamilya.

Nang gabing bago umalis si Terrence papuntang United States, nalasing siya sa isang gathering at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakalimutan niyang mag-ingat. 

Naging napakawalang hiya niya nang gabing iyon.

Iyon ang unang pagkakataon na napagtanto ni Jane na matapos siyang hindi makilala ni Terrence dahil sa kalasingan, hindi na ito tulad ng dati na malamig at walang pakialam. 

Dalawang buwan pagkaalis ni Terrence, nalaman ni Jane na buntis siya.

Kaya niyang kapain ang sarili niyang pulso. 

Nagulat siya dito. 

Noong panahong iyon, naisip pa niya na napakalinis na kung palaging naniniwala ang lalaki na hindi ito magkakaanak, ang kaniya kayang pagbubuntis ang magiging susi para maging maayos ang kanilang relasyon?

Kaya pinili niyang pakiramdaman muna ang sitwasyon.

Agad siyang lumipad papuntang New York. diretso siyang pumunta sa kumpanya nito nang may saya sa kanyang puso at pag-aasam. Naghintay siya ng dalawang oras sa gitna ng malamig na hangin. Lubos na nagulat si Terrence sa pagdating niya. Hindi nito ipinakilala ang pagkatao niya sa iba, sa halip ay inutusan lang ang assistant nito na dalhin siya sa kanyang bahay.

Noong panahong iyon, puno siya ng sigla at hindi napansin ang kalamigan ni Terrence sa pagtatangkang ilayo ang sarili sa kanya.

Nang umuwi ito ng gabi at naligo, hindi man lang ito nagtanong kung napagod ba siya sa mahabang  byahe. Yumuko ito para halikan ang tenga niya, ngunit ang mga mata nito ay nagpapakita lang ng malamig at obligadong kilos. 

Tila ba tumakbo siya doon sa hangaring makipagsex lang dito. 

Dahil sa hindi komportabelng pakiramdam, itinulak siya ni Jane, pinipigilan ang kaba sa dibdib niya at kakaba-kabang nagtanong, “kung mabuntis ako, tayo ba…?”

Ang mga salitang ito ay tila pumatay sa isa sa mga natitira niyang kakaunting sigla. 

Umalis si Terrence ng walang pag-aalinlangan, humiga sa tabi niya at ipinikit ang mga mata, na nagpapanatili ng distansya na nagpapahiwatig na nasa iisang kama man sila ay magkaiba naman ang kanilang pinapangarap.

“Kung iniisip mo na ang pagkakaroon natin ng maraming anak ang magiging pundasyon ng kasal natin, pinapayuhan na kita ngayon pa lang, kalimutan mo na.”

Ang tono niya ay nananatiling kalmado sa buong oras, ngunit napakasakit at napakadirekta non.

Sa loob-loob nito ay may nakatagong malamig na kawalan ng pakialam.

Nang gabing iyon, hindi siya nakatulog kahit isang iglap.

Gusto niyang umiyak, ngunit parang kasalanan din niya kung bakit niya ito ginawa sa sarili. 

Nang sumunod na araw, tila ba itinaboy siya ni Terrence, ikinuha siya nito ng plane ticket at inayos ang pagbabalik niya sa Pilipinas, dahil ayaw nitong magstay siya kahit kalahating minuto lang.

Naramdaman niya ang lungkot at pagkabigo, ngunit dahil sa pitong taong kasunduan sa divorce, naiintindihan niya na nakatadhana na ang huli niyang kapalaran, na nagtulak sa kanya na gumawa ng mabilis na desisyon. 

May pakialam man si Terrence sa bata o nakatatak na sa isip nitong wala siyang magiging tagapagmana, hindi siya maglalabas ng kahit isang salita dito. 

Ang batang nasa kanyang sinapupunan ay kanyang sariling dugo’t laman, at walang kinalaman kay Terrence!

Hindi siya magpapadala sa saloobin niya para saktan ang kanyang sariling katawan at ang kanyang anak dahil lang sa ganoong pag-uugali nito. 

Sa pagbabalik-tanaw ngayon, ito ay isang kaso ng pag-iwan sa ama at pagpapanatili sa anak. 

Ito nga ang pinakamatapang, pinaka nakakabaliw, ngunit ang pinakatamang desisyon na ginawa niya! 

Tungkol naman sa kung bakit “Allegria” ang apelyido ni Julia…

Si Julia Allegria ay hindi nakarehistro sa ilalim ng pangalan ng kanyang matalik na kaibigang si Julian.

Ang “Allegria” na ito ay hindi ang Allegria ni Julian Allegria. 

Kundi sa pinsan ni Julian na nakatakdang maging head ng pamilya Allegria. 

Naisip ni Jane ang lalaking handang tumulong sa kanya at hinayaan na ang bata ay palakihin sa ilalim ng pangalan niya– 

Umiling siya at tumingin sa f* account ni Julia.

Walang kahit sino sa pamilya Samaniego ang nakakaalam tungkol dito. 

Ngayon, ang anak niya na babae ang kanyang tanging pagmamay-ari sa pag-aayos ng divorce.

Kahit na si Terrence ay isang walang kwentang asawa, ano ang punto ng pakikipagtalo sa isang buhay na kasangkapan sa pag-aanak?

Pagkatapos magtapat ni Jane tungkol sa divorce, natulala si Julian ng ilang segundo. 

Sa kabilangbanda, siya ang mas nakakaalam kung gaano kamahal ni Jane si Terrence, mula noong kanyang kabataan hanggang ngayon, sa loob ng higit sampung taon. 

Ito ay napakasakit na pakiramdam, na parang hinuhugot ang puso niya at mga buto, ngunit ang tono ni Jane ay napaka kalmado.

Iyon ay isang gawi ng pagiging sanay na na nagmumula sa paulit-ulit na sakit.

Naramdaman pa ni Julain na kasalanan mismo ni Terrence ang hindi pagsasabi sa kanya na meron siyang anak na babae sa kinder! Ito ang karma niya!

Ngunit naintindihan ni Jane ang kanyang mga sama ng loob at agad na sumang-ayon: “ang mga lalaki ay parang ginamit na tissue paper– walang kwenta at nakakadiri. Ang pagiging cheap ang kanyang likas nakatangian! Ang basura ay dapat manatili sa basurahan!”

Natapos ang tawag.

Ipinagpatuloy ni Jane ang pag-iimpake sa kanyang mga personal na gamit.

Matapos ang pitong taon bilang isang mayamang asawa, dalawang maleta lang ang kanyan g naiuwi.

Tumingin siya ulit sa singisng na may dyamante sa daliri niya.

Dahan-dahan niya itong hinaplos, bagaman naging mainit at makinis na ito dahil sa matagal na pagsuot, pakiramdam pa rin niya ay hinihiwa ito ng kutsilyo.

Huminga siya ng malalim, at nang walang anumang pag-aalinlangan, tinanggal niya ito at inilagay sa folder para sa divorce agreement.

Sa ilalim ng dilim ng gabi, ang mga box ay ikinarga sa sasakyan.

Gabing-gabi na.

Nakatulog siya na suot pa rin ang damit niya kagabi pag uwi.

Kinabukasan ay nagising si Jane sa ingay ng mga taong naglilipat ng mga gamit sa ibaba.

Tatlong oras lang ang tulog niya at sa pakikinig sa ingay, pakiramdam niya ay may gumagamit ng pambutas para buksan ang bungo niya.

Kahit na hindi komportable ang pakiramdam, pagkatapos mag-ayos, inilagay niya ang file na naglalaman ng divorce agreement sa gitna ng mesa na ngayon ay wala ng laman.

Sinisigurado niyang mapapansin agad ni Terrence ang matagal nang hinihintay na sorpresa na ito pagpasok pa lang nito. 

Pagkatapos ay naglakad na siya palabas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Nakakalungkot nman ang kwento...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 163

    Malabong-malabo ang paningin ni Jane, at sa kaniyang kagustuhang mabuhay, wala siyang nagawa kundi ang kumapit sa salbabida na mabilis na sumusugod sa tubig. Ang mga braso ng lalaki na nakapalipot sa kanyang baywang ay malakas at matatag. Agad siya nitong inilabas mula sa tubig. Bumuhos ang oxygen sa kanyang mga baga sa isang iglap. Nagdilim ang mga mata ni Jane; ang kanyang mga nakaraang nakatatakot na karanasan ay nag-iwan sa kanyang isip na walang laman at nanginginig. "Jane?" Isang malamig at maakit-akit na boses ang nanggaling sa tabi ng kaniyang tainga. Nabuhat na siya papunta sa may gilid. Umiikot nang matindi ang kanyang ulo. Bahagya niyang ibinukas ang kanyang mga mata at nakita ang matalas at malinaw na linya ng panga ni Terrence. Basa ng tubig ang kaniyang maitim na buhok, at malamig ang kanyang ekspresyon. Mabilis siyang kumuha ng towel sa upuan sa kaniyang tabi at ibinalot ito sa katawan ni Jane. Naramdaman ni Jane ang isang matalas na sakit sa kanyang mga baga. May si

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 162

    Naramdaman ni Jane ang tila pagbara ng buhangin na may kasamang magma sa kanyang dibdib sa sobrang sikip. Mahapdi at tuyot ang kanyang lalamunan, na para bang may dugong nag-aalboroto sa kanyang loob. Nagulat siya nang labis. Kahit gaano pa kasama ang sitwasyon... Siya ay isang tao, hindi isang bagay.Naramdaman niyang hindi siya dapat pagmukhaing mababa ni Terrence nang ganun na lamang. Nakatutok pa rin ang camera kay Terrence at Olivia. Alam na alam niya kung ano ang iniisip ng lalaki. Dahan-dahan nitong itinaas ang kanyang mga mata—walang bakas ng galit o inis sa kanyang mukha. Hindi na hinintay ni Jane ang sagot ni Terrence. Ipinatapat na lang niya agad ang tawag. Pinisil ni Jane ang espasyo sa pagitan ng kanyang mga kilay.Wala na siyang kuryosidad sa magiging asal ni Terrence. Nagkahiwalay na sila ng landas at wala nang anumang ugnayan, kaya kung ano man ang isipin nito ay wala na siyang pakialam. Nakaupo si Penny sa tabi ni Jane, kaya likas na narinig niya ang buong pangyayar

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 161

    Ang private room, na puno ng soft music ay tahimik na lumubog sa isang maikling sandali. Biglang naging nakakatakot ang kapaligiran. Kahit si Lance, na karaniwang walang alalahanin, ay nawalan ng ngiti at tumingin kay Daniel nang may kawalan ng paniniwala. Gusto ni Daniel na i-seduce si Jane? Kusa at napakunot ang noo ni Eugene. Narinig na niya bago ito mula kay Daniel na interesado ito kay Jane, ngunit inakala niyang isang mabilisang interes lang iyon. Hindi niya kahit kailan naisip na makararating ito sa ganito. At ang pinakakrusyal na punto... Ang mga tila "napakabastos" na salitang ito ay sinabi pa mismo sa harap ni Terrence. Bumagsak ang kaniyang tingin sa mukha ni Terrence. Sa gitna ng kumukutikutitap na liwanag at mga anino, ibinaba ni Terrence ang kanyang mga pilikmata, habang pinapanood ang mga yelo sa kaniyang baso na humahampas sa gilid, at sumagot, "Kilala ko siya." Walang ipinapakitang anumang emosyon ang kanyang tono.Ang dalawang simpleng salitang ito ay may malali

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 161

    Ang private room, na puno ng soft music ay tahimik na lumubog sa isang maikling sandali. Biglang naging nakakatakot ang kapaligiran. Kahit si Lance, na karaniwang walang alalahanin, ay nawalan ng ngiti at tumingin kay Daniel nang may kawalan ng paniniwala. Gusto ni Daniel na i-seduce si Jane? Kusa at napakunot ang noo ni Eugene. Narinig na niya bago ito mula kay Daniel na interesado ito kay Jane, ngunit inakala niyang isang mabilisang interes lang iyon. Hindi niya kahit kailan naisip na makararating ito sa ganito. At ang pinakakrusyal na punto... Ang mga tila "napakabastos" na salitang ito ay sinabi pa mismo sa harap ni Terrence. Bumagsak ang kaniyang tingin sa mukha ni Terrence. Sa gitna ng kumukutikutitap na liwanag at mga anino, ibinaba ni Terrence ang kanyang mga pilikmata, habang pinapanood ang mga yelo sa kaniyang baso na humahampas sa gilid, at sumagot, "Kilala ko siya." Walang ipinapakitang anumang emosyon ang kanyang tono.Ang dalawang simpleng salitang ito ay may malali

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 160

    Sa madaling salita, hindi malilinis ni Jane ang kanyang pangalan tungkol sa paggamit ng mga bata bilang test subject. "Salamat sa pag-aalala mo, may plano ang Capital Care," Hindi binanggit ni Penny ang katotohanang may pwesto si Julian sa documentary. Kung sabagay, hindi natin pwedeng alertuhin ang kaaway. Naramdaman ngayon ni Lance na si Penny ay... ayaw tumanggap ng mabuti o masamang payo. Hindi mapigilang maguluhan. Plano nga ba talaga ni Penny na protektahan si Jane? Naintindihan din ni Olivia ang asal ni Penny. Hindi niya maiintindihan kung anong uri ng gayuma ang ginawa ni Jane kay Penny. Manatiling tahimik sina Jane at Terrence sa buong meeting. Ang tanging mga tunog sa elevator ay ang pag-uusap ni Olivia at ng iba pang mga executive tungkol sa intelligent triage robot. "Ms. Olivia, napakalayo ng iyong mga pananaw. Napakaraming kumpanya sa Pinas ang gumagawa ng smart healthcare, bakit mo pinili ang aming kumpanya?" Ngumiti ng malumanay si Olivia at tumingin kay Terrence n

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 159

    "Nagkaroon po ng emergency. Napakabihira po ng mga kwartong may ganoong tanawin. Bukod sa kwartong ito na nagkakahalaga ng 18,000 pesos ang tanging kwartong may tanawin ay ang presidential suite na nagkakahalaga ng higit sa 300,000 pesos bawat gabi."Naintindihan ni Jane. Ang hindi inaasahang sitwasyon ay may ibang taong kumuha nito.Tumingin siya sa receptionist, ayaw na maging mahirap ang mga bagay-bagay: "Ang ibig mong sabihin, kung gusto kong ma-enjoy ang view na iyon, pwede ko lang i-book ang presidential suite na nagkakahalaga ng higit sa 300,000 pesos?"Hindi na binabanggit na hindi pa nagpasa si Terrence ng mga dokumento para sa divorce. Kahit na meron talaga siyang ganoon karaming pera.Hindi natin kayang sunugin iyon.Hindi ba niya alam na mas maganda ang presidential suite?"Nandito ang order ko. Dapat hawakan nang maayos ng inyong hotel ang bagay na ito at bigyan ako ng isang kasiya-siyang sagot." Hindi rin madaling tapakan si Jane. Ayaw nilang magdusa nang tahimik.Nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status