Se connecterIsa pang kaibigan na si Lance ang pabirong nagtanong, “oo nga, bakit parang ang sama ng timpla ng mukha mo? Anong nangyari sayo?”
Pagkaupo ni Eugene, sinulyapan niya si Olivia na nasa tapat niya. Ang babae ay napaka elegante at kagalang-galang, laging alam ang kanyang lugar at walang maipipintas sa mga kilos nito. Tapos ay ganoon lang pala ito pagtsismisan ni Jane sa likod nito!
“Nakita ko si Jane sa baba.”
Nang marinig ito, ang malamig at matalas namukha ni Terrence ay nanatiling walang eskpresyon habang kaswal na itinitiklop ang mga daliri sa mesa.
Maliwanag na wala man lang silang konting interes sa asawa nito.
Ipinagbuhos ni Olivia ng alak si Eugene at mahinahong nagsalita, “Nag-away ba kayong dalawa? Babae lang siya, wag mo ng dibdibin.”
Nang makitang ipinagtatanggol pa ni Olivia si Jane, lalong naramdaman ni Eugene ang napakalaking pagkakaiba ng klase nilang dalawa.
Sumandal siya sa upuan, nagkibit-balikat, at bahagyang natawa, “ alam mo ba kung anong sinasabi niya tungkol sayo? Napakasama! Hindi ko akalaing magiging ganoon kabastos ang isang babae kapag sobrang nagagalit.”
Isinalaysay niya ang lahat ng narinig mula kay Julian sa ibaba.
Si Terrence na noong una ay walang pakialam sa topic nila tungkol kay Jane, ay biglang naningkit ang mga mata at napakunot ang noo.
“Mismong si Jane ba ang nagsabi non?” tumingin siya, at ang tono ng boses niya ay walang ipinapakitang tuwa o galit.
Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Olivia.
“Dahil mismong si President Eugene ang nakarinig, hindi na yan magiging gawa-gawa lang.” nag-iwas siya ng tingin at tumugon para kay Eugene.
Agad na nagmura si Lance, “diba malinaw na paninirang-puri yan kay Olivia?! Babae rin naman si Jane, kaya pala napakagaling niyang mabigo sa buhay. Pitong taon siyang nagpakatanga pero hindi pa rin mahal. Wala na ba siyang alam kundi ang makipagpaligsahan sa kapwa babae?”
Nag-isip ito sandali at mabilis na idinagdag, “kung sisiraan man ako ng walang dahilan, kailangan ko ng paliwanag.”
Si Lance ang nagsabi niyon.
Huminga ng malalim si Olivia at nagtataning na tumingin sa tahimik na si Terrence.
Walang sinabi si Terrence, kinuha lang niya ang cellphone niya at tumayo para sagutin ang tawag.
Ayaw niyang makialam at wala siyang balak na pigilan ang mga ito. Nagkatinginan si Lance at Eugene at agad na nakuha ang gustong ipahiwatig ni Terrence.
Nang makita ang kawalang pakialam ni Terrence kay Jane, napayuko si Olivia at napangiti ng may kasiyahan.
—-
Bago pa man maiserve ang mga pagkain.
Hindi pa nakakadalawang subo si Jane nang may waiter na biglang lumapit sa kanila. “Pasensya na po, may doktor po ba dito? May pasyente po sa itaas na nagkakaproblema!”
Napakunot ang noo ni Jane at mabilis na napatayo, “sige, dalhin mo ako sa kanya.”
Hindi na sumama pa si Julian, busy ito sa pagsagot ng mga email sa trabaho.
Inakay si Jane ng waiter papunta sa isang private room. Dahil ang isip ay nakatuon sa pasyente, medyo nagmamadali niyang itinulak ang p***o.
Hindi niya inaasahang may tao rin pala sa loob. Sa bawat pagbukas at pagsara ng takip, ang taong humahawak sa kumukulong copper pot ay biglang naitagilid ito papunta sa kanya.
Mabilis na napaatras si Jane, ngunit nagulat siya nang bumangga ang likod niya sa isang matigas na dibdib.
Ang bewang ay maingat na niyakap ng malalakas na bisig at inilayo pabalik. Nanamnam niya ang pamilyar at maaliwalas na bango ng fir tree– ang amoy na pinakakilala niya sa kanilang mga pribadong sandali.
Mabilis na itinaas ni Terrence ang kamay niya para harangan ang copper pot na muntik nang humampas kay Jane.
Namutla ang waiter at nagmamadaling kinuha ang kaldero habang paulit-ulit na humihingi ng sorry.
Hindi kahit kailan inasahan ni Jane na makakasalubong niya si Terrence dito.
Akmang magpapasalamat na sana siya.
Ngunit nakita niya si Olivia na nakatayo sa likod ni Terrence.
Ligtas na nakatago ang babae sa likod ni Terrence na nagpakita ng pagkadismaya sa hindi inaasahang pagdikit ng katawan niya dito.
Mabilis na lumayo si Jane na para bang nakakita ng salot, iniiwasan ang sakop ng yakap ni Terrence.
Ang kilos na ito ay nagdulot kay Terrebce para sulyapan siya nang may pag-iisip.
“Takot ka rin palang masaktan? Akala ko pa naman napaka kapal ng mukha ni Ms. Jane at walang makakasakit sa kanya,” pangungutya ni Lance habang nakatingin sa eksena.
“Mabuti na lang at mabilis ang reaksyon ni Terrence, takot lang niyang aksidenteng masaktan si Olivia. Janem wag mo namang isipin na ipinagtatanggol ka niya, baka mapahiya ka lang,” papuri at paalala ni Lance na may halong ngiti.
Nanatiling walang pakialam si Terrence, ngunit hindi rin niya itinanggi ang sinabi ni Lance.
Naintindihan ni Jane na ang kalderong muntik nang bumagsak ay pwede ring makasakit kay Olivia.
Hindi siya tinulungan ni Terrence, pinrotektahan nito si Olivia at aksidente lang siyang nadamay sa pagtulong– isang simpleng side effect lang. Talagang hindi nag-isip ng malalim si Jane tungkol doon.
Hindi siya nag-aasume.
Nnanatiling tahimik si Eugene, ngunit ang mga mata niya ay naglalaman ng matinding paghamak.
Bagama’t hindi alam ni Jane ang buong nangyari, naramdaman niya agad na may hindi tama.
Pumaling siya para umalis, ayaw niya nang makipag-away pa sa kanila.
Biglang hinawakan ang pulso niya at ang mahahabang daliri nito ay gumuhit sa buto ng kamay niya. Napatalon ang puso niya at nang lumingon siya, nakatagpo niya ang malamig at madilim na mga mata ni terrence. Tinitigan siya nito, at ang malamig nitong boses ay parang tinik na tumarak sa kaibuturan ni Jane.
Sinabi nito, “magsorry ka kay Olivia.”
Naramdaman ni Jane na para bang pinasubo siya ng isang mouthful ng sulfuric acid, na pumaso sa kanyang puso at baga hanggang sa mawasak ang mga ito.
Malamig niyang sinalubong ang mga mata ni Terrence, “Dahilan.”
Sa tingin ko ay alam mo na ang sagot sa puso mo.
Tila ayaw ni Terrence na magsalita ng kahit anong bagay na makakasama kay Olivia.
Kaya naman, para makaiwas sa hinala, mabilis niyang binitawan ang kamay ni Jane.
Nahulaan ni Jane na marahil ay takot ito na masamain ni Olivia ang pisikal na pagdikit nito sa kanya.
Hindi siya tanga, sa nakikitang sitwasyon, agad niyang nabuo ang buong larawan.
Pinalaki at dinagdagan siguro ni Eugene ang mga sinabi ni Julian.
Please, support my new story thank you.
“Siguro naman, nabasa mo na yung tungkol sa pag-alis…” Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay mabilis na dumaan si Terrence sa tabi niya, hindi man lang nito napansin ang boses niya. Maya-maya ay narinig niya ulit ang mahinahon ta nakakapagpalubag=loob nitong boses at sinabi, “kung may sipon ka, magpahinga ka na lang ng maayos dyan. Papunta na ako dyan ngayon.” Wala siyang maisip na ibang tao na makakapagparamdam sa isang malamig ang puso na tulad ni Terrence nag ganoong kahabang pasensya. Ang Bentley ay mabilis na humarurot palayo sa mismong harap ni Jane. isang malamig at mamamatay-taong hangin ng taglamig ang umihip. Hindwakan ni Jane ang namamanhid niyang pisngi. Kung ito man ay dahil sa nakakapwing na hangin o sa hindi nakikitang sampal sa mukha niya galing sa pagkakaibang ito, hindi niya alam. Mas masakit pa ito kesa sa sampal ni Bernadette.Nasaktan siya sa mismong harap nito, ngunit wala man lang itong binitiwang kahit isang salita ng pag-aalala. Samantalang
“Ate Joyce, ihatid mo na ang bisita palabas.” Hindi nakipagtawaran si Terrence kay Bernadette sa simula pa lang. Pagkatapos sabihin iyon, sumulyap siya kay Jane na may hindi maipaliwanag na ekspresyon, saka tumalikod at umakyat ulit sa itaas. Galit na galit si Bernadette, ngunit hindi nangahas na magsalita laban kay Terrence, ang napiling tagapagmana na nakatakdang humawak ng kapangyarihan. Ang tanging nagawa niya bago umalis ang dumilat nang matindi kay Jane, “walang silbi yang pagiging simpleng housewife mo. bukod sa pag-aayos ng kaldero at kawali, wala ka nang ibang alam. Ano naman kung maganda ka? Mas magaling pa rin si Olivia sayo sa kakayahan at talino. Bakit ka humantong sa ganito? Jane, dapat lang sayo yan!”Wala ng lakas si Jane para sumagot pa. Siya mismo sa sarili niya ay nararamdaman na ang lahat ng taon ng pagsusumikap at walang katuturang pag-asa ay bunga lang ng pagkakabulag sa sobrang pagmamahal.Pumunta si Jane sa bathroom. Maputi ang balat niya at kahit naitagil
At talagang tinawanan pa siya ng mga ito. Nakita rin niya ang kawalan ng pakialam ni Terrence at ang hindi man lang pagtatanggol nito sa kanya. Kahit pa ayaw na ni Jane kay Terrence, naramdaman pa rin niya… ang makitang nasaksihan ng ikatlong taong sumira sa kasal niya ang ganitong pambabastos sa kanya. Talagang nakakahiya. Malamig na sumulyap si Terrence kay Bernadette, sinabihan si Olivia na mag-uusap sila mamaya, at saka tinapos ang video call. Ang kalmado at hindi nagbabagong tingin ay gumuhit sa namumulang pisngi ni Jane bago tuluyang huminto sa mukha ni Bernadette. Ang boses nito ay manipis at malamig, “tita Bernadette, anong ibig sabihin nito?”Hindi agad nag-usisa si Terrence kung nasaktan ba siya. Hindi inaasahan ni Jane na makakakita pa ng kahit katiting na awa para sa kanya sa mukha ni Terrence. Sa nakalipas na pitong taon, matagal na siyang nasanay sa malamig nitong pakikitungo sa kanya. Tanggap na iyon ng sarili niya.Nang makatagpo ni Bernadette ang tingin ni Terr
Nakatayo si Terrence sa harap ng floor-to-ceiling window, habang ang cellphone niya ay nagpapakita ng video chat interface. Sa isang mabilis na sandali, nakita ni Jane ang mukha ni Olivia sa screen. Para silang… magkasintahang talagang nagmamahalan, na gustong magkita sa bawat sandali. Napakunot ang noo ni Terrence at tumingin sa kanya. Nang biglang itulak ni Jane ang pinto, malamig ang boses nitong nagtaning, “bakit hindi ka kumatok?” Ang mga salitang iyon ang siyang nagpagulat kay Jane. Bilang asawa nito, pagkatapos tumira sa bahay nila sa loob ng pitong taon, natagpuan niya ang sarili sa bagong patakarang iyon na kailangan na palang kumatok sa pinto dahil sa matamis na relasyon nito kay Olivia. “Lumabas ka nga!” malamig na utos ni Terrence.Para bang sinadya niyang pumasok para mag-usisa o makinig nang patago. Biglang kumirot ang puso ni Jane. kusang isinarado ang pinto at napaatras palabas. Hindi niya gustong saktana ang sarili kaya bakit pa siya manghihimasok para pakinggan
Sinasadya siyang pinapunta ng mga taong iyon doon para harangin at ipahiya. “Jane, aminin mo na ang mga pagkakamali mo. Mag sorry ka.” sabi ni Lance. “Kung naging mas totoo ka lang, hindi sana aabot sa ganito,” kawal na sabi ni Eugene habang itinututok ang daliri sa lamesa. “Tama yan, hindi buntis si Olivia. Malinis siya at walang tinatago. Wag mo siyang ipagkanulo sa ganyang klase ng bintang.” hindi alam ni Lance kung anong pumasok sa utak ni Jane para gumawa ng ganong walang katuturang tsismis. Alam nilang lahat na nakatanggap si Jane ng utang na loob sa pamilya Samaniego noong bata pa siya, at ang pamilya Samaniego ang nagdala sa kanya pabalik sa tahanan ng mga Samaniego. Sa logic ng mga bagay-bagay. Si Jane ay dapat na ituring na isa sa mga nakababatang kapatid ni Terrence.Sa kasamaang palad, ang nakababatang kapatid na ito ay walang hiya, kabubukas pa lang niya ng dalawampung taon nang makipagtalik siya kay Terrence. Ipinilit niya ang sarili sa isang magandang kasal. Hin
Isa pang kaibigan na si Lance ang pabirong nagtanong, “oo nga, bakit parang ang sama ng timpla ng mukha mo? Anong nangyari sayo?” Pagkaupo ni Eugene, sinulyapan niya si Olivia na nasa tapat niya. Ang babae ay napaka elegante at kagalang-galang, laging alam ang kanyang lugar at walang maipipintas sa mga kilos nito. Tapos ay ganoon lang pala ito pagtsismisan ni Jane sa likod nito!“Nakita ko si Jane sa baba.” Nang marinig ito, ang malamig at matalas namukha ni Terrence ay nanatiling walang eskpresyon habang kaswal na itinitiklop ang mga daliri sa mesa. Maliwanag na wala man lang silang konting interes sa asawa nito. Ipinagbuhos ni Olivia ng alak si Eugene at mahinahong nagsalita, “Nag-away ba kayong dalawa? Babae lang siya, wag mo ng dibdibin.”Nang makitang ipinagtatanggol pa ni Olivia si Jane, lalong naramdaman ni Eugene ang napakalaking pagkakaiba ng klase nilang dalawa. Sumandal siya sa upuan, nagkibit-balikat, at bahagyang natawa, “ alam mo ba kung anong sinasabi niya tungkol







