Share

KABANATA 31

Nabasa ba niya ang iniisip ko?

Tinanggal niya ang seatbelt at inalalayan akong bumaba. Kita ko pa ang iilang basa sa damit niya. Linagay niya pa sa itaas ng ulo ko ang palad niya upang maiwasang mabasa ng ulan. Naharap ko ang kainan sa gilid.

Mabilis kaming lumakad doon at nagpagpag ng braso upang maialis ang basa ng ulan. Naglabas pa siya ng panyo at pinunasan ang mga balikat ko.

Napaiwas ako ng tingin at napalunok matapos maramdaman ang daliri niyang dumampi roon. Bahagya ko pang iniwas ang mga balikat huwag lang dumampi muli ang balat niya. Nagtataasan ang mga balahibo ko sa dampi niyon.

"Okay na." Umayos ako nang tayo at muling tumingin sa kanya.

Nahuli nito ang tingin ko. Nangunot pa ang noo ko sa bahagyang pagsilip ng ngiti sa mga labi niya. Pilit niya pang kinubli. Sa huli, tumango na lamang ito bago lumapit sa counter ng nagtitinda.

Umupo ako sa isang mesa at linib

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status