Share

CHAPTER 3

Penulis: Haneibuns
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-15 07:41:34

‘6 weeks ago? Noong ikinasal kami? Or before that? Is that why he arrived late while we were making preparations for the wedding?’

"Hindi. Wala namang nangyari sa amin. Someone called him before something happened to us," sagot ng babae.

Tila nakahinga nang maluwag si Zelena nang marinig iyon. Iiling-iling siyang umalis doon.

"It's all about you today," kunot-noong sambit niya saka siya nagmaneho.

Nang makauwi siya ay pabagsak siyang umupo sa sofa sa sala. Tumingin siya sa malaking wall clock at nakitang alas-diyes na ng gabi.

"Zelena, kumusta ang pinuntahan mo?" tanong ni yaya Tina na kakalabas lang mula sa kusina.

Napatingin naman siya.

"Nasaan po si Dylan?"

"Natutulog na siya. Nagpadala siya kanina ng pagkain sa office niya. Tinanong ko siya kung hindi ba siya susunod sa pinuntahan mo, kaso ang sabi niya ay busy pa siya."

Napakagat si Zelena sa loob ng kaniyang bibig saka siya tumayo. Inalalayan naman siya ni yaya Tina nang mapansing nahihilo ito.

"Hindi ka pa ba kumakain, hija?" tanong nito.

"Hindi pa po, 'Nay. Nawalan po kasi ako ng ganang kumain doon," sagot niya habang naglalakad sila patungo sa dining area.

Agad naman siyang inasikaso ni yaya Tina.

Habang ngumunguya siya ay sumagi na naman sa isip niya ang pagkapahiya at kung gaano niya iniiwasan ang mga mata ni Charmee noong high school pa lang sila dahil binu-bully siya nito dati.

Bahagya siyang natigilan nang abutan siya ni yaya Tina ng tissue kaya napaangat siya ng tingin.

"B-Bakit, 'Nay?"

"Lumuluha ka na, hija," sagot nito habang nakatingin sa kaniya ng may halong pag-aalala.

Napahawak naman siya sa kaniyang pisngi at naramdamang basa na nga ang magkabila niyang pisngi.

Agad niya iyong pinunasan at uminom ng tubig.

Naupo naman si yaya Tina sa harapan niya.

"Ano'ng nangyari, hija?" nag-aalalang tanong nito.

Matamlay namang ngumiti si Zelena.

"Madami pong nangyari, eh. And I was upset that Dylan didn't come, kaya ipinahiya po ako ng mga classmates ko, which they've been doing since we were in high school. Umasa po kasi ako."

Napasinghot siya.

"Alam niyo naman pong hindi ako perfect student noong high school ako, marami akong ginagawa para mapansin ako, but I didn't know that until now they still think of me that way," dagdag pa niya.

Hindi niya naituloy ang pagkain niya at pinunasan ulit ang pumatak niyang luha.

"Hindi mo naman sila kailangan sa buhay mo, anak. Ang mahalaga ay ikaw pa rin 'yan. Kilala mo ang sarili mo," pangaral ni yaya Tina sa kaniya.

Tumango naman si Zelena.

"Ganoon din naman po, eh. The people I need in my life, humihingi pa rin ako ng atensyon sa kanila. Nakakatawa nga po, kasi ang arte-arte ko, but I'm still a papansin kina Mommy and my husband."

Tumayo si yaya Tina saka siya niyakap. Pinigilan naman niyang mas lalong maiyak.

"I'm okay po. Thank you. Hindi ako puwedeng maging mahina, Mommy will get mad."

"Proud ako sa'yo, Zelena. Kahit ang daming ginawang masama sa'yo ng mommy mo, hindi ka nagrebelde," malumanay na wika ni yaya Tina.

Tumulo ang luha niya at hindi napigilang alalahanin kung gaano siya pahirapan ng kaniyang ina simula pa noong bata siya.

Kinabukasan ay mag-aalas-nuwebe na nang magising si Zelena. Namumugto ang kaniyang mga mata habang hinahaplos niya ang kaniyang noo, tinitignan kung may lagnat siya. Nakahinga siya nang maluwag nang maramdamang maayos naman siya.

Kakalabas pa lang niya sa kaniyang kuwarto nang mag-ring ang kaniyang hawak na cellphone.

Napalunok siya nang makitang ang kaniyang ina ang tumatawag.

"Yes, Mommy?"

Napahawak siya sa kaniyang ulo nang sumakit iyon.

"Hindi ka raw pumunta sa shop. I'll just tell you that we're having dinner later with the Romano family. Dorothy talked to me and invited me to come with you and your daddy," bakas sa tono nito ang pagiging istrikto.

"With Dylan?"

Pupungay-pungay ang mga mata niya nang itanong iyon.

"Of course kasama ang asawa mo," sagot naman nito.

Muntik na siyang mapatigil sa paglalakad nang makita si Dylan sa dulo ng hallway at ilang hakbang na lang ang layo nito sa kaniya.

‘He'll probably think of another reason not to come later.’

Umiwas siya ng tingin at patuloy sa paglalakad.

"Okay, Mom. I-text mo na lang sa akin kung saan tayo magkikita."

Tinignan niya ang kaniyang cellphone saka pinatay ang tawag habang naglalakad.

"Hey," mahinang tawag ni Dylan sa kaniya nang magkasalubong silang dalawa.

Iyon ang unang beses na tinawag siya nito.

Nilagpasan niya lang ito at napakunot-noo saka napapikit nang bahagya nang sumakit ulit ang ulo niya.

Dahil sa nangyari kagabi ay ayaw muna niyang makipag-usap sa kaniya. Lalo na at nalaman niyang may naka-fling itong babae bago ang kasal nila.

Narinig niyang tumigil sa paglalakad si Dylan, ngunit nagdirediretso lang siya sa paglalakad upang iwasan ito.

Bandang 6:30 ng gabi ay nagpunta na si Zelena sa restaurant na pagmamay-ari ng kaniyang parents. Hindi sila sabay na nagpunta ng kaniyang asawa dahil hindi niya alam kung pupunta ito.

"Zelena!"

Pagkababa niya ng kaniyang sasakyan ay nakita siya agad ni Dexter, ang kuya ni Dylan.

Ngumiti siya at kinawayan niya ito habang papalapit ito sa kaniya.

Mas matangkad ito kumpara kay Dylan, may suot na eyeglasses at halos hawig nito ang kapatid, moreno lang ang kulay nito.

"How was your month together with my brother? I mean, kumusta ang ugali ni Dylan?" tanong nito.

Natawa naman si Zelena.

"Kagaya pa rin ng dati. He's still a womanizer, pero cold pagdating sa akin. Funny, right?"

Tumango-tango naman ito.

Sabay silang naglakad papasok sa restaurant.

"Pumunta ako sa coffee shop mo yesterday, pero wala ka. Also this morning, I went there again," wika ni Dexter.

Napangiti si Zelena at nilingon ito habang naglalakad sila.

"Talaga, kuya? Pumupunta ka sa shop ko? 'Buti ka pa! By the way, I'll just tell my employees na on the house na ang drinks mo there," masayang sambit niya.

"Thank you. Sa tingin ko ay araw-araw na akong pupunta sa shop mo kung gano'n."

Nagtawanan silang dalawa.

Nagtungo sila sa garden area kung saan nandoon na ang mga parents nila.

Napatigil sa pagtawa si Zelena at nabigla nang makitang nandoon si Dylan. Seryoso itong nakatingin sa kanila ni Dexter.

Umiwas siya ng tingin at nginitian si Dexter nang hilain nito ang upuan at pinaupo siya.

Hindi pa rin niya pinansin ang kaniyang asawang nasa kaniyang harapan.

Nagsimula na silang kumain at nakikinig lang si Zelena sa pinag-uusapan ng kaniyang parents at ng parents ni Dylan.

"Dylan, aren't you considering having children?" tanong ni Arlene.

Nabulunan naman si Zelena sa kaniyang kinakain kaya napainom siya ng tubig.

Napasulyap siya sa kaniyang ina, nasa pagitan nilang dalawa ang kaniyang Daddy.

Nang tumingin siya kay Dylan ay seryoso itong umiinom ng wine.

Nakangiti namang tumango ang parents nito.

"Oo nga, Dylan. You're not young anymore. Maybe this is the time for our businesses to merge," wika ng ina ni Dylan na si Dorothy.

Hindi mapigilang mapalunok si Zelena dahil sa sinasabi nila.

"Didn't we just talk about me marrying Zelena so you could have something to hold on to while we pay off our debt? Bakit ngayon ay kasama na ang pagkakaroon ng anak sa kaniya?" seryosong sambit ni Dylan habang malalim ang tingin kay Arlene.

Napaiwas ng tingin si Zelena at biglang kumirot ang kaniyang dibdib.

"Why not? Alam nating lahat na mabait si Zelena, especially when it comes to you—"

"Bakit hindi na lang ikaw? I'm not interested in her. This is just business for you, isn't it?" pamumutol ni Dylan sa sasabihin ni Dexter habang seryoso itong nakatingin sa kaniya.

Napakagat naman si Zelena sa loob ng kaniyang bibig at pinipigilang maluha. Nag-uusap sila na parang wala siya roon at hindi iniisip ang nararamdaman niya.

Dahan-dahang tumayo si Zelena, ngunit agad din siyang napaupo nang hilahin siya ni Dexter. Napalingon siya at sinenyasan naman siya nito na manatili muna.

"Dylan, you're not a practical person, right? I won't be surprised if your businesses collapse because of you," komento ng ina ni Zelena.

Napatingin si Zelena kay Arlene, umiinom naman ito ng wine.

"It's so easy for you to do it, but you don't want to agree. Why? Dahil hanggang ngayon ay babaero ka pa rin?" dagdag pa nito.

"Mommy!" saway ni Zelena.

Pati sina Dorothy ay napatingin sa kaniya.

"Sa tingin ko ay next time na natin 'yan pag-uusapan. I will also talk to my son," malalim ang boses na sabi ng ama ni Dylan na si Maximo.

Ngumiti naman si Arlene.

"Sure. Mauuna na kami. Thank you for your time."

Tumayo na ito at kinuha ang kaniyang bag, sumunod naman sa kaniya si Alex, ang ama ni Zelena.

Napabuntong-hininga na lang si Zelena saka nagmamadaling sumunod sa kaniyang ina.

Naabutan niya ito sa parking lot.

"Mom, why did you say that to him?" sambit niya habang nakakunot-noo.

Nilingon naman siya nito matapos senyasan si Alex na paandarin na ang sasakyan nila.

"Kung ikaw, nahihirapan ka, I'll make another way!" magkasalubong din ang kilay nitong wika.

Napakuyom ang mga palad ni Zelena.

"Mommy, alam mo kung gaano kaimportante sa akin si Dylan. I've tried everything na alam kong mata-trap siya, but I still fail. I don't want to force him to love me—"

"Love? Who said he has to love you to give you a child? Are you really defending him to me even though he doesn't like you? Ipapaalala ko lang sa'yo kung ano ang role mo, you're just a pawn," pamumutol ni Arlene sa sasabihin niya.

Napatigil siya at biglang naging blangko ang kaniyang mukha.

"Ang tigas talaga ng puso mo, Mom. You want to insist on everything you want even if it's hard. That's why Dad also just follows what you want because you don't listen to him either. I wonder why he stays—"

Namuo ang luha sa mga mata ni Zelena nang sampalin siya nang malakas ng kaniyang ina. Sinamaan niya ng tingin si Arlene dahil iyon lang ang kaya niyang gawin.

Sa hindi kalayuan ay napatigil si Dylan sa paglalakad patungo sa kaniyang sasakyan nang makita ang tagpong iyon.

"Hindi aandar sa akin ang pagiging bratt mo! Fix what you did and do what I command! Huwag mo akong sinasagot-sagot, because you are just my daughter!" sambit ni Arlene habang dinuduro si Zelena.

Hindi siya nakapagsalita at umalis na ito sa kaniyang harapan saka pumasok sa sasakyan. Naiwan siya roon.

Ilang segundo nang makaalis ang parents niya ay hindi niya napigilang mapayuko at mapaiyak.

Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghagulgol.

Napalunok si Dylan nang makita siya at humakbang palapit, ngunit napatigil din agad siya nang makitang tumayo si Zelena saka nagmamadaling pumasok sa kaniyang sasakyan bago humarurot paalis doon.

Nang makauwi si Zelena ay nagpatuloy siya sa paghagulgol sa kaniyang kuwarto.

"W-Why am I doing this? Hindi na 'to para sa akin, para na 'to kay Mommy. I'm not even ready to have a child yet," humihikbing wika niya.

"I feel like I'm a lowly person, forcing Dylan and Mom to love me. Bullshit!"

Niyakap niya ang kaniyang unan at huminga nang malalim.

‘Ilang araw na akong umiiyak. Just because I'm protecting Dylan's feelings, even though he doesn't care about me.’

Kinabukasan ay hindi pumasok si Dylan sa kaniyang trabaho upang tapusin na lang sa kaniyang office ang mga naiwan niyang paperwork.

Nasa dining area siya habang nagkakape nang marinig niya mula sa kusina si yaya Tina na may kausap sa cellphone.

"Katee, hija, bakit ka napatawag?" tanong nito habang nagluluto.

"'Nay, busy po kasi ako ngayon. Puwede niyo po bang i-check si Zelly?" rinig ni Dylan na sabi ni Katee dahil naka-loudspeaker ang tawag.

Napatingin naman si Dylan sa kusina kahit hindi niya matanaw si yaya Tina.

"Sige, hija. Hindi pa siya bumababa, eh."

"Nilalagnat po siya. Tinawagan ko siya kagabi, she's crying. 'Nay, bawal po siyang umiyak nang matagal," sabi ng kaibigan ni Zelena.

Napakunot-noo naman si Dylan.

"Bakit, hija? Hindi ko alam 'yan," saad ni yaya Tina.

"Lalagnatin po siya kapag nasobrahan sa iyak."

"Sige, pupuntahan ko siya agad. Salamat, hija."

Pinatay na ni yaya Tina ang tawag at nagmadaling lumabas mula roon. Binati niya pa si Dylan nang madaanan siya nito.

Nang makapasok siya sa kuwarto ni Zelena ay nakahiga pa rin ito.

Agad na hinawakan ni yaya Tina ang noo niya at naramdamang nilalagnat nga ito.

"'Nay, gutom na po ako," namamaos na wika niya.

"Bumaba ka na, nakapagluto na ako. Tignan mo ang itsura mo, anak, namamaga pa ang mga mata mo."

"Nahihirapan na po ako, Nanay," saad ni Zelena saka siya naupo.

"Saan?"

"Mommy wants Dylan and I to have a child. Mahal ko po si Dylan, pero hindi ko siya mapipilit. At mas lalong ayaw na niya sa akin dahil sa ginawa ni Mommy," mahinang wika niya.

"Hindi naman ako puwedeng makialam, pero sana maisip ng Mommy mong hindi sa lahat ng bagay ay sasang-ayon ka," sabi ni yaya Tina.

Tumango naman siya.

"Hindi ko na rin po alam ang gagawin ko."

Bumaba na silang dalawa upang makakain na siya.

Bahagya pa siyang nagulat nang maabutan si Dylan na kumakain ng breakfast.

Ipinaghain siya ni yaya Tina. Hindi siya umiimik dahil naalala na naman niya ang nangyari kagabi.

Nakatayo lang ang kanilang kasambahay sa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Ang cute siguro ng magiging anak niyo," wika ni yaya Tina.

Nabulunan si Zelena sa kaniyang narinig at nanlaki ang mga mata niya nang iusog ni Dylan ang isang baso. Napatingin siya, ngunit wala sa kaniya ang paningin ni Dylan.

Agad siyang uminom at tila nasamid ulit kaya binigyan na siya ng tubig ni yaya Tina.

"So mapait!" angal niya sa ibinigay ni Dylan. Kape niya pala iyon.

Uminom siya ng tubig saka tumingin kay yaya Tina na parang nagtatanong.

"Kumain ka na, hija, para makainom ka na ng gamot."

"Kahit hindi na po, it will probably disappear later. Kailangan ko lang ng pampagising," sagot naman niya.

"Sige, ipagluluto kita ng tinola," saad naman ni yaya Tina.

"Hindi na po. I need alcohol."

Tumayo na siya at naunang lumabas doon, naiwan naman ang kaniyang asawa.

Naligo muna siya saka nagtungo sa pinakadulong kuwarto sa hallway.

Isa iyong maliit na bar na para sa kanila. Binuksan niya ang ilaw saka huminga nang malalim habang tumitingin sa mga inumin sa isang malaking ref.

Kinuha niya ang isang beer saka agad iyon ininom.

Napakunot-noo siya nang bumukas ang pintuan. Dahil nakatalikod siya, hindi niya agad nakita kung sino ang pumasok.

Nakita niya si Dylan mula sa reflection nito sa ice bucket na nakapatong sa bar counter.

Nagtaka siya kung bakit pumasok ito roon, dahil sa mga ganitong oras ay abala ito sa kaniyang office.

Tumingin si Zelena sa wall clock habang umiinom at nakitang mag-aalas-onse pa lang ng umaga.

Kumuha ulit siya ng beer at uminom.

Muntik na siyang masamid nang tumabi sa kaniya si Dylan at tumingin sa ref.

Umusog siya at ibinaba ang beer sa bar counter.

"Nakipag-away ka na naman? Why was your right cheek red?" pagmamaangmaangan ni Dylan. Hindi ito nakatingin sa kaniya.

Iyon ang unang beses na magtanong ito sa kaniya.

Naguluhan naman si Zelena at napaisip kung bakit ganoon ang tanong nito dahil hindi naman siya nito nakitang lumabas pa ng kanilang bahay.

"I-I just slipped at tumama ang mukha ko sa pader," pagsisinungaling niya.

"It was disgusting," wika ni Dylan saka humarap sa kaniya kaya napaatras siya at napalunok.

"A-Ang alin?"

"When you were seducing me," seryosong sagot nito.

Napaawang naman ang bibig niya.

"S-Seducing? Seducing you? I'm your wife, at hindi kita inaakit."

"I know what you did. Akala ko ay alam mo na kung ano'ng klase akong tao? You're even proud that you know me so well. But why didn't you think na baka 'yong mga ipinainom mo sa akin ay natikman ko na?" nakangising tanong nito.

Hindi makapagsalita si Zelena dahil sa mga tanong nito at ang unang beses niyang pagkakita sa ekspresyon nito ngayon.

"I-I don't..."

Hindi niya maituloy ang sasabihin at mas lalo siyang napatigil nang kunin ni Dylan ang iniinom niya beer mula sa bar counter at inubos iyon sa harapan niya.

Tumango-tango si Dylan nang maubos iyon saka tumalikod.

Nakahinga naman si Zelena nang maluwag.

Nanlaki bigla ang mga mata niya nang humarap ulit si Dylan at itinulak siya kaya napadikit ang katawan niya sa bar counter.

"Is this what you want?" malumanay na tanong ni Dylan habang yumuyuko at inilalapit ang mukha niya kay Zelena. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa bar counter at nakakulong naman siya sa pagitan ng mga ito.

Malakas naman ang kabog ng dibdib ni Zelena at parang mabibingi na siya.

Napalunok siya at umiwas ng tingin, ngunit hinawakan ni Dylan ang baba niya at nagtama ulit ang paningin nila.

"W-What are you doing?" namamaos na tanong niya.

Dahil sa kaba ay iniatras niya ang kaniyang mukha, ngunit mas lalo siyang naestatwa nang mahigpit na hawakan ni Dylan ang kaniyang panga.

Ilang beses siyang napamura sa kaniyang isipan.

Ramdam na rin niya ang paghinga ni Dylan dahil sa katawan nilang magkadikit.

Ipinadaan nito ang kaniyang hinlalaki sa labi ni Zelena. Tila nakuryente naman siya sa ginawa nito.

Mas lalong inilapit ni Dylan ang kaniyang mukha.

"Fuck. Your scent. You always smell like vanilla," mahinang saad nito habang magkatitig sila.

Tumayo ang balahibo ni Zelena dahil sa boses nitong nang-aakit.

Halos huminto ang paghinga niya nang maramdaman ang labi ni Dylan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • HER COLLATERAL HUSBAND   CHAPTER 13.1

    "Hija, gabi na, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni yaya Tina kay Zelena nang makita niya itong umiinom ng alak sa poolside."Later, 'Nay."Napabuntong-hininga naman ito."I've been holding on for a long time, 'Nay. Paulit-ulit na lang ang mga nangyayari," sambit ni Zelena saka uminom."Kaya mo pa bang kumapit kay Dylan? Kasi kung hindi mo na kaya, puwede ka namang magpahinga," paalala nito.Napatingin naman siya kay yaya Tina."He's just using me, I think I've gone blind dahil sa pagmamahal ko sa kaniya, 'Nay. Sa tingin ko nga ay ginagawa niya lang ito dahil may binabayaran silang utang sa amin.""Ano na ang plano mo ngayon sa pagbabalik ng ex-girlfriend niya?" nag-aalalang tanong nito.Matamlay naman siyang ngumiti."Mananatili po ako rito hanggang sa kaya ko. I will stay until I think there is still hope for Dylan and me."Tumango-tango naman ito saka hinaplos ang kaniyang likod saka siya iniwan.Naalala na naman niya ang nasaksihan niya kanina at napakuyom ang kaniyang mga palad.

  • HER COLLATERAL HUSBAND   CHAPTER 12.2

    Naramdaman ni Zelena na may nakahawak sa kaniyang kamay nang magkaroon siya ng malay. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata.Napaupo agad siya nang maalala ang lalakeng humahabol sa kaniya."Zelly, calm down."Napatingin siya sa kaniyang gilid at nakita sina Katee, Lily, at yaya Tina.Napahawak siya sa kaniyang noo nang kumirot iyon. Nakapa niya ang gasa roon dahil nasugat siya."W-Why am I here? They didn't get me?" naguguluhang tanong niya.Napakunot-noo naman sila."Sino'ng kukuha sa'yo, hija?" tanong ni yaya Tina.Umayos naman siya ng upo at inalalayan siya ni Katee."S-Sinundan ko po kasi si Dylan. As I was walking inside the subdivision, a man was looking at me. Hinabol niya ako. Tapos biglang may bumangga sa akin. I heard the man talking to someone on his cellphone and he asked if they were going to get me," nauutal na sagot niya saka siya napalunok."What?!" eksaheradang sambit ni Lily."Pero may nagdala sa'yo dito sa hospital. Ang sinabi nila ay nakita ka nilang nas

  • HER COLLATERAL HUSBAND   CHAPTER 12.1

    "P-Please, can I see Dylan?" pag-uulit ni Yanna.Tila nanlambot naman si Zelena habang nakatingin sa kaniya."H-He's not—He's not home yet," nauutal at nalilitong sagot niya.Nagtitigan silang dalawa at ramdam niya ang pagiging desperada ni Yanna at ang pananabik nitong makita si Dylan.Napatingin silang dalawa sa kalsada nang may pumaradang sasakyan doon at bumusina sa kanila.Napalunok siya nang makitang ang sasakyan ni Dylan iyon.Bumaba sa sasakyan si Dylan dahil nakahrang ang sasakyan ni Yanna sa gate."It's already late, why are you still outside? Go talk inside—"Napatigil sa pagsasalita ang asawa ni Zelena habang papalapit sa kanila nang mamukhaan ang babaeng kausap niya.Napakagat-labi siya at nagbabadya ang luha dahil hindi niya alam kung kakayanin niyang mag-usap sa harapan niya ang kaniyang asawa at ang ex-girlfriend nito."D-Dylan," wika ni Yanna at agad siyang lumapit at niyakap ito.Napaiwas naman ng tingin si Zelena.Napatingin naman si Dylan sa kaniya at napansin ang

  • HER COLLATERAL HUSBAND   CHAPTER 11

    H*nalikan agad ni Dylan si Zelena habang unti-unti niya itong inihihiga sa kama.Napakapit naman si Zelena sa batok nito at hindi mapigilang makagat ang labi ng kaniyang asawa.Napalunok siya nang maramdamang bumaba ang kamay ni Dylan at napunta sa kaniyang underwear at dahan-dahan niya iyong ibinababa.Napapikit siya at hindi maiwasang manginig.Tumigil si Dylan sa kaniyang ginagawa at hindi pa gaanong ibinaba ang suot ni Zelena."Are you sure you want to do this? You're shaking," sambit nito.Napabukas ng mga mata si Zelena at tumingin sa kaniyang asawa at dahan-dahang tumango.Wala namang sinayang na segundo si Dylan at ibinaba na nang tuluyan ang kaniyang suot na underwear."Fuck," saad nito at pinagmasdan ulit ang buong katawan ni Zelena.Hinaplos niya ang mga hita ng kaniyang asawa at hindi naman maiwasang mapapikit ni Zelena, lalo na nang maramdaman ang mainit na palad ni Dylan.Marahas at mabilis na tinanggal ni Dylan ang sarili niyang pang-itaas na damit at ang kaniyang slack

  • HER COLLATERAL HUSBAND   CHAPTER 10

    "D-Dylan," hinihingal na sambit ni Zelena nang binitawan na siya nito.Nagmulat ng mga mata si Dylan saka inilayo ang kaniyang mukha."I-I'm sorry. I was..."Hindi niya maituloy ang sasabihin at nakatitig lang kay Zelena.Ilang segundo silang nagtitigan hanggang sa tumayo si Dylan at napalunok.Napapikit na lang sa hiya si Zelena at hinayaang umalis ang kaniyang asawa.Nang makapasok naman si Dylan sa kaniyang kuwarto ay napatingin siya sa kaniyang sarili sa salamin.Madiin siyang napapikit at sinuntok ang pader sa gilid ng salamin."This fucking lust," gigil na sambit niya.Nagmulat siya ng kaniyang mga mata at tinignan ulit ang sarili saka bumuntong-hininga.Biglang nasamid si Zelena sa kaniyang iniinom nang pumasok sa dining area si Dylan.Matapos ang nangyari sa kanilang dalawa ay hindi pa sila nagkakausap, at tila umiiwas sila sa isa't isa.Inilapag ni yaya Tina ang niluto niyang meryenda sa harapan nila at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa."Hija, okay ka na ba

  • HER COLLATERAL HUSBAND   CHAPTER 9

    Napangisi si Drake saka pinunasan ang kaniyang bibig nang dumugo iyon dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Dylan sa kaniya."Wala akong dapat sabihin sa'yo, Mr. Romano.""Stop pretending to be fucking respectful, because you're not. Ang galing mong magpanggap," kunot-noong saad ni Dylan.Tumawa naman ito."Believe me, mas mabait pa rin ang tingin ni Zelena sa akin kaysa sa'yo. I know how to take her from you, because I'm the only ex-boyfriend she loves the most."Napangisi naman si Dylan."Really? And I'm the only guy she's obsessed with."Umiling-iling naman ito."Hindi mo na siya malalapitan ulit. We're done. You are no longer my business partner," dagdag pa niya."Are you threatened?" tanong nito."Why would I be threatened by you? Sino ka ba? Ah, isang biglang yumaman dahil nang-scam ng tao? Did you think I didn't do a background check on you?" natatawang saad ni Dylan."Hindi ko alam na dadating ka pa sa puntong iyan, Romano. Zelena is the only reason why I'm like this. At sa tingi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status