Share

Chapter 6

Author: VIENNA ROSE
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-06 21:47:27

Isang buong taon siyang pinagmukhang tanga at ginawang tagapagsilbi ng kabit ng sarili niyang asawa.

Para siyang clone na pinaglalaruan ng lahat.

Kahit kailan ay hindi man lang siya tinrato ng kahit konting respeto.

Hindi na kaya ni Jane na magtiis pa, at sa malamig na boses ay binitiwan ang kanyang huling mga salita, “kung ayaw niyo sa akin sa pamamahay na ‘to, magsama-sama kayong pumunta sa impyerno!”

Biglang nagdilim ang mukha ni Bettina.

Gulat at hindi makapaniwala niyang tinitigan ang paalis na pigura ni Jane.

Kahit ang maid na nakatayo sa malapit ay napabuntong-hininga sa pagkagulat.

Nababaliw na ba si Jane sa sobrang pagseselos kay Ms. Olivia?

Paano niya nagagawang magsalita ng ganoon kabastos sa byenan niya?

Agad namang nakuha ni Bettina ang nangyayari, at malamig na na-ngiwi ang kanyang mga labi, “Napakababa talaga ng pinagmulan ng babaeng yan! Napakakitid ng utak! Akala mo ba makukuha mo ang puso ng asawa mo? Mangarap ka!”

Pagkatapos maiayos ang mga gamit, nagpunta so Jane sa ospital kung saan siya nagtrabaho ng apat na taon para magpasa ng resignation.

Ang dahilan kung bakit niya pinili ang ospital na ito na may common standards ay dahil hindi ito malayo sa Maynila. Ngayong ayaw niya na sa lalaki, wala ng dahilan para mag-aksaya pa siya ng panahon dito.

Kahit kailan ay hindi siya nawalan ng option, marami siyang mas magandang lugar na pwedeng puntahan.

Nakaplano siyang magdinner kasama si Julian ngayon.

Isinend na ni Julian sa kanya ang location.

Malapit lang ito.

Pagpasok na pagpasok niya sa restaurant ay kumaway agad sa kanya si Julian, ikinuha siya ng mainit na sabaw at inabot iyon sa kanya, “tapos ka na ba magfile ng resignation mo?”

Tumango si Jane, “medyo maayos na.”

“Anong reaksyon ni Terrence nung sinabi mong makikipag divorce ka na?”

Medyo curious pa rin si Julian tungkol dito.

Sa ugali kasi ng ganoong klase ng lalaki, malamang naisip pa nitong ang paghingi ni Jane ng divorce ay isang malaking sampal sa pride niya bilang lalaki, diba?

Tinitigan ni Jane ang bowl ng soup na umaangat pa ang puting usok at umiling, “hindi naman siya nagbigay ng opinion.”

Dahil totoo naman talaga. Hindi man lang ito umupo kasama niya ng mahinahon para mapag-usapan ng maayos ang divorce.

Kahit noong napuno na siya at nabanggit ang tungkol sa hiwalayan, nagawa pa rin siyang balewalain nito.

Sa totoo lang, nakakatuwa rin ang mga lalaki, ayaw na nga nila sayo, pero pa rin nilang iwan mo sila.

Nagmura s agalit si Julian habang nanggagalaiti ang mga ipin, “napakawalang hiya ng gagong lalaki nayan! Pitong taon! Kahit sino, magkakaroon ng reaksyon sa loob ng ganon kahabang taon, diba?”

Hindi alam ni Jane kung maiiyak ba siya o matatawa.

Ang sarili niyang pagkabigo, ang pambabastos sa kanyang tapat na puso ay napakalinaw at hindi matatakasan.

Siya lang ang nakakaalam ng mga hirap at dusa na tiniis niya sa loob ng pitong taon. Hanggang sa natuyo na lang ang kanyang mga luha.

Hindi na siya ang babaeng kumakapit na lang sa buhay sa pamamagitan ng pagmamakaawa para sa konting pag-ibig galing kay Terrence.

Nagtanong ulit si Julian kung bakit naisipan ni Jane na makipagdivorce. Hindi nagtago si Jane at tapat na sinabi kay Julian ang mga nangyari sa emergency room.

Nangitim ang mukha ni Julian sa galit. Agad niyang itinampal ang kamay sa lamesa at napatayo, “ang dalawang taksil na yan! Hindi man lang marunong magtago! Wala bang kahihiyan yang Olivia na yan?! Nakulong lang ng sandali ang fiance niya, tapos ginagawa niya na ang ganitong pambabastos kasama ang pinsan ng fiance niya?! At nabuntis pa siya?!”

Ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase ng tao sa buong buhay niya!

Alam ni Jane na diretshan magsalita si Julian at tumataas pa ang boses kapag nadadala ng sobrang emosyon.

Agad niyang hinawakan si Julian para pigilan.

Hindi rin naman kasi niya ganap na alam ang mga detalye sa nangyari kagabi. Iyon lang ang sinabi sa kanya ng nurse at pangkalahatang kwento lang ang naibigay niya kay Julian.

Napakasama ng kondisyon ng katawan ni Olivia kaya hindi man lang ito naisailalim sa tamang pag e-examine. Mababa rin naman ang tingin nila sa kakayahan niya bilang doktor at labis ang hinala sa kanya.

Pero huli na ang lahat.

Narinig ni Jane ang isang malamig na tawa galing sa likod niya.

Pumaling siya at makita ang isang lalaking nakatayo sa likod ng divider screen. Nakilala niya ito.

Si Eugene– isa sa iilang matalik na kaibigan ni Terrence.

Ang mga mata ni Eugene ay puno ng hindi maitagong pang-aasar at pagkadismaya, na malinaw na nagpapahiwatig na narinig niyang mabuti ang mga sinabi ni Julian.

At dahil doon… naniwala silang sinasadya ni Jane na magpakalat ng ganoong klaseng iskandalo.

“Jane, hindi ko akalaing napakababa pala ng lipad mo.”

Nangiwi ang mga labi ni Eugene habang nakatingin sa kanila ng may panghahamak, natawa nang malamig at mabilis na humakbang pataas ng hagdan.

Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon si Jane na makapagsalita.

Umayos ang kabilang kampo na para bang si Jane ang masamang taong gumawa ng kasalanan.

Hindi mapigilang mapakunot noo si Jane.

Agad na nag init ang ulo ni Julian, “grabeng mga tao ‘to! Sila na nga ang gumawa ng kagaguhan, sila pa ang walang hiya at takot na mapag-usapan? Dapat maglagay ng malaking tarpaulin sa ibaba ng ospital para ikalat yan! Sayang kung hindi lang babagsak ang stock market nila!”

Alam ni Jane na imposible iyon.

Maliban na lang kung ayaw na rin niyang tumira sa bansang ‘to.

Walang awa ang pamilya Samaniego, at ayaw niyang makipag-away ng sobra habang hindi pa siya fully established sa sarili niyang mga paa,

Pagkatapos ng lahat, alam niyang outnumbered siya at kailangan niyang protektahan si Julia, kay ahindi siya ganoon katanga para gawin iyon. Wala siyang balak na dibidbin ang ginawa ni Eugene.

*

Sa taas.

Malamig ang mukha ni Eugene nang itulak niya ang p***o at pumasok. Ang magarang private room ay puno ng mga tao. Ang nangunguna sa lahat ay walang iba kundi si Terrence, nakaupo siya ng may kagalang-galang at maayos na tindig, naglalabas ng matinding authority kahit hindimagsalita, at sulyap na tumingin sa kanya.

Sa mismong tabi nito ay si Olivia.

Bahagya siyang ngumiti kay Eugene at tinanong, “sinong nagpa-init ng ulo mo?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 12

    “Siguro naman, nabasa mo na yung tungkol sa pag-alis…” Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay mabilis na dumaan si Terrence sa tabi niya, hindi man lang nito napansin ang boses niya. Maya-maya ay narinig niya ulit ang mahinahon ta nakakapagpalubag=loob nitong boses at sinabi, “kung may sipon ka, magpahinga ka na lang ng maayos dyan. Papunta na ako dyan ngayon.” Wala siyang maisip na ibang tao na makakapagparamdam sa isang malamig ang puso na tulad ni Terrence nag ganoong kahabang pasensya. Ang Bentley ay mabilis na humarurot palayo sa mismong harap ni Jane. isang malamig at mamamatay-taong hangin ng taglamig ang umihip. Hindwakan ni Jane ang namamanhid niyang pisngi. Kung ito man ay dahil sa nakakapwing na hangin o sa hindi nakikitang sampal sa mukha niya galing sa pagkakaibang ito, hindi niya alam. Mas masakit pa ito kesa sa sampal ni Bernadette.Nasaktan siya sa mismong harap nito, ngunit wala man lang itong binitiwang kahit isang salita ng pag-aalala. Samantalang

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 11

    “Ate Joyce, ihatid mo na ang bisita palabas.” Hindi nakipagtawaran si Terrence kay Bernadette sa simula pa lang. Pagkatapos sabihin iyon, sumulyap siya kay Jane na may hindi maipaliwanag na ekspresyon, saka tumalikod at umakyat ulit sa itaas. Galit na galit si Bernadette, ngunit hindi nangahas na magsalita laban kay Terrence, ang napiling tagapagmana na nakatakdang humawak ng kapangyarihan. Ang tanging nagawa niya bago umalis ang dumilat nang matindi kay Jane, “walang silbi yang pagiging simpleng housewife mo. bukod sa pag-aayos ng kaldero at kawali, wala ka nang ibang alam. Ano naman kung maganda ka? Mas magaling pa rin si Olivia sayo sa kakayahan at talino. Bakit ka humantong sa ganito? Jane, dapat lang sayo yan!”Wala ng lakas si Jane para sumagot pa. Siya mismo sa sarili niya ay nararamdaman na ang lahat ng taon ng pagsusumikap at walang katuturang pag-asa ay bunga lang ng pagkakabulag sa sobrang pagmamahal.Pumunta si Jane sa bathroom. Maputi ang balat niya at kahit naitagil

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 10

    At talagang tinawanan pa siya ng mga ito. Nakita rin niya ang kawalan ng pakialam ni Terrence at ang hindi man lang pagtatanggol nito sa kanya. Kahit pa ayaw na ni Jane kay Terrence, naramdaman pa rin niya… ang makitang nasaksihan ng ikatlong taong sumira sa kasal niya ang ganitong pambabastos sa kanya. Talagang nakakahiya. Malamig na sumulyap si Terrence kay Bernadette, sinabihan si Olivia na mag-uusap sila mamaya, at saka tinapos ang video call. Ang kalmado at hindi nagbabagong tingin ay gumuhit sa namumulang pisngi ni Jane bago tuluyang huminto sa mukha ni Bernadette. Ang boses nito ay manipis at malamig, “tita Bernadette, anong ibig sabihin nito?”Hindi agad nag-usisa si Terrence kung nasaktan ba siya. Hindi inaasahan ni Jane na makakakita pa ng kahit katiting na awa para sa kanya sa mukha ni Terrence. Sa nakalipas na pitong taon, matagal na siyang nasanay sa malamig nitong pakikitungo sa kanya. Tanggap na iyon ng sarili niya.Nang makatagpo ni Bernadette ang tingin ni Terr

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 9

    Nakatayo si Terrence sa harap ng floor-to-ceiling window, habang ang cellphone niya ay nagpapakita ng video chat interface. Sa isang mabilis na sandali, nakita ni Jane ang mukha ni Olivia sa screen. Para silang… magkasintahang talagang nagmamahalan, na gustong magkita sa bawat sandali. Napakunot ang noo ni Terrence at tumingin sa kanya. Nang biglang itulak ni Jane ang pinto, malamig ang boses nitong nagtaning, “bakit hindi ka kumatok?” Ang mga salitang iyon ang siyang nagpagulat kay Jane. Bilang asawa nito, pagkatapos tumira sa bahay nila sa loob ng pitong taon, natagpuan niya ang sarili sa bagong patakarang iyon na kailangan na palang kumatok sa pinto dahil sa matamis na relasyon nito kay Olivia. “Lumabas ka nga!” malamig na utos ni Terrence.Para bang sinadya niyang pumasok para mag-usisa o makinig nang patago. Biglang kumirot ang puso ni Jane. kusang isinarado ang pinto at napaatras palabas. Hindi niya gustong saktana ang sarili kaya bakit pa siya manghihimasok para pakinggan

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 8

    Sinasadya siyang pinapunta ng mga taong iyon doon para harangin at ipahiya. “Jane, aminin mo na ang mga pagkakamali mo. Mag sorry ka.” sabi ni Lance. “Kung naging mas totoo ka lang, hindi sana aabot sa ganito,” kawal na sabi ni Eugene habang itinututok ang daliri sa lamesa. “Tama yan, hindi buntis si Olivia. Malinis siya at walang tinatago. Wag mo siyang ipagkanulo sa ganyang klase ng bintang.” hindi alam ni Lance kung anong pumasok sa utak ni Jane para gumawa ng ganong walang katuturang tsismis. Alam nilang lahat na nakatanggap si Jane ng utang na loob sa pamilya Samaniego noong bata pa siya, at ang pamilya Samaniego ang nagdala sa kanya pabalik sa tahanan ng mga Samaniego. Sa logic ng mga bagay-bagay. Si Jane ay dapat na ituring na isa sa mga nakababatang kapatid ni Terrence.Sa kasamaang palad, ang nakababatang kapatid na ito ay walang hiya, kabubukas pa lang niya ng dalawampung taon nang makipagtalik siya kay Terrence. Ipinilit niya ang sarili sa isang magandang kasal. Hin

  • HEARTBROKEN, I DIVORCED THE CEO AND KEPT HIS CHILD!    Chapter 7

    Isa pang kaibigan na si Lance ang pabirong nagtanong, “oo nga, bakit parang ang sama ng timpla ng mukha mo? Anong nangyari sayo?” Pagkaupo ni Eugene, sinulyapan niya si Olivia na nasa tapat niya. Ang babae ay napaka elegante at kagalang-galang, laging alam ang kanyang lugar at walang maipipintas sa mga kilos nito. Tapos ay ganoon lang pala ito pagtsismisan ni Jane sa likod nito!“Nakita ko si Jane sa baba.” Nang marinig ito, ang malamig at matalas namukha ni Terrence ay nanatiling walang eskpresyon habang kaswal na itinitiklop ang mga daliri sa mesa. Maliwanag na wala man lang silang konting interes sa asawa nito. Ipinagbuhos ni Olivia ng alak si Eugene at mahinahong nagsalita, “Nag-away ba kayong dalawa? Babae lang siya, wag mo ng dibdibin.”Nang makitang ipinagtatanggol pa ni Olivia si Jane, lalong naramdaman ni Eugene ang napakalaking pagkakaiba ng klase nilang dalawa. Sumandal siya sa upuan, nagkibit-balikat, at bahagyang natawa, “ alam mo ba kung anong sinasabi niya tungkol

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status