Share

CHAPTER 6

CHAPTER 6

INIS naman akong napamura dahil kanina pa ako binabara ng amo ko. Lord naman, bakit ba itong lalaki pa ang naging amo ko? Pwede iba nalang?

"Ano ba?!"Inis na sabi ko sa kaniya and he just looked at me nonchalantly.

"Seriously? Ikaw pa ang may ganang mainis e ikaw nga ang nakabasag ng vase!"Inis na pasigaw nito.

Hindi ko mapigilang hindi siya pamewangan at duruin, wala akong paki-alam kung amo ko siya.

"Excuse me?! Pero tinulak mo ako, kung hindi mo sana ako tinulak edi buo pa sana ang milyones na vase na 'yan!"Inis na sabi ko sa kaniya.

Aba'y, hindi ako magpapatalo.

"Kung hindi ka lang sana lampa, edi sana hindi mo 'yan masira!"Paninisi nito sa'kin.

Napapikit naman ako dahil sa inis, kung pwede lang sanang suntokin ko ito hanggang sa mawalan ng malay, kanina ko pa ginawa. Letsugas na among 'to, sarap ibalibag kasama ng kaniyang high-tech na wheelchair!

"Ah, so sinasabi mo na it's my fault?"Nakapamewang na sabi ko sa kaniya na ikinaingos naman nito.

"Yes! It is your fault kaya ikaw ang magbayad ninyan at ikaw rin ang humarap kay mama at iiexplain sa kaniya kung anong nangyari."Sabi nito at saka pinagkrus niya naman ang kaniyang braso.

Napakuyom naman ako dahil sa inis at saka hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya duru-in dahil sa galit. "Bushit ka! Wala nga akong pera tapos ako pa ang magbabayad sa milyones na vase na 'yan?"

Nagkibit-balikat naman ito na mas lalo kong ikina-inis. "Bushit ka talaga, Sir. I hate you to the moon and back!"

Nagpapadyak naman ako dahil sa inis. Muli naman itong nagsalita, "I feel the same way."

"Kainis ka! Saan naman ako makakahanap ng milyones na pera? Magbebenta ako ng shabu? Marijuana? or Kidney, heart and lungs nalang ang ibenta ko?"Sarkastikong sabi ko sa kaniya at tumango naman ito at saka ngumise.

"Nice. Ibenta mo na ang bodyparts mo. Pero mukha namang walang bibili diyan e."Pang-aasar niya na mas ikina-init ng ulo ko.

"Hoy! Ang kapal naman ng packing face mo! Sa ganda ko ba namang 'to!"Inis na sabi ko sa kaniya na ikinatawa naman niya.

"Maganda ka? Okay ka lang ba? Baka blurred na ang mga mata mo."Natatawang sabi niya na halata namang nang-aasar.

Bushit na lalaking 'to, sabing maganda ako e! Gusto niya isampal ko pa sa kaniya ang listahan ng mga taong nabusted ko e! Letsugas!

"Mata mo ang sira."Sabi ko sa kaniya na mas lalong ikinahakhak naman niya.

"Gago."

"Ikaw ang gago, Sir. Bahala ka na sa buhay mo, ikaw na ang magpaliwanag sa Mama mo total ikaw naman ang tumulak sa'kin kaya ko nasagi ang milyones niyong vase at saka nabasag ito. Basagin ko rin kaya ang itlog mo."Mataray na sabi ko sa kaniya na ikinatigil naman niya.

"What did you say?"Tanong nito pero benelatan ko lang siya at saka nagmamartsang pumunta sa kusina para magluto ulit ng makakain nila.

Lagyan ko kaya ng lason ang pagkain ni Sir tapos isang kain niya lang, mababaliw na siya sa kagandahan ko. Teka nga, baka naman sabihin pa nila na kinulam ko si Sir kaya 'wag nalang.

Ang ganda ko naman para lang maging isang mangkukulam. Hindi 'yan bagay sa isang katulad ko.

Sabay kami ni Sir na napatigil ng bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang Mama niya, napatingin naman ito sa gawi ko at saka nginitian ako.

Ma'am, pagnalaman mo na ako ang sumira sa milyones na vase niyo, malamang hindi niyo na ako ngitian ng gano'n.

Pumunta naman ito sa direksyon ni Xiewez, napatigil naman ito sa paglalakad ng makita niya na wala na ang kaniyang vase na nakadisplay sa table malapit sa TV nila.

Napatingin naman ito sa kaniyang paa na kung saan ang naapakan na nito ang sira-sirang vase niya.

Napatili ito at napatingin sa kaniyang anak na parang wala lamang ito sa kaniya.

"Who did this?!"Galit nitong tanong kay Xiewez pero hindi naman siya sinagot nito bagkus ay may pinindot na naman ito sa kaniyang high-tech na wheel chair at saka pumunta sa kaniyang kwarto.

Pumunta naman ako sa direksyon ni Ma'am at saka lumuhod na ikinasinghap naman niya.

Niyuko ko naman ang ulo ko."Ma'am sorry po. Ako po talaga ang may kasalanan, ako po ang nakabasag sa vase niyo po. Kung gusto niyo po, ibenta ko nalang po ang kidney ko o kahit na itong heart ko para lamang mabayaran ang vase niyo po."

Bumuntong hininga naman ito at saka lumuhod upang magpantay ang aming mukha.

"Okay lang. No need to sell your kidney or so whatever, I understand. But next time, you have to be careful. Okay?"Nakangiting sabi niya at tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Thank you po, Ma'am. Pasensiya na po kayo ulit kung medyo buchacha ako."Natatawang sabi ko sabay kamot sa batok ko.

Napakunot naman ito sa sinabi ko. "Buchacha? What is that?"

Muntik na akong mapamura dahil sa kung ano ano nalang ang sinasabi ko. Ang hilig ko kasing gumawa ng aking own words kaya sina Mama, medyo sanay na pagmagsasalita ako ng aking own words.

Buti nalang din at naka-intindi rin sila sa'kin.

Napangiwi naman ako. "Opo, buchacha is parang malamya o clumsy sa tagalog."

Pilit naman itong ngumite sa'kin habang nakakunot pa rin ang noo nito. "Where did you learn that words?"

Mahina naman akong natawa sa sinabi niya. "Naku po, ako po mismo ang gumawa ng aking sariling salita kaya po dapat po na hindi na kayo magtatakha kung marinig niyo na naman akong magsalita na parang ibang lengguwahe."Ani ko na mahina naman niyang ikinatawa.

"Ano namang lengguwahe 'yan?"

"Yvey's language po."Nakangiting sabi ko na mahina naman niyang ikinatawa.

"Sige, papayagan kitang mag Yvey's language basta maglagay ka rin ng meaning para malaman namin ang ibig sabihin ng iyong sinabi."Nakangiting sabi niya na ikinangite ko at saka nagthumbs up rin.

"Okay po."

"Sige, wait nga, ito may ipapatranslate ako sayo in english."Aniya na ikinatango ko naman.

"Sure naman, ano ba 'yan?"Kampanteng sabi ko sa kaniya.

Sus, magaling akong mag-english.

"Ano ang english ng walang jowa at walang dede?"Natatawang sabi niya na ikinakunot ko naman.

Walang jowa at walang dede...

Ngumise naman ako sa kaniya."Ma'am, it's no boobs, no boyfriend."

"Putcha!"Natatawang sambit nito na ikinatawa ko rin.

"Ayos ba? Sabi ko naman sa inyo Ma'am na magaling akong mag-english e."Sabi ko sa kaniya pero si Ma'am, hindi pa rin tumigil sa kakatawa.

Hinawakan ko naman ang balikat nito. "Hoy, Ma'am okay ka lang ba? You need wotah?"

Napatigil naman ito sa paghalakhak at saka napapahid sa kaniyang mga mata dahil may mga luhang nagsilaglagan dahil sa Tears of Happiness.

"Anong wotah?"Natatawang sabi nito.

"Water po 'yan Ma'am."Sabi ko sa kaniya.

"Where did you learn those words?"Takhang tanong niya sa'kin.

"From Peppah Pig."Sabi ko sa kaniya habang ang salitang Peppah ay parang pinabritish accent ko.

"Nakatatawa ka talaga."Natatawang sabi nito.

"Sus si Ma'am, gawin ba naman akong clown. Hindi po ako clown ma'am."Sabi ko sa kaniya.

"Ewan ko nalang sa'yo, sige na maghanda ka na ng panghapunan natin at pagkatapos mong magluto ay puntahan mo si Dhale."Sabi nito at saka tumayo na mula sa kaniyang pagluluhod.

"Okay po, noted. Bakit nga po pala gusto niyong puntahan ko si Sir?"Takhang tanong ko naman sa kaniya.

"Syempre dapat kailangan niyang kumain. Isa pa, isa 'yan sa trabaho mo na alagaan at bantayan ang amo mo, kaya dapat manatili siyang healthy."Sabi niya at tumango naman ako saka ngumite.

"Okay po, Ma'am. I understand."Nakangiting sabi ko at gumanti rin naman ito ng ngite saka ito umalis patungo sa kwarto niya.

•End of Chapter 6•

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status